"Pinuno!" kaagad na sumalubong ang grupo ng mga kalalakihang kasapi ng samahang El Comienzo. Naroon sila ngayon sa lihim nilang kampo na tinatawag nilang Pugad.
Dahil sa nangyayaring kaguluhan ay nagiging madalas ang kanilang mga pagpupulong.
"Maayos ba ang inyong kalagayan Pinuno?" nag-aalalang tanong ni Marcelo ng mapansin ang kapaguran sa muka ng magandang binibini, inaasahan na nila ang pagdating nito ayon sa impormasyong isiniwalat ni Diego noong nakaraang linggo.
Tumango lamang ito at tipid na ngumiti. Ang ngiti nito ay tila hindi umabot sa kulay abong mata.
"Ikinalulungkot ko ang nangyari kay Simon." mababa at mahinang sabi nito na ang mata ay nakatuon sa nakayukong si Apolinario. Tumango naman ang huli at binigyan ng matipid ding ngiti ang kanilang pinuno subalit walang galit o anomang pagdaramdam sa kislap ng mata nito.
Dumaan ang sandaling katahimikan bago muling binasag iyon ng tinig ni Andres.
"Kahapon lamang ay lumapit sa akin ang grupo nina tatang Ramon, mga kasapi ng Polo, humihingi sila ng tulong o kahit anong maaring isuporta ng aking ama sa kanilang binabalak na rebolusyon. Pang-anim na silang grupong lumapit kay ama."
"Nakatanggap din ng liham ang aking ama." ani naman ni Jose.
"Lumalabis na ang mga kastila, ilang mga inosenteng buhay na ang kanipang kinuha at hindi ko hahayaang magpatuloy sila." tiim ang bagang na wika ni Andres at mahigpit ang kapit nito sa pinakamamahal na baril. Makikita ang hindi mapantayang galit sa mata nito. "Alam kung nais ng aking ama na tumulong sa mga Indio subalit hindi sapat ang kanilang armas, kamatayan lamang ang kanilang kahihinatnan."
Matamang pinagmasdan ni Kallyra ang binata at ang lahat ng mga naroon sa loob ng lihim na silid. Sa kabila ng mga bata pang edad ay hindi iyon nababakas sa kanilang mga muka. Tila ba mabilis na lumilipas ang panahon sa mga ito at wala silang magawa kung hindi ay umakto ng naayon sa panahon.
Inagaw ang kabataan at kaagad na ipinamulat sa masalimoot na kasalukuyan. Higit pa roon ay pinapasan ng kanilang mga balikat ang pag-asa ng mga mamamayang pilipino na makawala sa mahigpit na kapit ng mga kastila na ngayon ay tila nananakal na.
"Ito ay aking kasalanan..." ang hindi niya mapigilang sambit at ng magtangkang pahindian iyon ng mga kasama ay umiling siya at nagpatuloy sa pagsasalita. "Nais nilang makaganti sa nangyaring pagsalakay sa Fort Santiago, at hinahanap din nila ang mga prayle. Ako ang nagsimula ng gulong ito kaya't ako rin ang tatapos." matatag niyang deklara.
"A-anong inyong binabalak pinuno? Binabalak niyo bang sugurin ang kampo ng mga kastila mag-isa?" tila nahulaan ni Jose ang iniisip niya.
Hindi siya sumagot subalit naintindihan ng mga naroon sa loob ng lihim na silid ang ibig sabihin ng kaniyang pananahimik.
"Subalit napakarami nila!" ang nabiglang sambit ni Juan. "Alam naming lahat na hindi pangkaraniwan ang iyong lakas at determinasyon subalit hindi sapat iyon upang supilin ang libo-libong mga kastila!"
"Hindi ko gagawin iyon." makahulugang wika niya. "Aalis na ko, mag-iingat kayong lahat." iyon lamang at lumabas na siya ng silid.
Maingat na lumabas siya sa Pugad gamit ang kanilang lihim na lagusan, sa gubat ang labas noon. Sinilip muna ni Kallyra ang siwang sa loob ng katawan ng malaking punong kinaroonan at nakiramdam sa paligid.
Malaki ang puwang sa loob ng puno at ang lupa sa ilalim ay may hukay na siyang nag-uugnay sa kanilang lihim na silid.
Mabilis na nagpalit ng kasootan si Kallyra at isinuksok sa telang sisidlan ang kaninang suot at itinali iyon sa kaniyang bewang pagkatapos ay itinakip ang mahabang saya.
Naiiling na muling niyang pinasadahan ng tingin ang suot na baro at saya, makulay na bulaklaking maayos ang pagkakaburda ang disenyo ng kaniyang saya at kulay krema ang pang-itaas. Mabilis na sinulapid niya ang mahabang buhok at maingat na lumabas sa natural na uwang ng puno.
Muli niyang pinakiramdaman ang paligid at ng masigurong walang tao sa paligid ay saka lamang siya nag-umpisang humakbang palayo sa puno at palabas ng mas
Sumakay siya sa nag-aabang na kalesa at binati ang kutsero na walang iba kung hindi si Diego.
"Saan ang susunod mong patutunguhan binibini?" ang seryoso nitong tanong.
Ipinaling niya ang paningin sa dinaraanan at matagal bago sumagot sa tanong ng binata, subalit matiyaga namang naghintayang nagtanong at nagpatuloy sa pagpapatakbo ng kalesa sa tuwid na daan sa direksyong patungong Intramuros.
"Sa tahanan ng mga De la Torre." mahina lamang iyon subalit alam niyang narinig iyon ng kausap.
Nagpatuloy sa pagtakbo ang kabayong siyang humihila sa kinalululanang kalesa. Nahulog siya sa malalim na pag-iisip at hindi niya namalayang naroon na pala sa tapat ng malaking bahay nina Lucas.
"Nandito na tayo binibini." narinig niyang imporma ni Diego. Subalit nanatili siyang walang kibo at nakatanaw lamang sa malapad na bakurang natatamnan ng makukulay na mga bulaklak. Tila hindi umusad ang panahon kung pagmamasdan ang lugar dahil wala iyong ipinagbago.
A surge of memories hit her like a bullet. It pierced her heart and she could feel it was bleeding. Nag-init ang kaniyang mata ngunit hindi niya iniwas ang tingin, she wanted to memorize the place bago siya tuluyang mag-paalam.
Lumabas ang isang matanda na pamilyar sa kaniya mula sa nakabukas na pintuan ng malaking bahay, akmang iiwas niya ang muka at uutusan ai Diego na paandarin na ang kalesa subalit nakita na siya ng matanda.
Malalaki ang mga mata nito na bakas ng pagkagulat. "Binibining Kallyra!" tuwang tawag nito, mabilis itong humakbang papalapit sa kinaroroonan niya subalit mabagal na iyon marahil ay dala ng katandaan, maliit ito at mahaba ang puting buhok.
Ngumiti siya at bumaba ng kalesa upang salubungin ito. "Nanang Pasing." kaagad nitong inabot ang dalawang kamay niya at matamang pinagmasdan siya sa naluluhang mata.
"Ay kamusta ka na iha, ilang taon na rin mula ng umalis ka, kay tagal naming nangulila sa iyo, ay bakit ngayon mo lamang naisipang bumalik." the woman's old voice sounds very comforting and its making her cold heart felt warmed.
"P-pasensiya na ho Nanang, hindi ko naman ho talaga binalak na magtagal." matapat niyang wika.
"Ay ano gang pinagsasabi mo iha, ang sabi ni ginoong Lucas ay wala ka ng ibang pamilya kaya't saan mo balak pang magpunta? Naku, halika nga at pumasok ka sa loob tiyak na matutuwa sila kapag nakita ka."
Kaagad siyang umiling, she don't plan to see Lucas parents dahil malaki ang kasalanan niya sa mag-asawa. Hindi niya alam kung papaano haharapin ang dalawa. Desidido na siyang kusang humarap sa Gobernador Heneral.
Mayroon na siyang plano at nasisiguro niyang hihinto ang mga kastila sa panghuhuli sa mga inosenteng mga pilipino at ang mga walang katuturang pagpatay.
"Ah.. napadaan lamang ako Nanang Pasing, kailangan ko na ding umalis kaagad." tanggi niya.
"Ay saan mo ba balak magpunta?" kunot-noong tanong ng matanda.
Akmang sasagutin niya ang tanong nito ng naagaw ang kanilang pansin ng tinig ng isang babae. Sabay nilang nilingon ang dumating.
"Nanay pasing sino ang binibi---"
"Aba'y narito ka na pala binbining Mariya, tumuloy ka na sa loob kanina ka pa hinintay ni Donya Juliana.
Subalit hindi kumilos ang dalagang dumating. Tila natulos ito sa kinatatayuan.
"A-anong ginagawa mo dito?" ang tanong nito na may bahid ng galit sa tinig. Hindi tulad ng dati ay mas simple ang kasuotan nito ngayon, puting baro at mapusyaw na kulay dilaw naman ang tela na yari sa bulak. Wala iyong mga disenyo at wala din itong hawak na abaniko na noon ay palagi nitong dala sa tuwing nakikita niya ito.
"Hindi ako magtatagal, napadaan lang ako, mayroon akong mahalagang pupuntahan." tipid ang ngiting sagot niya sa dalagang masama ang tingin sa kaniya. Alam niyang alam na nitong siya ang may kagagawan ng pagkahuli sa ama nito at siyang dahilan ng pagbagsak nila. Ngayon ay umaasa na lamang ito at ang ina nito sa tulong na ibinibigay ng pamilya ni Lucas.
"Ay hindi, matagal ka ng hinahanap ni Gino---"
"Kung ganoon ay hindi ka na namin aabalahin pa, tayo na sa loob Nanang Pasing." ang sabi nito pagkatapos ay inabot ang braso ng matanda upang alalayan ito papasok sa loob ng malaking bahay.
"Ay sandali lamang, sumana ka sa loob iha siguradong matutuwa---"
"Halika na ho, mukang nagmamadali na rin siyang umalis, hayaan na natin Nanang at baka naiinip na rin si Donya Juliana." muling putol nito sa matanda, hindi nakaligtas ang kislap ng takot at kaba sa mata nito kay Kallyra. Siguro ay babalewalain lamang niya iyon sa ibang pagkakataon subalit may kung anong tinig ang nag-uudyok sa kaniyang alamin ang dahilan noon.
"Sige, dadaan na muna ako saglit, kung magmamadali ako mamaya ay makakaabot pa naman." nakangiting wika niya sa matanda.
"Umalis ka na!" nagulat siya at si Nanang Pasing sa biglang pagtaas ng boses ng dalagang kaibigan ni Lucas, nalaman niyang hindi na naman natuloy ang kasal ng dalawa dahil sa tumanggi ang huli. "Ah.. ang ibig kung sabihin ay baka matagalan ka sapagkat nasisiguro kung maraming itatanong si Donya Juliana, ipapaalam ko na lamang na napadaan ka." mabilis nitong bawi sa mababa ng tinig.
Nagkibit siya ng balikat. "Ayos lang." aniya at hindi na ito pinansin.
"Ay kung ganoon ay halika na sa loob." tuwang anyaya ng matanda. Nakangiti siyang sumunod dito, nakita naman niyang kaagad na sumunod sa kanila ang dalagang si Mariya.
Saka lang nakaramdam ng pagsisisi si Kallyra ng naroon na siya sa bungad ng pintuan ng malaking bahay. Gusto niyang kutisan ang sarili dahil sa padalos-dalos na desisyon.
Binalot ng kaba ang kaniyang dibdib sa kaisipang muli niyang makakaharap ang mag-asawang kumupkop sa kaniya noon at mga magulang ng lalaking namatay ng dahil sa kaniya.
Sa halip na humakbamg papasok ay umatras siya subalit hindi siya nagkaroon ng pagkakataong tumalikod at umalis dahil naroon na sa kaniyang harapan ang kintatakutang makaharap.
Hindi niya alam kung maiinis o matatawa dahil sa tingin niya ay pinaglalaruan siya ng pagkakataon.
"B-binibing Kallyra!" ang gulat at hindi malapaniwalang bigkas ni Ginang Juliana. Mabilis itong nakalapit sa kaniya at sinalubong siya ng isang mahigpit ba yakap na ikinabigla niya. "Realmente pensamos que nunca volverás! ¿Cómo estás? ¿Dónde fuiste?" 'Ang akala namin ay hindi ka na babalik pa! Kamusta? Saan ka nagtungo?' sunod-sunod nitong tanong.
Ibinuka niya ang bibig subalit kaagad ding itinikom. Oo nga pala, hindi pa nalalaman ng mag-asawa ang nangyari sa anak nila. Malamamg ay iniisip ng mga itong naroon lamang si Lucas sa dayuhang bansa at hinahanap siya.
Muli na naman niyang naramdaman ang matinding guilt at galit sa sarili. Hindi siya makatingin ng diretso sa mata ng butihing Ginang.
Katulad ng sinabi ni Mariya kanina, marami ngang kwento ang ginang at mga katanungan na sinasagot naman niya ng tipid na oo at hindi. Minsan ay napipilitan siyang maghabi ng mga kasinungalingan katulad ng tungkol sa kung saan siya nagpunta.
Sa tingin niya ay hapon na bago pa matapos ang ginang na tila hindi siya nais makaalis.
Humugot siya ng malalim na hininga bago sabihin ang pamamaalam. Sigurado siyang ito na ang huli nilang pagkikita at mas lalo lamang lumalalim ang sakit sa kaniyang dibdib habang tumatagal siya sa bahay na iyon.
"Ah.. kailangan ko ng magpaalam Donya Juliana." paalam niya bago pa humaba ang sunod nitong kwento tungkol naman sa mga pagbabago sa negosyo nito.
"Dapit-hapon na iha, dito ka na kumain ng hapunan." kaagad na pigil nito sa kaniya. "Darating na din ang aking asawa at ang aking anak na si----
o iho narito na pala kayo."