Rylie's POV.
Teddy Bear
"Ang sweet mo naman babe," kinikilig na sabi ng babae sa kanyang nobya akala mo naman binigay na sayo ang mundo.
Inabot ng boyfriend niya ang malaking teddy bear na napanalunan nito sa isang game sa perya.
"Kio! Tingnan mo sila," nagulat siya sa pagtawag ko.
"Anong meron?" Takang-takang tanong niya.
"Hindi mo talaga alam nagbibiro ka ba?" Tiningnan ko siya ng masama dahil ang bagal ng kokote niya. Ano bang utak meron siya.
"Huwag sabihin-"
"Oo gusto ko din ng Teddy bears kaso kulay red ayoko ng pink."
"Egi bumili ka," pagmamatuwid niya patingin-tingi pa siya sa oras. "Alam mo umalis na lang tayo sa dito ang ingay-ingay."
"Hindi tayo aalis hanggat wala akong teddy bear na hawak," pagmamatigas ko.
Pumunta kami sa may game kung saan nila nakuha yung teddy bear ang mechanics ng game kailangan naming tamaan ang mga mini toys gamit ang baril na hawak namin. Siya lang ang humawak ng baril at ako naman todo cheer sa kanya.
Ilang bala ng baril ang nasayang pero wala pa din siyang natatamaan. Nakakainis ang dali-dali namang tamaan ng mga yun pero hindi niya magawa.
"Ang hirap naman tamaan ng mga laruan na yun," saad niya pagkatapos iputok ang baril na hawak. Kinuha ko ang baril at susubukan ko kung matatamaan ko iyon.
"Amin na nga parang hindi ka lalake eh," pangaasar ko sa kanya.
Bumuwelo muna ako at tinarget ang gusto kong barilin, yung isang duckling na katabi ng maliit na sundalo ko tinutok ang baril. Pinutok ko na ang baril at maswerte kong natamaan ang target ko.
"Tyamba lang," saad nung lalake sa likod ko. Kaya mas lalo akong nainis at patunayan sa kaya kong tamaan lahat ng laruang na nasa harap ko.
Inayos ko ang direksyon ng kamay ko at tsaka binaril ang sundalo na katabi nung duckling kanina hindi na ako nagpatigil at binaril lahat ng mini toys at dahil sa salitang tyamba natamaan ko yun lahat.
"Wow, babae ka ba talaga?" Mangha sabi ni Akio sa akin. Parang siyang bata habang sinasabi niya yun. Binigay ni Manong yung malaking teddy bear na kanina ko pang gustong makuha.
Hh
"Hindi nga yata ako babae paano kung sabihin ko sayong bakla ako?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko hinampas ko siya ng teddy bear dahil sa nakakatawang reaksyon ng mukha niya.
"Uwi na tayo may quiz pa ako bukas," pagmamaktol niya.
"Ikaw ba nakakuha ng teddy bear?" Tinaasan ko siya ng kilay
"Hindi, pero sabi mo kapag nakakuha ka na ng teddy bear uuwi na tayo?" Paliwanag niya.
"Binabago ko na, kung ikaw ang nakakuha uuwi kaso ako ang gumawa ng paraan para kuhanin yan," tinuro ko pa any teddy bear na hawak niya. Wala na siyang nagawa dahil hinawakan ko ang nanay niya para sumakay sa carousel alam kong pambata pero gusto ko pa ding subukan.
"Hoy bata umalis ka dyan sasakay ako," pagmamatigas ko sa bata. Hindi nagpatinag ang bata kaya kailangan kong gamitan ng candy.
"Ito candy, umalis ka lang dyan patulan kita jan eh," mabuti naman napakiusapan ang bata at agad ding umalis. Ako lang ang matanda na nakasakay sa carousel may mga matatanda din naman kaso kadalasan mga nanay na binabantayan ang mga anak nila. Nasa labas lang naghihintay si Akio ayaw daw niyang sumama dahil nakakahiya daw. Hindi ko na siya inintindi at in-enjoy ang pagsakay dito.
Ilang minuto din ang tinagal ng carousel niyakag ko si Akio na sumakay sa Ferris Wheel at napapayag ko ang loko. Titingnan ko kung takot siya sa heights sana takot siya ang sarap niya kaseng asarin.
Nasa loob lang kami ng ferris wheel wala siyang kaimik-imik habang tinitingnan ang magandang view sa taas. Hindi siya takot sa heights kaya olats tayo.
"Ang ganda ng view," pagbasag ko sa katahimikan. Wala akong natanggap na tugon sa kanya tahimik lang siya habang kinakalikot ang cp niya.
"Anong ginagawa mo?" Lumapit ako para tingnan ang kinakalikot niya sa cp niya.
"Wala," pinatay niya ang cp niya at nagpatuloy ang katahimikan sa loob. Sumigaw ako sa loob para naman Hindi awkward, pero wala pa ding siyang imik. Natapos ang sampung minuto at lumabas na kami sa loob.
"Saan na tayo sunod uuwi na ba tayo?" Iritang tanong niya sa akin.
"Umuwi ka na iwan mo na ako," diretsa kong sabi sa kanya. Alam ko naman una palang ayaw na niya akong kasama at wala siyang interes kanina pa.
"Ayoko sasamahan kita,"
"Hindi mo naman kailangan magpanggap kung ayaw mo dito o sa akin you are free to leave."
"Ayoko lang sa lugar, pero dahil nandito na tayo sayang naman din yung oras," napangiti ako sa sinabi niya hindi niya sinagot kung gusto niya ba ako, pero wala akong pake dahil hindi ko din naman siya gusto, kailangan ko lang din naman ng kasama.
"Alam mo ba kung anong rides ang paborito ko?" Tanong ko sa kanya.
"Hmmm... Ano?" Takang tanong niya.
Umakting ako na parang hindi ko prinaktis at pinagisipan ang sasabihin ko.
"Edi Ryliescoaster!" Binigyan niya lang ako ng poker face look.
"Okay next joke." Sabi niya at agad akong hinila papunta sa roller coaster.
"Tara sakay tayo sa ryliescoaster," pagbibiro niya sa akin.
"Fuck you Akio."
Nakakapagod pero masaya dahil nasakyan namin lahat ng rides dito sa simpleng peryahan at nakakatuwa dahil may teddy bear kaming nauwi.
"Hatid na kita." Kalma niyang saad sa akin.
"No need na, magbu-book na lang ako ng grab," binigay ko sa kanya ang teddy bear na hawak ko. "Sayo na lang yan dahil sa pagsama mo sa akin." Kinuha niya ang teddy bear
"I insist ihahatid na kita," may dumaang sasakyan sa tapat namin.
"Nakakuha ka na ng sasakyan kanina pa?"
"Bawal ng tumanggi, it's free ride don't worry," he insisted.
Hindi na ako nagsalita at sumakay na ng sasakyan. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya dahil pagod na din ako ngayong gabi. Nakarating na kami ng bahay namin mahigit 30 minutes din ang pagbiyahe mula dito hanggang peryahan.
"Ang laki pala ng bahay nyo," panimula niya.
"Hindi naman mga kwago pati ang nakatira jan," tinggal ko ang seatbelts at binuksan ang pinto ng sasakyan sa gilid ko.
"Sige una na ako salamat sa paghatid goodnight."
Bumaba ako ng sasakyan at dumiretso papasok ng bahay namin. Uminom muna ako ng tubig bago pumunta sa kwarto ko. Wala namang nambulisik sa akin dahil sa mga oras na ito tulog na mga palaka. Pumasok na ako sa kwarto ko at nagtuloy ng tumulog.