WALA akong nagawa nang ihatid ako ni Terrece sa Cafe de Lucio kung saan kami magkikita ni Rance. Ayoko din naman kasi ng gulo. Hindi naman sa nagmamaganda ako pero kasi si Terrence parang inis na inis kay Rance. Baka kasi mamaya, kung anong sabihin niya.
"Sige na, bababa na ako."
"No."
"Terrence naman."
"We'll go together."
Ang kulit talaga. "Pero kasi naman ako ang kausap niya, Terrence."
"I don't care. I still need to go with you. I need to see that fucking Abellano."
Wala akong magawa. Tingin ko hindi na talaga magpapapigil si Terrence.
"Bahala ka nga."
"Don't act like that, Keeshia. Remember, I marked you. Label lang ang wala pero inangkin na kita. Do I need to remind you that?"
Pakiramdam ko ay namula ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Ano ba, nakakainis!
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者