webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · 历史言情
分數不夠
70 Chs

Capitulo Viente Nueve

Nasa loob na ang lahat ng sakay ng ship sa Capsule room. Humakbang siya patungo sa kaniyang RSF 105. Nararamdaman pa rin niya ang mga tusok ng karayom sa kaniyang batok. She asked Nikita to removed the tracking device at kinailangan nitong operahan siya ng mabilisan.

Delikado man ay malaki ang tiwala niya dito. Nakiusap siyang huwag nitong sabihin kahit na kanino. Inamin niya dito ang tangkang pagpapaiwan. Sa una ay hindi ito pumayag subalit pinagbigyan pa din nito ang kahilingan niya.

"You owe me for this. " naalala niyang sinabi nito.

Mabilis ang tibok ng kaniyang puso ng marating ang kaniyang Capsule. Bumukas iyon kasabay ng ilang mga Capsule na malapit sa kaniya. Kaagad siyang pumasok, automatic na gumalaw ang mga maliliit na connection hose at tumusok sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang katawan, the system was readying her for the hibernation.

Itinaas niya ang kamay at pinindot ang control device ng kaniyang Capsule, luminga-linga siya upang siguruhing walang nakakapansin ng kaniyang ginagawa. Nang makasigurong busy ang lahat ay agad niyang pinagalaw ang mga daliri at minanipula ang program niyon. Pagkatapos ay pumikit siya at naghintay ng ilang sandali.

Nang wala na siyang marinig na kahit anong ingay ay muli niyang iminulat ang mata at kaagad na inalis ang maliliit at maninipis na hose na nakabaon sa kaniyang mga ugat. Maging ang breathing mask kung saan dumadaloy ang hibernation drug.

Muli niyang minanipula ang program ng kaniyang Capsule.

"Please be ready... In 10 seonds, Capsule RSF 105 will eject... One.. two.. three..." muli siyang humugot ng malalim na hininga, naramdaman niya ang paggalaw ng kaniyang sasakyan at ang pagbukas ng ilalim na siyang kinapapatungan ng kaniyang capsule.

"Four... five... six..." bawat bilang ay isang pinto ang bumubukas sa ibaba. Nagbibigay ng daanan para sa kaniya. Muli niyang nilinga ang mga kasama. This will be the the last time she will going to see them dahil hindi na siya babalik.

Nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang nage-eject din ang Capsule RSF 109.

"Nikita!!" naibulalas niya, alam niyang hindi siya naririnig nito sapagkat makapal ang glass cover ng kaniyang Capsule subalit lumingon ito sa kaniya at ngumiti.

She saw her opened her mouth and say something. "I'll go with you!" nabasa niya sa pagbukas at pagsara ng bibig nito.

"Nooo!!" she shouted but she only smiled at her. Kasabay niyon ay ang pagbulusok pababa ng kaniyang capsule. Tumingala siya at nakita niya ang pagbulusok pababa ng mas marami pang Capsule sa tingin niya ay nasa bilang na labing-lima. Hindi niya mabasa ang mga numero noon, hindi niya alam kung sino ang iba pa, maliban kay Nikita.

Papunta sila sa iisang direksyon, pabalik sa Galaxy II. Muli niyang ibinalik ang tingin sa malaking monitor ng sasakyan at agad na hinanap ang data ng kanilang ship. And then she saw the rest who joined her escape.

She immediately contacted them altogether. Agad na nagflash sa kaniyang monitor ang mukha ng mga kasama. Umawang ang bibig niya sa gulat.

"Hello there honey.." si Ashton. Kumaway naman sa kaniya si Jake at sina Zero.

"What the hell!" naibulalas niya.

"We are not doing this for you sweetie." Ani naman ni Sakura, isa ring astronomer na kakambal ni Nikita.

"We also want to go back Kallyra." Si Sarah.

"But I am not sure if we really can go back to the same dimension." Ang naguguluhang wika niya. Nagsikibit lamang ng balikat ang mga kasama. At isa-isang nawala ang mga mukha ng mga ito sa kaniyang screen.

Kallyra can't do anything but sighed agad niyang binura ang signal na nag-uugnay sa kaniyang Capsule at sa Andromeda 3000 upang hindi na sila muli pang malocate. Subalit hindi pa man sila nakakalayo ay nayanig siya sa isang malakas na pagsabog.

Narinig rin niya ang malakas na beeping sound ng kaniyang sasakyan. At ang malaking warning sign sa kaniyang monitor maging ang paulit-ulit na warning sound. Halos tumigil sa pagtibok ang puso ni Kallyra ng malaman kung saan nanggaling ang malakas na pagsabog. It's the Andromeda 3000.

"Noooo!!" nahintatakutan niyang sigaw, lumikha ito ng dambuhalang apoy, at nagkakalat ng liwanag sa kalawakan. Palapit ng palapit sa kaniya ang nilikha nitong malakas na shock waive at kung hindi niya mapapalipad ng mas mabilis ang kaniyang Capsule ay kasama siyang madudurog tulad ng lahat ng mga nadaanan nitong mga stars and asteroids.

She immediately ignite the Capsule's boosters, natanaw niya ang mga kasamang parang kidlat sa bilis na pinalayo ang kani-kanilang mga sasakyan doon.

Then she felt an unknown pull na pilit siyang hinihigop sa sobrang lakas niyon ay hindi niya magawang labanan. Malakas siyang napasubsub sa monitor ng kaniyang capsule nakaramdam siya ng pagkahilo kaya't marahang iniangat ang sarili.

Nagpalinga-linga siya ng wala ng marinig na kahit ano. Wala na ang kaniyang mga kasama, she cannot even see any single light it was a complete darkness.

Sinalakay siya ng matinding takot, nararamdaman niyang ito na ang katapusan niya. Magpapalutang-lutang siya dito sa kalawakan hanggang sa mamatay siya. Walang makakakita, walang makakaalam.

She felt a liquid running down the side of her face. Nanghihinang kinapa niya iyon ng likod ng kaniyang palad. It was blood. Napahikbi siya at ipinikit ang pagod na mga mata.

"Lucas.." he was the last image she saw before she was completely engulfed by the darkness.

********

"Wake up Kallyra! wake up!" nakaramdam si Kallyra ng mahinang pag-ugoy sa kaniyang katawan. Naramdaman niya ang matigas na higaan at ang pananakit ng katawan.

Pinilit niyang minulat ang mga mata, nasilaw siya sa liwanag kaya muli niyang pumikit.

"Hey..." ang nakangiti at marungis na mukha ni Ashton ang nabungaran niya ng muli siyang nagmulat.

"W-where are we?" nagawa niyang itanong, pilit siyang bumangon.

"Easy..." ang nag-aalalang turan nito at inalalayan siya. Muli niyang iginala ang paningin sa paligid.

Naroon sila sa gilid ng kalsada. Konkreto iyon at malawak.

"I think we're back."

"Back?"

"Yes we are here in Earth, another time laps." sagot nito.

"W-what year?" kakaibang kaba ang naramdaman niya. Piping humihiling na sana ay sa parehong dimension na unang pinasok niya ang isasagot nito.

"The year when we left the Earth... 2018." tila gumuho ang mundo ni Kallyra.

Sunod-sunod ang pagbalong ng kaniyang luha. Napaluhod siya at napakapit sa dibdib, tila ginugutay-gutay ang kaniyang puso at tinatakasan siya ng ulirat. "No..." she whimpered. "No... No.. Lucas no... please..."

"Kallyra are you okay?" ang nag-aaalalang tinig ng kaniyang kaibigan.

Subalit tila hindi ito naririnig ni Kallyra. Pilit siyang tumayo hindi pinansin ang mga sugat sa katawan.

Humakbang siya upang hanapin ang kaniyang Capsule. Naramdaman niya ang tila bakal na kamay na pumiligil sa kaniya sa paghakbang.

Sa luhaang mata ay tiningnan niya ang nagmamayari noon. Ang kaniyang kaibigang si Ashton.

Humikbi siya at pilit inaalis ang kamay nito sa kaniyang braso. "P-please s-send me back Ashton... send me back..." pagmamakaawa niya sa kaibigan subalit hindi ito nagsasalita at malungkot ang mga matang nakatitig sa kaniya.

"We cannot go back anymore----"

"Nooo!!! I need to go back! I need to see him Ashton please... please!"

"I.. I'm sorry." yumuko ito tila hindi kayang makita ang nakakaawa niyang kalagayan. Napasinghap siya at napahagulhol ng malakas. Naramdaman niya ang mahigpit nitong yakap.

"Please... just once... one last time. I... I n-need to say sorry.. I need to tell him how much I love him.. please..." naririnig niya ang di matawarang sakit sa sariling tinig.

"I'm sorry.. " muling bulong nito at marahang hinahaplos ang likod niya. "I'm sorry.. "

She cried for hours, subalit hindi pa rin maibsan ang sakit sa kaniyang dibdib. Kusang huminto sa pagpatak ang kaniyang mga luha but her heart still weeping.

Narinig nila ang tunog ng papadaang sasakyan. Bumitiw siya sa pagkakayakap ng kaibigan, she was thankful dahil hindi ito nagtatanong.

Tumayo ito sa gitna ng kalsada at ikinaway ang dalawang kamay.

"Heeeyyy!!! Stooop!!" malakas na sigaw nito. Huminto sa pag-andar ang truck isang dipa ang layo sa kaniyang kaibigan.

Agad itong lumapit sa driver's seat at kinausap ang driver na sumungaw. Maitim at hindi matangos ang ilong nito, nakapusod ang mahabang kulay itim na buhok at naka-unipormeng asul na polo na may tatak ng kumpanyang pinagtatrabahuhan nito.

Narinig niyang nag-usap ang dalawa pagkatapos ay patakbong lumapit sa kaniya ang binata.

"Let's go..." ang nakangiti nitong yakag sa kaniya. Tipid siyang tumango at sumunod dito. Naupo siya sa pagitan ng dalawa. Nagpanggap siyang natutulog upang hindi siya kausapin ng driver maging ng kaibigan niya.

Para siyang unti-unting kinakain ng matinding kahungkagan. Nararamdaman niya ang matinding galit sa sarili.

She should have died in that crash.

Sana ay namatay na lamang siya kung hindi na rin lamang siya makakabalik kay Lucas.

Gabi na ng marating nila ang siyudad, nakita niya ang pabalik-balik na pampasaherong sasakyang tinatawag na jeepney. Narito pala sila sa Pilipinas sa bahaging Luzon, ang bayan kung saan niya nakilala si Lucas.

Sa ibang panahon...

Another waived of sadness shook her na muntik na niyang ikatumba kung hindi naka-alalay ang kaniyang kaibigan. Umiling siya upang ipakita sa kaibigang ayos lamang siya.

Unti-unti ng naghihilom ang kaniyang mga sugat epekto ng age-freezing drug na kanilang tinurok sa kani-kanilang katawan. Kaya hindi na nila kinailangang magpagamot.

"We have to find a shelter at least for the night." Ang wika ni Ashton.

"Wait here." Aniya at iniwan ito, akmang pipigilan siya nito subalit nagbago ang isip at hinayaan siya. Lumapit siya sa isang dalagang nakatayo sa gilid ng kalsada malapit sa may tawiran at nag-aabang ng daraang jeep. "Hi.. I'm Kallyra.. " nakangiting bati niya dito, sana ay hindi nito mapansin ang walang sayang ngiti niya.

Nakahinga siya ng maluwag ng gumanti ito ng ngiti. "Pwede bang humiram ng cellphone, mabilis lang, naiwan ko kase ang cellphone ko, naaksidente kami ng kapatid ko at kailangan kong tawagan ang aming parents."

Nilingon nito si Ashton at muling bumalik ang tingin sa kaniya, may malawak na ngiti sa labi. "S-sige.." nahihiyang wika nito at inabot sa kaniya ang cellphone nito, kaagad siyang nag-dial ng numero at bahagyang tumalikod sa dalaga.

Kagat ang mga labing naghintay siya sa kabilang linya. Matapos ang dalawang ring ay may sumagot doon.

"Whoever the fudge are you don't you dare call me aga---"

"---Hey it's me, Lyra..." Putol niya dito, sigurado siyang bababaan kaagad siya nito matapos ang mga litanya nito kaya inunahan na niya.

"Kallyra?? The Ice queen.. my dear cousin, bakit napatawag ka it's freaking 12 midnig--- wait... oh my god! Oh my god! How did you contact me? May signal ba sa space, oh my god this is awesome, I'll tell my friends about it. Wait! Wait! I'll tweet this----"

"Hey, hey stop." Kallyra can't help but rolled her eyes and smile subalit agad ding nawala ng maalala ang isang taong may pagkakatulad sa madaldal niyang pinsan. "I need your help. Hindi ako nakasama sa expedition, naiwan ako." Pagsisinungaling niya.

"What!!!" bulalas nito napangiwi siya at bahagyang inilayo ang telepono sa kaniyang tenga.

"Ikukwento ko sayo lahat ng nangyari mamaya, sunduin mo ako, nandito ako sa Batanggas."

"Saan sa Batanggas at ano ang ginagawa mo diyan, last time I check ay nasa America ka at sumakay sa space ship, kailan ka pa umuwi ng Pilipinas."

"Mamaya na ako magpapaliwanag, kailangan ko nang ibaba ito, narito kami sa terminal ng batanggas. Hihintayin kita."

"Sige-sige I'll be there in thirty minutes." Anito. Pinatay na niya ang tawag at nakangiting humarap sa dalaga, nahuli nyang nakatitig ito sa kaniyang kaibigang si Ashton.

"Thank you.." she said at inabot dito ang hiniram na cellphone. Namula ang magkabila nitong pisngi at nahihiyang inabot ang cellphone sa kaniya.

"W-welcome." Mabilis na wika nito at patakbong iniwan siya upang sumakay sa pumaradang jeep sa labas ng terminal. Naglakad siya pabalik sa kinatatayuan ni Ashton.

Wala pang kalahating minuto ay dumating na ang kaniyang pinsan. Sa Laguna lang naman ito nakatira. Malalaki ang hakbang na sinalubong siya nito. "What the hell Lyra! You almost gave me a... ah.. hi there. Who are you." Nahinto ito sa pagtalak at nakangiting binalingan ang kaniyang kaibigan.

"Ashton, nice to meet you Carlotta." Nakangiting inilahad ng binata ang palad sa kaniyang malanding pinsan na kaagad namang tinanggap ng huli.

"Are you my cousin's boyfriend Ashton?" alanganing ngumiti ang binata sa prankang tanong nito.

"No.. I'm her friend."

"Good. Let's go, you both look exhausted. I'm sure you badly need a rest."

Mukang hindi na siya napapansin ng kaniyang pinsan hanggang makarating sila sa malaking bahay nito, tinadtad nito ng tanong ang kawawa niyang kaibigan. Good for her bad for him, she cannot tolerate her sometimes kaya madalas niyang iniiwasan ito, subalit ito lamang ang maituturing niyang matalik na kaibigan kahit malaki ang pagkakaiba nila. She was thankful that Ashton caught her attention kung hindi ay sumasakit na ang ulo niya ngayon sa kaiiwas sa marami nitong tanong.

Naligo siya at nagpalit ng malinis na damit pagkatapos ay kumain kasabay ng kaniyang kaibigang hindi pa rin tinatantanan ng madaldal niyang pinsan. Matapos kumain ay nagtungo na siya sa kuwartong madalas niyang tulugan sa tuwing bumibisita siya doon.

Nanatili siya sa bahay ng kaniyang pinsan sa loob ng ilang araw pagkatapos ay nagtungo siya sa bahay niya sa Bagio.

Sa kabila ng lahat ng nangyari ay nagpapasalamat pa din siya, nakita niyang muli ang kaniyang pamilya. At least hindi siya nag-iisa at meron siyang nabalikan.

Hindi man niya nakasama ng matagal si Lucas she will definitely keep his memories in her heart,

.... forever.