webnovel

Lie, Rylie 02

Akio's POV.

Walang Pasok.

Wala akong balak gawin kung hindi ang magkulong habang binabasa ang mga librong gusto kong basahin. Kaya ngayong araw wala akong ibang gagawin kung hindi ang magbasa nang magbasa. The Lost World by Sir Arthur Conan Doyle, ang napiling kong basahin highly recommended ito ng mga kilala kong book lovers. Alam ko naman napaka-weird ko ibang-iba ako sa karamihang lalake hindi ako mahilig sa sports, gaya ng basketball, volleyball, at kung anu-ano pang gawaing nakakasakit ng katawan. Ayokong pahirapan ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman gustong gawin.

Shit, nagri-ring ang cellphone. Sino bang tumatawag sa ganitong oras, wala akong natatandaan na may projects or assignments kami by group?

Tsk.

["Alam nyo kung hihingi kayo ng pasensya sa ginawa nyo sa akin kagabi ayos na ako, wag kayong istorbo may ginagawa ako."] Hindi pa man siya nagsasalita pinatayan ko agad siya ng tawag.

From: 09754014156

"Hindi ako hihingi ng sorry, pera hihingin ko punyeta ka, anong ginawa mo sa akin kagabi?"

Lakas ng amats ng taong ito, kinidnap ko ba siya para hingan niya ako ng pera? Dahil sa kainisan ko tinawagan ko ang number.

["Sorry ser/ma'am wrong number kayo check nyo po ulit number nyo."] Walang gana kong banggit.

["Teka lang kase, ako yung babaeng dinala mo sa hotel anong ginawa mo sa akin, papatayin kita! Magkita tayo sa address na ite-text ko sayo pag hindi ka pumunta ipapakulong kitang kuto ka!"]

Babae ang boses ang aking narinig. Sino siya? Hindi kaya siya ang babae sa club kagabi? Wtf, wag naman sana.

I dial the number again to confirm the confusion in my mind.

[Who are you?]

[Who are you mo mukha mo ipakukulong kita kapag hindi ka nagpakita sa akin! Kuto ka, bayaran mo dangal ko!] She ended the call.

Tingnan mo ang babaeng ito siya na ang tinulungan siya pa may balak magsumbong sa mga pulis. Huwag ko na lang kaya siya siputin? Hindi naman niya ako mahahanap. Pero paano kung mahanap niya ako at dito pa siya gumawa ng eksena? Pinalaki ako ng aking magulang ng maayos at lahat gagawin nila para suportahan ako. Ano na lang sasabihin nila kapag nalaman nila ito? Tiyak na pagpi-piyestahan ako ng mga kapitbahay.

Nakakainis ang sakit niya sa ulo.

Niligpit ko ang mga librong sanang babasahin ko buong araw. Dali-dali akong nagbihis para hindi ako mahuli mahirap na traffic pa naman ngayon. Pagkatapos ko magbihis dumiretso na ako sa tagpuan. Plane white shirt at maong na pantalon ang suot ko ngayon. Yun ang tinext ko sa kanya para madali niya akong marecognize.

Nandito na ako ngayon sa lugar na tinext niya hindi ako mapakali kinakabahan ako ano ba kase ang pinasok ko. Isang coffee shop ang meeting place namin, nakakamangha ang coffee shop na ito, nasa gilid siya ng highway na nakaharap sa dagat. Perfect ang view lalo na pag ikaw ay nagbabasa kaya hindi ako nainip maghintay sa kanya. Mukhang mapapadalas ako dito.

Sinong magaakalang may ganitong kagandang Coffee Shop sa Maynila. Nasira ang ganda na aking nakikita nang dumating na ang babaeng sisira pa lang ng araw ko. Umupo siya sa harapan ko at inilapag ang cellphone niya malapit sa akin. She was trying to record our conversation. Alam kong gagawin niya yun para may ebidensiya siya.

"Hoy! Babae pumarito ka?" Akala ko ako ang kinakausap niya yun pala ito ang babae sa likod ko. Lumapit ang babae sa kanya naka denim pants ito at black shirt na may tatak na picture ni Avril Lavigne.

"Bakit pareho tayo ng suot? Paltan mo hindi bagay sayo!" Sigaw niya sa babae, nagulat ang dalaga sa sinabi ng lasinggerang kasama ko.

"Bakit ko naman papaltan sino ka ba? Magulang ba kita ang kapal naman ng mukha mo!" Sagot ng babae sa kanya. Pinanood ko lang sila habang umiinom ng kape. Hindi pa ako nakakapanood ng babaeng nag-aaway. Mukha naman nakaka-enjoy silang panoorin.

"Aba, matapang ka na sino ka ba sa tingin mo tara sa labas suntukan tayo. Tingnan mo nga suot mo ang taba mo sa suot mo, hindi bagay sayo nakakaawa ang damit sobrang nahihirapang takpan ang bilbil mo." Sabay tingin niya sa tiyan ng babae, tumingin naman ito ang babae sa tiyan ng babae.

Nagtawanan naman ang mga tao sa loob ng Coffee shop, wala ng naisagot ang babae dahil sa hiya kaya dali-dali siyang lumabas ng coffee shop. Kawawa naman.

Ganito ba ang kababaihan ngayon makita lang nila na may kagaya silang damit naiinis na agad, o sadyang baliw lang ang babae sa harap ko?

"Hays kainis ang babaeng yun akala mo kagandahan, kumukulo dugo ko sa kanya wag siya papakita ulit sa akin." Saad niya habang iniinom ang milktea na hawak niya. Padabog niyang binigsak ang milktea na hawak sa lamesa sabay tiningnan ako ng masama pakiramdam ko nililitis ako ngayon sa korte.

"Ikaw tarantado, ano nangyare kagabi?" Una niyang tanong. Natatakot ako sa kanya kakaiba siya masyado mukha siyang papatay ng tao.

"Miss, wa-lang nangyare... kagabi," nangangatal pa ako sa sinabi ko.

"So may balak ka? Kung walang nangyare bakit ako nasa hotel nung gabing yun? Ni-rape mo ba ako!" Malakas na sabi niya kaya napatingin sa amin ang mga tao. Nakakahiya ang babaeng ito wala akong magawa. Pakiramdam ko tuloy guilty na ako kahit hindi naman talaga.

"Miss let me explain sayo ang nangyare kagabi," huminga ako ng malalim. Kaya kong ipaliwanag sa kanya wala akong pake kung maniniwala siya o hindi.

"Nung paalis na ako ng bar kagabi pinigilan mo ako sinabi mo sa akin huwag ka munang umalis hinawakan mo pa ang kamay ko nun, you we're so drunk umiyak ka pa nga sa akin na parang bata wag lang akong umalis, naawa ako sayo kaya dinala kita sa hotel, nung nahatid na kita sa room na pinagdalhan ko sayo umuwi agad ako kahit i-check pa natin ang CCTV ng hotel." Paliwanag ko sa kanya.

"Palusot mong bulok, di na tatalab yan sa akin alam mo bang pitong kaso ang isasampa ko sayo ngayon?" Matinde ang babaeng ito pigilan nyo ako susuntukin ko ito.

"Miss yun ang tuna-" Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko.

"Hep, tama na 100k cash ititigil ko ang pagakusa sayo,"

"Saan naman ako kukuha ng ganung kalaking pera?"

"Mamili ka sa dalawa, A or B?" Anong kalokohan ito. Sinakyan ko na lang siya baka magbago ang isip niya.

"A?" simple kong sagot.

"Republic act 8505, o ang anti rape law of 1997, yan ang kasong ipapataw ko sayo. Pwede kang makulong ng 10 taon hanggang 30 years pag napatunayan na nanggahasa ka." Takte anong sinasabi niya mukhang modos na ito ng babaeng ito. Nangaasar ba siya?

Scammer in live action ang lakas!

"Alam mo miss, kung modos mo ito, hindi mo ako mabibiktima iba na lang lokohin mo wag ako kung gusto mong magkapera magtrabaho ka kase kahit pigain mo ako wala akong ibibigay sayo."

"Bahala ka, see you in the court." Binigyan niya ako ng malaking ngiti bago umalis ng coffee shop.

Natulala ako sa kinauupuan ko nanaginip ba ako? Saan ako kukuha ng one hundred thousand pantubos sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Kasalanan ito ng mga tarantado kong tropa.

Ayokong makulong alam kong malakas ang laban ko pero paano kung modos talaga yun ng baliw na babaeng yun paano kung madami sila? Isang kawatan at paano kung pagtulungan nila ako?

Anong gagawin ko? Ayokong makulong!!!

#

下一章