webnovel

Año Luz Aparte... (Light years apart) Book 1

Kallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and the most powerful leaders on Earth. They climbed aboard the first ever space craft that can travel as fast as the speed of light. They embarks on their journey to discover the mysteries of the universe but accidentally travelled back in time.... And Kallyra experienced the most exciting life she could only dreamed of and something she never dreamed of... ...that is love. ******** Broken Hearted. Lucas left the capital and went to a place where he can mend his broken heart. But who knows? Destiny can be playful. It must be a joke, or he must be dreaming. How can he move on when the person he desperately wants to forget is now standing coldly and glaring right in front of him? How did two people look extremely alike? Well, not really. This woman is outrageous! His beloved is way different, for she was virtuous, gentle, sweet, kind and always have her bright smile that he loved the most. But this woman is too arrogant, she shows too much skin that can tempt even the most faithful monks and dared to flirt and kissed a man in broad daylight! Disgraceful! Scandalous! And she dared to warn him not to fall in love with her? Hah! She must be dreaming. He would never fall for someone like her who acts like a man. Well, she could even put any man in shame. He would never like her. Ever. Not in his wildest dream. Not even close. .... On second thought, If she could be a little bit nicer to him and won't always think of leaving. Then maybe.. He might reluctantly change his mind. *********** This was a love story between the two people from different space and time.

Laidhen · 历史言情
分數不夠
70 Chs

Capitulo Cuarenta y nueve

Sa kabila ng sulo sa labas ng piitan ay hindi iyon sapat upang mabawasan ang kadiliman sa loob ng marungis na kulungan. Umaamot ng liwanag ang bawat sulok ng silid kung saan nakapiit ang tatlong paring sekular.

Tahimik ang paligid at ang maya't-mayang patak ng tubig ulan mula sa butas na bubungan lamang ang bumabasag sa katahimikan ng silid.

Tahimik lamang si Padre Jacinto, mapanglaw ang mga mata at nangungupis ang magkabilang pisngi katulad ng dalawa niyang kasama. Nakalarawan sa kanilang mga mukha ang kawalan ng pag-asa.

Isinandal niya ang kaniyang ulo sa magkasalikop na tabla sa kaniyang leeg. Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng ilipat sila ng mga gwardiya sibil dito sa Fort Santiago.

Ayon sa kaniyang mga narinig ay magaganap ang pag-garote sa malawak na parang sa bagumbayan. Mabilis na natapos ang paglilitis sa kanila dahil sa tumayong testigo na nangangalang Francisco Zaldua.

Bagaman nagagalit dahil sa hindi makatarungang pambibintang ay tanggap na niya ang kinasapitan, mabuti nang siya sa halip ang iba pang inosente ang mahatulan. Naging masaya naman ang kaniyang buhay, siguro ay ang paglalaro ng baraha na siyang kaniyang pampalipas-oras kasama ng kaniyang mga kaibigan, ang pagmimisa sa Marikina at Batanggas, ang mga alaala noong siya ay nag-aaral pa lamang at siya'y nasa piling pa ng kaniyang ama at ina ay ang kaniyang babaunin sa kanying kamatayan.

Pilit niyang ginalaw ang nangangalay na binti at nananakit na tuhod. Maghapon at magdamag silang nakaluhod sa lupang natatakpan ng mga mamasa-masang dayami. Nakatali ang dalawa nilang mga kamay sa magkabilang haligi ng silid-piitan.

Suot pa rin nila ang itim na abito na siyang pagkakakilanlan nila bilang isang paring sekular. Subalit marungis na iyon at mayroon ng ilang punit.

"Padre Jacinto!" mahina lamang iyon at parang bulong lamang subalit malinaw iyong narinig ng tatlo. Muling napaangat ang kaniyang ulo at pinaliit ang mata upang makaaninag sa dilim.

Mula sa pintuan ng silid ay unti-unting pumasok ang kakaunting liwanag subalit sapat na iyon upang maibigay ang hugis ng taong pumasok sa silid piitan.

Bumukas ang kaniyang bibig subalit walang salitang nakalabas roon sapagkat natuyo na ang kaniyang lalamunan maging ang kaniyang labi. Maging ang paglunok ay naging napakahirap na ding gawin.

Nang tuluyang masilayan ang may-ari ng bultong iyon ay hindi mapigilan ng tatlong pari ang pangsinghap.

"Ang hay*p na Gobernador Heneral!" singhal ng kanilang bisita ng makalapit sa kanila. Bakas ang matinding galit sa mahinang tinig.

"A.. An-Andres!" sa wakas ay nabigkas din niya.

"Huwag kayong matakot padre, makakaligtas kayo, itatakas namin kayo ngayong gabi."

Nanlaki ang kaniyang mata kasabay ng kaniyang hindi makapaniwalang pag-singhap, ganoon din ang reaksyon nina padre Mariano at padre Jóse.

Wala itong inaksayang sandali at nagmamadaling kalasin ang kahoy na nagkukulong sa kanilang leeg.

"Maari na kayong pumasok!" mahinang tawag ni Andres sa kung sino.

Kaagad na may pumasok na dalawa pang kalalakihang nakaitim. Mayroong mga takip sa muka di gaya ng kay Andres ang dalawa at deretso ang mga itong nagsilapit sa dalawang bilanggo.

Nang malapit na silang makalaya sa pagkakagapos ay natigilan sila ng makarinig ng malalakas na putukan ng baril sa labas ng piitan. Subalit makalipas lamang ang ilang minuto ay natapos din iyon.

Ilang sandali lang ay may pumasok pang isang lalaki na naka-itim din na kasootan.

"Uno! limang-minuto na lamang!" ang humahangos na imporma ng lalaki na sa hula ni Padre Jacinto ay wala pa sa edad bente.

"Anong nangyari sa labas Ocho?" ang tanong ni Andres na tinawag ng binatang dumating na Uno."

Sa kabila ng kaguluhan sa labas at ang malakas na kalabog ng kaniyang dibdib ay hindi niya maiwasang pagtakhan ang kakaibang kasootan ni Andres at ang hindi niya makilalang mga kasamahan nito.

Maging ang mga alyas na ginagamit nila ay kakaiba sa nakagawian. Ngunit nasisiguro niyang kabilang ang mga ito sa isang samahan. Isang samahang sa kaniyang palagay ay may mataas na kalidad dahil ang normal na grupo ng mga pilipinong lumalaban sa pamahalang kastila ay walang ganito ka-unipormadong plano at mautak na paglilihim ng kani-kanilang tunay na katauhan.

"Hindi inaasahan ang pagdating ng Gobernador Heneral na ngayon ay naroon na sa tanggapan. Nakamasid na sa kanila ang grupo ng pinuno kasama sina kuya Apolina- Tres." tinakpan nito ang bibig kahit na may takip na itim na tela ay halata sa mata nito ang pagkabigla.

Pinanliitan ito ng mata ng mga kasama. Subalit iwinasiwas lamang ni Andres ang libreng kamay nito sapagkat nagpatuloy ito sa pagkalas sa bakal na gapos sa kaniyang paa.

"A-t dahil sa pagdating ng Gobernador Heneral ay nagdagdag ng mga gwardiya sibil sa labas ang alkalde, at nagkaroon ng putukan sa labas. Maya-maya lamang ay paparating na ang mga sundalo ng pamahalaan!"

Napasinghap ang lahat ng naroon sa loob ng silid-piitan. Alam nilang kung tumatakbo ang mga kastilang sundalo ay limang minuto lamang at makakarating na sila dito.

Ramdam ni Padre Jacinto ang lalong pagbilis ng mga kilos ng kanilang mga tagapagligtas. Subalit siya ay namula ang ipinikit na mata at tumulo ang luhang hindi man lamang pumatak noong panahong sila ay hinuli at nilitis maging sa kabila ng matinding gutom.

Nanginig ang kaniyang maputla at nagbibitak-bitak na labi at pinilit ibukas ang bibig.

"Iwan niyo na kami." sa kabila ng pamamalat at hirap na pagsasalita ay nagawa niyang ibigkas ng buo ang mga salitang hahatol at puputol sa kanilang nag-aagaw na buhay.

Hindi man siya nagtanong sa dalawang paring kasama ay alam niyang iyon din ang nais ng mga itong sabihin. Hindi nila hahayaang mapahamak at higit sa anopaman ay mamatay ang mga kabataang ito na handang magsakripisyo ng kani-kanilang buhay para sa mga naapi , para sa bayan. Mas higit na mapapakinabangan ng mga Pilipino ang kanilang buhay bilang mga bayani sa halip na matapos lamang iyon para sa kapiranggot nilang pag-asa.

Tila tumigil ang oras sa loob ng kulungan, at kahit walang orasan ay tila naririnig nila iyon ng dahil sa paisa-isang patak ng tubig ulan sa mga butas ng bubong binabasag noon ang nakabibinging katahimikan.

"K-kahit na mailabas ninyo kami dito sa silid ay maabutan pa rin tayo ng mga humahabol na mga sundalo at mga gwardiya sibil. K-kung aalis na kayo ngayon ay maari pa kayong makatakas sa kanila." narinig niyang wika ni Padre Jóse, sa kabila ng nanginginig nitong tinig ay mababakas rin doon na sigurado ito sa sinabi.

"Umalis na kayo." ang matatag na utos ni Padre Mariano kasabay noon ay ang malalakas na putok ng mga baril at mga sigaw ng mga kastilang sundalo di kalayuan sa piitan.

Tila walang narinig si Andres at nagpatuloy ito sa pagkalas ng mga buhol-buhol na kadenang bakal na nakatali sa paa ni Padre Jacinto.

"Andres. Isipin mo ang iyong mga kapatid, kung m-maaabutan ka ng mga kastila sa p-piitang ito ay hindi lang ikaw ang mapapahamak."

Malakas nitong binagsak ang hawak na mga susing pangkalas ng hindi malaman kung alin sa mga iyon ang tama. Narinig niya ang malakas na paghikbi ng binatilyong may alyas na Ocho.

Samantalang patuloy sa pagpapaputok ng baril ang mga sundalong kastila. Nakadapa sa matataas na talahiban sa gilid ng mga piitan ang grupo nina Kallyra.

Ang kaninang takot na naramdaman ni Apolinario ay tila nawala dahil sa mahusay na pamamaril ng kanilang pinuno.

Sa bawat putok ng baril nito ay isa-isang tumutumba ang mga sundalong kastila at naglilikha iyon ng hindi nakikitang pader sa bungad ng malawak na bulwagan papasok sa mga kulungan.

Blangko ang mga mata nito at walang nababakas na emosyon sa mata, kalhati nang mukha ay natatakpan ng itim na tela. Sa bawat pagputok ay umiigkas ng bahagya ang braso nito subalit tila wala itong nararamdamang pangangalay katulad ng nararamdaman niya ngayon. Sumasakit na rin ang kaniyang braso.

Pinaraanan niya ng tingin ang iba pa niyang mga kasama na nahuhuli niyang nililingon ang kanilang pinuno paminsan-minsan. Alam niyang ang presenya ng kanilang pinuno ay nagbibigay din ng lakas ng loob at nakapag-aalis ng takot sa kaniyang mga kasama.

Huminga siya ng malalim at muling ibinaling ang atensyon sa mga sundalong hindi na magawa pang makalapit sa kanila. Pansamantalang natigil ang mga ito sa pagpapaputok at tila may hinihintay.

"¡Entregue a su líder y le dejaremos vivir! ¡Si no se rinden, todos serán asesinados esta noche!" 'Isuko ninyo ang inyong lider at kayo'y hahayaan naming mabuhay! Kung hindi ay lahat kayo ay mamamatay ngayong gabi!' sigaw na pinakalider ng mga sundalong kastila na si Heneral Donatillo ang kaibigan ng Gobernadorcillo na si Don Zamora.

Wala ni-isang kumilos sa kanilang grupo at nanatiling nakatutok ang mga kargadong baril sa mga sundalong kastila. Makikita sa mga mata ng kaniyang mga kasama ang determinasyon at galit para sa mga mapang-abusong kastila.

Samatalang nakita niya sa gilid ng kaniyang mata ang mga kasamahang nakatalagang maglabas sa mga pari na ngayon ay tumatakbo na sa kanilang direksyon at nakita rin iyon ng kanilang kalaban.

Nanlaki ang kaniyang mga mata ng walang pag-dadalawang-isip na pinaulanan sila ng bala ng baril ng mga sundalong kastila. Natamaan ng maraming beses ang dalawa nilang kasamahan subalit hindi sila huminto at nagpatuloy sa pagtakbo palapit sa kanila.

"¡Mata a todos esos rebeldes y no dejes que nadie sobreviva!" 'Patayin ang mga rebelde at wala kayong itirang buhay!'

"Protektahan sila!" narinig niyang sigaw ng kanilang pinuno, tila natauhan ay sunod-sunod muli silang nagpaputok. Ligtas na nakalapit sa kanila ang grupo nina Andres. Kahit labis ang kaniyang pag-aalala sa mga tinamaan ng bala ay hindi niya hiniwalay ang tingin sa mga sundalo at nagpatuloy pa din sa pagpapaputok.

"Atras." hanggang sa marinig ang malamig na utos mula sa kanilang pinuno ay saka pa lamang kumilos ang kaniyang mga paa. Walang tanong na dahan-dahang nagsi-atras ang mga kasama. Nanatiling nakatutok ang kaniyang mata sa mga kalaban at sinisigurong hindi makakagawa ng kilos ang mga ito habang sila ay umaatras.

"Tumakas na kayo, haharangan ko sila!" napatitig siya sa malamig na mata ng kanilang pinuno. Gusto pa sana niyang kontrahin ito at yakaging sumama na sa kanila sa pagtakas subalit hindi niya nagawang ibukas ang bibig dahil tila wala nang makapagbabago ng isip nito.

Kuyom ang kaniyang kamao na tiningnan ito ng huling beses at mabilis na tumakbo pasunod sa kaniyang mga kasama. Hindi siya lumingon sa kabila ng naririnig na palitan ng putok ng baril sa kaniyang likuran.

"¡No los dejes escapar! Persigue a ellos!" huwag silang patakasin!Habulin sila! narinig pa niyang sigaw ng Heneral mula sa malayo pagkatapos ay malakas na igik nito na tila nasaktan.

"Sa gubat!" narinig niyang sigaw ni Uno. Pasan nito ang isa sa mga sugatan nilang kasamahan. Mabibilis ang kanilang mga kilos hanggang sa marating ang batis kung saan naghihintay ang apat na bangka na binabantayan ng dalawa pa nilang kasamang sina Siete at Catorce.

"Sakay! Sumakay na kayo bilis!" inuna nila ang mga natamaan ng baril na isakay sa unang bangka at kaagad iyong itinulak ng dalawa papunta sa malalim na parte ng batis upang makapagsagwan na ito palayo sa pangpang.

Kaagad silang sumunod at ng makasakay na silang lahat ay saka pa lamang niya nilingon ang direksyong kanilang pinanggalingan. Sa kabila ng madilim at masalimuot na gubat na humaharang sa kaniyang paningin ay tila natatanaw pa rin niya ang kanilang pinuno.

Sa kabila ng malamig nitong mata ay nababasa niya ang malalim na sakit doon at tila walang hanggang kalungkutan. Hindi man niya alam ang dahilan ay tila naninikip ang kaniyang dibdib dahil sa narardamang awa para sa dalagang pinuno.

Malapit ng magbukang liwayway ng marating nila ang kanilang kampo sa Calle Azcarraga. Kaagad na dinaluhan ng mga manggagamot sa kanilang grupo ang mga sugatan.

"Argghh..." narinig niyang daing ng isa sa mga iyon. Napahinto si Apolinario sa tangkang paglapit at tila tinakasan ng kulay ang kaniyang muka. Nanlamig siya at natulos sa kinatatayuan.

"Maraming tama ng bala." ang nanginginig na wika ng doktor na dumalo dito.

Saka lamang siya bumalik sa katinuan ng marinig ang tinig ng manggagamot. "Simon!" bulalas niya at mabilis na nakalapit sa duguang kapatid. Nanginginig ang kamay na hinawakan niya ito at inalis ang takip nito sa muka. "Simon!" napaluhod siya sa nakikitang paghihirap ng kapatid.

Hindi sila tunay na magkapatid sa dugo subalit kinupkop na niya ito mula noong dalawang-taong gulang pa lamang ito. Mabait at masunuring bata at minsan naman ay sadyang makulit at mausisa. Subalit mahal niya ito.

"K-kuya... ang mga p-prayle.." iyak nito. "H-hindi nila gustong s-sumama!" humagulhol na ito ng tuluyan.

"Shh.. tumahan ka na Simon, ang iyong sugat ay kailangang magamot." alo niya dito at nilinga ang doktor na patuloy na pinaampat ang dugo sa mga butas na likha ng mga bala sa katawan ng kapatid.

"H-hindi nila g-gustong sumama k-kuya! M-mamatay s-sila! Papatayin sila ng G-Gobernador Hener--- aghh!" muling daing nito, naghalo ang luha nito sa mga tilamsik ng dugo sa pisngi at sa leeg.

"Tumigil ka na sa pag-iyak Simon!" napalakas ang kaniyang tinig dahil sa nararamdamang takot para sa buhay ng kapatid.

Maya-maya ay huminto na ito sa pag-iyak at ipinikit ang pagod na mata. Mabilis siyang tumulong sa pag-ampat ng dugo sa mga sugat ng kapatid subalit ng mabitiwan niya ang braso nito ay bumagsak iyon sa kawayang katre na tila wala ng buhay.

Tarantang muli niyang dibampot ang kamay ng kapatid at dinama ang pulso nito. "Hindi!" takot na sambit niya at kaagad na inilapat ang kaniyang tenga sa dibdib nito na hindi na gumagalaw. "Hindi! Simon!" nanlabo na ang kaniyang mata at unti-unting naupos ang kaniyang lakas.

Maagap siyang nasalo ng doktor at naramdaman niya ang paglapit ng mga kasama pagkapos noon ay tila wala na siyang naririnig. "S-simon.. Ang kapatid ko.." ang huli niyang nasabi bago tuluyan siyang mawalan ng ulirat.