webnovel

Chapter 10 : Black Dream

A Killer's Steps

Chapter 10 : Black Dream

YERIN POV

Pag mulat ko, itim ang nakikita ko

Oo nga pala nahimatay ako. Agad akong napatayo at napagtanto ko na di ko na pala alam kung nasaan ako

Nasaan nga ba ako?

Nilibot ko ang paningin ko pero wala talaga akong makita. Ass in pitch black lang. Kinusot ko amg mata ko saka lamang mas luminaw

Bat ako nasa gubat? Anong ginagawa ko dito? Paano ako nakapunta dito?

"Guys?! Ate Wish?!" Sigaw ko pero wala aking madinig. Nag e-echo lang yung boses ko sa kawalan. malamig ang simoy ng hangin na tila bay niyayakap lang ako ng hangin.

"Star?! Yuju?! Umji?! Nasaan na kayo?!" naiiyak na sigaw ko. Pero walang sumasagot sa tawag ko. Nag e-echo lang talaga. Natatakot na ako

"Yehan" ang boses na yun. Huminga ako ng malalim saka ako lumingon sa pinanggagalingan ng boses

At oo. Nandun siya. Nakatayo at nakangiti sa akin

"Mommy" umiiyak na sabi ko saka ako tumakbo sa kanya at niyakap siya. Miss na miss ko na ang mama ko

"Shhh don't cry baby. Magpakatatag ka. Malaki kana. Sana kaya mo nang ipagtanggol ang daddy at big bro mo. Pati ang mga kaibigan mo" sabi ni Mommy kaya napakalas ako sa yakap

"Pero bakit mommy? Buhay ka naman. Balik kana sa min please" nagmamakaawang sabi ko. Pero umiling lang siya

"Yehan" napalingon naman ako sa likuran ko at nakita ko ang malungkot na muka ni ate Jasmin

"Ate.. Buhay ka?" tanong ko pero ngiti lang ang isinukli niya sakin

"Yerin" sabay na si ni...

"Jhope? Secret?" nagtatakang sambit ko nang makita ko ang apat na to

"Buhay kayo?" naiiyak na sabi ko. Tears of joy. Tumakbo ako at niyakap si Ate Jasmin. Nginitian lang niya ako. Tumakbo naman ako para yakapin si Secret at nagfist bump kay Jhope. Saka ako ngumiti at yayakapin na si Mommy

Pero nung yakapin ko siya ay bigla siyang nawala

"Mommy?" nagtatakang tanong ko. Nilingon ko naman yung iba at wala na rin sila dun

"Ate Jasmin? Secret? Jhope?" tanong ko pero walang sumasagot sakin tanging malamig na hangin lang

Isang iglap may nakita akong nakatalikod na lalaki.

"Jhope?" nakangiting tanong ko saka ko pinuntahan yung lalaki at saka ko tinapik yung balikat niya. Humarap naman siya. Pero laking gulat ko nang makita ko si

Adrian Min?

"Hi Yehan" nakangisi niyabg tanong. Nanlaki ang mata ko saka siya humakbang sakin. Habang ako papaatras lang ng paatras

"Dahil sayo Yehan. Dahil sayo kaya kami namatay" sabi niya kasabay ng paglitaw nilang lahat. Sina mama na duguan. At si Rica

"Yehan ikaw amg may kasalanan" sabay niang sabi. Napatakip ako ng tenga. hinde, Wala akong kasalanan

"W-wala akong kasalanan!" sigaw ko sa kanila pero sabay sabay lang silang tumawa

"May Message na dumadating Yehan. Pero ano? Inintindi mo ba?" nanlaki ang mata ko nang sabihin yun ni Jhope. Ang mga message? Nagflashback naman sakin lahat ng mga message na natatanggap ko sa mga unknown number

"At yung memory card? Nagawa mo bang tignan?" nakangising sabi ni Secret habang patuloy parin sila sa pag hakbang papalapit sakin habang ako sa palayo parin ng palayo

"Wala akong kasalanan! Wala!!!!" sigaw ko hanggang sa wala na akong maatrasan dahil sa punong nasa likuran ko

"Kasalanan mo yesa"

"Kasalanan mo yesa"

"Kasalanan mo yesa"

Paulit ulit na sambit nila

"Ahhhhhhhhh!!! Hinddeeeeee!!" Isang malakas na hiyaw ang pinakawalan ko saka ako naghabol ng hinga

"Yerin Ayos ka lang?!" nag aalalang tanong niya. Di ko siya nasagot at patuloy parin ako sa paghabol mg hininga. Anong klaseng panaginip yun? Inikot ko ang paningin ko at nakaginhawa ako nang makita kong nasa clinic ako

"Yerin. Ayos kana?" Tanong ni Theo. Tama si Theodore ang nasa harapan ko ngayon. Wala ata yung iba. May klase e. Napatango naman ako sa kanya nang mahimasmasan na ako

"Nanaginip ka?" tanong niya kaya tumango ulet ako

"Nasaan pala yung Box?" tanong ko. Tinutukoy ko yung spirit of the glass. Ngumito siya saka niya kinuha yung bag niya

"nandito" sabi niya sabay turo sa bag niya. Di na niya binuksan pa

"Ako ang nagpresintang magbanatay sayo nung nahimatay ka kanina. Marami akong itatanong sayo" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Para bang hinihintay ko siyang magsalita

"Nakakakita ka ng multo diba? Napanaginipan mo sila?" napatingin ako sa kanya. Papaano niya?

"Wag mokong titigan na para ba akong mind reader. Ganyan din ako napapanaginipan ko sila" sabi niya. Kaya napatitig ako sa mukha niya. Perpektong mukha na nakatingin sa pader na para bang nagiisip ng solusyon

"Sabihin mo. Anong napanaginipan mo" nagiwas ako ng tingin nang mapatingin siya sa akin. Huminga ako ng malalim. Kailangan ko na sigurong sabihin sa kanya to.

"Oo. Lahat sila" sabi ko sa kanya nakatingin lang naman siya sa akin na para bang iniintay ang bawat sasabihin ko

"Sinisisi nila ako" sabi ko. Kasabay ang pagtulo ng mga luha ko. Inabutan niya ako ng panyo. Pero tinitigan ko lang yun "Kunin mo na" wala akong nagawa kundi kunin yun saka ko ipinunas sa mukha ko. Napatingin ulet siya sa pader sabay sabing..

"Nabalitaan ko. Wala na daw Mama ay ate mo" sabi niya kaya napatango ako. "Pero bakit ka nila sinisisi?" tanong ulet niya. Napatingin ako sa kanya. Kailangan ko sigurong sabihin sa kanya tungkol sa message at yung memory card. Mukha naman siyang mapagkakatiwalaan. Besides nasa kanya yung box at siya ang nagligtas sakin nun sa bahay

"Dahil sa Mga natatanggap kong Message" napatingin ulet siya sakin.

"Message?" nagtatakang tanong niya na nagpatango sa akin

Agad kong inilabas ang cellphone ko saka ako pumunta sa messages at pinakita sa kanya yun

"natatanggap ko yan bago sila mamatay" sambit ko. Tinitigan naman yun ni Theo

"Mini mini my nemo

Pwet ng kabayo kamukha mo

Kaibigan mo bay binantayan mo?

Dahil baka mawala ito?" patanong na basa ni Theo yung last mesage sakin bago ang pagkamatay ni Jhope

"Kay Jhope nga to" sabi niya kaya napakunot ang noo ko

"pano mo nalaman na threat kay jhope yan?" tanong ko " at paano natin malalaman na threat nga ng bawat isa sa atin ang mga narerecieve ko?

"Madali lang Yerin. Yung kay Secret may palatandaan na. Sino bang mahilig sumayaw? Diba siya lang? Saka sinabi na malalaglag siya galing sa taas. At oo nga" sabi niya kaya napatango ako

"So ibig sabihin mo nakilala mo na si Jhope dahil nasabi yung kabayo?" natatawang sabi ko napatango siya. Saka kami nagkatinginan saka sandaling nagtawanan

"Namimiss ko na ang dalawang yun" sabi ko nang matigil kami sa sandaling pagtawa

"Oo nga" segunda niya sa akin

"Nga pala" pukaw ko sa pansin niya. Napatingin naman siya sakin habang kinukuha ko sa bag ko yung bagay na yun "Nakita ko nga pala yan sa lugar kung saan namatay si Secret. Saka nabanggit ang memory card na yan sa panaginip ko" sabi ko kaya agad naman niyang kinuha yun saka dali daling inilagay sa phone niya

Una siyang pumunta sa photos pero wala siyang makita kundi picture ni Secret at Jhope. Wala din sa Videos. Hanggang sa napadpad kami sa records

"May isang nakarecord" sabi ni Theo kaya napalapit ako sa kanya. 1 inch nalang. Ang lapit ng mukha niya. Nakaka awkward. Medyo lumayo ako sa kanya. Feeling ko di ko maayos na mapapakinggan yung nakarecord e. Hinawakan ko yung kumot ko habang piniplay na ni Theo yung naka record

"A-ate... Tulungan niyo ako... Papatayin niya ako.. Mga Ate"

Nabitawan ko yung kumot nang madinig ko ang mga katagang sinabi ni Secret bago siya namatay

"Tama may pumatay sa kanya. Pero Sino?" tanong ni Tbeo kaya napailing ako

"Hinde sino.. Ano?" pagtatama ko. Malakas ang pakiramdam kong di to tao. Di talaga

"Yerin!" napalayo ako kay Theo tinago niya rin agad yung cellphone niya sa bag niya. Di pa nila pwedeng malaman

"Ano yan? Nanonood kayo? Anong pinapanood niyo? Porn?" napatingin kami kay Jimboy na nagsalita "Panood din ako" agad naman siyang binatukan ni Yuju. Ayan umiiral ang pagka maniac niya tsk

"Tumigil ka nga dyan! Di gaya mo si Theo at lalong di ganun si Yerin" sabi ni Yuju sabay tingin samin "Pero may kababalaghang nangyayari dito e. Ayieee" panunukso ni Yuju kaya binatukan namna siya ni Star.

"Kita mo ikaw tong nanunukso e" sabi niya kaya napatawa lang kami

"Ok ka na Yerin?" tanong ni Kuya Eujin kaya napatango ako

"so pwede ka nang tumayo? Tara na. Pupuntahan pa natin si JHope" sabi namna ni Kuya Eujin kaya napatango ako. Inalalayan naman ako ni Theo tumayo. Nag mouth naman ako ng 'Thanks' at ngumiti naman soya pabalik sakin

Nasa labas na kami ng clinic nang may napansin akong parang dumaan na nakaputi. Nilingon ko siya pero wala

"Guys? May nakita ba kayong dumaan na nakaputi ngayon lang?" tanong ko pero umiling sila

"Pinagsasabi mo dyan Yerin? Alam mo gutom lang yan" sabi naman ni Star saka kapit kay Kyle. Pero sure ako na may nakita ako

Naramdaman ko naman ang paghawak ng isang tao sa kaMay ko na nagpakuryente ulet sakin

Si Theo

"Wag kang mag alala. Nakita ko yun" napangiti naman ako sa kanya. Atleast di ako magmumukhang sira na ako lang ang makakakita nun

Maya maya pa ay nakarating na kami sa burol ni John. Parang napako ako sa labas. Ayokong pumasok. Natatakot ako. Ayoko nang umiyak. Bakit pa kasi to nangyayari?. Dahil ba to sa box na yun? Pero bakit?

Hinigit ako ni Jiyah wala na akong nagawa kundi magpahila. Hanggang sa umiyak na ako

***

"Salamat pala" tanging sambit ko saka ako umuwi. Uuwi na kasi ako 9:00pm na rin saka lalakarin ko nalang. Wala namang masasamang tao dito dahil nagkalat lagi ang mga pulis sa village na to. Kaya walang natatakot maglakad. Saka parepareho lang kasi kami ng village e

Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng ginaw

Hanggang sa napansin kong may sumusunod na pala sakin. Luminga linga ako at walang mga pulis ngayon. Lalo akong kinabahan. Binilisan ko ang lakad ko at bumibilis din ang hakbang niya. Tamakbo ang pagkabilis bilis pero sinusundan Niya ako

Di ko na alam ang gagawin ko

Di na ako nakatakbo nang hawakan niya ako

"Ahhhh!!" impit na tili ko. Tinakpan nya kasi bibig ko, saka ko siya pinalo palo kung sino man to

"Ang ingay mo!" napatigil ako sa pagpalo nang makilala ko yung boses

"Theo?" bumagsak ang balikat ko at tinanggal na din niya yung kamay niya sa bibig ko. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko pero ngiti lang ang naisagot niya sakin

"Sinasamahan kita" sabi niya habang sabay kaming naglalakad

"Bakit?" tanong ko pero pumunta lang siya sa harapan ko. Para bang may tinatakpan siya na nasa daanan namin

"wushuukalhshjfftajc"

"hqigewhehhuhuhuu"

"fajvsjahsjwiwjbubu"

Nakakadinig ako ng mga bulong. Titignan ko na sana yung nasa likoran niya nang hawakan niya yung ulo ko

"Wag. Mga ligaw na kaluluwa. Pag nalaman nila na nakikita mo sila, pupunta sila sa bahay mo at guguluhin ka nila hanggang sa sumama ka sa kanila" nag freeze ako sa sinabi niya. Sandali kaming napatigil at nagtititigan lang sa mukha. Wala ako nagawa ko. In-examine ko yung mukha niya

Magmula sa mapupungay na mata, matangos na ilong at pinkish na labi. Para bang lagi siyang naglilipstick. Mas mapula pa ata yung lips niya sakin e

"oahgsuabsviwwviak"

Unti unting lumalakas yung tunog. Parang..

"Theo papalapit satin yung tunog" kinakabahang tanong ko. Di nila pwedeng makita kami na nakikita sila

"gahgshjwhaahhh"

Palapit ng palapit yung tunog. Nagulat naman ako sa ginawa ni Theo para di kami pansinin nung kaluluwa

Hinalikan niya ako

Sa pisngi

Heto nanaman yung kuryente. Para bang nangyari na to dati

PEro di ko alam kung saan at kailan. Ano to?

Mukhang alam ko na ang gusto niyang ipahiwatig.

Gusto niyang magpanggap na may relasyon kami para di maghinala ang mga kaluluwa sa paghinto namin

Maya maya pa ay humihina na yung bulong.

Hanggang sa nawala na

Kumalas naman siya sa pagkakahalik sa pisngi ko saka siya luminga linga sa paligid sinisiguradong wala nang kaluluwa. Habang ako ay nakatitig lang sa mukha niya

"Tara na" sabi niya Dahilan kaya nabalik ako sa huwisyo at tumango lang sa kanya

Nakarating kami sa bahay.

"Salamat" sabi ko sa kanya. Nakangiti akong wagas. Kita ang ngipin. Di ko alam kung bakit

"Youre Welcome" sabi niya saka siya ngumiti. Nakakagulat lang! Ngayon ko lang siya nakitang ganyan ngumiti

Pa box pala

"Bye" sabi niya at akma nang aalis pero

"teka" pagpigil ko sa kanya

Lumingon naman siya sa akin

"kaya mo bang magisa?" nag aalalang tanong ko. Kasi baka maka encounter nanaman siya ng mga kaluluwa

"Bat ako mag iisa e makikita mo naman ang paguwi ko" sabi niya kaya napakunot ako ng noo

"ayan lang bahay namin oh" sabi niya sabay turo yung katapat naming bahay. Napanganga naman ako sa sinabi niya

Napangisi naman siya sa akin

"Ngayon mo lang alam no? Babye na Yerin" huling sabi niya saka tumakbo sa bahay nga na iyon ngumiti ulet siya kaya kumaway nalang ako pabalik sa kanya

Salamat Theodore.....

_____________________

Comment please