Pinunasan ni Kallyra ang pawis na tumutulo sa gilid ng kaniyang pisngi at inunat ang nangangalay na likod. Katatapos niya lang isalansan ang mga kahoy na kaniyang sinibak sa lalagyan nito, sa tingin niya ay sapat na iyon sa loob ng isang linggo.
"Gusto mo bang maligo sa batis?" napalingon siya sa papadating na si Lucas.
"Umalis na si binibining Luisa?" balik tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito.
"Kanina pa, bago ako kumain." sagot nito, nakapamulsa na naman ito na palagi nitong ginagawa.
Umingos siya at hindi na ito pinansin, nagpatuloy siya sa pag-bend ng bewang upang mabawasan ang ngalay noon. Napapansin niya ang pagiging dayhatin at bugnutin niya lately. Mabilis siyang mapagod at palaging gutom.
"Maligo tayo sa batis." narinig niyang muling anyaya ng binata, subalit nagpatay malisya lamang siya at nagkunwaring hindi ito naririnig. "Galit ka ba?" tila hindi nakatiis na tanong nito.
"Bakit naman ako magagalit?" nakaingos na tanong niya na sandali itong hinarap bago pinagpatuloy sa ginagawang pag-uunat.
"Nagseselos ka kay Luisa."
Mabilis siyang humarap dito at pinagsalikop ang dalawang braso. "What? why would I be jealous? mas maganda at mas matalino ako sa kaniya, bukod pa sa mas marami akong talent... well uh.. maliban na lang sa pagluluto but I'm almost perfect. Kahit sinong lalaki ay gugustuhing pakasalan ako." nakataas ang kilay na singhal niya. Natawa ang kausap na lalong ikinainis niya. "Hindi ka naniniwala?" she snarled.
"Withdraw your fangs sweetheart, naniniwala ako sayo." ang sabi nitong pinigil ang pagngiti. "So you're not mad at me?"
"No." labas sa ilong na tanggi niya. "Dinala na ba niya yung tuta?" nakasimangot na tanong niya. Tumango ito. "Yung itim? kumpirma niya.
"Hindi... alam kung sasama ang loob mo kapag hinayaan kung iyon ang kunin niya." nakangiting sabi nito.
Napatitig siya dito. "Kahit alam mong malulungkot si binibining Luisa?" nagdududang tanong niya.
"Oo naman." mabilis na sagot nito kaya napangiti na siya. "Takot ko na lang sayo di ba?" dugtong pa nito.
Inirapan niya ito. "Sige, sasama na ko sa batis."
Lumawak ang ngiti ni Lucas. "Inihanda ko na ang damit natin, kukunin ko lang." tumalikod na ito bago pa man siya magbago ng isip.
Masukal ang gubat na kanilang dinaanan subalit dahil madalas daanan itong mga mamamayan sa nayon ay nagkaroon na ng makipot na daan para sa dalawang tao na likha ng apak ng mga paang pabalik-balik doon.
Si Lucas ang maybitbit ng kanilang mga pamalit na damit na nakalagay sa basket na yari sa buling hinabi. Ang kabilang kamay naman nito ay mahigpit na nakakapit sa isang kamay niya.
Nagmamasid si Kallyra sa kanilang dinaraanan ng may malawak na ngiti sa labi. Lalo na kapag nakikita niya sa gilid ng kaniyang mata ang paminsan-minsang sulyap ni Lucas sa kaniya.
Hindi sila nag-uusap ngunit hindi nakakabagot ang bawat sandali. Kung pwede lang na maglakad na lamang sila ng ganito, magkahawak ang kamay hanggang sa pagtanda nila.
Natigilan si Kallyra at nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Isang masakit na katotohanan ang ngayon lamang pumasok sa isip niya. What would happen 30 years from now? Si Lucas lang ang tatanda at siya naman ay mananatiling ganito ang hitsura. Kakailanganin niyang itago dito ang katotohanang hindi siya tumatanda, and because of that she would have to break her promise. Hindi niya gugustuhing panoorin itong tumanda at mamatay.
"Are you okay?" huminto si Lucas kaya napahinto din siya sa paglakad. May pag-aalala sa muka nitong nakatitig sa kaniya.
"Yes, why?" kunwari ay takang tanong niya.
"You suddenly went stiff." he said while squeezing her hand that he was holding.
"Ayos lang ako, nangangalay lang ang binti ko sa paglalakad." pagsisinungaling niya. Matagal itong tumitig sa kaniya na parang hinahanap ang katotohanan sa kaniyang mata. She smiled widely and give him a quick kiss on his soft lips. "I'm really fine, masyado lang talaga akong nagiging lampa lately, at kung hindi mo napapansin nagiging bugnutin din ako, I was actually thinking lately that I might be pregnant." she said reassuringly.
His eyes went wide and his mouth hang open. "W-what did you say?" mahina nitong tanong at humigpit ang kapit sa kamay niya. "Your pregnant!?" his voice was now shaking and immediately stared at her flat belly.
Maging siya ay nagulat sa reaksyon nito. She only say she might be pregnant but that is to stress a point. "No Lucas, i was just saying. I'm not pregnant." mabilis niyang pagtatama dito.
"W-we have a baby?" pero tila parang wala itong narinig, ang hitsura nito ay parang batang first time na nabigyan ng regalo sa pasko. His eyes were getting wet and his smile is so big and wide it almost reach his ears.
"I'm not pregnant Lucas." kunot-noong ulit niya. She maybe felt bad to burst his bubble but she had to. He was getting delusional.
Nabawasan ang ngiti nito pero kakaiba pa din ang tingin nito sa kaniya. "I believe you are pregnant, that was probably your instinct that was talking." mabilis itong pumunta sa unuhan niya at tumalikod sa kaniya pagkatapos ay yumuko ng mababa. "Hop in, bubuhatin na lang kita hanggang sa batis."
"I can't believe you Lucas." naiiling at natatawang sabi na lamang niya.
"Nangangalay na ang binti mo di ba, sakay na." he move his shoulder para ipakitang naghihintay ito.
She rolled her eyes and hug his neck after pressing her whole body to his back. Marahan itong tumayo at sinalo ang dalawa niyang hita, she move up so she could get her balance. "I'm heavy." ang sabi na lamang niya.
"Sanay na ko, I have been doing this everytime we made love." he said seriously.
"Shut up." she hit his shoulder in annoyance but he only laughed. Binuhat siya ni Lucas hanggang sa makarating sila sa may batuhan, madulas at medyo matarik ang lugar. Naririning na niya ang lagaslas ng tubig kaya nasisiguro niyang malapit na sila sa batis. Mahigpit ang kapit ni Lucas sa kaniyang kamay upang masiguro daw na hindi siya madudulas.
Kung alam lang nitong kahit ang paglalaro ng sipa kagaya ng nilaro niya noong isang linggo ay kayang-kaya niyang laruin sa madulas na batuhang ito ng walang problema.
Malapad ang ngiti niya ng makita na ang napakalinaw na batis. Dahil maraming puno ang humaharang sa araw kaya nasisiguro niyang malamig ang tubig, tamang-tama sa mainit na panahon. Subalit nawala ang kaniyang masayang ngiti ng mapadako ang kaniyang tingin sa kabilang bahagi ng batis.
"Kapag minamalas ka nga naman." palatak niya.
Siguro ay nasobrahan siya ng kasiyahan kaya pilit gumagawa ng mga sitwasyong nakakainis ang diyos ng tadhana para inisin siya.
'What the hell is that woman doing here?' nagkukutkot ang loob niyang tanong sa isip.
"May sinabi ka?" tanong ni Lucas na nilingon siya. Naglalatag ito ng banig sa buhanginan.
"Wala." naupo siya sa batong malapit sa banig na nakalatag. Naglalabas naman ngayon ng mga pagkaing dala nila si Lucas. Mayroong nilagang saging na saba, tinapay at juice na gawa sa pinigang kalamansi at pulot.
Naupo ito sa banig at mataman siyang tinitigan ng matapos ito sa paglilipat ng mga pagkain. "Maupo ka na dito." pinagpag nito ang espasyo sa tabi ng kinauupuan nito.
Tinanggal niya ang suot na bakya at lumapit na dito subalit hindi pa man lumalapat ang pang-upo niya sa banig ay naagaw ang atensyon nila ng matinis na tinig ng dalagang kinaiinisan na nasa kabilang batis.
"Ginoong Lucas! Binibining Kallyra! nandito din kayo." tuwang bati sa kanila ni Luisa. May mga kasama itong ilang mga kadalagahan at kabinataan na nakikikaway din sa kanila.
Saka pa lamang ito napansin ng kaniyang kasama. Magkasalubong ang kilay nito na para bang hindi din nito gustong may kasama silang iba sa batis. Kahit papaano ay nakagaan iyon sa loob niya.
"Let's pretend we didn't see them." he said annoyed.
"Aren't you happy to see her here? Nagdate nga kayo dito noong nakaraang linggo." parang walang anomang tanong niya kahit ang totoo ay masama talaga ang loob niya.
"Date?" takang tanong nito.
"Nakalimutan mo na?" she threw him a quick glance at kinawayan din ang mga nasa kabilang batis. "Hindi ba niyaya ka niya tapos pumayag ka naman agad, anong ginawa niyo dito?"
"What? Kung ang tinutukoy mo ay noong nakaraang linggo I was with those people." inginuso nito ang grupo ng mga kalalakihan at kababaihang naliligo na ngayon sa batis.
Natuwa siya sa narinig pero hindi niya pinahalata iyon. "Maligo na tayo." pag-iiba niya ng usapan.
"You're so suspicious." naiiling na wika nito. "Do you like me that much?" he teased.
"You wish." inirapan niya ito at tumayo na.
"Don't remove your clothes Lyra." he warned, still not getting up. Sa halip na mainis ay naisip niyang biruin ito. Nakatalikod naman siya sa batis.
"You don't want to see me naked?" she teased back. She bit her lower lip and lick it after.
Kumunot ang noo nito at napatitig sa labi niya. "Not here." matigas na wika nito.
"Are you sure?" Nang-aakit siyang ngumiti at marahang kinakalas ang pagkakabutones ng kaniyang pang-itaas na damit. Unti-unting dumudulas pababa ang manggas ng kaniyang damit showing the white and smooth skin of her shoulder, she didn't stop until half of her round and heavy breast is peaking.
She watched him watch her with his dark eyes. Bahagya siyang yumuko upang mas lalo pa nitong masilayan ang kaniyang dibdib, trying to seduce him more. "You don't want to see this Lucas?" she purred.
His eyes went darker with lust and his breathing was getting heavy. "You're a tease Lyra." he hissed. "Wait until we get home." ang mata nito ay nagbabanta ng masarap na parusa. But she only grinned at him.
Tumayo na siya ng tuwid at inayos ang damit. "I knew you will be tempted." she winked at tumakbo na siya papunta sa batis upang maligo.
"Be carefull!"
Humarap siya dito ng makarating sa mababaw na parte ng batis na umabot lang hanggang sa kaniyang tuhod. "Halika na, malamig ang tubig masarap maligo!" Tamad na tumayo na din ito at lumapit sa kinaroroonan niya. Sinabuyan niya ito ng tubig subalit muntik na siyang madulas sa batong tinutuntungan.
"Lyra! I told you to be carefull!" galit na sambit nito at binilisan ang paglapit sa kaniya. But she didn't listen, she stick out her tongue and run fast to the deeper part of the river while laughing. "You!" narinig pa niyang asar na singhal nito bago siya tuluyang lumangoy palayo dito.
Hapon na ng maisipan nilang huminto na sa paglangoy. Nakipagkwentuhan din sila kay Luisa at sa mga kaibigan nito saglit bago sila umuwi.
Nang makabalik sila sa kubo ay tinulungan niya sa Maxwell sa pagluluto ngunit panay ang pigil nito sa kaniya. Kahit ang paghuhugas ng mga kasangkapang ginamit nila sa batis ay ayaw nitong ipagawa sa kaniya. At para itong lawin kung makamasid sa mga kilos niya.
Hindi niya alam kung maiinis dito o matatawa. Alam niyang iniisip talaga nitong buntis siya kaya ganoon na lamang ito kaparanoid. Hinayaan na lamang niya ito, let's see who will get disappointed kapag hindi lumaki ang tiyan niya pagkalipas ng ilang buwan.
Dahil wala siyang magawa naisipan na lamang niyang laruin ang kanilang alagang aso. Subalit nalibot na niya ang buong bahay ay si Lumen lamang ang kaniyang nakita na naroon at natutulog sa isang sulok kung nasaan ang higaan nito.
"Hindi ko makita si Maxwell!" humahangos na sumbong niya kay Lucas. Nabigla ito at muntik ng maibagsak ang hawak na sandok.
"M-Maxwell?" hindi makapaniwalang tanong nito. "B-bakit mo siya hinahanap?" his face is white as sheet of paper and his eyes are alert.
Kumunot ang noo niya, nagtataka sa reaksyon nito. "Hindi ko mahanap yung tuta ko, si Maxwell. Don't tell me ibinigay mo talaga yun kay Luisa!" she accused hotly.
"Wait what? Your puppy?... No!" Binigyan niya ito ng nagdududang tingin. "Hindi ko binigay kay binibining Luisa, baka naman nasa paligid lang, sa bakuran? And why your dog's name is Maxwell?" magkadikit ang kilay nito at parang may inis sa tono ng boses.
Nagkibit siya ng balikat at iniwan na ito doon. "Hanapin ko lang siya sa bakuran." paalam niya bago tuluyang iniwan ito sa kusina.
Naglakad-lakad si Kallyra sa bakuran at sinisilip ang mga halaman ngunit hindi pa din makita ang hinahanap. "Maxwell!" tawag niya ulit sa kaniyang aso.
Nakahinga siya ng maluwag ng marinig ang kahol ng maliit na tuta. Mula sa kung saan ay tumatakbong lumapit sa kaniya ang itim na tuta habang kumakawag ang maikling buntot. "You are a little mischievous boy aren't you?" dinampot niya ito at kinalong pagkatapos ay dinala niya sa loob ng kubo.
"Where did you find him?" tanong ni Lucas ng makapasok siya.
"Diyan lang sa labas." nakangiting sagot niya.
"Bakit hindi mo itali para hindi makalayo?" suhesyon nito.
"Pero masyado pang maliit si Maxwell." katwiran niya. Kumibot ang labi nito ng banggitin niya ulit ang pangalan ng kaniyang tuta.
"Change his name." nakasimangot na utos nito.
"Bakit ba?" natatawang tanong niya.
"Do you like naming your dogs after me?" pareho silang natigilan dahil sa sinabi nito.