webnovel

Chapter 6:Fight

'Arra POV'

Gumising na ako ng maaga at ginagawa ko na ang morning routine ko.At pagkatapos ay dumiretso sa University.

Pagpasok ko may mga nakaabang na sa'kin.At magkabilaang section pa.Ang Section Z at ang Section A sila palagi ang umaabang sakin para mangbato

at manghabol.

Nung nakita ko sila inirapan ko lang at naglakad ng diretso.Hindi na lumingon lingon pa pero bigla akong hinablot ni Zack kuno na dahilan para mapatakbo na naman ako.

"Ano ba bitawan mo nga ako?!!"bulyaw ko sa kanya.Hindi niya ako pinansin at hinila lang ako.

"Oh! asan na ang mga kasama mo?!"tanong ko sa kanya.

"Andon nagbabantay sa Section A para hindi ka nila makuha."

"Ano naman ngayon kung makuha nila ako?!"

"Hindi ka nila pwedeng makuha.Walang maglilinis ng classroom namin kung kinuha kanila."

"Bitiwan mo na ako.Nasasaktan na ako."

Unti unti na niya akong binitawan at dumiretso kami sa classroom namin.

"Wala bang pasalamat diyan?"parinig niya sa akin.

"At bakit naman ako magpapasalamat ha?"

"Eh,ako na nga itong tagalinis ng classroom niyo.Tapos magpapasalamat pa'ko sayo!!Aba ang kapal ng mukha ah!!Hindi ba dapat KAYO ang magpasalamat?!"litanya ko.

Natahimik siya sa sinabi ko.Naging tahimik kami ng 30 minuto.At nasira lang ang katahimikan ng dumating na ang mga kaklase ko.

*********************

"BOSS,ano ng gagawin natin ayaw talaga ng Section A tumigil hanggat hindi nakukuha ang babae."sabi ni John,one of my classmates.

"Kapag hindi sila tumigil sabihin mo na magkita kami.Magtutuos kami.Doon sa dating meeting place,"mauthority nitong utos.

Agad na sumunod si John at pumunta ng mag isa sa room ng Section A.

"Teka,bakit ako gustong kunin ng Section A?!"

"Maybe para pagtripan ka!!"inis na sabi nito.

"Oh,bakit di mo na lang ako ipamigay tutal same lang naman ang ginagawa niyo sakin e."

"No!!walang maglilinis ng Classroom!!"

Nainis ako sa sinabi niya kaya naman umalis ako sa harapan niya pero naisahan ako kasi hinawakan niya pa ang braso ko.

"Closed the door and locked it!!"utos nito sa kasamahan niya and then they followed.

Kinagat ko ang kamay nito kaya naman nakaalis ako sa puder niya.At pumunta sa pinakalast na upuan kung saan malayo sa kanila.

At hinayaan na lang nila ako doon.Nagmukmok ako at nagdadabog dabog.Pinagkakalat ko ang mga nilinis ko kahapon at tinapon sa kanila.

Pero wala epek pa din sa Boss nila tiningnan lang ako ng masama at kaya naman tumigil na ako sa pagkakalat.

'Aries/Alex POV'

"Hi! sa wakas author nagka POV na din."

Narinig ko sa section ko ang nangyari kahapon hindi ko tuloy maiwasan na hindi mag-alala sa kanya.Baka kung anong gawin ni Zack sa kanya.

Mas maganda nga na kunin ko siya sa kanila.Oo, may mali ang section ko dahil sa umpisa pa lang nasaktan na siya.Pero kung hindi ko siya makuha mas masasaktan siya doon.At hindi ko hahayaan na mangyari yun no!!

Dumating si John at may iniwan na mensahe .

"Hindi kami papayag na kunin niyo si Arra.Magtutuos tayo mamaya.Pagkauwian same place pa din yan ang sabi ng Boss ko."mahabang sabi nito.

"Sige, aantayin namin kayo doon,"sabi ko sabay alis nung John.

Pumayag ako na magkita kami para lumaban kasi gustong gusto ko na makuha siya.

'Aaminin ko unti unti na akong nagkakagusto sa kanya.'

Gustong gusto ko na umamin sa kanya pero kailangan ko munang alamin kung tunay ba ang nararamdaman ko sa kanya. Ayoko kasi na sa huli masasaktan ko siya.

By the way I'm Alexander Aries Castillo.18 years old nasa akin na ang lahat ng ideal man pero hindi ko alam kung magkakagusto kaya siya sakin.

'Zack POV'

Uwian na.It's time na para pumunta sa meeting place namin.

Pinaglinis ko siya ng classroom at hinintay ko kasi gusto ko sumama siya sa'min sa meeting place.

"Ano ba bitawan mo nga ako!!"bulyaw niya sakin.

"Bibitawan kita kung sasama ka sakin ngayon."

"Wag niyong sasaktan si Aries!!Siya lang ang nag iisang may pake sakin."

"Teka,Teka, may pake din naman ako sayo ah!!!Binuhat pa nga kita at inalagaan kahapon e."

"May pake ba kapag kagagaling lang sa sakit tapos pinaglinis agad?!"

Hindi ko na sinagot at mas lalo ko pang hinigpitan ang  hawak ko sa kanya.

'Arra POV'

"Ouchhh!!! Nasasaktan na'ko"sabi ko sa kanya.Pero di niya ako pinansin at mas lalo pang hinigpitan ang hawak sakin.

Mga isang oras nakarating na kami sa meeting place nila.Napakaluma ng building at medyo creepy pa.Nakita ko kaagad ang section ni Aries.At halatang handang handa na.

Nagsipag handa na sila.

"Ngayon dito malalaman kung makukuha niyo si Arra sa'min.Kapag nanalo kayo sa laban, sa inyo na siya pero kung kami ang nanalo tigilan niyo na siya at huwag niyo na guluhin ang buhay niya at siyempre sa'min si Arra"sabi ni Zack.

"Kukunin ko sa inyo si Arra,mananalo ako!!mananalo ako!!!"sabay patunog ng mga kamao.

"Ngayon walang rules rules dito at pwede niyong gawin ang kahit anong gusto niyo pero siyempre bawal gamitin ang baril!"sabi ni Zack at tumingin sakin na nakangisi.

'Sana manalo kayo Aries!!!Kunin mo na ako dito please!!!'bulong ko sa sarili ko.

At nagsimula na ang laban.Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

Parang silang mga bata na nagsasakitan dahil sa mga pinaggagawa nila.

Maya maya may mga nagsibagsakan.At may mga natira pang naglalaban.May nagsusuntukan,sipaan.Hanggang sa ang natira sa kanila ay sina Zack at Aries.

"Go Aries!!"sigaw ko sa kanya.

Tumingin ng masama sakin si Zack.Pero hindi ko siya pinansin.Si Aries naman ngumiti sakin.

Maya maya sinuntok ni Zack si Aries.Agad namang sinipa ni Aries si Zack.

Nag init ang laban hanggang sa natumba na si Aries.Lumapit ako kay Aries para tulungang makatayo pero bigla na lang may lumapit sa akin at sasaksakin dapat pero sinalag ni Zack at siya tuloy ang nasaksak.

"Sabi ko sayo mahalaga ka samin hindi ka pa pwedeng mamatay.Dahil walang maglilinis ng Classroom namin."sabi ni Zack na nakatingin sakin.

"Nasabi mo pa yan sa gantong sitwasyon"inis kong sabi sa kanya.

Tinulungan ko muna na makatayo si Aries.At hinanap ko ang nanaksak Kay Zack.

"Sinong walang hiya ang nanaksak kay Zack?!"galit na tanong ko sa kanila.

Walang nag ingay sa kanila.At nakita ko ang lalaki na kasection ni Aries na tinapon ang kutsilyo sa kung saan.

"Hoy!!lalaki na naka kulay blue.Bakit ka nanaksak ha!!Wala naman sa usapan niyo ang pumatay ah!!At ng dahil sa ginawa niyo hindi ako sasama sa inyo.Kung mapupunta lang ako sa section na kahit anong oras e, mapapatay ako.Well,mag-iistay na lang ako sa Section Z,"litanya ko.Nakita ko ang lungkot  sa mukha ni Aries.Pero hindi ko na inintindi,lumapit ako kay Zack na sa ngayon ay pinipilit na tumayo.

"Tumawag kayo ng ambulansya!!"utos ko.

"Wag!!! please"pagmamakaawa ni Zack.

"Sira ka  ba?!Gusto mo bang mamatay dito!!"

Tumingin sakin si Zack at ngumiti.

"Well, atleast naprotektahan kita."sabi nito.

Lumapit na ako sa kanya.

"Thank....."hindi natapos ni Zack ang sasabihin dahil bigla na lang nahimatay.Ikaw ba naman saksakin sa tagiliran.Masakit kaya yon.

"Zack gising!!!"

"Boss gising!!!"sigaw ng mga kasama niya.

Dinala namin si Zack sa bahay ko este sa dorm ko dahil ayaw niya naman na dalhin namin siya sa ospital.Rinig ko ang mga bulungan ng mga kadorm ko.

"Sino sya?!"

"Anong ginagawa niya dito?!!"

"My gosh nakapatay siya!!"

"Hala!!walang Malay!!"

"Ang pogi niya naman!!!"

Hindi ko na lang pinansin yung mga bulungan nila.Pinahiga ko siya sa kama ko.At nagkuha ako ng First Aid.Nilagyan ko ng tela ang sugat niya para tumigil na sa pagdurugo.

Binantayan ko siya,niready ko na nga ang pagkain kaso wala pa din siyang malay.At dahil sa sobrang antok nakatulog na ako na nakaupo.

下一章