Haven POV
Maaga akong gumising para sana mag handa ng umagahan pero laking gulat ko ng maabutan doon si Sir Dos.
Talaga bang siya ang gagawa niyan eh ako yung katulong dito?
"Sir Dos!" Tawag ko dito
Napapitlag ito at gulat na gulat na tumingin sa akin. Nakahawak pa siya sa dibdib niya.
"Haven naman. Aatakihin ako sa puso dahil sayo." Saad ni Sir Dos
Natawa naman ako dahil doon.
"Sir Dos, hindi naman po kasi kayo dapat ang gumagawa nyan. Ako po 'yung katulong dito. Baka ibawas pa ni Chairman sa sahod ko 'yan." Natatawang sabi ko
Imbis na sumagot ay kumuha ito ng isang apron at ibinigay sa akin.
"Help me then." Saad niya
Tumango tango naman ako dito. Dumiretso ako sa sink para mag hugas ng kamay. Matapos noon ay nag hiwa ako ng mga kakailanganin niya.
Napatingin ako sa kaniya habang nag luluto. Simpleng fried rice lang naman iyon pero kapag siya ang gumagawa ay parang may special doon.
Mr. Wholesome.
"By the way, pinapayagan pala kita gumamit ng library. Isang buwan nalang pala ay papasok ka ulit 'no? Last year mo na pala." Saad ni Sir Dos
Tumango tango ako dito at ngumiti.
"Thank you, Sir Dos. Opo, last year na nga. Nakaka-excite kasi isang taon nalang gagraduate na ako." Masayang sabi ko
Matapos mag hiwa ay iniabot ko na sa kaniya iyon. Dahil siya na ang nag luluto ay ako na ang nag ayos ng mga pinag gamitan.
"I envy you." Saad ni Sir Dos
Awtomatiko akong napalingon sa kaniya dahil naging interesado ako sa sinabi niya.
"Po? Bakit naman po?" Tanong ko
"Because you can be what you want. I want to be a Nurse but instead, I became a Chef." Saad ni Sir Dos
Pati pala ang profession nila ay kontrolado ng Chairman nila? Grabe.
"Bakit naman po kayo pumayag? Edi naging mahirap po sa inyo ang pag aaral ng hindi niyo naman gusto?" Tanong ko
Bahagya siyang tumango tango at ngumiti.
"Wala na. Tapos na rin naman. At least I can use this." Saad ni Sir Dos
Tumango tango ako rito. Mabuti at naintindihan niya ang sitwasyon niya. Kung ako siguro iyon ay hindi ako papayag na pakialamnan ang profession ko.
"Ang wholesome niyo, Sir Dos. Kung ako iyon ay hindi ako papayag. Mabuti at wala akong magulang." Saad ko
Bahagya siyang natawa habang sinasalin ang iniluto niya sa lalagyan.
"At natuwa ka pa dahil wala kang magulang? Ibang klase ka talaga, Haven." Saad ni Sir Dos
Hindi naman masyadong natutuwa. Napakahirap rin lumaki na wala sila.
"Hindi ko alam. Pag katapos nila akong iwan ng napakalaking utang ay hindi ko na talaga alam." Saad ko
Matapos mag handa ay sabay naming inilagay ang umagahan sa mesa. Wala pa ang mga mag kakapatid pero alam kong mayamaya lang ay darating na sila.
Bigla ay naalala ko si Sir Cinco. Bakit kaya siya ipapatawag ng Chairman nila? Hindi ko masyadong alam kung anong nangyayari kaya naman kinakabahan ako.
"A penny of your thoughts?" Tanong bigla ni Sir Dos
Napalingon ako sa kaniya na nasa tapat ko lang pala. Mag sasalita na sana ako kaso dumating na 'yung anim. Mga naka pajama pa ng terno, ang cute nila tignan.
"Good morning Ate Haven!" Masayang bati ni Siete
Nginitian ko ito ng malawak dahil ang taas na naman ng energy niya.
"Good morning Siete." Bati ko rin sa kaniya
Nang masiguradong nakaupo na silang lahat ay ipinamahagi ko sa kanila ang table napkin na ilalatag nila sa kanilang lap. Pag bigay ko kay Sir Uno ay hinigit nito ang laylayan ng damit ko na siyang nakapag pahinto sa akin.
"You need to accompany me to the hospital later." Bulong niya
Tumango tango naman ako bilang tugon. Bumalik ako sa kinauupuan ko na katabi lang ni Siete. Nagulat nalang ako kay may laman na iyon.
"Eat well." Saad ni Sir Dos na nasa harap ko
Tumango ako rito at nag umpisa nang kumain. Gaya ng nakasanayan, tahimik lang na natapos ang umagahan. Matapos kong maligpit ang mga pinag kainan ay nag tungo ako sa kwarto para mag ayos ng sarili ko.
Habang nag aayos ay napa isip naman ako kung bakit ako dadalhin ni Sir Uno sa hospital. Pero nakakatuwa na ring chance dahil makakakita ako ng mga doctor at nurse na ginagawa ang trabaho nila.
Excited akong lumabas at hinanap si Sir Uno. Simple lang ang suot ko ngayon. Isang white na tshirt at itim na pantalon na may kasamang black na rubber shoes. Komportable ako sa ganitong porma.
"Bakit naman mukha kang excited dyan?" Tanong ni Sir Tres na pababa palang sa hagdan
"Kasi Sir Tres Nursing po ang course ko. Makakakita ako ng doctor at nurse sa hospital na ginagawa ang trabaho nila." Paliwanag ko habang nakangiti
Umiling iling ito sa akin na para bang dismayado sa sagot ko.
"Ang babaw ng kaligayahan mo." Saad ni Sir Tres
Oo talagang mababaw. Hindi katulad niyo ni Sir Uno na naubos na ang joke sa buong mundo eh hindi parin natawa!
"Sir Tres try niyo kaya manood ng comedy. Para malaman niyo kung paano tumawa." Saad ko
Mukhang hindi niya naman iyon nagustuhan. Naningkit kasi ang mata niya na tumingin sa akin.
"Alam mo kung anong nakakatuwa sa akin? 'Yung makitang hindi mo kinakausap ang isa sa amin. Sisirain mo lang ang buhay namin." Saad ni Sir Tres
Sandali akong natigilan dahil doon. Nawala tuloy ang excitement ko na umalis dito sa Castillo at mag punta sa hospital.
"Pero ano nga bang magagawa mo? Trabaho mo iyon at mamamatay ka kung hindi mo susundin ang utos ng matanda." Saad niya pa
Nauna itong tumalikod sa akin at nag tungo sa billiard room. Naiwan akong tulala dahil sa sinabi niya. Binibigyan na naman nila ako ng sitwasyon na wala akong magagawa kung hindi gawin ng sabay.
Napailing iling ako at pinilit kalimutan ang sinabi niya. Dapat focus lang ako sa trabaho dahil mapapagalitan na naman ako.
"Let's go." Saad ni Sir Uno sa likod ko
Humarap ako dito at bahagyang nagulat dahil sa ayos niya. Ngayon ko lang kasi siyang nakitang naka doctors gown at nakaayos rin ang buhok niya. Palagi kasi 'yon nakabagsak.
"Iba ka ngayon Sir hehe." Bati ko dito
As usual, hindi niya ako pinansin. Ganon siguro kapag natanda na, nagiging bugnutin na. Joke lang.
Nang makalabas sa Castillo ay sumakay na kami sa kotse niya. Syempre doon na ako sa passenger seat umupo. Ayaw kong mapagalitan na naman dahil lang doon.
Biglang nag vibrate ang cellphone ko kaya naman kaagad ko iyong kinuha. As expected, si Jino iyon.
From: Senior Jino (^▽^)
Good morning.
Hala. Bakit naman bigla nag go-good morning ito? Pero ano bang masama sa good morning, Haven? Tsk.
To: Senior Jino (^▽^)
Hi Jino. Good morning rin. Have a nice day.
Nakangiti ako ng itype ko iyon sa cellphone ko. Nakakatext ko ang pinakamasungit sa Nursing Department. Astig.
From: Senior Jino (^▽^)
Nag breakfast ka na?
Hala girl!
To: Senior Jino (^▽^)
Yes Senior. Ikaw?
Nailagay ko ang cellphone ko sa dibdib at bahagyang nauga ang balikat. Kilig ba ang tawag dito? Siguro nga.
Ano kayang kinain nito?
From: Senior Jino (^▽^)
Kumain na rin ako. Do you have something to do today? Can we go out?
Literal na nasobrahan na nga ako. Napahawak na ako sa bibig ko para pigilan ang tili ko. Mukha siguro akong baliw dito ngayon.
Nakangiti ako nag type ng sagot ko.
To: Senior Jino
Sige lang. Saan ba?
Kaso tumunog ang cellphone ko at lumitaw doon na wala na akong load. Kainis.
"Psh. Malas." Bulong ko
"Who? Me?" Tanong ni Sir Uno
Kaagad akong napatingin sa kaniya at umiling iling.
"Hindi po kayo Sir Uno. Naubusan po kasi ako ng load." Saad ko
Akala ko ay mag sasalita pa siya pero nanatili nalang siyang tahimik hanggang sa makarating kami sa ospital. Nauna siyang bumaba sa kotse at mabilis na nag lakad papunta sa main door ng hospital.
Akala mo pag bubuksan ka niya, Haven? Neknek mo. Hindi naman siya si Sir Cinco.
Mabilis akong umalis sa kotse at pinakabalibag yung pinto ng kotse. Napatingin pa siya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Nag madali nalang akong pumasok sa main door ng hospital at pinantayan siya.
"Did you just slam the door of my car?" Tanong ni Sir Uno
"Hindi ko sinasadya." Kaagad kong sagot
Narinig ko ang pag singhal niya pero hindi ko iyon pinansin. Nagulat ako ng ibigay niya sa akin ang leather bag niya. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang bitbitin iyon.
Habang nag lalakad si Sir Uno ay panay ang pag yukuan ng mga staff. Mapa-nurse man o doctor.
Edi wow. Edi ikaw na dakila.
Isinukbit ko sa akin ang leather bag niya ay prenteng nag lakad. Inilibot ko pa ang tingin ko sa mga nurse at doctor na nag lalakad. Ang ilan ay abala sa pag check ng charts. Busy rin iyong mga nasa information sa pag dedecode. May mga nurse naman na nag tutulak ng wheelchair para dalhin ang pasyente sa ward nila.
Someday, ako rin 'yung mapupunta sa pwesto niyo.
Nakarating kami ni Sir Uno sa isang opisina. Nasa pinakamataas ito na bahagi ng ospital at napakaganda ng view. Hindi ko na napigilan na pumunta sa glass at dumungaw sa mga malalaking building na katabi nito.
"My bag." Saad ni Sir Uno
Dali dali akong pumunta sa tapat ng table niya at napanganga ng makita ang nakalagay na babasaging table sign na nakalapag sa table niya.
CEO UNO SYN
"Haven, my bag!" Saad ni Sir Uno
Tinanggal ko na sa akin ang nag niya at ibinigay iyon sa kaniya. Napaatras ako pag katapos noon dahil baka madanggi ko ang nasa table niya. Mukha talagang mamahalin ang mga nakalagay doon. Ayaw ko namang madagdagan na naman ang utang ko.
"Wala kang gagawin dito kung hindi ang sundin ang utos ko. You need to be my secretary." Saad niya
Tumango tango nalang ako. Wala naman akong choice. Tyaka gusto ko rin naman ang hospital dahil para sa nursing student na katulad ko, ito na ang pangalawang tahanan ko.
Buong umaga ay wala siyang ginawa kung hindi ang mag basa ng mag basa ng mga papel. Nakapagtataka na nga lang na hindi sumasakit ang batok niya doon.
Nagulat ako ng may pumasok na isa pang doctor na lalaki. Nag mamadali ito at may nakita akong blood stain sa doctors gown niya.
"Doc Syn, ang daming patient sa ER." Saad niya
Tumayo kaagad si Sir Uno at isinuot ang doctors gown niya. Kinuha niya rin ang kaniyang stethoscope at ibinulsa iyon sa gown niya. Sobrang bilis nitong kumilos at kulang nalang ay lumilad papuntang E.R.
Gusto ko mang sumilip ay hindi naman pwede. Hindi na tuloy ako makapag intay na maging fourth year at mag OJT sa mga ospital.
Dumating ang tanghalian at hindi parin bumabalik si Sir Uno. Gusto ko man siyang itext ay wala naman akong load.
From: 1st Prince Bugnutin
You can eat now. I have plenty of patients.
Naging hudyat iyon para umalis ako saglit sa ospital. Mabuti at may malapit na fastfood chain kaya bumili ako ng dalawang meal. Bago rin bumalik sa ospital ay nag paload ako sa malapit na tindahan.
Medyo kaunti ang tao sa lobby. Sa E.R lang siguro puno. Nagulat naman ako ng may humawak ng balikat ko. Kamuntikan ko pang mahagis ang dala kong pagkain dahil doon.
"Why are you here, Haven?" Tanong ni Jino
Ako dapat nag tatanong niyan eh.
"Ah hehe. Yung amo ko kasi nandito eh." Saad ko
Tumango tango siya dahil doon.
"Bakit 'di mo ako nireply-an?" Tanong ni Jino
Oo nga pala! Nalimutan ko na!
"Sorry. Nawalan kasi ako ng load eh." Nahihiyang sagot ko
Nagulat ako ng ngumiti ito. Hindi niya naman hilig ang ngumiti eh.
"No, okay lang. By the way, nandito ako para kuhain 'yung certificate ko dahil dito ako nag OJT." Saad niya
Napatango tango ako doon. So may posibility pala na dito rin kami mag OJT. Wow.
"May gagawin ka ba?" Tanong ni Jino
Bigla ko namang naalala si Sir Uno na hindi pa nanananghalian. Maski ako rin ay gutom na.
"Ahm kuhain mo muna 'yung certificate mo. May gagawin pa kasi ako eh." Nahihiyang paalam ko rito
Tumango tango ito at nag wave na. Matapos ko rin mag wave ay nag mamadali akong pumunta sa opisina ni Sir Uno. Wala parin ito doon kaya nag umpisa na akong kumain.
Matapos kumain ay nag sulat ako ng note para kay sir Uno na initin niya nalang yung food niya. Baka kasi hindi na mainit ang food niya kapag dumating na siya.
Kinuha ko ang cellphone ko para mag compose ng message.
To: 1st Prince Bugnutin
Aalis po muna ako saglit.
Nag antay ako ng mga ilang minuto kung sasagot ba siya pero wala. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumabas na ng opisina niya. Dinukot ko sa sling bag ko ang cellphone ko para mag compose ng message may Jino.
To: Senior Jino (^▽^)
Tapos ka na? Papunta na ako sa lobby.
Bakit nga pala namin kailangan lumabas? Dapat nag hahanda siya para sa graduation nila sa isang araw eh. Baka gusto niya mag liwaliw.
Hindi nag reply si Jino hanggang sa makarating ako sa lobby. Ayaw ko namang kulitin siya dahil baka kung anong isipin niya.
"Haven." Rinig kong tawag ni Jino sa likod ko
Kaagad akong lumingon dito ng nakita siyang nag lalakad ng nakangiti. Medyo nakakakilig iyon dahil noong nasa University kami ay hindi talaga siya ngumingiti. Baka naman nag babagong buhay na siya.
"Tara na?" Tanong niya ng makalapit na
Para tuloy akong binatukan doon dahil nakatulala ako.
"Sige. Hmm sana yung malapit lang para kapag tinawag ako ng amo ko madali lang akong makakabalik." Saad ko
Tumango tango ito ng may ngiti sa labi niya. Hindi ko na tulog napigilan ang sarili ko na mag tanong.
"Kanina ka pa ngiting ngiti, Senior. Ayos ka lang ba?" Natatawang tanong ko
Umiling iling ito.
"Wala lang. Sayang ang ngipin ko kung hindi ko ilalabas diba." Biro niya
Isa pa 'yan. Hindi rin siya nag bibiro eh. Naalala ko noong nag demo sila sa lecture room. Nag jojoke yung mga kasabayan niya mag demo tapos siya napakaseryoso parin.
Hindi ko nalang iyon pinansin kasi mukha naman talagang magandang pag babago iyon.
Nakarating kaming dalawa sa isang park malapit sa ospital. Nakakatuwa dahil never pa akong nakapunta sa park. Sobrang daming tao at mayroon pa ngang mga batang nag tatakbuhan.
Napalipat ang paningin ko sa isang pamilya na nag lalakad. Hindi ko maiwasang mainggit dahil wala naman akong ganoon.
"Your parents must be proud of you." Saad ni Jino
Nilingon ko siya at nakitang nakatingin rin sa pamilyang tinitignan ko.
"Bakit mo naman nasabi?" Tanong ko habang umuupo sa bermuda grass
Inialis niya ang tingin doon sa pamilya at tumingin sa akin. Kakaiba ang tingin ba iyon. Para bang inaalam niya ang magiging reaksyon ko sa oras na sinagot niya ang tanong ko.
"Kasi sino bang hindi magiging proud sayo? You're a hardworking, smart and nice girl. Wholesome." Saad niya at umupo na rin sa tabi ko
Wholesome ka daw girl. Anong say mo?
"Sus. Hindi naman ako gaanong katalino eh." Pag tanggi ko
Bigla ay tumawa ito. Lumabas pa nga ang gilagid niya pero mas lalo niya iyong kinagwapo.
"Humble beast. You always ace the exam, Haven. I know you since we're on the same league." Saad ni Jino
Wews. Same league raw. Wala naman akong panama sa pinakamatalinong senior eh.
"Nga pala! Graduation niyo na sa isang araw ah! Anong plano?" Saad ko, ang lakas ng loob ko grabe.
Bahagya siyang napaisip dahil doon. Maski pag iisip niya ay gwapo siyang tignan. Feeling ko talaga di ko deserve na makasama ito ng ilang minuto.
"Edi mag paparty. Sama ka ah? Minsan lang ako mag paparty." Saad ni Jino
Tumango tango ako ng may ngiti sa labi. Aba sino ba namang hindi pupunta sa party ng isang Jino Sancrostobal?
Pero feeling ko magiging misa iyon sa sobrang tahimik. Hays. Ang loko ko.
"Don't worry. Hindi magiging gloomy ang paligid. Mag hihire ako ng DJ." Natatawang sabi ni Jino
Para tuloy nabasa niya kaagad ang ang ekspresyon ko. Natawa tuloy ako dahil doon.
"Wow. Madami bang kita ang store kaya mag paparty ka ng bongga? Ikaw ha? Baka manager ka na doon." Natatawa kong sabi
Bigla ay nawala ang ngiti sa labi niya. Medyo kinabahan ako dahil doon. Baka nag kamali ako ng biro.
"Tsk. Oo manager na nga. Bigla ka kasing umalis." Saad niya
Nag peace sign ako dito at ngumiti. Bigla itong tumayo kaya naman napatayo narin ako. Nag lakad ito kaya naman sumunod na rin ako.
Wala kaming ginawa sa buong hapon na iyon kung hindi ang mag foodtrip ng mga street foods. Naroon pa 'yung nang agaw pa siya ng saranggola sa bata para mag palipad rin.
Medyo madilim na ng ihatid niya ako sa tapat ng hospital. Parang lahat ng lungkot ko ay nawala dahil sa ginawa naming sa park.
"Salamat." Sabay pa naming sabi sa isa't isa
Natawa tuloy kami ng bahagya. Parang mag kautak na mag kautak nga talaga kami.
Wews. O.A ka, Haven.
"Thank you for this day. Hope to see you after my graduation." Saad ni Jino
Tumango ako rito at ngumiti.
"It's my honor senior Jino." Natatawa kong sabi
Ayaw niya kasi ng tinatawag na senior dahil hindi naman raw siya 60+. Maloko rin talaga.
"Ingat ka." Saad ko
Nag wave na ito kaya nag wave na rin ako. Tinanaw ko ito hanggang sa mag laho na siya sa paningin ko.
"Ano tapos na ba lumandi?"
Halos mabuwal ako sa gulat dahil may nag salita sa likod ko! Edi sino pa ba? Si Doc Bugnutin!
Pagkaharap ko ay usok ng sibgarilyo ang sumalubong sa akin. Halos ubuhin ako dahil sa dami ng usok!
"Hoy ang sama mo!" Sigaw ko sa kaniya
Hindi ko na inalintana ang lapit niya. Talagang napasigaw ako dahil ayaw ko sa usok ng sigarilyo!
"Who are you to shout to me?" Mayabang na tanong niya
Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa sabay balik sa mukha niya.
"Doktor ka pero naninogarilyo ka? Ano ka joke?" Inis kong sabi
Mukha naman itong napikon sa sinabi ko! Pero wala akong pake!
"How dare you?" Saad niya
Napatawa ako ng sarkastiko dahil doon. Naipagkrus ko pa ang mga braso ko dahil doon. Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
Mali ka ng hinamon Uno!
"Hoy Uno! How dare you too! Talagang hindi uso ang 'sorry' sayo ano? Tss!" Inis kong sabi
Talagang sinamaan ko ito ng tingin. Total sabi naman ng Chairman na pwede kong gawin ang lahat sa kanila maliban sa isa eh. Papatinuin ko ang bugnutin na ito.
"Did you just call my name without addressing a 'sir,' Haven?" Hindi makapaniwalang sabi niya
Ngumisi ako dito.
"Ayaw mo ng Uno? Oh edi bugnutin nalang! Masyado kang maarte! Mag sama kayo ni Sir Tres!" Saad ko
Sa inis ko ay dumiretso ako sa opisina niya. Nang makarating ay nagulat ako dahil wala na ang meal na binigay ko sa kaniya kanina.
First move palang iyon, Uno. Kahit sumpain mo pa ako ay gagawa ako ng paraan para mapatino ka. Mukhang ikaw dapat ang mapili ng Chairman dahil bata pa ang mga kapatid mo.
Target locked.