Akio's POV
Pagbabago
Posible palang magbago ang tingin mo sa isang tao. Hindi pala totoo ang kasabihang,
"First impression lasts."
Pwedeng magbago ang tao kapag nakilala mo na sila ng lubusan. So Rylie na akala mo sobrang sama at may kabutihan din pala sa kanya. May pagkaisip bata, at pagkamaldita nga lang siya pero hindi siya mahirap pakisamahan.
"Kio! May problema tayo," bungad sa akin ni Ciro may pagaalala sa boses niya.
"Si Ryan... Kase..." Aligagang sabi niya.
"Anong nangyare kay Ryan," hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang gusto niyang sabihin.
"Na-expelled siya sa school dahil binugbog niya yung lalaki na-" Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya at agad pumunta sa guidance office para abutan si Ryan nag-cut ako sa class para makapunta dito.
Nakaupo lang si Ryan at pinapakalma siya ng nanay niya. Umiiyak ang nanay niya sa sinapit ni Ryan. Maya-maya pa at lumabas na sila ng office hindi ko alam ang gagawin ko habang sinasalubong sila. Nagpaiwan si Ryan at sinabi niyang susunod na lang siya pauwi sa kanilang mga bahay.
"Tol anong nangyare?" Panimula ko. Naaawa ako sa kanya dahil isang taon na lang ay ga-graduate ba kaming apat sabay-sabay tapos ganito pa ang mangyayare.
"Tol, sorry nadala ako ng galit napatay ko ata si Lucas," makikita mo pa din ang galit sa boses niya.
"Nakita ko siyang naghahalikan ng girlfriend ko." Dagdag niya pa dito.
"Bakit naman ganun kalala ang parusa pwede naman na isang buwang suspension o kaya paglinisin ka ng isang taon," bwelta ni Drei.
"Mga tol, anak kase ng Mayor yung binangga niya unconcious si Lucas ngayon sa ospital," paliwanag ni Ciro sa amin. "Sorry mga tol wala akong magagawa." Dagdag niya pa dito.
"Hindi ka dapat nila in-expel ng ganung kadali kailangan nating gumawa ng paraan para makabalik di Ryan sa school." Wala silang karapatan na alisin si Ryan sa isang public universities gaya nito. "Hindi ka dapat nila in-expel ng ganung kadali kailangan nating gumawa ng paraan para makabalik di Ryan sa school." Madami na kaming sinugal para makarating dito.
"Anong balak mo tol?" Tanong sa akin ni Ryan.
"Pupunta tayo sa Mayor."
Agad kaming lumabas ng school at nag-cut ng lahat ng classes namin. Wala na akong pake kung ano man ang mangyare sa grades ko ang importante si Ryan kailangan niya kami.
Municipal of Pasig City
Hindi kami nahirapang magbiyahe dahil may sasakyan naman si Ciro. Nagpalit na din kami ng civilian para hindi kami mahalatang nag-cut ng class. Pumasok agad kami sa loob at hinarang kami ng dalawang body guards na nakabantay sa harap ng pinto. Mga armado ang mga ito may baril pa sila na nakakabit sa kanilang mga bewang.
"Saan kayo pupunta?" Tanong sa akin ng isa sa mga guard kalbo ito. Ang sama ng tingin niya sa amin na para kaming mga kriminal sa mata niya.
"Kay Mayor Miguel ser," nakangiting sabi ni Ciro.
"May appointment ba kayo?" Tanong niya ulit sa amin.
"Wala pero may importante kaming sasabihin sa kanya," sambit ko.
"I am Ciro Alfonso son of the famous Henry Alfonso," paliwanag ni Ciro sa mga bodyguards.
"Yung sikat na brand ng alak dito sa Pilipinas," nauto na niyang tuluyan ang mga gwardiya may pinakita siyang family picture niya sa wallet niya. Kaya mas lalo nakakadala ang mga sinasabi niya. Mabuti na lang na lang nasabi niya yun dahil kung hindi wala kami dito sa loob.
Nasa taas ang office ni Mayor ayon sa secretary niya. Kinakabahan ako at pati sila dahil hindi namin alam kung may maganda bang kahahantungan ang ang ginagawa namin.
Natagpuan namin si Mayor sa kanyang office. May mga inaayos siyang mga papeles. Natigil siya sa kanyang ginagawa nang mapansin niyang papalapit kami.
"Mga hijo anong ginagawa nyo dito?" Tanong niya sa amin. Mukha naman siyang mabait pero mamaya lalabas ang tunay niyang kulay.
"Mayor nandito po kami para kausapin kayo para bawiin ng school nyo ang ang pag-expel kay Ryan Flores, ang nakabangga ng anak nyong si Lucas," diretsa kong sabi. Lumapit si Ryan kay Mayor para humingi ng tawad.
"Sorry Mayor Miguel nadala lang ako ng galit kaya ko nagawa yun lahat ng parusa gagawin ko wag nyo lang po akong i-expel sa school na pinapasukan." Pagmamakaawa niya.
"Ano ako tanga? Akala mo ba maibabalik mo ang kondisyon ng anak kong si Lucas?"
"Pero mayor si Lucas po ang may kasalanan, nahuli siyang nakikipaghalikan sa girlfriend ni Ryan," bwelta ni Ciro.
"Wala akong pake kung sino ang may kasalanan ang anak ko ang nasaktan dito, at sino ba kayo para banggain ako kilala nyo ba kung sino ang kinakalaban nyo? Sa totoo kaya ko kayong ipapatay sa mga tauhan ko," pagbabantay niya sa amin.
"Kapag hindi mo binawi ang desisyon mo, mawawala ka sa pwestong kinalalagyan mo mayor." Si Drei.
Inilabas niya ang cellphone niya at may pinalabas na audio record. Maririnig ang paguusap namin at ni Mayor Miguel kanina. Nabanggit din dito ang sinabi niyang ipapapatay niya kami.
Nabigla si Mayor sa narinig niya at napaupo. Uminom muna siya ng kape at sabay nagsalita.
"Okay gagawin ko ang gusto nyong mangyare kung ide-delete nyo lang yan ngayon sa harapan ko mismo." Sinunod naman ni Drei ang sinabi ni Mayor.
"Mayor madami pa kami niyan," pagbabanta ni Drei.
Mabuti na lang nagamit ni Drei ang talino niya sa technology kung hindi walang magandang resulta ang pag-cut namin ng class.
"Salamat mga tol hindi nyo ako pinabayaan," sambit ni Ryan habang naglalakad kami palabas ng munisipyo.
"Pasalamat ka kamo Kay Drei the genius!" Proud na proud sabihin ni Ciro ang salitang 'genius,' si Drei naman hiyang-hiya habang nagce-cellphone lang sa tabi.
Sinuntok ni Ryan si Drei nabigla si Drei sa ginawa ni Ryan. Medyo masakit ang pagkakasuntok ni Ryan sa braso ni Drei mabuti na lang at hindi nalalaglag ang cp niya.
"Salamat tol, bawi ako sayo next time!"
"Okay lang yun tol, basta para sa tropa," nginitian siya ni Drei.
Kinabukasan hindi pa din nakapasok si Ryan 1 month suspension ang natanggap niya mabuti na lang isang buwan lang kami na lang ang dadalaw sa kanya para makahabol pa din siya sa mga lessons niyang na-miss.
"Class I have a announcement," bungad sa amin ng aming prof hindi ko siya inintindi at nagpatuloy sa aking binabasang libro.
"You have new classmate hija magpakilala ka," utos sa kanya ng prof namin ang ingay ng mga lalake sa likod kaya napatingin ako sa harapan.
Nanlaki ang mata ko sa nakita ko imposible! BAKIT SIYA NANDITO?
#