Parang tinamaan ng kidlat si Kallyra at natulos siya sa kinauupuan. Nanigas siya at hindi magawang lingunin ang mga dumating at tila mabibingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib.
"Nos encontramos con algunos problemas en los productos que acababan de ser entregados." 'Natagalan kami sa bayan, nagkaroon ng maliit na problema sa mga kalakal na dumating.' si Don Serio.
Tumayo na si Donya Juliana at lumapit sa asawa. "Anong nangyari?" may pag-aalalang tanong nito.
"Sa aking palagay ay nagkaroon ng gulo sa pantalan, algunos productos fueron destruidos. No te preocupes más, es bueno que Lucas estuviera allí, él fue capaz de manejar la situación muy bien.." 'maraming nasirang produkto pero wag kang mag-alala, naayos naman kaagad ang sitwasyon mabuti na lang at naroon si Lucas'
The middle-age man sounds happy and proud. Nakahinga naman ng maluwag ang ginang.
"Nagpapaluto ako kay Nanang Pasing, narito rin si binibinig Mariya upang tumulong, matagal-tagal na rin mula ng makapaghanda tayo ng marami, mas magiging masaya sana kung narito ang ating mga kamag-anak at mga kaibigan." ang masiglang wika ng Ginang at sinimangutan ang anak na bagong dating dahil tumanggi itong
mag-organisa ang ginang ng handaan.
"Mas masaya kung tayo-tayo lang Máma." the sound of that familiar voice shook her.
Kallyra struggled to stand up because her knees was shaking. She slowly turned around and face the man she had been missing for so long. Subalit ang inaasahan niyang masayang paghaharap nila ni Lucas ay malayo sa nakikita niya ngayon
Nagulat ito ngunit mabilis din itong nakabawi, she saw the intense longing and happines in his dark eyes but it was quickly gone like it was not really there or she probably was just desperate to see those emotions in his eyes.
She suddenly feel unsure of what to say. His indifference is making her nervous. Gusto niyang lakdawin ang distansiya sa kanilang pagitan at yakapin ito ng mahigpit and she wants to kiss him so bad. She wants to tell him how much she miss him, that she was really sorry and she loves him so much.
"K-kamusta..." she choked, she bit her lip hard. Nais niyang saktan ang sarili dahil sa dami ng gusto niyang sabihin ay iyon lamang ang salitang lumabas sa kaniyang bibig.
Tumango lamang ito ng bahagya at muling nakipag-usap sa mama nito. She was taken aback.
That's it?
Hindi man lang ba siya nito kakamustahin? Subalit sa kabila ng gulat at pagtataka ay naghintay siyang muling humarap ito sa kaniya. Subalit hindi iyon nangyari.
He ignored her completely, he even joked around with Mariya. He was smiling from ear to ear and chuckling sometimes. Tila nakalimutan na ng mga itong naroon siya.
She tried to open her mouth to call Lucas attention pero walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Hanggang sa unti-unting lumalabo sa kaniyang pandinig ang masayang pag-uusap ng mga ito sa kaniyang paligid. Maraming tanong ang ngayon ay gumugulo sa kaniyang isipan.
Hindi ba siya nito natatandaan? O baka naman galit lang ito sa kaniya kaya parang wala itong pakialam na naroon siya?
Was he the same Lucas she knew?
She heard he fell from a horse when he was trying to find her and was confined for months.
She knew from Maxwell that he got into an accident again in the middle of the ocean all because of her.
Would he accept her after all that happened?
She stood there like a statue, lost and scared at the same time.
"Iha? Binibining Kallyra?"
"Po?" napatayo siya ng matuwid at mabilis na iniwas ang muka ng mapansing nakatingin na pala sa kaniya ang lahat ng mga naroon sa sala ng malaking bahay.
"Ayos ka lamang ba?" may pag-aalalang tanong ni Donya Juliana.
Mabilis siyang umiling at tipid na ngumiti sa ginang. "Iniisip kong tiyak na naiinip na ang naghihintay sa akin sa pupuntahan ko. H-hindi na ho ako magtatagal, salamat sa pag-imbita Donya Juliana, kailangan ko ng umalis."
Magalang siyang yumukod at hindi na hinintay na muli siyang pigilan ng ginang, nagmamadali siyang lumabas sa bulwagang iyon. Hindi rin niya tinapunan ng tingin ang iba pang naroon sa takot na makita nila ang bagyo sa kaniyang mata. She wanted to escape as fast as she can.
Malapit na siya sa kinalulanang kalesa subalit natigilan siya ng marinig muli ang britonong tinig na iyon sa kaniyang likuran.
"You're still the same, you like running away if things gets out of your control, like a coward." sarkastikong turan nito.
Pumikit siya ng mariin. Parang sinampal siya ng katotohanang sinabi nito at sang-ayon siya roon.
When she learned that he will going to mary his childhood sweetheart she run away fast without thinking and did not looked back.
When he accused her of ruining his godfather's life because she was jealous of his ex girlfriend, she did not tried hard to explain her side because she was afraid he won't believe her anyway.
When she thought she will not see him again, she lost the drive to live. She lost all hope and decided to give up, because she was afraid to face tomorrow without him in there. She guess, she was a coward that way.
Binuksan niya ang mga mata at hinarap ito. "Meron akong kailangang puntahan----"
"----Hindi mo ako kayang harapin kaya aalis ka na lang." dagdag akusa pa nito na parang hindi narinig ang kaniyang sinabi. Nakapamulsa ito at matamang nakatitig sa kaniya. Blangko ang maitim nitong mata.
Kahit na mataas na siya sa height na 5'7 ay mas matangkad pa rin ito ng kulang isang pulgada. Hindi niya napansin kanina ngunit parang may naiba sa pananamit at kilos nito, marahil ay naimpluwensiyahan ng pamumuhay sa ibang bansa. Kung nakasuot siguro ito ng pang-modernong damit ay aakalain niyang si Maxwell ang kaniyang kaharap at hindi si Lucas.
"At bakit mo naman nasabi yan, why would I be afraid?" she lied.
Ngumiti ito ng tila nanunuya. "That's what I want to know, why are you afraid?"
"I'm not." mariing tanggi niya.
"Aside from being a coward, sinungaling ka din. You're probably the worst person I ever met." nailing ito at hindi itinago ang disappointment sa mata.
Kumuyom ang kaniyang kamao. Hindi niya magawang magalit sa mga pang-iinsulto nito dahil tama naman lahat ng sinabi nito. But she can't deny that she was hurt.
Humugot siya ng malalim na hininga at pilit isinantabi ang naramdamang hapdi sa kaniyang dibdib. "Okay, I'm sorry." she said in a controlled voice.
"Sorry for what?" he asked coolly. "Dahil umalis ka ng walang paalam?"
Marahan siyang tumango at hindi umiwas ng tingin. Sandali itong hindi umimik at mataman siyang pinagmasdan. She coudn't read his eyes anymore unlike before. Malaki talaga ang pinagbago nito at hindi niya alam kung gusto ba niya iyon o hindi.
"Wala ka namang dapat ihingi ng tawad." anito matapos ng ilang sandali.
"N-nalaman kong naaksidente ka sa kabayo---"
"I was stupid that time." kibit-balikat nito. "Siguro ay hindi lamang ako handang mawalan ulit, I probably was not able to get over yet from my first love and first heartbreak."
She stiffened. "Anong ibig mong sabihin?" she bravely asked kahit alam na naman niya ang nais nitong patukuyin.
Muli itong nagkibit-balikat at hindi sinagot ang tanong niya. Tiim-bagang na umiwas si Kallyra ng tingin.
"Pero kung sincere ka talaga sa paghingi mo ng sorry..." muli niyang ibinalik ang tingin dito. "Work for me, marami akong kailangang ayusin sa mga bagong mga pagawaan at tanimang inumpisahan ni Máma dahil sa monopolyo ng tabako na kanilang nakuha. Kababalik ko lang at gusto kong ako ang mamuno ng monopolyong ito."
Hindi niya mapigilan ang tingnan ito ng masama. Matapos nitong ipahiwatig na ginawa siyang rebound ay aalilain naman siya nito.
Binalewala nito ang kaniyang masamang tingin at nagpatuloy. "Wag kang mag-alala dahil babayaran naman kita. Kailangan ko lang talaga ng makakatulong at dahil alam ko namang mahusay ka sa larangang ito ay ikaw ang napili ko."
Hah! gusto niyang matawa. Papaano nito naisip na magagawa niyang makasama ito matapos siyang insultuhin at umaming panakip-butas siya sa pagkawala ng pinakamamahal nitong ex-girlfriend.
At kahit na nagagalit siya ay hindi niya magawang sumbatan ito. Pwede ba niyang sabihin dito na naglakbay siya sa kalawakan sa loob ng ilang dekada sa kabila ng maraming posibilidad na baka manatili na lamang siyang palutang-lutang sa doon hanggang sa mamatay siya o kaya naman ay madurog siya dahil baka maling dimensyon ang pinasok niya para lamang makita itong muli.
Hindi ito ang kaniyang inaasahan sa kanilang muling paghaharap. Hindi sana siya masyadong umasa. Ipinilig niya ang ulo sa isip upang alisin ang mga negatibong bagay sa kaniyang isipan. No matter what, she was still happy dahil nakita niya itong muli kahit pa nga ba hindi na maging sila.
"Sige. Kailan ako magsisimula?" nakapagdesisyon na siya. Ito naman talaga ang gusto niya, and dahilan kung bakit mas pinili niyang manirahan sa panahong ito sa kabila ng marangyang pamumuhay sa pinanggalingang mundo. So bakit hindi? Pabor pa nga iyon sa kaniya dahil palagi niya itong makikita.
Siguro ay nagkakamali lamang siya katulad kanina because she saw relief in his face but it was quickly gone before she could safely conclude.
"Bukas, pupunta tayo sa La Union, doon ko balak magpatanim ng mga tabako kaya kailangang masuri ko muna ang lugar. Siguro ay aabutin tayon doon ng isang buwan kaya magdala ka ng mga personal mong gamit." anito.
"Bukas kaagad? Hindi ba pwedeng sa isang araw o kaya sa sunod na Linggo na lamang may kailangan akong asikasuhin----"
"Hindi pwede, maganda ang panahong ito sa pagtatanim, mahaba ang magiging biyahe natin at baka matagalan ang pagsusuri ng lugar." kunot-noong tanggi nito.
"Kahit sa isang-araw na lang. Mahalaga ang kailangan kong gawin kaya hindi maaaring umalis ako bukas."
"Ano bang gagawin mo?" bakas na ang inis sa tono ng boses nito.
"Hindi ko pwedeng sabihin." mabilis niyang sagot.
He stared hard at her pagkatapos ay muling ibinalik sa pagiging blangko ang muka. "Fine."
Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na ito nakipagtalo pa. Naghintay siya ng ilang sandali kung may sasabihin pa ito subalit nanatili itong tahimik. "Kailangan ko ng umalis." paalam niya.
"Saan ka nakatira ngayon?" bahagya siyang nagulat sa tanong nito. "Kailangang hindi makakasagabal sa trabaho mo ang distansiya ng tinitirhan mo, bring all your things here pagkatapos mong asikasuhin ang sinasabi mong mahalagang gagawin mo. I bought a new house, doon ka na titira."
Napa-awang ang bibig niya sa narinig na sinabi nito. "Hindi na kailangan." mabilis na tanggi niya.
"Utos yun Lyra, move all your things in my house later tonight."
Deja vu, iyon siguro ang naramdaman niya. This was the first time she heard him call her name that way again and its making her heart beat faster than it already was.
At hindi rin niya maiwasang maalala si Maxwell sa katauhan ni Lucas ngayon. Napangiti siya ng bahagya. Malaki talaga ang pagkakatulad ng dalawa sa maraming bagay.