Ora's na nang paglapag ng eroplanong aming sinakyan,ibig sabihin nakarating kami na safe ang lahat,pagbaba namin ng eroplano di namin maipaliwanag ang aming mga nararamdaman,dumaan muna kami ng immigration para matatakan ang aming pasaporte na ibig sabihin entry date ng aming pagdating sa kuwait.after don kinuha na namin ang aming mga bagahe,hinintay namin ang lahat na matapos makuha ang mga bagahe dahil sabay sabay kaming lalabas at May naghihintay sa amin na tauhan ng agency namin,ibig sabihin magstay pa kami sa agency bago kami kunin ng mga employer namin. dahil kababayan din namin ang nagsundo sa amin,madali namin syang nahanap dahil sa bungad mismo ng exit siya naghihintay sa amin. hanggang sa sumunod kami sakanya patungo sa Van na aming sasakyan papuntang accommodation ,dahil marami kami at ang bahay na iyon ay maliiit lng siksikan kami sa iisang kwarto,kahit ang pagligo sabay sabay kaming lahat,kumain at natulog na kami pagkatapos,dahil kinabukasan susunduin na kami ng aming mga employer.
Hindi ko akalain ganito ang buhay abroad,dahil unang beses ko itong sbinubukan,diko alam kung hanggang saan ang kakayahan kung mapalayo sa aking mga magulang at kapatid,pero lagi akong nagdarasal na sana ang magiging employer ko ay mabait at sana makayanan ko lahat ng pagsubok na aking kakaharapin sa bansang aking piniling makatulong sa pagbuo ng aking mga pangarap, Homesick na kaagad ako,dahil ibang iba ang pamumuhay doon at klima sa kuwait. abangan nyo po ang sunod na chapters ng buhay ko ang pagkikita namin ng aking employer.☺️☺️