webnovel

Chapter 5:Zack

Maaga akong nagising kasi nakaramdam ako ng gutom.Naligo muna ako.Pagkatapos nagsaing na tatlumpong minuto din ang hinintay ko dahil kalan ang ginamit ko.Ang inulam ko de lata kasi gutom na nga .Nakaramdam na nga ako ng hilo.Pero binalewala ko lang

kasi need kung pumasok e.Nagsimula na sumama ang pakiramdam ko.Nagkaroon ako ng sinat at nagpahinga muna ng isang oras tutal maaga pa naman.

Nang magising ako pumasok na agad ako sa University at nag-aalala ako siyempre kasi baka mamaya may mag abang na naman sakin.

Malapit nako sa room at nakita ko ang mga kaklase ko.Agad akong tumakbo ng mabilis kasi hinabol na naman nila ako imbes na papasok sa room iba ang napuntahan ko.Sa building na tambakan ng mga basura.

Bago pa ako maabutan unti unting nandilim ang paningin ko at di ko na alam ang nangyari.

'Someone POV'

"Agh!!shit yung babae biglang nahimatay."

"Hala ka Boss, kasalanan mo yan kaya  nahimatay."

"Hoy! tanga  tayo ang humabol kaya kasama kayo don."

"Boss,ang init niya sobra mukhang may lagnat!" sabi ng isa pa.

"Dalhin yan sa clinic!!!"

At dinala namin yung babae sa clinic.Binuhat ko at ang bigat.Kaya naman nagpatulong ako sa mga kasamahan ko.

"Nurse ano na ang lagay nya?!"bulyaw ko sa Nurse.

"Na over fatigue siya kaya nahimatay at nagkaroon ng lagnat,"litanya nito.

"Gawin niyo ang lahat ah! hindi pa tapos yang babaeng yan sakin."

"Ayieee!!si Boss concern sa babae."pang aasar pa ng mga to.

"Shut up!! "at agad naman nagsitahimikan.

Hinawakan ko ang noo niya at ramdam ko ang init sa kanya.

Ang himbing ng tulog niya at impiyernes ang ganda niya naman pala at palaban pa.

Tinulungan ko ang nurse sa pag aalaga sa kanya.Pinakain,at pinainom ng gamot.

At tinimpereturan siya.Ang kaninang 38.7°C ay naging 38°C na lang.

Hindi na ako pumasok sa klase namin.At yung mga kaklase ko na lang ang pinapasok ko.Ako kasi ang mag-aalaga sa kanya.

Tsaka hindi ako papayag na hindi siya gumaling, maglilinis pa yan ng classroom namin e.

Ako pala si Zack Robertson labingwalong taong gulang.Kilala ako dahil ako lang naman ang lider ng sikat na Section  ang Section Z .Hindi mawawala diyan ang kagwapuhan ko,matipunong pangangatawan,jowable at kissable lips at siyempre ang katangkaran.At ang huli ay ang pagiging cold sa lahat at Bossing ng lahat lalong lalo na sa Section ko.

'Arra POV'

'Mom,Dad please help me!!!Mom save me please!!!I don't want to die please.Ahhhhhhhhh!!'

"Hoy!babae gising."

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko.

"Nasa langit na ba ako?"bungad kong tanong.

"Anong langit na pinagsasabi mo diyan?!Andito ka ngayon sa clinic at wala sa langit,"inis na sabi nito.

Dinilat ko ang mga mata ko at laking gulat ko na kasama ko ang lider ng Section Z.

"Ano ba nangyari?!"tanong ko kaagad sa kaniya,dahil wala akong maalala.

"Dinala ka namin dito kasi nahimatay ka kanina."

"At kung masama naman ang pakiramdam mo huwag mo ng piliting pumasok.Paano na lang ang classroom namin kung mawawala ka ha?! Sino na lang ang maglilinis nun?!"dagdag pa nito.

'Akala ko naman nag aalala talaga siya sakin yun pala hindi' bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka?!"inis na tanong niya sa akin.

"Wala."mabilis kong sagot.

"Ano, okay ka na ba?!"

"Medyo nahihilo pa ako."

"Oh!!!kumain kana at uminom ng gamot pagkatapos at magpahinga ka ah!para mamaya makakapaglinis kana sa room."sabi nito.

Agad ko namang kinuha ang pagkain at kumain kasi nakaramdam na rin ako ng gutom.At pagkatapos uminom na ako ng gamot .At humiga na sa higaan para makapagpahinga.

"Bakit ka pa nandito?!"

"Edi, babantayan ka baka hindi ka maglinis mamaya e."

"Matanong ko lang.Ano ba ang name mo?!"tanong ko sa kanya.

"Zack Robertson!!"

"Thank you pala."

"Huwag ka sakin magpasalamat ginagawa ko lang to para makita ko kung maglilinis ka ba talaga ng room."

"Matulog ka na nga."dagdag pa nito.

Unti unti ko nang pinipikit ang mga mata ko.At bago pa ko makatulog ay nakita ko ang pagngiti niya.

'Ang pogi naman pala niya.'sabi ng isip ko.

At pinikit na ang mga mata.

-----------------------------------------------------------------

Nagising na ako at tiningnan ko ang relo ko at 5:00 na ng hapon.Nakita ko si Zack na natutulog sa sofa.Kaya ginising ko na ito.

"Zack gising!!! Hapon na pupunta pa ako sa room."sabi ko at agad naman siyang nagising.

"Ano okay ka na ba?!Kaya mo ba?!"

"Oo naman kaya tara na!!"sabay hila ko sa kanya.

Nang makarating ako sa room nakita ko na sobrang kalat kaya naglinis agad ako at hindi na nagreklamo.Tsaka ginusto ko naman to kaya panindigan ko na.

Mabilis yung kilos ko at si Zack bored lang na nanonood sa paglilinis ko.

Nang matapos ko na.Umuwi na kami at hindi ko aakalain na ihahatid niya pa ako kahit na napakalapit lang naman ng dorm ko.

"Uy,anong ginagawa mo?!"

"Edi ihahatid ka!!"

"Wag na!!Malapit lang naman ang dorm ko "

"Hindi.Basta ihahatid kita baka mamaya may mangyari pa sayo diyan at ako pa ang pagbintangan dahil ako lang ang huli mong kasama."

"Tsaka,baka may mag abang na naman sayo sa labas at mapano ka pa!"

Hindi na ako nakapalag sa kanya at hinatid na ako.

Nagpasalamat ako sa kanya at hindi ko akalain na gagawin ko yun dahil hindi naman talaga ako mapagpasalamat na tao.

"May utang ka sakin!!!"sigaw niya bago umalis.

"Aba talaga,iba na talaga ang kapalan ng mukha ah"sabi ko na narinig naman niya.

Hindi na siya nagsalita at ngumisi siya sakin at tinarayan ko naman ito.Nakakainis kaya yung ganon.

Pumunta ako sa kwarto at naghilamos,nagbihis ng pantulog at kumain at pagkatapos ay natulog na.

下一章