webnovel

A Certified Casanova

"I've always wanted to be a Casanova. I think it's very tasteful." He saw you. He met you. He liked you. He wanted you. He chased you. He got you. He had you. And in the end, he left you. Terrence Palermo's favorite toy---a woman's heart. He can get any girl he wants. Of course, he's fucking handsome, hot and rich. Kailanman ay hindi siya nagseryoso sa babae dahil ang tingin niya sa mga ito ay parausan lang. Why? Because he hates them to the extent that breaking their hearts makes him happy. May pag-asa pa kayang magbago ang isang certified Casanova?

pinkyjhewelii · 现代言情
分數不夠
35 Chs

Chapter 24

NAGISING ako na pulos puti ang nakikita ko sa paligid. Nasaan ako? Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako? Mariin akong pumikit saka inalala ang nangyari.

Malakas na ulan. Malakas na kulog at kidlat. Muling pumasok sa alaala ko ang nangyari noon. Takot na takot ako. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak ko hanggang manikip ang dibdib ko at ang huling natatandaan ko ay isang bulto ng lalaki na sa mga oras na 'yon ay sinagip ako.

Muli kong iminulat ang mga mata ko. Dahan dahan akong umupo sa kamang hinihigaan ko. Nasa hospital ako. Anong... paano ako napunta rito?

"You're awake."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig na iyon. Hindi pamilyar ang boses niya at wala akong idea kung sino iyong nagsalita pero ang tono ng pananalita niya ay para bang kanina pa ako inaantay na magising.

Dahan dahan akong tumigin sa bandang kaliwa ko kung saan may mahabang sofa. Hindi ko alam kung nasa mamahaling kwarto ako pero masasabi kong hindi ito ordinaryong hospital room. 

Napalunok ako nang masialayan ang mukha niya. Wala akong ideya kung sino siya. Ni hindi ko siya kilala. Pamilyar ang mukha niya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

"I saved you." aniya. Tumayo siya at naglakad papalapit sa kamang inuupuan ko. Napaka-gwapo niya. Oo nga't kagigising ko lang at hindi ko alam kung nanganib ang buhay ko kagabi pero iyon talaga ang napansin ko ngayon. Ag tindig niya, ang mukha niya, ang... ang gwapo talaga. Para siyang artista.

Umupo siya sa gilid ng kama ko na walang pag-aalinlangan. Napausod ako ng kaunti sa gulat. Feeling ba niya close kami? Hindi ko nga siya kilala. 

"S-Salamat sa pagsagip sa akin... ano, anong... kasi hindi ako mayaman. Wala akong pambayad kung hihingi ka ng pera kapalit ng pagtulong mo sa akin." iyon nalang ang nasabi ko.

Sa panahon ngayon, uso na iyong palaging may kapalit lahat ng bagay.

Nanatiling seryoso ang mukha niya. HIndi ko tuloy masabi kung ano bang nararamdaman niya. Hindi ko rin mabasa ang ekspresyon ng mukha niya kung galit ba siya, masaya? O ano pa man. May ganitong tao pala? Halos walang emosyon ang mukha niya.

Wala akong nagawa kundi ang mapalunok ulit. Nakatingin siya sa mga mata ko. Hindi ko naman maalis ang pagtingin ko sa magaganda niyang mata.

"Do you know me?" tanong niya.

Umiling ako. "P-Pamilyar pero hindi kita kilala."

"Then that would be great. Give me one week in exchange of saving you."

Ano daw? "One week? Na... ano?"

"Be my one week girlfriend."

Iyon lang naman pala—TEKA ANO DAW?? "Anong sabi mo? Ano, girlfriend? One week? Seryoso ka ba diyan?"

Tumango lang siya at nanatili pa ring cold ang mga mata niya. "Do I look like I'm kidding?"

Nananaginip lang ba ako? Tama. May possibility na nilamon ako ng panaginip. Gigising rin ako maya maya. Sinubukan kong sampalin ang sarili ko pero masakit iyon!

Totoong nangyayari 'to?!"

"Sandali, hindi ko maintindihan. One week girlfriend? Teka, ang gulo yata. Para saan? Unang una, oo nga tinulungan mo ako at handa naman kitang bayaran kung may nagastos ka pati dito sa hospital—"

"I don't need money. I'm fucking rich."

Sa way ng pagsasalita niya, mukhang mayaman nga ang lalaking 'to pero mukhang napaka-rude niya. So hindi niya kailangan ng pera.

"Pwede akong maging assistant mo." Siguro ay CEO siya ng isang company.

"I'm a fucking model so why would I need an assistant? I don't like someone following me around."

"Nagpapasalamat ako sa pagliligtas mo sa akin—"

"Biglang umulan ng malakas kagabi and I don't have my car. I saw the coffee shop and came inside to make a call. I saw the close signage but the door was open. When I entered the cafe, I saw a trembling woman at the floor. I came to you and you fainted. So I fucking call 911 and then they came with an ambulance. I came with you here. I stayed overnight and took care of you. That's what happened. The doctor talked to me earlier and said you're fine and you just needed a rest. So I waited for you to wake up."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot sa sinabi niya.

"Salamat?" parang hindi pa ako sigurado sa sinabi ko.

"I don't need your thank you. I need your help."

So seryoso nga kasi talaga siya?

"Utang na loob ko sa 'yo ang buhay ko. Kung hindi siguro dahil sa 'yo, baka wala na ako ngayon. Iyong tungkol sa tulong na kailangan mo, mapag-uusapan naman ng maayos. Ni hindi pa nga kita kilala—"

"Rance Abellano."  mabilis niyang sagot. "Now you know me."

Abellano... kilala ang epilyedong 'yan sa mundo ng business.

Tumayo siya saka naglakad lakad dito sa kwarto.

"My grandfather will arrive exactly two days from now on. Kung wala akong mapapakilalang girlfriend ko, he'll fucking set me up in an arranged marriage. And hell, I hate that. I don't like him controlling my fucking life."

Jusko, ano ba 'tong nangyayari. Akala ko sa mga libro o sa teleserye lang 'to nangyayari. Arranged marriage? Uso ba talaga sa mayayaman 'yon?

"I need your answer right now. You'll be my one week girlfriend or you'll pay me half a million for wasting my time."

Ano daw? Wasting his time? Aba't! "Grabe naman 'yong kalahating milyon! Ano ka, hari? Ginto ang oras mo, gano'n?"

Alam kong utang na loob ko ang buhay ko sa kaniya pero hindi ko yata kayang pagbigyan siya sa hinihiling niyang kapalit. Umusta naman 'yon! May boyfriend ako—sandali, si Robi nga pala! Siguradong nag-aalala siya sa akin.

"Ang cellphone ko..."

"Here." Itinaas niya ang kamay niya hawak ang cellphone ko. "Someone called. I think it was your boyfriend."

Alam niya pala! So bakit pa niya ako gustong gawing girlfriend? 

"I told him what happened and asked for his permission."

Nanlaki ang mga mata ko. "S-Sinabi mo sa kaniya?"

"Yes. I told him that I need you to be my one week girlfriend. In exchange of that, I will give him a hundred thousand and he said yes without fucking hesitation."

Mas nanlaki pa lalo ang mga mata ko. "Ibigay mo sa akin ang phone ko! Nagsisinungaling ka, HIndi papayag si Robi—"

Sa unang pagkakataon ay ngumisi siya. "I was surprise that he chose money over you."

Nasaktan ako sa sinabi niya. HIndi ganoon si Robi. Alam kong hindi siya papayag kung sinabi talaga nitong Rance na 'to ang hinihingi niyang kapalit ssa akin!

"Ang phone ko!" sigaw ko.

Kalmado pa rin ang mukha niya. Iniabot niya sa akin iyon at tininganan ko agad ang call log. May tawag nga si Robi. Tiningnan ko ang messages at nakita kong may isang text si Robi.

Eto ang number ko. Tawagan mo ako kung ipapadala mo na ang pera.

Nanlumo ako sa nabasa ko. Hindi ko akalain na papayag siya. Dahil sa pera? Alam kong masisilaw siya kung hundred thousand nga naman ang inalok ng lalaking 'to pero kahit na. Kung mahal niya ako... hindi dapat soya papayag. Isa pa, dapat ay puntahan niya ako dito sa hospital kung alam na niya ang nangyari pero nasaan siya? Wala...

"Stop crying. That worthless asshole don't deserve your tears."

Napatingin ako sa kaniya. Iyong sinab niya... parang sinabi na rin ni... Terrence. Speaking... bakit nalulungkot ako kapag naaalala ko siya?

Huminga ako nang malalim saka tiningnan siya sa mga mata niya. "Sige, pumapayag na ako sa gusto mo."

"Then, great. Don't worry, I'll pay you one million after one week of being my girlfriend."

Bakit pa ako tatanggi? Alam kong parang kabaliwan ang gusto ng lalaking 'to pero tama naman siya. Iniligtas niya ako saka one week lang naman. Kanina nagpapaligoy-ligoy pa ako pero pagkatapos kong malaman iyong pagpayag ni Robi ng ganun ganun nalang, nasaktan ako. Mas gusto ko pang abalahin ang sarili ko kasama ang lalaking 'to kesa ang harapin si Robi.

Isa pa... kahit naman walang one million, kahit papaano ay may utang na loob talaga ako sa kaniya. Magpapanggap lang naman akong girlfriend niya. At sa tingin ko, hindi naman ganoon kahirap iyon.

"Don't worry about the hospital bill. Take more rest and go home. I'll call you tomorrow."

"Iyong number—"

"I already got your number from your phone." he said and walked out.

Nakahinga rin ako ng maluwag. NAiwan na akong mag-isa sa kwartong ito. Ano ba 'tong nangyayari? Sa isang iglap, may isang Rance Abelanno na sumulpot sa buhay ko, nasaktan ako sa ginawa ni Robi at pumayag ako sa kahibangan niya. 

Muli akong humiga. Pipikit ako. Tutulog ako. Aasa pa rin ako na panaginip lang ang lahat.