Rylie's Pov.
Mapagpanggap
"Dad I'm home," nilapag ko ang bag ko sa sofa at pumunta sa ref para kumuha ng tubig.
"Tulog na ang papa mo bakit ginagabi ka na palagi ng pag-uwi?" Nambubwisit na tanong sa akin ng stepmom ko.
"Hindi ko inakala na may nagsasalita palang palaka ngayon," pagtataray ko. Akala niya madadala niya ako sa peke niyang palambing hindi niya ako makukuha hindi naman talaga niya mahal si Dad pera lang ang dahilan kaya pinutulan niya ito.
"Wag kang bastos sa mommy ko you slut," salida ng kanyang anak as usual wala akong aasahang kakampi dito sa bahay. Simula nung mamatay si mommy nagbago ang lahat dito sa bahay may mga nakapasok na mga palakang kokak. Naiintindihan ko naman si dad na kailangan niya ng partner para mabuhay pero kung ganito ang pakikisamahan mo makakapatay ka ng tao.
Uminom ako bago magsalita at sabay tinapon ang tirang tubig sa baso ko sa anak ng palakang kokak na yun. Hindi siya makapagsalita dahil nagulat siya sa akin ginawa. Buti lang sa kanya yun ng mahimasmasan naman ang pangit niyang mukha.
"Ikaw talagang bata ka simula nung tumira kami dito wala ka ng ginawa kung hindi apihin ang aking baby," sambit ng stepmom ko habang pinupunasan ng panyo ang mukha ng pangit niyang anak.
Umalis na ako at pumunta sa kwarto ko wala akong ganang kumain ngayon, dahil nakita ko ang mga mag-inang palaka.
"Humanda ka gagantihan kita isusumbong kita kay dad, tandaan mo yan!" Habol pa niya bago ako mawala sa kanilang mga paningin.
Naalala ko si mommy minsan na niya akong dinala sa gubat para magpicninc kasama si Dad sobrang saya namin noon tuwing linggo kaming pumupunta sa doon sa gubat malapit sa dagat para mag picnic hindi ko pa din matanggap na wala na si mommy. She was died because of cancer, breast cancer.
"Mom how are you?" Tanong ko kay mommy pagkatapos niyang ilabas sa operating room, kakatapos lang ng kanyang operasyon.
"Sweethearts, mommy will be okay I want you to calm yourself," aniya habang hinahawi ang mga buhok ko. Napanatag saglit ang aking puso ng marinig na ayos ang pakiramdam ni mommy. Pinasok namin siya ng ligtas sa kanyang kwarto, para makapagpahinga.
Nang ipikit ni mommy ang kanyang mga mata narinig ko na ang death sentence. Tumigil ang paghinga ni mommy ang sabi ng mga doctor hindi kinaya ni mommy ang operasyon sa sobrang sakit nito bumigay ang katawan ni mommy. At wala kaming nagawa kundi ang umiyak nang umiyak.
"Mom no don't leave us PLEASE..."
"Mom I need you MOM!"
Sobrang pawisan ng buong katawan ko nanaginip lang pala ako, isang panaginip na gugutuhin kong balikbalikan. Alas syete palang pala ng umaga kaya bumaba ako para kumain may nakahain ng pagkain sa mesa na hinain ng aming mga katulong.
"Rylie kain ka na hinanda ko ang mga paborito mong mga pagkain," isang malaking ngiti ni aling ester ang sumalubong sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit siya na lang ang taong nakakaintindi sa akin simula nung mawala si mom. Siya ang taong naging sandalan ko sa lahat, hindi na alam ang gagawin ko kapag siya ay mawawala sa buhay ko.
"Salamat nay ester pede mo ba akong sabayang kumain?" Wala na sina dad sa ganitong oras ako na lang mag-isa. Kaya walabg kwenta araw-araw ang paggising ko sa umaga.
"Kumain na ako anak, pero para sayo kakain pa din ako."
Umupo kami at nagsimulang kumain wala pa din pinagbago ang luto ni nanay ester wala pa ding kasing sarap. Luto na lang niya ang nilo-look forward ko paggising ko sa umaga.
"Rylie, anak alam kong mahirap ang pinagdadaan mo matapos mawala ang mommy mo, pero anak kailangan mo pa din magpatuloy sa buhay bumalik ka na sa pag-aaral anak," pangungumbinsi niya sa akin.
"Nay, hindi pa ako handa hindi pa talaga pasensya na po," hinawakan niya ang kamay ko para pakalmahin.
"Naiintindihan kita rylie, sabihan mo ako kung handa ka na malalagpasan mo din ito ikaw pa."
"Salamat po nay ester sa lahat."
Natapos na kaming kumain wala akong balak maligo pero nakakahiya naman sa mga tao sa mall na pupuntahan ko kung makikita nila akong pangit. Sa tanang buhay ko wala pang nakakapagsabi na pangit baka yung anak ng stepmom ko pa sobrang pangit at dugyot ng mukha actually silang dalawa. Sisirain ko ang araw nilang dalawa alam ko kung saan pumupunta ang anak niyang palaka. Mukhang masaya at maganda ang plano ko. Minadali ko ang ligo ko baka mahuli ako sa lakad at baka hindi ko matagpuan ang target ko. Humanda ka sa akin Gracie Matangihan, ang babaeng restaurant at walang tinatanggihan. Buka lang nang buka.
Nandito na ako sa Mall kung saan madalas si Gracie, panigurado may date na namang lalake yun. Napangiti ako dahil nakita ko na agad sila, siya lang ang may madumi at dry na kulot dito sa mall at tama ako may kasama siyang lalake. Papasok na sila sa cinehan ngayon, dali-dali akong bumili ng tickets para sundan sila.
Umupo sila sa bandang gitna ng sinehan at ako nasa likod nila, tuwang-tuwang ang higad habang nanonood ng cine magka-holding hands pa ang dalawa. IT ang palabas horror movie tungkol sa clown na pumapatay ng tao, pakipatay naman si gracie at ang kanyang mommy please.
Sa tuwing heavy scene ang palabas binabato ko si Gracie ng popcorn, at ang malandi yumayakap pa sa lalake kapag nakakatakot ang scene.
"Bebe ko, nakakatakot yung clown scared ako huhuhu," sabay yakap kay guy
"Bebe ko nandito lang ako wag kang matakot," sambit ni guy habang kayakap-yakap ang bruha.
"Bebe ko pede ko bang hawakan?" ABA malandi talaga ang palaka talagang dito pa sinehan. Binato ko ulit siya ng napakaraming popcorn sabay tago sa ilalim ng upuan. Tumayo si gracie at tumingin sa likod niya.
"Sino yun? Kanina pang bato nang bato ng popcorn kakainis na ha isa pa talaga," sambit ni gracie habang tinatanggal niya ang mga popcorn sa kanyang mga buhok.
"Huwag munang intindihin yun bebe ko, umupo ka na bebe ko," sambit ni guy habang binubuksan ang zipper ng kanyang pantalon. Kadiri ang mga animal, hindi katanggap-tanggap.
"Sige bebe ko hihihi, dito lang kamay ko ha?"
"Bebe ko sandali, naji-jingle ako bebe ko," umalis si guy sa sinehan tumayo ako agad para pumunta sa cr.
Nandito ako sa tapat ng pinto ng mga cr ng mga babae nag-lipstick ako para naman magmukha ako kaakit-akit red lipstick para panglaban na. Hinihintay kong lumabas si guy sa cr maya-maya pa ay nakita ko na ang lalake not bad may itsura ng slight. Balak kong banggain si guy at magpanggap na nahihilo ako tapos magpapadala ako sa hospital. Naglakad ako ng mabilis papunta sa direksyon habang nagce-cellphone.
BUMP!
Aray ko! Napalakas yung untog ng ulo ko sa likod ni guy. Sinadya kong bumagsak sa may sahig at nagmukha kaawa-awang magandang dilag.
"Sorry miss, are you okay?" Inabit niya kamay ko at kinuha ko agad yun para tumayo. Hindi ako nagsalita para kunyare nasaktan ako.
"Nasaktan ka ba miss?" Tanong niya ulit sa akin.
"I think I feel a bit dizzy," dumikit ako sa pader kunyare nahihilo.
"Sorry miss, may I take you to the hospital to have a check up?"
"May sasakyan ka ba?" Kinagat ko ang labi ko.
"Yes meron, shall we?" Nginitian niya ako sign na may kakaiba siyang balak.
"Bebe ko sino yan?" Bulyaw ni Gracie, galit na galit ang boses niya.
"Rylie!? ANONG GINAGAWA MO DITO?" Tiningnan niya ako ng masama at sabay lapit kay guy na akala mo mauubusan ng lalake sa mundo.
"Hayaan mo na siya umaarte lang yan bebe ko let's go," hinila niya ang kamay nung guy para ilayo sa akin.
"Didn't I?" Tiningnan ko yung guy sa paraan na alam kong maaawa at maaakit siya.
"Gracie it was my fault kaya siya nahilo kailangan niyang pumunta sa ospital," kumbinsi nung guy sa palaka.
"Ngayon dadalhin mo talaga siya sa ospital after I ripping her face," akma niyang susunggaban ang mukha ko pero pinigilan siya nung guy.
"Stop it gracie, kung ayaw mo siyang dalhin sa ospital ako na lang okay?"
"This slut is obviously acting," dinuro pa niya ako bago magsalita. Pero di ako papatalo sa acting syempre nagkunware akong natatakot.
"I'm scared please, dalhin mo na ako sa ospital," niyakap ko si guy para mas convincing.
"Don't be scared let's go," paalis na kaming dalawa naiwan namin ang palaka. Bago namin lisanin ang palaka dinilaan ko siya at ngitian na senyales na ako ang nanalo.
"I win." Bulong ko sa kanya.
"Rylie, you slut are shameless, humanda ka sa akin, just wait and see." Banta niya. Akala naman niya natatakot ako sa kanya.
Nakalabas na kami ng mall at sumakay sa sasakyan nung guy na ka-date ni Gracie palaka. Tahimik lang ako sa loon ng kotse ng bigla siyang magsalita.
"Anong pangalan mo miss?"
"Rylie, narinig mo naman kanina," maikli kong sagot.
"Sorry nabingi ako kanina eh btw, I'm Emman Garcia nga pala," tumingin lang siya sa akin habang nagmamaneho.
"Itigil muna ang sasakyan dito ayos na pakiramdam ko," bwelta ko sa kanya
"Sigurado ka ba, diba sinabing mong nahihilo ka kanina?" Takang-taka niyang tanong
"Itigil muna bababa na ako, I hate gracie and she likes you I did on a purpose to infuriate her," binuksan ko ang pinto sasakyan at sabay bumaba uuwi na ako at matutulog nakakapagod at nahihilo ako sa ginawa ko kanina. Matutulog na lang ako maghapon.
"Rylie wait," bumaba siya sa kotse niya para sundin ako nilingon ko lang.
"What kind of girl are you exactly?" Umiling lang ako at tumingin sa kanya.
"I don't know."
Maging ako hindi ko na kilala ang sarili ko pagkatapos ng isang aksidente. A tragic night.
#