webnovel

A Certified Casanova

"I've always wanted to be a Casanova. I think it's very tasteful." He saw you. He met you. He liked you. He wanted you. He chased you. He got you. He had you. And in the end, he left you. Terrence Palermo's favorite toy---a woman's heart. He can get any girl he wants. Of course, he's fucking handsome, hot and rich. Kailanman ay hindi siya nagseryoso sa babae dahil ang tingin niya sa mga ito ay parausan lang. Why? Because he hates them to the extent that breaking their hearts makes him happy. May pag-asa pa kayang magbago ang isang certified Casanova?

pinkyjhewelii · 现代言情
分數不夠
35 Chs

Chapter 18

NARITO kami ni Terrence sa apartment dahil day off namin at sina Mrs. Hestia ang nasa cafe ngayon para magbantay. Nahihilo na ako sa ginagawa ng lalaking 'to.

"Ayun pa!" Itinuro ko ang bandang sulok ng salas.

"Fuck, Keeshia. Kanina pa ako pabalik balik."

"Iyon na nga e. Kanina ka pa panalik balik pero may naiiwan ka pa ring dumi. Ayusin mo kasi. Feeling mo kasi naglalaro ka diyan."

Inutusan ko siyang maglinis ng apartment. Maigi na iyon para maturuan ko siya. Tulad ng sabi ni Mrs. Palermo, puro pasarap lang sa buhay ang alam ni Terrence. Sa mga simpleng bagay tulad nito, marututo siya kahit papaano.

"It would be better if I'm doing this with a kiss. I mean, pagkaka mop ko papunta doon tapos babalik ako, sasalubungin mo ako ng kiss. Damn it. Mas sisipagin ako kapag gano'n."

Inirapan ko siya. "Maglinis ka. Hindi puro kabastusan ang naiisip mo."

"Kabastusan na ba iyong gusto kitang halikan, Keeshia. Fuck that."

Hindi na ako sumagot. Tumayo na ako para magluto ng lunch namin tutal puno naman ang refrigerator ng mga stocks ng pagkain. Sa susunod, tuturuan ko namang magluto si Terrence.

Ang ganda ganda na sana ng lakad ko pero nanlaki ang mga mata ko nang makayapak ako sa basang sahig dahilan para madulas ako. Mariin akong napapikit. Inihanda ko na ang sarili ko kung bumagsak man ako sa sahig pero naramdaman ko nalang ang malambot na katawan na sumalo sa akin.

Nagmulat ako ng mata. Nakahiga lang naman si Terrence sa sahig at sa katawan niya ako bumagsak.

"Got you." Aniya saka kumindat. "I'm always ready to catch you when you fall."

Bakit kumabog ang dibdib ko?

Mabilis akong tumayo. "Bakit kasi basa 'to!" Reklamo ko.

"You asked me to mop the floor. Seriously, Keeshia? You should thank me."

"Thank you. Saya ka na?" Sarkastikong sabi ko.

"Nope. Kulang pa." Aniya.

Hindi na ako nakapalag nang hilahin niya ako sa braso at halikan ako sa labi ko.

"Damn it, kulang pa rin."

Nanlaki ang mga mata ko nang muli niya akong halikan.

"Still not enough."

Sa pangatlong pagkakataon, hinalikan niya ulit ako.

"Fuck, Keeshia, ikama na kaya kita para solve na?"

Hinampas ko siya. "Bwisit ka! Argh! Anong karapatan mong halikan ako! Tatlong beses pa! Nakakarami ka na! Nasasanay ka nang hahalikan mo ako kung kelan mo gusto!"

"Of course. You're my girl, Keeshia."

"Hindi nga sabi!"

"Fuck, ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Patayin ko na kaya ang ex mo para wala ng sagabal?!"

"Hindi 'yon! Huwag kasing idaan palagi sa mga ganyang trip mo."

"Tangina, Keeshia palagi nalang bang ganyan ang tingin mo sa akin? Nangti-trip, nanggagago at hindi seryoso."

Huminga ako ng malalim. Sino ba naman kasing maniniwala na gusto niya ako? Ano bang special sa akin? Wala naman. Kaya napaka-imposible rin na ang isang tulad ni Terrence, gugustuhing maging girlfriend ako. Ni hindi nga ako nagsusuot ng sexy na damit. Madalas pa ang plain lang ang suot ko. Hindi rin ako nag aayos masyado at hindi ako mahilig sa make up. Ang layo ng itsura ko doon sa babae niya or ex ba niya 'yon or girlfriend na si Honey.

Sa mga lalaking tulad ni Terrence, alam kong ideal woman nila iyong mga sexy at classy. Tipong kita lagi ang cleavage at maiiksi palagi ang suot. Kumbaga parang model at hindi nakakahiyang iharap sa maraming tao.

"Sino ba naman kasi ako para i-girlfriend mo, Terrence?" Tanong ko sa kaniya.

"You're Keeshia. A simple girl who fucking caught me."

"Huwag mo akong idaan sa mga ganyan mo. Naiintindihan ko na natatangahan ka lang sa akin dahil kay Robi. Alam kong naaawa ka lang pero hindi mo naman kailangang akuin iyong dapat na responsibilidad sa akin ng ex ko."

"Yan ang hirap kapag gago at playboy ka. Hindi madaling paniwalaan. Fucking life."

Tinalikuran niya ako. Ipinagpatuloy niya ang pagma-mop ng sahig.

Kahit sinong babae mahuhulog sa charm ni Terrence. Gwapo, maganda ang katawan, malakas ang appeal, gentlemen, mayaman, saan ka pa? Sobrang bastos nga lang niya pero bearable naman lalo na kapag nasanay ka na.

Napailing nalang ako at kinuha sa ref ang liempo na ni-marinate ko. Para masarap i-prito.

Nagulat ako nang bumigat ang balikat ko. Halos pigilin ko ang hininga ko. Paano ba naman, iyong baba ni Terrence nasa balikat ko habang nasa likod ko siya.

"You're cooking for us?"

Napalunok ako. Hindi ako sanay sa mga ganito dahil hindi naman ginagawa ni Robi ang ganito sa akin.

Umurong ako pero wrong move. Napadikit lang ang katawan ko sa kaniya. Inaalis na niya ang baba niya sa balikat ko pero iyong katawan niya, lapat na lapat sa likod ko.

"Terrence."

"Can you believe me when I say I like you?"

Lumalakas na ang kabig ng dibdib ko. Bakit kasi ganito siya.

"Can you accept the fact that I'm falling for you?"

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Para ring napako ang mga paa ko sa sahig. Hindi ako makakilos. Napaka-awkward lang dahil may hawak pa akong sandok.

"Can you give me a chance to prove myself to you?"

Ang puso ko, dumadagundong na!

"Can you look at me like the way you look at that asshole?"

Napalunok ako. Paano ko ba siya sasagutin? Paano? Ni hindi ko maibuja ang bibig ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Can you... fucking let me do this."

Sa isang iglap ay naiharap niya ako sa kaniya. Magkadikit na magkadikit ang katawan namin. Patawarin pero may kakaiba akong nararamdaman! Parang may tumutusok sa ibabang part ko. Natataranta tuloy ako.

Dahan dahan niyang inilapit sa mukha ko ang mukha niya. Habang papalapit, mas lumalakas ang pagkabog ng puso ko.

Bakit hinahayaan ko siya? Bakit hindi ko siya itulak? Bakit pakiramdam ko hindi ko siya kayang tanggihan?

Awtomatiko akong napapikit nang lumapat ang labi niya sa labi ko. Mabagal ang bawat paggalaw ng labi niya. Para ako nahihipnotismo sa ginagawa niya.

Tumugon ako.

Naiinis ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay nagtataksil ako kay Robi kahit hindi naman kami okay.

Magaan ang paghalik niya. Ramdam na ramdam ko ang lambit ng labi niya. Ang pabango niya... amoy na amoy ko. Hindi ko mapigilan ang sarili kong sabayan siya sa paggalaw.

"Oh!"

Impit akong napa-ungol nang maramdaman ang kamay niya sa dibdib ko. Patuloy siya sa paghalik sa akin. Gusto kong kumawala. Gusto ko siyang itulak pero parang nawalan ako ng kontrol aa sarili ko.

Hanggang sa igalaw na niya ang kamay niya sa dibdib ko. Hindi niya inaalis ang labi niya sa labi ako. Para akong tuod na hinahayaan lang siya na gawin ang gusto niya.

Lumipat ang labi niya sa pisngi ko, papunta sa leeg ko, pataas sa bandang tainga ko. Mariin akong napapikit nang magbuga siya ro'n ng mainit na hininga.

Bakit pakiramdam ko ay uminit?

Napahawak ako sa buhok niya nang bumaba ang labi niya sa leeg ko pababa sa dibdib ko.

"Fuck these clothes." Mura niya.

Alam kong mali ito. Hindi ko dapat hayaang gawin ito ni Terrence pero tutol ang puso ko. May bahagi ro'n na gusto ko siyang maramdaman.

Tatanggalin na sana ni Terrence nag suot kong damit nang kumalampag ang pinto. Rinig na rinig ang malakas na pagkatok ro'n.

Para aking napasom agad akong humiwalay kay Terrence saka nilamoasan siya oara tingnan kung sino ang kumakatok.

"Putangina."

Hindi ko pinansin ang pagmumura niya. Para akong batang nahuli ng nanay ko na gunagawa ng kalokohan. Ramdam kong pulang pula ang mukha ko.

Paano kung... paano kung walang kumatok? Gagawin ba namin?

Napailing nalang ako saka binuksan ang pinto.

"Baby..."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Robi. Wala siyang alam na dito nakatira si Terrence. Anong sasabihin ko?

"Sabi mo mag uusap tayo kahapon. Sabi mo pupunta ka sa unit ko. Hinintay kita. Hindi ko rin ma-contact ang number mo. Galing ako sa cafe de lucio pero sabi doon, day off mo ngayon kaya dito na ako dumiretso."

Naalala kong itinago ni Terrence ang phone ko kahapon pagkatapos naming mag-usap sa cafe de lucio na hindi ako makikipagkita kay Robi

"Sorry, busy kasi ako. Nag-overtime ako sa trabaho kahapon." Pagsisinubgaling ko.

Nanatili akonh nakatyo rito sa may pinto dahil ayokong makita niya si Terrence sa loob.

"Hindi mo man lang ba ako papapasukin, baby?"

Hindi pwede!

"Who the fuck is that?"

Pinandilatan ko ng mata si Terrence. Punyeta mas nanlaki pa ang mata ko dahil nakahubad na siya ng shirt niya. Hindi naman siya hubad kanina!

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ni Robi kay Terrence.

"What kind of question is that? Of course, I'm living here with my girlfriend."

Napalunok ako. "Robi..."

"Totoo ba 'yon, Keeshia?! Huwag mo sabihing ipinagpalit mo na ako sa lalaking iyan? Kaya ba hindi mo ako pinuntahan kagabi? Dahil ba sa kaniya? Ha?!"

"Yeah, you're fucking right. We're busy last night, man." Cool na sabi ni Terrence. Gusto ko na siyang kurutin sa tagiliran. Pinapalala niya lang e!

Bakas sa mukha ni Robi na hindi siya makapaniwala.

"Ginagawa mo ba 'to baby para saktan ako? Pwes, nasasaktan ako kaya huwag ka nang magpanggap na kasama mo na 'yang lalaki na 'yan dito."

Sasagot sana ako pero natigilan ako sa paghagalpak ng tawa ni Terrence. Baliw ba siya?!

"Are you fucking nuts?! Para saktan ka? Gago ka ba, e ikaw nga ang palaging nananakit kay Keeshia. Suntukan nalang tayo, ano? Nakakagago ka e."

"Terrence."

"Mayabang ka palang lalaki ka! Ano bang akala mo kay Keeshia? Mayaman? Mapera? Hindi! Kaya huwag kang umasa na may makukuha ka sa kaniya!" Sigaw ni Robi.

Nasaktan ako sa sinabi niyang iyon.

Biglang sinuntok ni Terrence sa mukha si Robi. Napansin ko agad ang pagdugo ng labi niya.

"I should be the one to ask you that. Putangina, mayaman ba si Keeshia? Nanay mo ba siya, ha? Walang kang alam gawin kundi ang hingan siya ng pera. At ang sinasabi mo na wala akong makukuha sa kanya? You're fucking blind, dude. She's the most precious woman that I fucking met since I came here in the Philippines. So fuck your mouth and stop talking shits about her."

Sa halip na pigilan ko si Terrence ay nakaramdam ako ng saya sa dibdib ko. Sa mga salita niya, pinaparamdam niya na hindi ako ang babae na dapat na ginaganito lang ni Robi.

Bumangon si Robi. Akma niyang susugurin si Terrence pero nasalag iyon.

"Ako ang mahal ni Keeshia! Kahit anong mangyari, babalik at babalik siya sa akin! Tandaan mo 'yan!" Banta ni Robi.

Hindi ko gusto ang mga sinasabi niya. Bakit ko nga ba minahal ang lalaking 'to? Ibang iba na siya sa dati. Ibang iba siya noong una palang kaming magkakilala.

"Really, dude? I'm fucking aware of that. But let me tell you this, kung kailangan ko siyang ikulong, gagawin ko para lang hindi na siya bumalik sa 'yo. I can be a criminal for her, motherfucker. Now, get a life and leave her alone!"

"Ang taas ng confidence mo? Sino ka ba ha? Isa ka lang namang dakilang epal sa relasyon namin ni Keesh---"

Sinuntok ulit siya ni Terrence. "Shut the fuck up."

Hinila na ako ni Terrence papasok aa loob saka ini-lock ang pinto. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko.

"Seriously, Keeshia?!"

"A-Ano?"

Masama ang tingin niya sa akin.

"Still talking to him, huh?"

"Hindi ko naman kasi maiiwasang hindi siya kau---"

"Gusto mo din kasi."

Natigilan ako. He's acting like a jealous boyfriend. Dumiretso siya sa ref saka kumuha ro'n ng beer na binili namin noong nag-grocery kami.

"Terrence ano bang masama? Boyfriend ko---"

"Ex-boyfriend."

"Ibig kong sabihin, hindi pa naman totally na maayos ang pag-uusap namin. Kailangan pa rin naming pag-usapan ang tungkol sa relasyon namin."

"Balak mo pa ring ituloy?" May hinanakit sa boses niya. "Balak mo pa ring ituloy ang pagiging tanga mo sa gago na 'yon?"

"Terrence."

"Pakialamero na kung pakialamero pero putangina, hindi ko hahayaang magpakatanga ka sa lalaking 'yon. I can't bear to see you crying again because of that asshole. I don't care if you get mad at me, but hell, I won't let you talk to him."

Huminga ako ng malalim. Alam kong sinabi ni Terrence na gusto niya ako perk wala pa rin naman siyang karapatang gawin ito.

"And yeah, alam kong wala akong karapatan. I'm making my own rule, Keeshia. As long as I'm here, hindi makakalapit sa 'yo ang gago na 'yon."

"Terrence nama---"

"Don't push my limit, Keeshia." Tinungga niya ang laman ng beer. "I told you, I fucking like you and I can do every fucking way to get you."

"Wala pa kaming closure ni Robi. Kailangan talaga naming mag-usap ng masinsinan."

Saglit siyang natigilan.

"Closure? Kapag ba nag-usap kayo ng gago na 'yon, it will be because of closure?"

Tumango ako. Alam kong naging tanga ako pero napag-isip-isip ko rin naman na mas magiging tanga ako kung iisipin kong magiging maayos pa kami ni Robi.

Ilang beses na niya akong nasaktan. Ilang beses ko na siyang nahuling may babae. Ilang beses na niya akong hibuthutan ng pera. Ilang beses na akong naging tanga at sa tingin ko, sapat na iyon.

Naisip ko rin na nitong mga nakaraan, sa tuwing hahalikan ako ni Terrence, hinahayaan ko lang siya. Sa tingin ko, kung ipagpapatuloy ko ang relasyon ko kay robi habang ang puso ko may kakaibang nararamdaman para kay Terremce, para na rin akong naging manloloko.

"Sa tingin mo ba, makikipag-usap ako sa kaniya para magka-ayos kami? Hindi, Terrence. Masyado mo nang naipamukha sa akin kung gaano ako nagpakatanga sa kaniya. Closure nalang ang kailangan ko para wala na siyang masabi at para hindi na rin niya ako guluhin pa." Paliwanag ko.

Nagliwanag ang mukha niya.

"Then fine." He smirked. "Closure as it is."

"Hahayaan mo na akong kausapin siya?"

Tumango siya. "Yes, pero kasama ako. I won't let you go alone with him. I can't, Keeshia. I'm becoming territorial and sorry but I'll be on guard wherever you go."

Kilig ba itong nararamdaman ko o ano? Kung ano man iyon, siguradong dahilan 'yon kung bakit kakaiba na ang nararamdaman ko para kay Terrence.

"Keeshia."

"O?"

"We have unfinish business here." He grins.

Napalunok ako. "Mag-mop ka nga!"

Bago pa ako makalayo sa kaniya ay nahila na niya ako sa braso. "No, babe. I'll make sure I'll make you mine today."

Pagkasabi niyon ay mabilis niyang sinakop ang labi ko. Hindi na ako nakapalag at sa tingin ko ay wala talaga akong balak na pumalag.

Lagot na. Nanganganib ako.