webnovel

Queen and the Nine Tailed Fox

奇幻言情
連載 · 103.1K 流覽
  • 26 章
    內容
  • 評分
  • NO.200+
    鼎力相助
摘要

Sa mundo ninyong mga mortal, ako ang iyong tagasunod ngunit dito sa aming mundo... ...ikaw ay alipin ko. -Isagani Simeon Sa pagsikat nang sobra ni Queenzie Ruiz na kinilala nang Queen sa pagkanta, kinain na siya ng kasikatang iyon at sumama ang ugali niya. Biktima naman ng pagbabago niyang iyon ang mga P.A. niya na kaunting mali lang ay sinisisante niya na kaagad. Kasabay ng pagdating sa buhay niya ng bago niyang P.A. na isang misteryosong lalaki ay ang pagkasira ng boses niya dahil sa isang sakit at doon nangyari ang pagbagsak ng career niya. Hanggang isang araw, nagising na lang siya sa isang mundo na bago sa kaniya. Doon, magtatagpo ang landas nila ng misteryoso niyang P.A. at ang mas nakapanglito pa sa kaniya sa mga nangyayari ay sinasabi nito na nasa mundo siya ng mga ito na tinatawag na Sargus at... ...siya na ay alipin na nito.

標籤
5 標籤
Chapter 1Chapter 1

Chapter 1

Title : Goodbye Queen Ruiz

* * *

~Queen~

Katulad ng iba, nagsimula rin ako sa wala sa pangarap ko na maging isang sikat na singer.

Walang umakalang mararating ko ang tuktok ng pangarap kong 'yon dahil sa pagiging mahiyain ko at hindi pa nila alam kung ano ang kaya kong gawin.

("Ms. Queen! Bakit ka kumakain ng ice cream?! Bawal po 'yan sa boses mo lalo na at kagagaling n'yo lang po sa rehearsals!")

Pero dahil desidido ako na may marating sa isang bagay kung saan ako magaling, hinabol ko ang pangarap kong 'yon. Sumubok akong ipaalam sa marami na nagmamay-ari ako ng isang napakagandang boses na magbibigay payapa sa puso at isipan nila.

Dahil naman sa mga videos na kuha sa'kin ng mga nanood noon nang magbusking ako, doon kumalat ang pangalan ko at biglaang nakilala sa industriya ng musika. Naipaalam ko nang mabilis sa mga tao ang talento kong 'to kaya ako sumikat nang sobra at ngayo'y hinahangaan at kinababaliwan nang marami.

("Lagot ako nito kay Sir. Marco. Mamaya pa naman na ang concert mo. Baka magkaproblema ang boses mo, ako po ang mananagot sa kuya mo!")

Pero inaamin ko...

...kinakain na ako ngayon ng kasikatang 'yon.

("Pwede ba?! Tumahimik ka na nga! Kakainin ko kung ano ang gusto ko! Alam ko naman ang sarili ko kaya 'wag mo nga akong pakialaman! 'Wag mo ring kalilimutan na P.A. lang kita kaya 'wag na 'wag mo akong masigaw-sigawan!" 

"Pero—"

"Ipipilit pa?"

"Nag-aalala lang ako na baka masira ang boses mo Ms. Queen."

"You're fired."

"M-ms. Queen..." )

Dahil sa kasikatang tinatamasa ko, inakala ko na batas na ang mga salita ko na dapat laging nasusunod. Dahil sa nagkaganito kong ugali, nagpapalit-palit ako ng P.A. na mag-aasikaso sa'kin pero dahil sa katigasan ng ulo ko, nangyari na ang ikakasira ng lahat ng pangarap at pinaghirapan ko.

("Sinabi ko naman kasi sa'yo kaninang umaga na i-pacancel muna natin 'tong concert mo ngayon dahil masakit ang lalamunan mo pero nagpumilit ka na ituloy! Paano 'yan?! Baka hindi ka makapagperform nang maayos mamaya!" sermon sa'kin ng manager ko na si kuya Marco dahil sa katigasan ng ulo ko.

Ni hindi ako tumingin sa kaniya at nakatitig lang sa malaking salamin sa harapan ko habang inaayusan ako ng babaeng stylist ko. "Kapag sinabi kong kaya ko, kaya ko—Aray! Ano ba?!" sigaw ko sa stylist ko dahil nainitan ang anit ko malapit sa noo sa pagplantsa niya sa bangs ko ro'n. "Ayusin mo nga 'yang trabaho mo!" asik ko rito.

"S-sorry po." kabadong-kabadong sabi naman niya pero inarapan ko lang siya at humarap na ulit sa salamin.

"Queen, you're asking for an impossible! Baka madisappoint mo lang ang mga fans mo kapag hindi ka makakanta nang maayos mamaya!" sermon na naman sa'kin ni Kuya Marco.

Napaikot ang mata ko sa pagkainis dahil paulit-ulit siya at tiningala ko siya mula sa pagkakaupo 'ko. Ang tangkad niya, kainis! "Ano ba kuya? Kaya ko nga, 'di ba? Hindi ako si Queen dahil lang sa wala. Ano? Ipipilit pa?"

Sumeryoso naman ang mukha niya. "'Wag na 'wag mo kong magan'yan-gan'yan Queenzie. Baka nalilimutan mong kuya mo 'ko." may pagbabantang sabi niya at tinawag niya na ko sa buo kong pangalan pero inirapan ko lang siya dahil ayokong mapahiya.

Tama. Kapatid ko siya at siya si Marco Ruiz. Ayoko mang aminin pero sa kan'ya lang ako hindi nakakakasa kasi kung gaano siya kabait, ganoon naman siya nakakatakot magalit. Tss.

Biglang may pumasok na lalaki dito sa dressing room ko at may dala siyang mga pagkain na pinabili ko. Nakasumbrero siyang puti, simpleng T-shirt na puti din na halatang hindi branded at pantalon. Ipinatong niya na sa lamesa sa tabi ni Kuya Marco ang mga bitbit niya.

Pumitik naman ang kamalditahan ko at kusa nang tumaas ang isa kong kilay. "Ang bagal-bagal mo naman! Kanina ko pa 'yan iniutos sa'yo, ngayon ka lang nakabalik!" sigaw ko sa kaniya. "Kebago-bago mo, gusto mo na yata agad matanggal sa bagal mo kumilos!"

Hindi siya nagsalita. Ini-expect ko pa naman na magsosorry siya dahil 'yon naman ang natural na ginagawa ng mga P.A. ko kapag pinapagalitan ko sila.

Lalo tuloy uminit ang ulo ko sa isang 'to. "Kinakausap kita—"

"Tama na yan Queen!" awat ni kuya sa pagmamaldita ko dahil nasesense niya na pahahanapin ko na naman siya ng panibagong P.A. "Kumain ka na kung kakain ka. Malapit nang magsimula ang concert mo."

"Tss. Ayoko ko nang kumain! Nawalan na ako ng gana sa kabagalan ng isang 'yan. Paalisin mo na nga 'yan dito!" taboy ko sa bago kong P.A. palabas at wala pa ring imik na sumunod naman 'yon sa'kin.

Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Kuya Marco kaya napatingin ako sa kaniya. Napailing-iling siya sa'kin at naglakad na rin palabas. "Wala na talaga ang baby Queen ko." mahina niyang sabi na narinig ko pa rin.

Natigilan naman ako sa sinabi niyang 'yon at napatingin na lang sa repleksyon ko sa salamin.

Tama siya malaki na nga ang pinagbago ko.

Sobrang laki na parang hindi ko na rin kilala ang sarili ko.)

Dahil napakalayo na ng agwat ng mga talampakan ko mula sa lupa, ganoon din kataas ang babagsakan ko kapag nawala na ang lahat sa'kin.

("Booooo! Ano bang boses 'yan?! Parang naipit na palaka! Si Queen ka ba talaga?!"

"Ilabas n'yo ang tunay na Queen at siya ang pakantahin!"

"Sayang tickets namin! Wala namang kwenta 'tong concert ng fake Queen! Ibalik n'yo pinangbayad namin!"

Akala ko, nabibingi lang ako sa isinisigaw ng mga tao dahil nasanay ako na puro puri ang isinisigaw nila pagkatapos kong kumanta. Pero ano bang aasahan ko? Paos akong kumanta at pinilit kong abutin ang high notes kahit na basag-basag na ang boses ko.

Nakatayo lang ako rito sa malawak na stage na 'to habang hawak ang mic at nakatapat ang nakakasilaw na mga ilaw sa'kin na nakasanayan na ng mga mata ko. Pinagmamasdan ko ang mga dismayadong mukha ng mga fans ko dahil sa sinasabi nilang pangit na performance ko.

Pangit nga ngayon pero ako pa rin si Queen! Ang kinababaliwan nilang top pop singer ng bansa!

Hindi ko inaasahan nang may magliparan nang mga water bottles na may laman at wala dito sa stage. Pinagbabato sa'kin 'yon ng mga audience at napapikit na lang ako dahil natatakot ako na matamaan ng mga 'yon nang biglang may yumakap sa'kin.

"Queen! Bumalik ka na rito sa backstage! Dali!" narinig kong sabi ni kuya Marco pero mula 'yon sa in-ear piece sa isang tenga ko na hindi ko pa tinatanggal.

Nakayakap pa rin sa'kin ang taong 'to para protektahan ako at lakad-takbo na kami papuntang backstage para makaiwas sa pambabato ng mga audience. Nang makarating na kami roon, nakaabang na kaagad sa'min ang mga nag-aalalang staffs kaya humiwalay na kami sa isa't isa at hindi ko inaasahan na ang P.A. ko pala ang taong pumrotekta sa'kin kanina.

Biglang may yumakap na iba sa'kin. "Queen! Ayos ka lang ba?!" nag-aalalang tanong sa'kin ni kuya Marco at humiwalay kaagad para tingnan kung may natamo ba akong sugat sa nangyari pero nakatulala lang ako.

Patuloy na napuno ng nadidismayang sigaw ng mga tao sa arena ang isipan ko.)

Ang pangarap ko...

("Mr. Ruiz, si Ms. Queen ay mayroong vocal disease na nakuha niya sa mga mali niyang habit na siyang nakaabuso sa vocal chords niya. Madadaan naman sa gamot 'yon at i-momonitor namin ang progress niya but unfortunately, pinasensitive ng sakit na 'yon ang vocal chords niya kaya hindi na siya pwedeng kumanta kahit na gumaling pa siya.")

...hindi ko inakalang hahantong sa ganito ang pangarap ko.

("Pinacancel ko na ang lahat ng activities mo at alam na rin ng media ang tungkol sa sakit mo kaya 'wag ka munang lalabas ng bahay." kalmadong sabi ni kuya Marco at bubuksan na sana niya ang pinto ng kwarto ko para lumabas...

"Pero kuya! Hindi puwede 'yon! Madidisappoint nang sobra ang mga fans ko sa'kin! Saka kaya ko namang kumanta pa kaya anong sinasabi ng doctor na 'yon na hindi ko na magagawa 'yon?! Baliw ba siya?!" desperadong sigaw ko. "'Wag mong ipacancel ang mga activities ko dahil kaya ko pa ring gampanan ang pagiging Queen ko sa music!" pagpupumilit ko sa kaniya at dahil sa pagsigaw ko, naramdaman ko ang pagkirot ng lalamunan ko pero hindi ko ininda 'yon.

Kitang-kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa doorknob. "Queen... makinig ka." seryosong sabi niya na hindi ako nililingon. "Kalimutan mo na ang pagkanta."

Para naman akong dinagukan sa sinabi niya at nanlaki ang mga mata ko. Para ring naubusan ng hangin ang paligid dahil bigla akong hindi makahinga nang maayos at sumisikip ang dibdib ko.

Napakarami kong gustong sabihin at bumuka ang bibig ko pero walang kahit isang salita na lumabas doon.

Naramdaman ko na nabasa na ang mga pisngi ko ng mga luhang dumaloy roon mula sa mga mata ko at napahikbi na ako. "A-anong s-sinasabi mo kuya?..." Ang mga salitang 'yon lang ang nagawang makalabas ng bibig ko.

Hindi ko namalayan ang paglapit sa'kin ni kuya at niyakap niya ako. Hinaplos niya ang buhok ko para i-confort ako. "Para rin naman sa'yo 'yon Queen. Hindi ko hahayaan na tuluyan kang mawalan ng boses kapag ipinagpatuloy mo na gamitin 'yan sa pagkanta kaya... tanggapin mo na lang hindi ka na pwedeng maging singer ulit." humigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin. "Sorry... Ako ang may kasalanan dahil nagkulang ako bilang kuya at manager mo. Sorry Queen. Sorry..."

"P-pero kuya... W-wala akong kwenta kung wala ang m-magandang boses ko... d-dahil 'yun lang naman ang kaya at gusto kong gawin. Hindi ako p'wedeng tumigil sa pagiging singer... Hindi p'wede..." Yumakap na ako pabalik sa kapatid ko at umiyak nang umiyak sa dibdib niya habang patuloy ang paghaplos niya sa buhok ko. )

Parang isang panaginip lang ang lahat. Ang masasayang mukha ng mga taong nakikita ko na humahanga sa'kin sa tuwing naririnig nila akong kumanta.

Lahat ng mga 'yon, unti-unti nang dumidilim sa alaala ko.

(Dear Kuya Marco,

Alam kong magagalit ka kapag magpaalam ako sayo nang personal na aalis ako pero nakapagdesisyon ako na magpakalayo-layo muna. Kung magmumukmok lang ako rito sa bahay, lalo lang akong madedespress at baka kung ano pa ang maisipan kong gawin kaya magbabakasyon muna ako. Di ko sasabihin kung saan pero wag kang mag-alala. Babalik din ako kapag maayos na ako.

Love, your baby Queen. )

Sa kasalukuyan, hinangin ang mahaba kong buhok nang umihip ang malamig at malakas na hangin dito sa rooftop ng agency building kung saan ako pumirma ng contract para maging talent nila.

Hinawi ko ang buhok ko papalikod at isinuot ang itim kong sumbrero para hindi na 'yon mahangin pa at sunod ay ang hood ng jacket ko. Inayos ko rin ang pagkakasuot ng itim kong face mask sa ibabang bahagi ng mukha ko.

Nang maisipan ko, iniakyat ko ang dalawang paa ko sa mababang tungtungan ng railings dito at pinagmasdan ang paligid sa ibaba. Dahil sa nagkikislapang ilaw ng mga sasakyang umaandar at mga establishments, nagkakaroon ng liwanag ang paligid kahit gabi na.

Nandito ako ngayon para pagmasdan sa huling pagkakataon ang lugar na 'to dahil bukas ng madaling araw, aalis na ako ng bahay at pupunta sa isang lugar kung saan walang nakakakilala sa'kin. Sa lugar na walang magpapaalala sa'kin ng nasira kong pangarap. Hindi ko pa man alam kung saan 'yon pero bahala na bukas.

Hindi ko namalayan na naglalandas na ang mga luha ko papunta sa face mask ko kaya nababasa na 'yon. Hinubad ko 'yon gamit ang isang kamay ko na inalis ko muna mula sa pagkakakapit sa railings kaya nakahinga na ang balat ko na natatakpan n'on kanina.

Sinuot ko 'yon kanina para makapuslit ako sa mga reporters na nag-aabang sa labas ng bahay ko. Kulay itim din ang jacket ko pati ang shorts ko para hindi ako madaling makita sa dilim. Morena naman ako kaya medyo camouflage talaga.

Pinunasan ko na ang mga luha ko gamit ang likod ng kamay kong may hawak ng mask at suminghot-singhot pero humangin na naman nang malakas at doon ay bigla kong nabitawan ang mask na 'yon. Gumana kaagad ang reflex ko at hinablot 'yon sa ere kaya mas napatuon ang kalahati kong katawan palabas ng railings pero hindi ko 'yon nakuha.

"Queen!"

Nagulat ako nang may tumawag sa'kin kaya napalingon kaagad ako pero masyado na 'kong nakatuon sa labas ng railings at biglang nadulas ang rubber shoes ko sa tinutuntungan n'on.

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin na sa ibaba dahil sa direksyon na 'yon na papunta ang katawan ko. "AAAAAAAAHHH!" tili ko pero hindi ko hinayaang mapabitaw ang isang kamay ko na nakakapit sa railings. Paharap akong nakakapit kaya ang simpleng tanawin lang kanina ng mga citylights at mga buildings ay huling pagkakataon ko na yata makikita ngayon.

"T-tulong!" hirap na hirap na sigaw ko at ang lakas-lakas na ng tibok ng puso ko na bumibingi sa'kin sa mga oras na 'to. Sinubukan ko pang ikapit ang isa ko pang kamay sa railings pero bigla na akong napabitaw na huling tsansa ko na sana para mabuhay pa.

"QUEEN!"

Napatingin ako sa itaas at isang kamay ang sumubok pa na hablutin ang kamay ko para iligtas ako pero huli na ang lahat.

Napapikit na lang ako at dinama ang hampas ng hangin sa katawan ko sa pagbagsak kong 'to. Natanggal na rin ang sumbrero sa ulo ko sa lakas ng hangin at humaharang na sa mukha ko ang mahaba kong buhok.

Sa ganitong paraan pala ako magtatapos.

Bumagsak na ang career ko dahil nawala na ang maganda kong boses pero hindi ko inakalang kasunod n'on, literal na babagsak din ako sa kamatayan ko.

Mom, Dad, Kuya Marco... Sorry.

Paal—

"QUEEN!"

Napamulat ako nang marinig ulit ang boses na 'yon na ilang beses nang desperadong tumawag sa pangalan ko ngayong gabi pero sinalubong na ng napakaliwanag na ilaw ang mga mata ko kaya hindi ko na nakita kung sino 'yon at naramdaman ko na lang ang pagyakap sa'kin ng isang tao.

Doon ay hindi ko na alam kung ano na ang sumunod na mga nangyari.

* * *

3 years ago...

🎶 Sa hindi inaasahang

Pagtatagpo ng mga mundo🎶

Napatigil ang isang lalaki sa paglalakad nang marinig ang napakalamyos na tinig na iyon ng isang babae.

Napalingon siya sa direksyon kung saan iyon nagmumula at natanaw niya ang isang babaeng kumakanta habang tinitipa ang nakasabit na gitara sa katawan nito sa gilid ng daan na iyon. Nalagpasan niya ito kanina sa kaniyang paglalakad.

🎶Mayro'ng minsan lang na nagdugtong

Damang-dama na ang ugong nito🎶

Bumalik siya sa paglalakad at tumigil sa harapan nito upang mapanood ito nang maayos. Nakapikit ito sa pagkanta at halatang kinakabahan dahil tuod ang pagkakatayo.

Siya lang ang nanonood dito dahil ang hina ng boses nito sa pagkanta. Marami namang tao ang dumadaan doon ngunit kahit nakakapukaw naman ng atensyon ang tinig nito'y walang lumalapit dito sa hina niyon. Ni wala itong microphone na gamit para mapalakas ang boses.

🎶'Di pa ba sapat ang

Sakit na dinanas

Na hinding-hindi ko ipararanas sa'yo?

Ibinubunyag ka ng iyong mga mata

Sumisigaw ng pagsinta 🎶

Doon ay nagmulat na ito ng mga mata at sakto namang natagpo ng  tingin nito ang sa kaniya. Hindi niya naman inalis ang titig niya rito na mayroong hindi maitatagong paghangang mababakas.

Nanlaki nang kaunti ang mga mata nito habang nakatingin pa rin sa kaniya at doon ay unti-unti nang umayos ang pagkakatayo nito. Naging kumportable na ito sa pagkanta at halatang nabura ang kaba... na hindi maipagkakailang dahil sa kaniya.

🎶 Ba't di papatulan

Ang pagsuyong nagkulang?

Tayong umaasang

Hilaga't kanluran

Ikaw ang hantungan

At bilang kanlungan mo🎶

Dahil lumakas na ang boses nito sa pagkakaroon ng kumpyansa sa sarili ay nakakuha na ito ng atensyon at hindi na lang siya ang nanonood dito ngayon. May mga nangvivideo na rito at maraming nagkokomentong kasing ganda nito ang boses nito.

Tama naman ang mga ito. Napakaganda nga nitong babae kahit na simpleng T-shirt at jeans lang ang suot. Hanggang baywang ang itim na itim nitong buhok na nakalugay, morena ang kulay ng balat nito na lalong nagdagdag sa maamo nitong karisma ang ang liit ng mukha na nagtataglay ng kahanga-hangang features. Ang kapal din ng pilikmata nito na halatang tunay at hindi ikinabit lang na false eyelashes.

Kahit na dumami na ang mga taong nakapalibot dito, ang tingin pa rin nila sa isa't isa ay hindi naaalis. Tila ba sila lang ang taong naroroon sa mga oras na 'yon.

🎶 Ako ang sasagip sa'yo 🎶

Napangiti sila pareho sa isa't isa at isang hindi nakikitang bond na ang nabuo sa kanila ng araw na 'yon.

Ipagpapatuloy...

你也許也喜歡

EKBASIS (Tagalog)

Malakas ang buhos ng ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Malamig na gabi at madilim na kalangitan. Sa gitna nang malakas na buhos nang ulan ay makikita ang isang kotse na bumabwahe kahit delikado at hating gabi na. Sakay nito sa loob ang isang babae at isang lalaki. Kahit madulas ang kalsada dulot nang malakas na pag ulan ay mas pinili nilang bumyahe para makauwi kapalit nang kanilang kaligtasan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na hindi na gumagana ang preno nang kanilang sasakyan. Nawalan nang kontrol ang kotse na kanilang sinasakyan dahilan kung bakit ito bumangga sa poste sa gilid nang kalsada. Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi nang sasakyan. Duguan at walang malay ang mga sakay nito. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ito pala ang magdudulot nang kanilang pagkamatay. Eto pala ang kikitil sa kanilang buhay. Ang aksidenteng pala ‘yon ang magiging sanhi kung bakit sila binawian nang buhay Sa kabilang banda naman, dahil sa wagas na pagmamahalan nang mag asawa ay nagbunga ito at nabuo ang isang batang babae na nagngangalang Aphrodite. The goddess of Love. Sa murang edad ay nawalan siya nang magulang. Walang kamalay malay ang kawawang bata na hindi na niya kaylan man makikita ulit ang kanyang magulang. Dahil sa murang edad ay napagpasyahan siyang kupkopin nang kanyang Tiyahin. Binihisan, pinakain at pinatira siya nito sa apartment na pag mamay ari nag kanyang tiyahin Lumipas ang ilang taon at lumaki si Aphrodite nang mag isa, walang karamay at walang umaalalay sa kanya. Natutunan niyang mamuhay nang mag isa at hindi humihingi nang tulong sa kahit sino Sa likod nang apartment na kanyang tinutuluyan ay may mataas at lumang pader doon. Mapapadpad si Aphrodite sa likod na bahagi nang apartment at aksidentang makikita ang maliit na butas sa lumang pader. Dahil sa kuryosodad ay papasok siya doon ngunit hindi niya alam na sa likod nang mataas na pader na naghahati sa dalawang lugar ay bubungad sa kanya ang kakahuyan. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating nito ang dulong bahagi nang kakahuyan at sasalubong sa kanya ang isang malawak na lupain. Nagmistulang isa itong paraiso dahil sa natural na ganda nang lugar. Nagkalat ang iba’t ibang klase nang bulalak sa paligid at ang mga libo libong paru paro na lumilipad sa ere Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Laking gulat niyang nang may makitang isang misteryosong pinto sa gitna nang lupain. Laking pagtataka niya dahil hindi niya alam kung paano ‘yon napunta doon Walang nakakaalam na ang pinto na ‘yon ay ang magiging daan patungo sa lugar kung saan lahat ay mahiwaga. Lugar kung saan lahat ay nababalot nang mahika. Lugar kung saan walang limitasyon at diskriminasyon. Lugar kung saan lahat naga imposible ay magiging posible. Lugar kung saan hindi pa nararating ng kahit na sino. Lugar kung saan hindi pa nadidiskubre nang tao. Lugar kung saan malayo kumpara sa ordinaryo para itago sa buong mundo at mananatili na lamang na sikreto Nakakatawa man pakinggan pero kaylangan mong paniwalaan Lahat ay magbabago matapos mong makapasok sa natatagong mundo Buksan ang mga mata Gamitin ang isip at tainga Ngayon tatanungin kita……. “Gusto mo bang sumama?”

glitterr_fairy · 奇幻言情
分數不夠
28 Chs