araw ng alis namin,magkasama kaming tumungo sa airport,habang nagpapaalam sa mga kasamhaan namin na nag stay sa agency accommodation ,di maiaalis sa ating mga pinoy/Pinay na malungkot at maluha sa tuwing may nagpapaalam ,malayo man o malapit lang ang pupuntahan,naiiyak tayo kasi minsan ang dahilan,mamimiss natin ang mga tawanan at lungkot na sa panahon ng magkasama ,minsan naman baka hindi na muling magkikita,dahil kahit napakaliit ng mundo May kanya kanyang buhay naman tayong pinagsisiskapang mabuo,ang masasabi ko lang kahit saan man dako ng mundo tayo makarating sana balang araw magkita kita parin tayo at muling ibalik ang saya at tawanan ng bawat isa. umalis kaming may mga lungkot sa aming mga labi,at nagarasal na sana ok lang ang lahat sa bagong yugto ng aming magiging buhay sa bansang malayo sa aming mga pamilya at mga kaibigan,.nakarating kami ng airport at nag check in na kami,naghihintay na lang kami para sa departure namin,pero ako kabado na dahil diko alam ano ang madaratnan kung buhay sa pag aabroad.exciting,sad,happy,halo halo ang feelings, hanggang sa makapasok na kami sa eropalanong aming sasakyan,nakaupo na at ready na para sa pag take off ng eroplano,sabay pikit matang nagdasal,Lord Kayo na po ang bahala sa amin.