Simula pa pagkabata ay makikita na ang malaking pagkakaiba ng magkakambal na sina Tina at Nana. Si Nana ay normal ang itsura samantalang si Tina ay may hindi pangkaraniwang kaanyuan na naging dahilan kung bakit naging tampulan ito ng tukso. Pero ng tumungtong si Tina sa legal na edad ay isang misteryo ang nangyari na nagbigay dito ng magandang kaanyuan. Dahil doon ay mas nadagdagan ang inggit ng kakambal nitong si Nana. At dahil din doon ay nalagay si Tina sa kapahamakan. Noong nawala si Tina ay nagsimula na rin ang misteryo na bumalot kay Nana at sa mga kaibigan nito. Gusto ni Nana na maitama ang lahat. Pero paano iyon gagawin ni Nana kung isa-isa nang namamatay ang mga taong nakapalibot dito at ito na ang isusunod? Book cover by: Shekina Grace Edited by: Elf King Publishing Editors
NOON pa man, pansin na niya ang pagkakaiba nilang magkakambal. Ito ay langit, siya nama'y nasa lupa. Ang hinahangad niya lang naman ay ang matanggap siya ng lipunan kahit na ganito ang kalagayan niya. Natupad nga ang pangarap niya pero napalapit naman siya sa disgrasya at kapahamakan. At nangyari na nga ang kinakatakutan niya.
Isang maulan na gabi na may pagkulog, kasama niya ang mga taong pinagkakatiwalaan na magta-traydor lang pala sa kanya. Hintayin nila ang hagupit ko. Humanda sila. Magbabalik ako!
Pero dahil lamang pala sa isang mahika kaya nararamdaman niya ang mga ito. Kailan man hindi siya papaslang ng tao gamit ang sarili niyang mga kamay.
Nana, sa 'yo na nakasalalay ang hustisya ko...