'Arra POV'
Nagising ako at tiningnan ko ang kama ko.Ayun si Zack wala pa ding malay.
Pumunta nako sa kusina para magluto.Pagkatapos ay kumain na din.Bumalik sa kwarto na may dalang pagkain para kay Zack.Nilapag ko ang pagkain sa study table na malapit sa kama ko. At pumunta ako sa banyo para maligo at pagkatapos ay nagsulat ako sa papel at iniwan ko sa study table para mabasa niya at umalis na ng dorm.
'Zack POV'
Nagising ako at medyo sumasakit pa ang tagiliran ko.
"May tao ba dito?!"tanong ko pero wala namang nasagot.
Tumayo ako at nakita ko ang pagkain sa study table at may papel pa.Binuksan ko yun at binasa.
"Hoy Zack!!Kumain ka na lang diyan.Papasok na kasi ako.Huwag mong piliting pumasok kung masakit pa ang tagiliran mo ah!!By the way mamayang recess pupuntahan kita diyan.Kaya kung may balak kang umalis huwag mong ituloy kung hindi mayayari ka sakin!!!"
Arra
Kinuha ko na ang pagkain at kumain na.Nilibot libot ko muna ang dorm niya.At nakakabagot dito kasi ako lang mag-isa.Dahil nga matigas ang ulo ko lumabas ako at pumunta sa room ko tutal malapit lang naman ang pinapasukan ko.At bakit naman ako makikinig sa kanya ah!!!
Pagpasok ko sa gate ay nagsitinginan na naman sila.Well, okay lang kasi sanay na ako diyan.
"Oh!!buhay ka pa pala!!"sabi ni Aron ang nanaksak sakin na taga Section A.
"Well, masamang damo, kaya natural mabubuhay pa rin ako"sarcastic kong sagot.
Narinig ko ang pagpapatunog ng mga daliri nila.Mukhang mapapasabak ako sa giyera ng wala sa oras.Manununtok na dapat siya pero pinigilan ni Aries.
"Tukmol ka!!anong lason ang pinainom mo sa kanya??"galit na sabi nito.
Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang siya.Bakit ko naman sasagutin?Close ba kami?!
Aalis na dapat ako pero bigla na lang siya nanipa sa may tagiliran ko pa talaga.Napaupo ako sa sobrang sakit pero tumayo naman agad.Hindi ko na lang siya pinatulan kasi masakit pa nga e.Pasalamat sya na masakit pa kung hindi baka nasuntok ko na sya ng nasuntok para mawalan ng malay.
Umalis nako sa harap nila at pumunta na sa room.
"Boss!!"rinig kong sabi ng mga klassmate ko.
"Hoy, lalaki hindi ka talaga nakinig sakin No!!!Hindi ka rin marunong umintindi"rinig kong sabi ni Arra.
Pero di ko na siya na inintindi hanggang sa unti unting lumalabo ang paningin ko at dumilim na ang paligid.
"Zack!!"rinig kong sigaw nila at napikit ang mata.
Nagising ako at una kong nakita si Arra at sumunod yung mga kaklase ko.
"Sira ka talagang lalaki ka!!Di ba kakasasabi ko lang na huwag mong pipilitin ang sarili mo."Sigaw niya sa akin.
"Bakit ka ba nangingialam ha?!!!"sigaw ko rin.
"Buhay ko naman to ah!!"dagdag ko pa.
"Natural dahil nangialam ka din ng buhay ko!!Niligtas ligtas ka pang nilalaman ayan tuloy nasaksak ka pa!!!"
"Syempre,kung hindi ko gawin yun edi malamang wala na maglilinis ng classroom namin."
"Hay naku!!!hanggang ngayon yan pa din ang inaalala mo.Huwag ka mag-alala di ako tatakas maglilinis ako!!!Di naman ako kagaya ng iba dyan"inis na sabi nito.
"Ano pwede na ba akong umalis?!"
"Hindi pa sabi e!!"
"Uuuuy!may nag aalala!!"panunukso ng mga klassmate ko.
"Tumigil nga kayo!!!"sabay naming sigaw.
Pero tumawa lang sila.
'Arra POV'
Nagpahinga muna si Zack at ang bait niya pagnanatulog.Sana habambuhay na siyang tulog ay patay na pala yun.
'Sana kapag gumising ka maging mabait ka na kahit kunti lang' bulong ko sa sarili ko.
'Hay!!!Arra ano ba yang iniisip mo?Tumigil ka na nga !!!! Pumunta ka dito para patunayan sa mga tumaboy sayo na mali sila ng kinalaban at balang araw titingalain ka nila.At saka para patunayan sa universiting ito na kaya mong tumagal at makipagsabayan sa kanila.'
"Hoy,wag mong titigan baka matunaw sayo si Boss"sabi ni Clyde one of my classmates.At nagtuksuhan na din ang mga kaklase ko.
"Hoy! for your information hindi ko siya tinitigan no!!"pagsisinungaling ko sa kanila.
Tawa pa rin sila ng tawa at inirapan ko lang sila.
"Bumalik na nga kayo sa room.Baka mamaya may teacher tapos wala pa rin kayo,"mahinahon kong sabi pero sapat na para madinig nila.
"Kasama ka din kaya!"sabi naman ni Matt.
"Mamaya nako bantayan ko muna itong IMPAKTONG to."
"What?!Do you call me IMPAKTO?!"biglang sabi ni Zack kasi nagising dahil sa ingay namin.
"Oo,bakit may angal ka?!"pagmamatapang ko.
"Kung ako IMPAKTO ikaw naman ay IMPAKTITA "madiin na sinabi niya.
Sinamaan ko siya ng tingin at ganoon din ang ginawa niya sakin.
"Ooooy!!!para kayong mag-asawa"sabay na sabi ng mga klassmate ko.At tinitigan ko ng masama silang lahat na dahilan para magsitakbuhan sila papuntang room namin.At dinig ko pa ang tawanan nila.
"Oh!!ikaw bakit hindi ka pa umaalis?!"
"E,kung ayaw ko?!"
"Umalis ka na, kaya ko naman at hindi ako bata para bantayan mo pa,"inis niyang sabi na ikinatawa ko dahil sa mukha niya.
"Oh!anong tinatawa tawa mo diyan?!"
"Wala,sabi ko na aalis na ako."
"Teka,T--thank y--you"utal utal nitong sabi.
Wait himala nagthank you si Ugok!!!
Nginitian ko lang siya at umalis na.Ang weird ng ganito noh!!Dati hindi ko pa nagagawang ngumiti ngayon eto bigla na lang ngumingiti.Ay naku nakakaloka na!!!
*************************
Pumunta nako sa room kasi may klase pa kami.Sabi naman kasi ni Zack na pupunta naman daw siya kasi baka takasan ko daw ang paglilinis ng Classroom.
Hay naku di talaga nag iisip ang mokong na yun e!
Pagkarating ko sa room as usual ang iingay at dumating na Ang teacher namin.
Discussed!!
Discussed!!
Discussed!!
Recessed time!!
Pumunta muna ako sa lumang building doon ko naisipang kumain kasi mas tahimik don at marerelax ka.
'Aries POV'
Pumunta ako sa lumang building kasi gusto ko magrelax nakakastress kasi e.Pagpunta ko nakita ko si Arra.
"Hello Arra!!"bati ko.
Nagngiti lang siya at tinuon ang tingin sa pagkain.
"About what happened yesterday.Im really sorry!!!"
"It's okay.I know naman na di mo talaga siya sasaksakin diba?!"she said.
"Uhmm,oo!!"tipid kong sagot.
"Galit ka ba sakin dahil sa nangyari kahapon!?"hinihintay ko ang sagot niya pero wala.
"Aries,sabihin mo nga sakin ang totoo bakit gusto mo akong kunin sa Section Z?"bigla nitong tanong.
"Kasi ang totoo ayoko masaktan ka!!"nahihiya kong sagot.
"Bakit kaya ko naman ang sarili ko ah!!"
"No, it's not like that. Concern lang naman kasi ako sayo kasi napunta ka sa worst na section."
Gustong gusto ko sabihin sa kanya na dahil gusto ko siya.Pero hindi ko magawa kasi may kasalanan ako sa kanya.At hindi ko nga alam kung tunay nga ba tong nararamdaman ko sa kanya.Basta ang alam ko magaan ang loob ko kapag kasama ko siya.
Natapos na ang kwentuhan namin at bumalik na sa kanya kanyang room.