webnovel

11

CHAPTER ELEVEN

Gamit ang natitirang lakas sa aking katawan ay binuhay kong muli ang aking abilidad, nagtagisan ang matatapang na kulay ng aking mata at ng ahas.

Nilabanan ko ang hipnotismong dala ng ahas, kahit kapos sa hininga dahil sa hirap ay hindi ko binitawan ang aking pagtitig sa ahas.

Nagkakulay na muli ang aking mga mata, at sa kaibuturan ng mata ng ahas ay nakita ko ang ilang kaluluwang sumisigaw na palayain sila sa loob ng katawang iyon.

"You bad shit." nanghihina kong saad atsaka ngumisi.

Napupuluputan ang aking katawan ng ahas. Unti-unti na akong nitong inuubos, hindi ko maigalaw ang aking mga paa dahil napupuluputan ako nito mula paa hanggang aking tiyan.

Sinubukan kong abutin ang malalaking tusok sa makapal na halaman. Hindi napuputol ang titigan namin ng ahas, at oras na mawala ang abilidad ko alam kong bibigay ako at hindi ko hahayaang mangyari iyon.

I closed my eyes.

Tatlong lalaki mula sa malayong diametro ang nararamdaman kong tumatakbo patungo sa kinaroroonan ko.

Malalayo sila sa isa't isa, at dalawang babaeng mula sa kaliwa ang tumatakbo upang puntahan ako.

I slowly opened my eyes.

Hindi nila ako maaabutan.

"Shit! Shit! No!" dinig kong saad ng lalaking nagsimulang magpausok ng kanyang kamay.

"Fuck! What is the meaning of this?" Galit na saad ng lalaking may hawak na malaking shield habang tumatakbo papunta sa direksyon ko.

Pinagmasdan ko ang isang lalaking hindi ko mabasa ang hitsura, pero sigurado akong galit siya. Galit siya sa presensya ko, galit siya kung bakit ako naririto, hindi dapat ako naririto iyon ang isinisigaw ng kanyang ekspresyon.

Kumuyom ang kamao nito at mas binilisan ang pagtakbo tungo sa direksyon ko. "Fight, you stupid girl! Save yourself, naive girl! Wake up idiot!"

Gusto ko siyang sugurin ng mga oras na iyon dahil hindi ko matanggap ang mga salitang binitawan niya tungkol sa akin.

Ngunit dahil doon ay tuluyan akong nagising sa katotohanang nasa harapan ko na si kamatayan.

Hindi nila ako maaabutan.

"Fuck.." saad ko atsaka ngumisi. Bumuka ang bibig ng ahas, napakalaki niyon at isang lamunan lang ang tulad ko. "ARRGGHH!" dahil sa paghila ko ng marahas sa tusok na nahawakan ko ay nahiwa ang braso ko at dumugo ito ng todo. Dumagdag pa sa sakit na nararamdaman ko, dahilan upang mas lalo akong manghina.

"Isa.." bilang ko kasabay ng pagbitaw ko ng malalim na hininga. "Dalawa.." Dahan dahang akong ipinapasok ng ahas sa kanyang bibig. "Tatlo.." Dinakot ko ang naputol na parte ng tusok na hawak ko at hinayaan akong malamon ng ahas na nasa harapan ko.

Hindi ako huminga.

Hinayaan ko ang sarili kong bumaba sa loob ng katawan ng ahas. Masyadong masikip sa loob dahil sa laman nito, at nanghihina ako.

"Nooooo!" Sigaw ng babaeng nakarating matapos akong malamon ng ahas.

The snake was venomous. Pati ang katawan ng ahas ay malakas ang lason, oras na makalabas ako dito'y mamamatay ako agad dahil unti unting pumapasok sa aking mga sugat ang lason.

Itinaas ko ang tusok na hawak ko at sinimulang tusukin ang pinakasentro ng katawan ng ahas na kinapapasukan ko.

Walang awa ko itong pinaghahampas at pinagtutusok, hanggang sa tuluyan ko itong naputol. Alam kong nang mga oras na iyon ay nangingisay na ang ahas, kung mapapatay ako ng ahas papatayin ko muna siya.

Mula sa aking itaas ay binutas ko ang matigas na katawan ng ahas upang makalabas. Wala nang hangin sa loob, at kapag hindi ako makalabas sa loob ng limang segundo ay mamamatay na ako.

Buong lakas at paulit ulit kong tinusok at ginilit ang laman ng ahas. Hindi ko na 'to kaya. Nakasilip ako ng butas. Ibig sabihin ay nahiwa ko na ang katawan ng ahas.

Wala pang limang segundo ay umakyat ako sa butas at lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ng aking ulo ay kumuha ako ng hangin.. at malakas na bumuga.

Dahan-dahan akong dumausdos pababa sa madulas na katawan ng ahas.

Hindi ko na maidilat ang mga mata ko, hindi ko alam kung pagdilat ko ba'y naroon pa ang abilidad ko o hindi na ako muling magigising pa.

"She's impossible!" Tinig iyon ng isang lalaki. Hindi ko kilala kung sino, ngunit napangiti na lamang ako. Sa huling pagkakataon, hindi ako mag-isang mamamatay.

Sabay kami ng ahas.

Kasabay ng pag bagsak ng kamay ko, ay ang pagkahulog ng puso ng ahas sa kamay ko.

Yes, I killed something for the first time.

I killed the biggest snake I've ever seen in my whole life.

I have its heart.

下一章