webnovel

Chapter 12 - Persecution in Hell

Chapter 12

Persecution in Hell

Dinampot na ni Adalyn ang music scheet na nakapatong sa kanyang bedside table at mabilis nang bumaba sa first floor ng kanilang bahay kung saan naghihintay ang kanyang kapatid na si Jacob at ang kanyang Mama.

"Ma.. okay na pwede na tayong umalis!" ani ni Adalyn.

"Oh siya, mauna na kayo ni Jacob sa kotse okay? ilo-lock ko muna ang pinto ng bahay" tugon ng kanyang ina.

"Hmm... ngayon ko lang ulit nakita 'yang music sheet mo ate ah"komento ng kanyang kapatid habang sila ay naglalakad patungo sa palabas nang gate ng kanilang bahay.

"Ah ito? may ipo-prose lang ako sa University band namin, kailangan ng original composition eh para sa isang contest na sasalihan namin baka makatulong sa mga bandmates ko" ani ni Adalyn.

"Talaga ate? sandali... alam ba ni Mama na sumali ka sa University band?" Jacob.

"'yon ay kung hindi ka magsusumbong kay Mama" ani ni Adalyn sabay akbay sa kapatid niya.

Ngumisi ito sa kanya noong nasa harap na sila ng kanilang kotse.

"Syempre naman ate, hindi ako magsusumbong kay Mama kung hindi mo rin ako isusumbong na naglalaro parin ako paminsan-minsan ng online games hehe" Jacob.

Pinitik ni Adalyn ang tainga nito.

"Oy magkaibang bagay 'yon ah, yung akin may good benefits 'yong sa'yo wala" Adalyn

"Aray ko Ma! si ate sumali sa University ba---" Jacob. Tinakpan ni Adalyn ang bibig nito kaya hindi na nito naituloy ang pagsasalita.

"Oh! ang aga-aga niyo pang nag-aaway diyan... "ani ng Mama nila na papalapit na sa kanila.

"Hmmpp..hmpp" Jacob

"Hehe, hindi po kami nag-aaway Ma..katunayan naglalambingan kami nitong kapatid ko...'di ba baby Jacob?" ani ni Adalyn, tinignan siya ng masama ng kanyang kapatid.

Tinanggal nito ang kamay ni Adalyn sa labi niya.

"Ate naman eh!" Jacob.

Tiningnan niya ng makahulugan si Jacob kaya hindi na ito umimik pa at nagpatay malisya na lamang.

"Pumasok na kayong dalawa sa loob at baka malate pa kayo" ani ng Mama nila.

Kapwa na sila pumasok na dalawa sa loob ng kotse ganoon rin ang Mama nila.

Habang nasa byahe ay nasa labas lang ang tingin ni Adalyn. Inipit niya sa kanyang ledger ang dala niyang music sheet para hindi ito mapansin ng kanyang Mama.

Ayaw niyang mai-stress itong muli kapag nakita nito ulit ang kanyang music sheet.

Six years ago, she was 13 years old back then. Ito ang bitbit-bitbit ni Adalyn habang nasa lobby ng hospital.

Umiiyak, hinihintay ang kanyang Mama na dumating. Sa mga sandaling iyon ay abala ang mga nurses at doctor para isalba ang buhay ng kanyang Papa na noo'y isinugod sa hospital matapos na mabaril sa araw mismo ng Theatre Recital ni Adalyn.

Nagtatabraho bilang isang Government Judge ang kanyang Papa, sa imbestigasyhon ng mga pulis ay pinapatay ang kanyang Papa dahil sa pag-convict nito sa anak ng isang politician na suspect ng isang murder case at siya ring drug dealer.

Simula din nang araw na iyon, tumigil si Adalyn sa kanyang pagtugtog at pagkanta dahil nakita niya kung gaanong nasaktan at kung gaano na-depress ang kanyang Mama sa trahedyang nangyari. Ayaw niyang ma-trigger ulit ang mga alaalang iyon ng kanyang Mama sa pamamagitan ng pagtugtog at pagkanta niya.

Kaya naman kahit na gustong-gusto niyang bumalik sa pagsali sa mga musical recital para tumugtog ulit ay hindi na niya ginawa.

Ngayon lang ulit siya nagkalakas ng loob, sa ngayon ay plano niyang ilihim muna sa kanyang Mama ang pagbalik niya sa pagkanta at pagtugtog kahit sa isang banda muna.

Napabuntong hininga na lamang si Adalyn, sumulyap siya sa kanyang Mama na nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho ng kotse.

"I can see you looking.. anong meron nak" anito ng mapansin siyang nakatingin.

"Wala po, nakakapanibago lang...blooming po kayo this past days Ma" Adalyn.

Tumawa ng bahagya ang kanyang Mama.

"Eh makita ko lang kayong magkapatid na nagkakasundo at maayos ang kalagayan sapat na dahilan siguro iyon para maging blooming ang Mama niyo ano?" tugon nito kay Adalyn.

"Weh ma! siguro po may nanliligaw sa inyo noh!" biglang sabat ni Jacob mula sa passengers' seat.

"Ano? may nanliligaw sa'kin? Ikaw Jacob ah kay bata-bata mo pa ligaw agad ang laman niyang kokote mo" ani ni Mama ngunit pansin ni Adalyn ang lihim nitong pagngiti.

"Oy!oy! oy! ano 'yon Ma? Ba't biglang may pagngiti?ah? hahaha" tukso ni Adalyn dito.

"YIEEEEEHHHH SI MAMA MAY ASIM PA!" Jacob.

"Luh luh luh!" Adalyn.

"Tse tumigil nga kayong dalawa diyan? walang nanliligaw! Di porke blooming eh may manliligaw ka agad oy" ani ng Mama nila.

"Pffttt.... hahahahaha" Adalyn.

"Mamaya kayo sa bahay na dalawa sakin! nakuu tigilan niyo ko diyan haha"

Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na sila sa North Valley University, kung saan nag-aaral si Adalyn.

Nagpaalam na siya sa kanyang kapatid at sa Mama niya bago pumasok ng University.

Sa lobby pa lamang ng main building ay ramdam na niya ang maraming pukol ng tingin sa kanya ng maraming estudyante na nasa paligid.

Ngunit ipinagkibit balikat niya na lamang iyon dahil kagabi pa lamang ay inihanda na niya ang kanyang sarili sa mga bagay na pwedeng mangyari sa kanya ngayon.

Dumeretso siya sa harap ng kanyang locker, noong buksan niya ito'y napaigtad siya sa gulat.

Tumambad sa kanya ang kulay puting polar bear na laruan na naliligo sa pulang likido, to her surprise ay nakapagkit pa mukha nito ang litrato niya na may nakasulat "GO TO HELL SLUT!" nabitawan niya ang laruan, basang-basa at kulay pula ang mga libro niya na nasa loob din locker.

Napapikit siya ng mariin.

She looked around to see kung sino ang gumawa nito sa locker niya but only then she found everyone looking at her miserable situation, laughing and talking back against her.

Yumuko na lamang si Adalyn at kinuha ang polar bear na laruan na iyon na naliligo sa pulang likido. Isinara niya ang kanyang locker at naghanap kaagad siya ng pinakamalapit na basurahan para itapon ang polar bear na laruan na iyo..

"She deserved it!"

"She has to know her place..though!"

She heard. Binilisan niya ang paglalakad para iwasan ang mga masasakit na tingin na siyang pumupukol sa kanya sa habang siya ay naglalakad sa gitna corridor.

Ang tangi niya na lamang naiisip ngayon ay kung papaano itatago ang sarili sa lahat.

Buong akala niya'y handa na siya sa ganitong mga mangyayari.

Ngunit hindi pala, mali siya. Nagmadali siyang lumabas ng lobby para tunguhin ang sarili nilang building department.

"Where do you think you're going?" napahinto siya sa paglalakad when she saw 3 pairs of feet barracading her way pagka-angat niya ng tingin ay mga kaibigan pala ito ni Trisha.

"So you're the girl? hmm.. very average"

"At alam mo kung anong bagay sa mga average?"

She gasp ng biglang may nagbuhos sa ulo niya ng mga basura from a trash bin behind her back.

"Bagay kang kasama ng mga basura!"

Nanlalamig ang buong katawan niya.

She can't speak, she can't even react from what they did to her dahil ano pa bang mababago kung lalaban siya? wala naman hindi ba? ganoon parin ang tingin nila sa kanya, mang-aagaw at malandi.

She tried to compose her self from that horrible situation, but she failed gusto na niyang mabuwal na lamang sa panghihina ng kanyang mga paa.

"Oh look! there's Treyton!"

"Treyton! look.. is it her?"

Nakita niya nga si Treyton na papasok din ng University lobby.

Huminto ito at saglit na tumingin sa kanya, she waited... she waited for him to do something for her ngunit umiling lang ito bago ipinagpatuloy ang paglalakad paalis sa kinaroroonan nila.

"See? he doesn't care about you! so know your place girl!"

Her heart was crushed by that.

Lumakad siya paalis doon. Wala na siyang pakialam kung nababangga siya ng mga nakakasalubong niyang estudyante sa pathway.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang pagkadisgustong ekspresyon na nakita niya kanina sa mukha ni Treyton.

Nilalamon siya ng kahihiyan sa kanyang sarili idagdag mo pa ang malagkit na pakiramdam niya dulot ng likidong dumikit sa kanyang damit mula sa basurang ibinuhos sa kanya.

"Adalyn!" may tumatawag sa pangalan niya ngunit hindi niya ito nilingon, mas lalo lamang niyang binilisan ang paglalakad.

"Adalyn wait! its me Maggie!" nang marinig niya iyon ay huminto siya at unti-unting pumihit para harapin ang kaibigan.

"Oh my god! what happened to you?" Maggie exclaimed ng makita nito ang kalagyan ng kaibigan.

"Maggie.." garalgal na boses ni Adalyn.

Dumukot naman si Maggie ng wipes mula sa loob ng kanyang bag at pinunasan, pinagpag ang mga dumi sa damit ni Adalyn.

"Who did this? tell me!" alala nitong tanong kay Adalyn. Ngunit hindi na siya nakasagot pa naunahan na siya ng mga luhang umalpas sa kanyang mga mata. Humagulgol si Adalyn sa pag-iyak.

Niyakap na siya ni Maggie.

"Shhh.. sige lang Ad, iiyak mo lang 'yan lahat.. nandito lang ako handa akong makinig sa'yo okay?" anito habang pinupunasan parin ang buhok ni Adalyn gamit ang wipes nito.

"I'm sorry.."Adalyn.

"Huh? Bakit ka humihinigi ng sorry sa'kin ako nga dapat ang humingi ng sorry sa'yo kasi hindi kita naabutan...binilin ka sakin ni Tristan na bantayan daw kita because he said something like this will happen to you.. and he's right" Maggie.

"Thank you Maggie" ani ni Adalyn, kumalas siya sa pagkakayakap kay Maggie at hinarap ito.

" Don't worry... I will be here to protect you from now on where ever you go, You're safe now okay?" Maggie.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Itutuloy...

下一章