webnovel

Chapter 72 As long as you love me

"Ate magpahinga ka muna, ako nalang muna ang magbabantay kay nanay." ani Sabrina, "umuwi ka muna sa atin at hinahanap ka na ni Xymon. Dalawang gabi ka ng hindi natutulog"

Maayos na ang kalagayan ng nanay ni Yra pero kailangan pa nitong manatili ng ilang araw sa ospital para sa tuluyang paggaling.

"Sab, sapalagay mo kaya galit pa rin sakin si tatay?" hindi pa rin kase sya kinikibo ng kanyang ama mula ng insidenteng iyon.

"Hindi kita masasagot sa bagay nayan te! kilala mo naman si tatay eh, napakatigas ng puso non." niyakap sya ng kapatid, "te, wag ka ng mag alala magiging maayos din ang lahat."

Napabuntong hininga si Yra, "Ang hirap kase Sab, hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Kapit lang te, kaya mo yan! wag mo ng isipin ang galit ni tatay at huhupa din yun. Ang isipin mo nalang mabubuo na kayong tatlo at magiging masaya na ang anak mo!"

Hinalikan muna ni Yra ang natutulog na ina bago sya umalis sa ospital. Pigil ni Yra ang paghinga pagbaba ng kotse niya dahil nakaparada doon ang sasakyan ni Jion sa labas ng bahay nila. Kaya dali dali syang pumasok sa loob at nadatnan nya itong nakikipaglaro kay Xymon sa salas nila.

"Jion," binitawan naman nito ang hawak na puzzle ng marinig ang tawag niya.

"Look Xymon, mama's here!" anito saka sya itinuro sa anak.

Naguguluhan si Yra, bakit nandito si Jion sa bahay nila? nilinga niya ang loob ng bahay para makita kung naroon ang kanyang ama.

"Bakit nandito ka?" pabulong niyang tanong dito.

"Kinausap ko ang tatay mo." malumanay na sagot nito.

"Ano? bakit mo ginawa yun? teka nasaktan kaba?" inusisa kaagad niya ang katawan nito.

"Relax ka lang Yra, walang pisikalang naganap! nagusap lang kami ng maayos."

"Sigurado ka?" di makapaniwala si Yra sa naririnig, "Anong pinagusapan niyo ni Tatay? anong sabi niya?"

"Wag mo ng itanong kung anong pinagusapan namin, ang mahalaga nagkasundo na kami at maayos na ang lahat." prente itong naupo sa tabi ng anak, sinenyasan sya nitong maupo s kanyang tabi. "Come here!"

Na cucurious man sya kung anong pinagusapan nina Jion at ng tatay nya ay hindi na muna niya iyon aalamin ang mahalaga ay ang sinabi nitong okey na ang lahat.

"Nasan nga pala si tatay? bakit wala sya dito?" tanong niya kay Jion.

"Nagpunta na sya ng ospital kani kanina lang, ihahatid ko nga sana don eh ayaw lang pumayag." balik na uli ito sa pakikipaglaro sa anak. "Kasama nya yung bunso mong kapatid kaya kami lang ni Xymon ang naiwan dito."

Ah, kaya pa tahimik ang paligid! nasa isip nalang niya, "teka kumain kanaba?" isinandig niya ang ulo sa balikat nito.

"Hindi naman ako gutom eh pero gusto kitang kainin!" nahampas tuloy niya ang balikat nito.

"Ikaw talaga, puro ka kalokohan. pagkatapos nyong magkasundo ni tatay eh ganyan kana agad."

Kinintalan siya nito ng halik sa labi, "Alam mo Yra, siguro hindi pa ito ang oras para magsaya tayo pero hindi ko na mapipigil ang sarili ko! natutuwa akong pinakinggan ako ng tatay mo at naging maayos ang paguusap naming dalawa."

"Jion, salamat ha!" sya naman ang humalik sa pisngi nito.

"Para saan?" takang tanong nito sa kanya.

"Kase kahit alam kung mahirap para sayo to, pero ginawa mo pa rin!"

"Ano bang mahirap? ang ipaglaban ka at ang karapatan ko sa anak natin? Yra hindi yun mahirap, dahil ang tunay na mahirap para sa akin ay yung hindi ko kayo makasama ni Xymon." Muli sya nitong hinalikan sa labi. "As long as you love me Yra, gagawin ko ang lahat para sayo."

"Masaya ako para sayo kambal! pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan mo ay together again na uli kayo ni bayaw!" ani heshi habang kinakalkal ang pasalubong nito para sa kanilang mag ina. kadadating lang nito mula sa honeymoon nila ni Juno at kaagad nitong dinalaw ang nanay niya sa ospital na kasalukuyang natutulog.

"Nagulat nga rin ako ng madatnan ko sya dito sa bahay, di ko naman akalain na kakausapin niya si tatay para sa amin ni Xymon eh." kwento nya rito.

"Bakit ano bang inaasahan mo? tatanga nalang yung tao at pababayaan ka nalang na harapin mong magisa ang problema mo?" tumigil ito sa ginagawa at humarap sa kanya.

Natahimik nalang si Yra. "Alam mo kambal, masyado ng madaming pinagdaanan ang relasyon nyong dalawa ni Jion kaya wag ka ng magulat kung sa susunod pati granada ay saluhin non para sayo!" dagdag pa nito.

Napangiti nalang sya sa tinuran ng kaibigan, dahil aminin man niya o hindi ay kinilig talaga siya sa ginawa ni Jion para sa kanya. Sino ba ang hindi diba?

"Alam mo kambal, akala ko talaga hindi na magiging OK ang relationship namin kase parang lahat nalang gustong kumontra!" naalala nyang lahat ng mga pinagdaanan nila.

"Hay naku kambal, kalimutan na natin yang mga kumokontra kontrang yan sa lovelife nyo ng jowa mo! ang importante yung ngayun, okey! magkasama na kayo ulit at may tatay na si Xymon, yun ang mahalaga." isinubo sa kanya nito ang isang malaking pitak ng tsokolate. "Yan ang para sayo, kainin mo at ng tumamis naman yang buhay mo."

"Hi," tyempo namang pumasok si Jion sa kwarto ng nanay ni Yra. "Nakaabala ba ako sa reunion nyong dalawa."

"Oh ayan na pala ang prince charming ng taon!" ani heshi dito.

"I'm just here to remind you about the family dinner on sunday, Since lalabas na naman tomorrow ang nanay mo. Pinapatanong na rin ni mommy kung makakadalo ka sana!" anitong naupo na agad sa tabi ni Yra.

"Yun lang pala ang sasabihin mo sana itinawag mo nalang sakin sa telepono! nagaksaya ka pa ng oras pagpunta dito"

Sagot niya rito.

"Wala naman akong ginagawa eh, and besides gusto kong makita si Xymon kaya nagpunta na rin ako dito."

"Sus, si Xymon lang ba talaga!" tukso dito ni Heshi.

"Syempre pati si Yra." para itong pusang lumalandi sa pagkakadikit sa kanya. "And kailangan nya talagang dumalo sa family dinner natin kasi I have a very important announcement to make!"

下一章