"Sigurado kanaba dito?' tanong ni Yra kay Jion habang hindi pa sila bumababa sa kotse nitong nakahinto sa tapat ng bahay nila. "Saka mo nalang kaya sila kausapin!"
Inihatid sila ni Jion pauwi para makausap daw nito ang mga magulang niya dahil hindi daw ito komportable na patago lang pagkikita nila.
"Kung hindi ngayon kelan pa? Yra hindi na tayo mga teenagers para magtago okay!" pinisil nito ang kamay niya at nauna ng bumaba sa kotse nito.
Nagaatubili man ay wala na syang magawa kundi laksan ang loob para iharap si Jion sa mga magulang nya. wooh! go Yra kaya mo yan! bumaba siya ng kotse ng buksan nito ang pinto at magkasabay silang pumasok sa loob ng bahay.
"Ate buti nakauwi kana! kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka naman nasagot!" salubong sa kanya ni Sabrina.
"Bakit? ano bang nangyari?" nagaalalang sagot niya sa kapatid.
"Si nanay nasa ospital inatake sa puso!"
"Ano?" nabitiwan ni Yra ang hawak na baby bag, mabuti nalang at si Jion ang may karga kay Xymon kung hindi ay baka yung bata ang bumagsak sa sahig.
"Bakit ba kase hindi ka namin makontak?" may halong pagkainis sa boses ni Sabrina "nasa ICU si nanay at ang sabi ng doctor kailangan ng agarang operasyon para matanggal ang pagbabara sa puso niya."
Hindi makasagot si Yra, sising sisi siya dahil pinatay niya ang telepono para walang makaabala sa kanila.
"Hindi ito ang oras para tumulala ate, kailangan na nating pumunta sa ospital ngayun!"
Inalalayan siya ni Jion palabas ng bahay dahil nawala na ata lakas ng kanyang katawan. Anu ba naman itong nangyayari? kanina lang ay ang sayasaya pa niya dahil nagkasama na silang muli ni Jion tapos ngayun naman sinalubong siya ng masamang balita!
Pagdating niya sa ospital kaagad niyang nilapitan ang ama para alamin ang nangyayari sa nanay niya.
"Tay ano pong sabi ng dok-" hindi niya naituloy ang sasabihin dahil isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi mula sa kanyang ama.
"Kung hindi sana matigas ang ulo mo ay hindi ito mangyayari sa nanay mo!" galit na galit ang kanyang ama, "Ni hindi ka man lamang matawagan dahil mas inuuna mo pa ang lalaking yan!"
Kaagad naman siyang sinaklolohan ni Jion, niyakap siya nito para hindi na muling masaktan ng tatay niya. Halos mabingi si Yra sa sakit ng kanang pisngi niya, hindi niya akalain na masasaktan siya ng kanyang ama.
"Sir, hindi naman po kasalanan ni Yra na magkasakit ang nanay niya. Hindi nya po yan ginustong mangyari!" ani Jion.
"Wag kang makialam dito dahil wala kang karapatan" dinuro ng kanyang ama si Jion, "ikaw ang dahilan kung bakit sumusuway samin ang anak ko! kung hindi ka lamang sana bumalik ay tahimik ang buhay namin at hindi magkakasakit ang asawa ko!"
Walang magawa si Yra kundi umiyak nalang sa likuran ni Jion, kasalan niya kung bakit inatake ang kanyang ina, matindi ang pagtutol nitong dalhin niya sa maynila si Xymon. Kung sinunod lang sana niya ito ay baka hindi nagkaganoon ang kanyang ina! Sinisisi niya ang sarili sa nangyari.
"Sir hindi po ito ang oras para magsisihan, ang kailangan po nating gawin ay maihanda ang operasyon para makaligtas ang asawa niyo!" Hindi nakasagot si Mang Hener sa sinabi ni Jion. "Sir pwede po bang isantabi muna ninyo ang galit at paninisi sakin? unahin muna natin ang kalagayan nyo!"
Napahawak si Mang Hener sa sintido nito, para itong nahimasmasan sa sinabi ni Jion. Siguro ay nabigla lang din ito sa ginawa kay Yra, naihilamos nito ang kamay sa mukha.
Maya mayay nilapitan sila ng Doctor, "Mr. Brijino, kailangan na ho ninyong magdesisyon kung kailan maooperahan si Misis, sa kaso ho niya ay hindi na maaaring patagalin."
"Doc, do whatever it takes to save her life, I'll pay you double or triple. Walang problema sa gastos." si Jion na ang sumagot sa Doctor.
"Okey, pakiayos nalang sa nurse ang mga kailangan ninyo at maghahanda na kami. Maiwan ko muna kayo."
"Hindi mo naman kailangan gawin yon!" ani Mang Hener kay Jion ng makaalis ang doctor. "Magagawan ko naman ng paraan ang pambayad dito sa ospital."
"Sir, hindi po ako nagpapaimpress sa inyo, ginawa ko lang po yun para mapabilis ang proseso dahil yun ang kailangan nating gawin ngayun." ani Jion sa kanyang ama.
"Tay, hayaan niyo na muna kami dito sa gastusin, si nanay nalang po ang isipin ninyo." amo ni Yra dito.
"Masakit paba?" tanong sa kanya ni Jion ng mapagsolo sila, Tinitsek nito ang pisngi niya, "Sorry, hindi ko napigil ang tatay mo kanina. Nasaktan ka tuloy!"
"Wala yun, kasalanan ko naman talaga eh! nakakahiya sayo nakita mo pa yun."
"Yra, I'm sorry kung pinagdadaanan mo ang lahat ng ito dahil sakin. Palagi nalang ako ang dahilan ng lahat ng paghihirap mo." kitang kita niya ang lungkot sa mga mata ni Jion.
"Jion, pwede bang wag mo ng isipin ang lahat ng yon. Kalimutan na natin yon okay." Hindi umalis si Jion hanggat hindi natatapos ang operasyon ng nanay ni Yra kahit pilit niya itong itinataboy pauwi.
"Kamusta naman ang pakikisabay mo sa honeymoon ko?" tanong sa kanya ni Heshi, nagiinit na ang kanyang tainga sa tagal ng kwentuhan nilang magkaibigan. "masusundan naba si Xymon ha?"
Buti nalang at hindi sila makaharap ni Heshi dahil kung nagkataon hindi niya maitatago ang pamumula ng pisngi. Well sinulit lang naman ni Jion ang weekend na magkasama sila!
"Sira ka talaga, Syempre yung anak nya ang inuuna nyang asikasuhin no! hindi naman kami solong magkasama andun si Xymon!" palusot niya dito kahit sa totoo lang wala naman sinayang na sandali si Jion. "Teka kailan ba ang tapos ng honey moon nyo?" pagiiba nya sa usapan.
"This weekend na, sya nga pala okey naba si Tita Mercy?"
"Sabi ng Doctor Okay na daw natangal na daw nila ang bara, buti daw at naagapan. Malalaman namin pag nagising na si nanay!" tiningnan niya.ang natutulog na ina, nailipat na ito sa private room na kinuha ni Jion para dito.
"Yra konting tiis pa, malalampasan mo din yan!" pang aalo sa kanya ni Heshi.
Creation is hard, cheer me up!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.