webnovel

Lie, Rylie 03

Akio's POV.

Utang o Bayad?

Ilang araw na akong hindi makapag-isip buong weekends ko inisip kung ano ang gagawin ko para makalusot sa babaeng yun. Baliw siya, hindi siya normal abnormal pa kamo. Papasa siyang anak ng mangkukulam.

Mabuti na lang na lang may pasok ngayon hindi tatambay sa isip ko ang baliw na babaeng yun. Isa lang ang klase namin ngayon. Kaya konti lang ang dinala kong gamit nagdala din ako ng mga libro na babasahin para hindi ako mabored habang naghihintay sa professor namin. Mamayang 3pm pa ang start ng klase niya.

Nandito ako ngayon sa coffee shop kung saan kami unang nagkita nung babaeng yun. Sa isang shop sa tabi ng highway, bakit hindi ko alam na may ganitong milktea shops sa Maynila, dito naman ako lumaki at nagkaisip pagala-gala pa ako. Salamat na lang sa kanya may nahanap ako comfort place.

Hindi madaming tao ang pumupunta dito kaya mas nakakaganda ng presensya tumambay dito kahit maghapon akong tumambay dito ayos lang. Ang ganda talaga ng view ng dagat. Sayang lang hindi ko maaabutan ang paglubog ng araw dahil mamaya may klase pa ako.

Hindi naman ako pwedeng umabsent dahil isa ako sa mga scholars ng university na pinapasukan ko, hindi kami mayaman nasa middle average class lang ang aking pamilya. Parehong guro ang aking magulang, parehas din nilang mag-doktor kaso hindi natupad nung dumating ako kaya ako ang magtutuloy ng pangarap na hindi nila nakuha dahil sa maling sitwasyon.

Medicine ang kinuha kong course tinaasan ko ang pangarap ko para sa pamilya ko gusto ko silang bigyan ng magandang buhay. Gusto kong maging surgeon balang araw. Hindi ako pwedeng bumagsak hindi pwedeng may failing grades na lalabas sa aking card. Kapag nangyareng bumagsak ang grado ko bagsak din pangarap ko. Iilan lang lang ang masu-swerteng nabigyan ng ganitong pagkakataon kaya lahat ibibigay ko matapos ko lang ang kursong ito.

All or nothing.

Mahigit tatlong oras na din akong nakatambay dito at matatapos ko na din itong libro na binabasa ko. At may isang linyang tumatak sa aking isipan.

"Psychology says that the most basic need of human is to love and to be loved."

Seryoso ba siya nung sinulat niya ito ay isang malaking kalokohan para sa akin. The most basic needs ng tao ngayon ay yung makakain ng tatlong beses sa isang araw, ligtas na tirahan, makapag-aral at magkaroon ng magandang trabaho. Paano ka magmamahal kung gutom kayong dalawa? Paano nyo bubuhayin ang pamilya nyo kung wala kang trabaho. Tao nga naman ngayon, malayong-malayo sa reyalidad. Hindi pa sumagi sa isip ang magmahal wala akong plano sa ngayon.

Hindi ko namalayan ang oras, alas dos na pala kaya dali-dali akong umalis ng kalahating oras lang naman ang biyahe papunta sa university na pinapasukan ko.

Masyado akong maaga nakapunta sa aking classroom wala pang masyadong tao, mga lima lang kaming nandito. Umupo ako sa dulong sa bahagi at ilang minuto pa dumami na ang mga tao. At sa wakas dumating na mga mokong, hindi ko sila papansinin maghapon bilang ganti sa ginawa nila sa akin.

"Kio, balita ko may babae ka daw dinala sa hotel ah, maganda ba?" Tanong ni Ciro sa akin habang nagtatawanan sila.

"Oo nga sinigaw mo pa daw na girlfriend mo siya sabi sa akin ni Susan," Ginatungan pa ng mokong na sis Drei. Si Susan ang kasama niya kagabi sa party.

"Ano naka-score ka ba sa kanya?" Dagdag pa ni Ryan. Mga tarantado talaga ang mokong na ito, kung alam lang nila dahil sa kanila may napakalaki kong problema. Wala akong inimik sa kanila pati mga sagot na gusto nilang sabihin ko ay hindi ko ginawa. Bahala sila sa buhay nila. Dumating ang professor namin na sakto sa oras, nagpakilala muna siya sa harapan bago magturo akala naman niya matatandaan namin.

"Good afternoon class my name is-" Hindi niya natapos ang sasabihin dahil may dumating na babae sa pintuin.

"Hija pasok ka, studyante ba kita?" Tanong ng professor sa babae.

"Hindi po nandito po ako para i-excuse si Akio Montenegro, emergency lang po." Takte bakit ako napadamay? Tiningnan ko pagmumukha ng babae nasa pintuan, hindi ako pwedeng magkamali siya ang baliw na babae na sisira ng buhay ko. Tiningnan niya ako ng masama.

"AKIO, nasa hospital ang nanay mo kailangan ka niya tsk." Saad niya sa akin. Alam ko namang hindi totoo kita ko sa nga mata niyang nagbibiro lang siya.

"Mr. Montenegro, lumabas ka na hindi kita mamarkahang absent your mom needs you, I don't mark you as an absent for today go." Utos sa akin ng aming prof. Nabigla din ako sa sinabi ng professor namin kaya lumabas na lang ang ng room dahil sobrang nahihiya na ako. Nakita kong nagtatawanan ang mga tarantado kong tropa lintek patay sa akin ang mga ito. Naglakad ang baliw ba babaeng ito palayo, sinundan ko lang siya hanggang makarating kami sa canteen ng school namin. Nagtataka ako kung bakit sauladong-saulado niya ang mga lugar dito. Dito ba siya nagaaral? Umupo kami sa may table para makapagusap naguguluhan na talaga ako.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa babaeng nasa harapan ko. "Nagbibiro ka lang tungkol dun sa emergency kanina diba?"

"Tama ka pero may mas mahalaga pa doon kaya nandito ako maniningil ako ng utang mo o baka nagkakalimutan tayo na kapag hindi ka nakabayad ipapakulong kita." Dinuro-duro pa niya ang kamay niya sa akin.

Bumbay ba siya para singilan ako ng utang? Ang kapal din talaga ng mukha niya.

Tsk.

"Miss, wala akong ganung kalaking pera wala akong ibabayad sayo o sa inyo, kung ano man ang pinaplano mo itigil mo na..." Pakiusap ko sa kanya sana naman may awa ang babaeng ito kahit konti.

"Anong ginagawa ng tao para kumita ng pera?" Pagtatanong ng baliw na babaeng ito. Ano na naman ang ang plano niya?

Last meet-up namin pinapili niya akong sa A o B tapos ito magtatanong na naman siya.

"Magtrabaho?" Kabado kong sagot.

"Tama magtatrabaho ka, para sa akin bilang isang bodyguard, personal assistant, yaya, companions." Napatulalala na naman ako sa sinabi niya ano ba kase ang pinasok kong ito.

"Kung pinagtri-trip-" Tinigil niya niya ako sa sasabihin ko.

"HEP! Susunod ka or else magrereport na ako sa pulis ngayon, sige una na ako text ko kung kailan ang simula mo baka mamaya na or bukas depende sa mood ko." Mabilis siyang lumabas ng canteen, naiwan pa din akong tulala at hindi makapag-isip ng maayos. Isa lang ang tumatakbo sa aking isipan.

BALIW ANG BABAENG YUN HINDI SIYA NORMAL ABNORMAL SIYA. MANGKUKULAM.

LALAKE AKO PERO WALANG AKONG MAGAWA. FUCK!

#

下一章