Chapter 80: Secluded Feelings Part 2
Haley's Point of View
Pagkabukas na pagkabukas pa lang namin ng pinto sa madilim na kwarto ni Mirriam. Bumungad kaagad siya sa amin nang tumapat sa kanya ang ilaw na nanggagaling sa labas ng kwarto niya.
Nakaupo siya sa sahig na katapat lang nitong pinto at nakatungo, nakasandal ang likod niya sa gilid ng kanyang kama at tahimik lang doon.
Inaasahan namin na hindi talaga maganda ang kalagayan niya ngayon pero hindi rin namin inaasahan na ganito pala kalala ang kalagayan niya. Itim na itim ang buhok niya dati pero ngayong nakalugay siya, mayroon siyang white streak sa bangs niya na parang kumakapal habang tumatagal.
Nabasa ko 'to sa subject namin. Ito 'yung tinatawag sa Marie Antoinette Syndrome. [Take note that these form of the basis idea are came in fictional works.]
Nangyayari lang ito sa mga taong mataas na ang lebel ng emotional stress.
May napapanood akong ganitong cases sa mga palabas pero hindi ako makapaniwala na makikita ko 'to ng harap-harapan.
'Tapos ang payat payat niya. Kung titingnan naman ang kwarto niya, sobrang gulo. "Mirriam…" Mahinang tawag ko sa pangalan niya at sinundan ng tingin si Jasper na unti-unting naglalakad papunta kay Mirriam.
Tahimik lang din kung ihakbang niya ang mga paa niyang may saplot lamang ng mga medyas.
Lumuhod si Jasper sa harapan ni Mirriam at tinawag ang pangalan nito. Subalit mukhang hindi siya naririnig dahil hindi man ito umimik, o nag react man lang. Blanko lang ang mata ni Mirriam na nakatingin sa mga paa niya.
Nandito siya pero ang isipan niya, wala rito. Sobrang layo-- hindi. Nawawala siya.
Unti-unting tinakpan ni Kei ang mga bibig niya sa gulat. Namumuo rin ang mga luha nito samantalang nanginginig na nagsalubong ang kilay ni Harvey.
Nakaiwas lang ang tingin ni Reed habang bakas sa mukha ni Jasper 'yung mukha ng gustong may gawin sa tao pero walang magawa.
Huminga nang malalim si Jasper. "Mirriam. Naririnig mo ba 'ko? Nandito ako…" Nag indian seat si Jasper nang hindi inaalis ang tingin sa babaeng na sa harapan niya. "Mirriam. Nakikilala mo pa ba 'ko?" Tanong nito at hinawakan ang kanyang kamay. Nakita namin 'yung kaunting paggalaw ni Mirriam dahil sa pagdikit ng mga balat nilang pareho kaya akala namin naririnig talaga niya si Jasper subalit napasinghap kami nang biglang sumigaw si Mirriam. Tinulak niya si Jasper at nagsisimulang magwala nang makatayo siya.
Kaagad na lumapit ang dalawang magkambal sa kapatid nila upang awatin. Si Jasper, gulat na gulat pa ring nakaupo roon sa sahig at nanlalaki ang mata dahil sa gulat ng kanyang napagtanto.
"H-Huwag n'yo 'kong saktan! Huwag n'yo akong saktan… Huwag! Huwag! Huwag n'yo akong hawakan… Parang awa n'yo na… Parang n'yo na…" Basag ang boses ni Mirriam na paulit-ulit na nagmamakaawa. Kita sa kanya ang sobrang takot dahil nagsisimula siyang manginig. Iyak din ito nang iyak habang nagsisisigaw.
Nakatayo lang sa gilid si Jin habang hawak naman ni Jean ang magkabilaang braso ng kapatid. Malungkot itong nakatingin kay Mirriam nang tingnan na kami ni Jean. "We realized this just recently, nagkaroon ng takot si Mirriam sa mga lalaking tangkang hahawakan siya o hahawak sa kanya." She paused. "Obviously, this is a psychological and emotional effect, kaya hangga't maaari kami ni Airiam ang aasikaso sa kanya kapag maliligo o papakainin siya. Kapag wala kami, si Manang ang mag-aasikaso sa kanya"
Kaya rin pala may kasambahay sila ngayon.
"Ayoko lang talaga na dumating sa punto na hindi na talaga namin siya makakausap, na hindi niya kami matitingnan sa mata." Aniya na hindi namin inimikan.
Inilipat ko ang tingin kay Mirriam na nakatingin sa kanang bahagi't hinihingal sa takot. Hindi ko maiwasan na mapakuyom dahil sa nakikita ko.
Nandoon nanaman sa utak ko na kasalanan ko kaya siya nagka ganyan pero pumapasok din sa isip ko 'yung sinabi ni Kei kanina.
"Hindi mo 'yon kasalanan." Boses ni Kei sa isipan ko.
Kaso hindi, eh. May mali talaga. Kaya ano ba 'yong tama? Ano ang dapat kong isipin?
"Pwedeng isipin ng tao na sila ang may kasalanan," Narinig ko ang boses ni Lara nang pumasok sa utak ko 'yung sinabi niya sa akin habang papalabas kami ng ospital. Iyon 'yung araw na nag-aalala ako kay Mirriam at bigla lang niya iyon nabanggit. "Kaya kung sakali mang maramdaman nila 'yon, sila rin ang pumili niyon. Pero huwag silang gagawa ng rason na hindi kumilos, siguraduhin lang nila na hindi sila uupo diyan sa tabi at walang gagawin."
Bumuka ang bibig ko pero napatikum din. Walang mali o tama, kasalanan mo man o hindi. Hindi ito ang dahilan para tumigil ka na lang dito.
"Puwede ba akong matulog dito?" Biglang sambit ko kaya pare-pareho silang mga napatingin sa akin. Ngumiti ako. "Matagal na kasi yatang walang kausap si Mirriam, so kukwentuhan ko lang din sana."
Mga nakanganga lang sila hanggang sa itaas din ni Kei 'yung kanan niyang kamay. "A-Ako rin. Pwede ba akong matulog dito?" Tanong nito kaya kami naman ang napatingin sa kanya. Ibinalik lang namin ang tingin sa mag kambal na ngayo'y magkatinginan.
Pagkatapos ay humarap ang tingin sa amin at ngumiti. Tumango silang dalawa bilang sagot. "Pero magpaalam kayo sa mga bahay n'yo para hindi sila mag-alala." si Jean.
***
KASALUKUYAN KONG KAUSAP si Mama ngayon sa telepono dahil nagpapaalam na ako.
"Kaya okay lang po ba na--" Hindi ko pa nga natatapos 'yong sasabihin ko ay nagsalita na siya.
"Haley, hindi kita mapapayagan na matulog diyan. Paano kung may nangy--" Mabilis kong inalis sa loud speaker ang phone at inilagay ulit sa aking tainga. Baka kasi ma-misunderstood nung makakarinig. "..ri nanaman sa 'yo? Palagi ka na lang ganyan, lakwatsa ka rin nang lakwatsa hindi ka pa nadala sa nangyari sa 'yo."
Na sa hallway ako ng bahay nila ngayon habang na sa kwarto pa rin ni Mirriam ang mga kaibigan ko. "Ma, wala ako sa lakwatsahan ngayon. K-Kailangan ko lang 'tong--"
"Pinayagan na kitang pumunta diyan ng wala ang Papa mo bago siya bumalik sa California. At may pasok ka pa bukas." Hindi na ako nakapagsalita. Pero naiinis ako, hindi ko masisi si Mama kung bakit siya ganito kasi in the first place ako rin may gawa. Kaya naiintindihan ko pero naiinis pa rin ako. "Hindi palaging ikaw ang masusunod, Haley. Nagiging iresponsable ka na, dapat nga nandito ka na sa bahay ng mga alasais pero nasaan ka ngayon?"
"Ma, gaya ng sabi ko--"
"Umuwi ka na rito. Bukas ka na bumalik ulit diyan, hindi ka pa nagpaalam na male-late ka ng uwi alam mong nandito ako sa bahay." Tumaas nag kanan kong kilay. What?
Inalis ko sa tainga ko ang phone para makita ang message ko kanina sa kanya. At napasapo sa noo nang makita na nag failed pala ito. Nagpaalam ako sa kanya kaninang alasingko pa lang. Hindi pala na-send?!
Ibinalik ko ulit sa tainga ko 'yong phone. "Ma--"
"Umuulan pala sa labas. Ako na ang magsusundo sa'yo diyan."
Napahakbang ako. "Hindi, Ma. Huwag ka na lumabas, uuwi rin naman sila Reed, kaya sasabay na lang ako sa kanila, Magpapahatid ako."
"Okay." Tanging naging sagot niya bago niya ibaba ang tawag. She's mad.
Ibinaba ko na ang phone pero napatingin din sa screen. 8:31 PM na…
Napasandal ako sa pader kasabay ang pagpasok ko ng phone sa bulsa ng aking skirt. Mabigat na bumuntong-hininga at napatingala sa kisame.
Kei's Point of View
Kinawayan ko ang mga kaibigan ko na papaalis ngayon sa bahay ng Garcia hanggang sa isara nila ang pinto.
Tumabi sa akin si Kuya Jin. "Okay lang talaga sa'yo?" Tanong niya kaya humarap ako sa kanya na may ngiti sa aking labi saka tumango. Hindi pinayagan si Haley na matulog dito kaya napilitan siyang umuwi, sumabay na sa kanya sina Reed lalo pa't umuulan.
"Ako nga dapat magtanong niyan," Paghagikhik ko.
Inabot ni Airiam sa akin ang comforter na gagamitin ko sa kwarto ni Mirriam. Kinuha ko iyon at ngiting nagpa-salamat sa kanya pero umiling siya. "Thank you for staying with ate Mirriam."
Bumuka lang ang bibig ko at labas sa ilong na ngumiti muli. Wala naman akong ginagawa…
Dumiretsyo na nga ako sa kwarto ni Mirriam matapos ang kaunting pag-uusap. Sinabihan nila ako na tawagin ko lang sila kung sakaling may problema.
Pumasok na ako sa madilim na kwarto ni Mirriam. Ang sabi ni kuya Jin, huwag kong bubuksan ang ilaw dahil baka mabigla si Mirriam kaya hinayaan kong bukas ang pinto para kahit papaano ay may kakaunting liwanag. Wala kasing kahit na anong lamp shades ang kwartong ito dahil nasabing nabato raw iyon ni Mirriam.
Nakalatag na sa sahig 'yong sapin na gagamitin ko habang na sa kama na si Mirriam at nakahiga. Pero nakaharap siya sa gawi ko kaya nakikita ko 'yung mukha niya. Maliban sa maputla ito, makikita mo 'yung mugto niyang mata. Sobrang taba rin nung eyebags niya. Ang mga labi niya, namumuti at tuyo.
Naglakad ako at umupo sa aking sapin katabi lang nung kama niya. Inilapag ko ang comforter ko at lumingon sa kanya. Hindi pa siya natutulog at nakamulat pa rin 5 tumungo ako. "Pasensiya ka na, sa totoo lang wala talaga akong ideya kung ano 'yong nangyari sa 'yo. Walang sinasabi sila Haley pero wala naman silang balak na hindi iyon sabihin sa akin. Pero kahit na ganoon, may kaunting ideya ako."
Sobra 'yong naramdaman niyang takot noong hawakan siya ni Jasper kanina. Iyong paraan ng pagsigaw niya, pagmamakaawa niya…
Alam ko na…
Inangat ko ang mga binti ko upang yakapin ang mga ito. Namuo 'yong luha sa mata ko't napaluha. "I'm sorry… I wasn't there when you need our help. I'm sorry that we can't do anything, hindi nakakatulong 'tong ginagawa namin at hindi rin namin alam kung paano pero…" Umayos ako nang upo at dahan-dahan siyang hinawakan sa likurang palad para hindi siya mabigla. Hindi naman siya kumibo noong dumikit na ang mga kamay ko sa balat niya. "Let us do what we can do for you, and let us stay with you 'till we have to separate our ways."
Pumikit ako at ipinatong ang noo sa kanyang likurang palad. Tumulo ang isang butil ng luha sa kamay niya. "We love you."
We knew from the start that we can't help her by conveying our thoughts and feelings, but the thing we didn't know is that her empty jar is slowly filling by just staying with her and by showing that we're here to wait her to come out from the dark point of her life.
***
KINABUKASAN, hinatid ako ni kuya Jin sa E.U dahil wala siyang pasok ngayon. At noong uwian, dumiretsyo kaagad kaming lima sa bahay ng Garcia at may mga dala-dalang pagkain.
Plano naming mag food trip dahil sinusubukan naming ibalik 'yong kinauugalian namin noon dahil baka makisali si Mirriam dahil maliban kay Jasper, siya talaga ang nangungunang kumain at nakikipag-away pa kay Reed kapag naaagawan siya nung paborito niya.
Nandoon pa rin siya sa kama niya't hindi gumagalaw.
Siyempre hindi naman madali, eh. Nagwala ulit siya kaya napilitan kaming lumabas sa kwarto niya.
Narinig iyon ng mga kapatid niya kaya lumabas sila. Pero nangungunang mag martsa si Ate Jean palapit sa amin na ngayo'y pinapatunog ang mga daliri niya. "Hoy. Sino ba kasing may sabi na sa kwarto niya kayo kakain?" May itim na aura sa kapaligiran ni Ate Jean habang masamang nakatingin sa aming lima. Kinilabutan ako kaya napaatras ako.
Humawak naman si Jasper sa likurang ulo niya. "Ehe. Alam mo na? Baka makisali si Mirriam sa amin? Iniinggit namin-- Aray!" Hinampas siya ng nakatuping pamaypay sa ulo ni ate Jean.
"Mainggit?! Gusto mong banatan kita ngayon?!" Sigaw ni Ate Jean sa kanya kaya pumunta sa gilid si Jasper at doon nagmukmok.
"Aray. Away ako. Mirri… Balik ka na, tulungan mo 'ko rito…" Maloko 'yong paraan ng pagkakasabi niya, at kadalasan matatawa ka kapagka gayan si Jasper pero iba 'yong tono ng boses niya ngayon. 'Tapos mayamaya pa'y bigla itong lumuhod, narinig na lang din namin ang paghikbi niya. Matagal-tagal din siya sa pag-iyak doon at hinayaan lang namin siya.
Napatingin ako sa loob ng kwarto kung saan tumigil si Mirriam sa kanyang pagwawala. Nakaharap ang ulo niya sa gawi namin pero blanko pa rin ang mata niyang nakatingin sa kawalan.
Wala ang atensiyon ng mga kaibigan ko roon at mukhang ako lang ang nakapansin. Namilog nang kaunti ang mata ko't napanganga.
Naririnig ba niya 'yung pag-iyak ni Jasper?
Ibinalik ko ang tingin kay Jasper, na sa harapan na niya si Haley at binibigyan siya ng head pat.
***
GUMAWA PA kami ng iilang bagay kung saan pwede pa kaming makipag interact kay Mirriam. Sinubukan namin siyang ayusan ni Haley sa harap ng pahabang salamin, inayos ko ang buhok niya matapos gupitan ni Haley 'yong humahaba niyang bangs. It went well but when she finally looked at herself in the mirror, she looked terrified that she started to cry in silent.
Dumating ang pangalawa, pangatlong araw ay wala pa ring nagbabago sa kanya. Kung hindi siya matutulog sa kwarto niya, nakatunganga lang siya't tahimik na nakatingala sa kisame na parang may hinihintay.
Lumipas ang pangatlong gabi, dito pa rin ako natulog kina Mirriam. Hindi pa ako umuuwi at nakapagpaalam naman ako, saka si Reed din naman ang bahala kay Manang kung sakaling hinahanap na rin ako.
Si Haley naman, baka bukas pa raw makakatulog dito dahil hindi raw sila magkasundo ni Tita Rachelle.
Tahimik akong yumuko. Naikwento kanina ni Haley ang lahat lahat ng mga nangyari simula umpisa. Mula sa pagdating ng kambal niya hanggang sa dulo.
Kaya hindi ko rin talaga maipaliwanag itong nararamdaman ko. Ang dami kong hindi nalalaman na importante.
Ayoko na ring isipin pa dahil 'tapos na kaso…
Huminga ako nang malalim at sumandal sa edge nung kama ni Mirriam. "Mirriam, tatlong araw na lang bago ka umalis. Ayaw mo pa rin ba kaming kausapin?" Tanong ko at labas sa ilong na ngumiti. "Pero sayang, malapit na 'yong graduation pero mukhang hindi ka namin makakasamang mag martsa, we can't picture together. Pero pwede akong mag edit saka ko I-send sa'yo." Tumawa ako. "Pero mukhang magtatampo ka sa akin kapag nakita mo't nakapag online ka. Huwag naman sana."
Inangat ko ang tingin sa kisame. "But hey, I wonder when will be that time we can be all together again. After graduation, we'll walk towards our own future. And to find what we're looking for ourselves, each of us have to go through different path." Oh no, I feel I'm gonna cry. "We're always together, hindi tayo mapaghiwalay. Kapag may gulo, palagi tayong nakadikit para tanggapin 'yung parusa ng sama sama. Palagi tayong napapagalitan ng prefect of discipline. Kapag tatakbo tayo, palagi akong nahuhuli pero hindi n'yo ako iniiwan. Mapalungkot o saya palagi tayong magkasama. Uulitin ko lang. Pero kahit wala kaming magawa sa 'yo para matulungan ka, nandito kami para hintayin ka. Sama sama pa rin hanggang sa huli." Pinunasan ko na ang gilid ng mata ko nang maramdaman ko na 'yong bigat sa mata ko dahil sa namumuong luha. "I'm sorry for being such a cry baby. I just can't helped it. Nalulungkot lang ako." Lumingon ako kay Mirriam at may sasabihin pa sana nang makita kong muli ang pagtulo ng luha niya.
Blanko 'yong mata niya pero lumuluha siya kaya unti-unting nanlaki ang mata ko. "Mirriam?"
***
KINABUKASAN bumalik nanaman siya sa dati. Sinubukan ko siyang kausap-kausapin pero hindi niya ako sinasagot.
Tumayo na ako nang maayos at kinuha ang school bag ko para lumabas. Binuksan ko ang pinto, bago pa man ako lumabas ay lumingon ako kay Mirriam. "Pupuntahan ka ulit namin mamaya, ha? Dadalhan ka namin ng madalas mong kainin." Paalam ko saka lumabas at isinara ang pinto.
Mirriam's Point of View
I could actually hear different voices which is so familiar to my ears. But each time I'm going to straight up my eyes to look at them.
I see nothing but scary faces that seems to come and devour me. So I tried to close my heart and mind.
And if a man's skin touches mine, I can't control myself but to scream my lungs out. I feel like throwing up.
However, when I heard a soft sobbed from someone I know and is important to me. I simply glanced to find where it came from.
But I can't see who it was, although I've found out who was the person crying.
It was Jasper…
And then when I looked at the mirror as my friends-- Haley and Kei fixing my hair. My tears started to fell down from my eyes down to my cheeks.
I'm thinking to talk to Jasper yet whenever I'm looking at myself in the mirror, trauma haunt me.
And it gets worst when my mind remind me how I rejected Jasper as I pushed him away.
How cruel I am to do that? To make him wait. To make him cry.
But I'm scared, I don't know how to face him. My body is already full of dirt.
It's disgusting, I want to die.
So there was this night when I sneaked to our kitchen to get a knife.
I'm trying to end my life there because I can't deal with the noise in my head anymore.
But I remember Kei's words. "Let us do what we can do for you, and let us stay with you 'till we have to separate our ways."
No… Don't leave me yet…
Binitawan ko ang kutsilyo na hawak ko at napaluhod para tahimik na umiyak.
***
NARIRINIG KO ang pagbukas ng pinto. Umangat sandali ang balikat ko sa gulat lalo pa noong marinig ko ang boses ni Jasper.
Pumasok sila sa loob ng kwarto ko. Mukhang may mga dala nanamang pagkain, inaaya pa nila ako pero hindi pa rin ako makapagsalita.
Naririnig kong tumatawa si Jasper pero nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Bakit siya tumatawa kahit bakas naman sa boses niyang nasasaktan siya?
'Yung mga kaibigan ko… nakangiti sila pero 'yong mga mata nila…
Stop it…
Habang nagkukwentuhan sila, pasimple ko silang tiningnan. Nangangati 'yung buong katawan ko sa sobrang iritang nararamdaman.
Para akong inaatake ng mga insekto kung tusukin ang bawat parte ng katawan ko. Ang kati… Ang kati…
Kinamot ko ang leeg ko, hindi namalayan na nasusugatan na iyon. Kaya nung mapansin ng isa sa mga kaibigan ko ang pagdudugo nung leeg ko ay kaagad na lumapit si Jasper sa akin.
Jasper's Point of View
Pang limang araw… Isang araw na lang ang natitira. Kahit wala ng senyales na makakausap namin si Mirriam, tumuloy pa rin kami. Nahihirapan ako sa totoo lang.
Ayokong pumunta pero pinili ko pa rin na tumuloy dahil sa rasong gusto ko siyang makita… Gusto ko siyang makita bago pa man siya tuluyang mawalay sa 'kin.
"Huy! Kay Mirriam 'yan, ba't mo kinukuha?" Palo ni Haley sa likurang palad ni Reed nang kunin 'yong macaroon.
"Ah, kay Mirriam pala 'yon. Sorry, patay gutom." Hinging pasensiya ni Reed.
Dito pa rin kami sa kwarto ni Mirriam kumain kahit na napagsabihan nga kami ni Jean na huwag na rito dahil baka magwala pa si Mirriam.
Pero sinubukan ulit namin sa pangalawang pagkakataon kaya nandoon sila Jin sa labas para mabantayan kami.
Susubo sana ako ng bisquit nang makita ko sa peripheral eye view ko ang pagkakamot kamot ni Mirriam sa leeg niya. Sandali pa lang iyon pero napansin kong namumula ito hanggang sa magdugo.
Kaya nabitawan ko 'yong kinakain ko at wala sa kontrol ko na puntahan siya. Mabilis ko siyang niyakap at kinulong sa mga bisig ko kaya naramdaman ko kaagad kung paano manginig ng sobra ang katawan niya. Nagsisisigaw na rin siya pero hindi ko siya binitawan.
"Mirriam. It's fine. It's fine, I'm here."
Pumasok na si Jin at Jean sa loob ng kwarto. Napatakbo rin si Airiam at ang kapatid niyang si Ricky rito sa loob ng kwarto para tingnan kung ano ang nangyari dahil kumpara sa dati ay mas malakas ang sigaw niya ngayon.
"Jasper, huwag mo na siyang hawakan." Lalapitan pa sana ako ni Jin pero pinigilan siya ni Haley.
Niyakap ko nang mahigpit si Mirriam. Gusto kong maramdaman niyang nandito ako. Na hindi ako umaalis.
Nandito ako, Mirriam. Nandito ako…
"Hindi kita bibitawan." Matatag kong saad at hinawakan ang likod ng ulo niya.
"LUMAYO KA SA AKIN. LUMAYO KA SA AKIN!" Paulit-ulit at panay na sigaw niya pero hindi ko pa rin siya hinahayaan na makawala sa akin.
Dumating na si Tita Airam. Naririnig ko 'yung pagalit niyang tawag sa akin at tangka pang lumpit nang marinig namin ang pagtawag ni Mirriam sa pangalan ko dahilan para lumakas ang pintig ng puso ko.
Nagulat din ang mga tao rito sa loob kaya mukhang napatigil sila.
"Lumayo ka sa 'kin… Jasper…" Paghikbi niya saka ko naramdaman ang basa sa likod ko. Dahan-dahan akong lumayo para tingnan ang mukha niya.
Hindi pa rin nawawala 'yong pagnginig ng katawan niya pero alam kong si Mirriam na mismo itong kaharap ko.
Naramdaman ko ang pagdaan ng luha sa pisngi ko. Umiiyak ako kasabay ang pagtawag ko sa pangalan niya.
"Bakit ka ba nagtitiis sa 'kin?" Tanong niya at humikbing muli. "Marumi na 'ko, eh… Marumi na ako… Bakit ka nagtitiis sa akin? Bakit nandito ka? Bakit mo 'ko hinahawakan?" Sunod-sunod niyang tanong na mas lalong nagpakirot sa dibdib ko. "Alam ko hindi mo 'ko matatanggap."
"Ano ba'ng sinasabi mo?" Paninikip ng dibdib ko dahilan para bawat salita na nilalabas ko sa bibig ko ay may malalim na pagbuga ng hininga.
"Hinawakan na ako… Hinawakan nila katawan ko… 'Yung mga marurumi nilang kamay na humahaplos sa katawan ko… Nararamdaman ko pa rin. May ginawa rin ako… May ginawa ako, pero… Pero maniwala ka! Hindi ko 'yon ginusto! Hindi ko ginusto!" Sinasabi niya iyan habang naghahabol ng hininga kaya niyakap ko siyang muli.
Pumikit ako nang mariin. "It's okay, it's okay." Pagsinghot ko mula sa pagpipigil pa ng pagluha. "Wala kang dapat na ipag-alala… Wala kang dapat na ika-sorry… Ako… Ako ang dapat na humingi ng tawad dahil… wala ako nung tinatawag mo pangalan ko… Noong himihingi ka ng saklolo… Wala ako sa tabi mo nung kailangan na kailangan mo 'ko… Hindi ka dapat humingi ng sorry, hindi…" Pagyakap ko pa sa kanya lalo pero hindi na napigilan ang aking pag-iyak. "I'm sorry… I'm sorry…" Paulit-ulit na paghingi ko ng tawad na siyang nagpahagulgol sa kanya.
***
NAKATULOG si Mirriam matapos ang ilang minutong paghagulgol. Inihiga ko lang siya sa kama noong hindi niya mamalayan na nakatulog na pala siya sa mga bisig ko.
Ngayon ay nakikita ko na 'yong mahimbing niyang pagtulog. Tahimik pero may gaan sa kanyang mukha.
Tumayo ako nang maayos. "Tita Airam." Tawag ko sa kanya bago ako humarap sa kanya na nakatingin pa rin sa anak niya. Pero napatingin din sa akin pagkatapos. "Mapagbibigyan n'yo po ba ako sa isang kahilingan na manatili muna siya rito kahit tatlong araw?"
Nagsalubong ang kilay ni Tita Airam. "Bakit ko naman 'yon gaga--" Jean cut her off.
"Ma. You saw it. She finally talked."
Sarkastikong umismid si Tita Airam. "Nang dahil kay Jasper? Hindi ako naniniwala na si Jasper ang dahilan kung bakit--" Si Airiam naman ang nagsalita.
"But she called his name, Ma. Simula nang makabalik si Ate Mirriam dito, wala siyang ibang binanggit o tinawag sa kahit na sino sa'tin. Wala. Si Kuya Jasper lang." Seryosong saad ni Airiam kaya napakagat-labi si Tita Airam bago ibinalik ang tingin sa akin.
Nagagalit ang mukha niya at mukhang ayaw pa rin niyang pumayag pero noong tingnan niya 'yung anak niyang si Mirriam, lumambot ang mukha niya pero dikit-kilay din akong tiningnan. "Hindi ako pumayag ng dahil sa 'yo, Jasper. Para 'to sa anak ko."
Tumango ako at ngumiti. "Salamat. Salamat po." Pagpikit ko nang mariin at naluha sa sobrang saya.
Mirriam's Point of View
Pagkamulat ko pa lang ng aking mga mata. Mukha kaagad ni Jasper ang nakita ko. Bumungad ang ngiti niya sa akin. "Good morning, Mirri. Ano nararamdaman mo ngayon?" Concern niyang tanong.
Hindi kaagad ako nakasagot at nakatitig lang sa kanya. Akala ko nananaginip ako kaya tangka ko sana siyang hahawakan sa pisngi nang makaramdam ako ng sobrang panginginig kaya hindi ko rin itinuloy at inilayo ko rin ang sarili ko sa kanya.
Namilog ang mata niya sa gulat at napalitan ng lungkot matapos ang ilang segundo. Kaya napaupo ako sa pagkakahiga. "Jasper… I-I'm sorry." Paglayo ko sandali ng tingin at ibinalik din sa kanya. "I don't mean--"
Umiling siya. "I understand. You don't have to say sorry all the time, okay? Don't push yourself too hard. If you're scared, just tell me. So I know how to limit myself."
Him being so considerate with me makes my heart ache. I don't want to hurt him…
Tumungo ako. "Jasper, just leave me." Panimula ko. "Kung manantili ka, masasaktan ka lang." I don't want him to go, I want him to stay with me. But if holding me will make him feel nothing but pain. I must let him go.
"Mas masasaktan ako kung mawawala ka sa 'kin." Salitang nagpatingala sa akin para makita siya. Diretsyo ang tingin niya sa mga mata ko, nandoon 'yong takot, pangangamba pero puno ng determinasyon. "Ayokong sabihin mo na iwan kita, kasi hindi ko rin magagawa 'yan. Gusto kong manatili sa'yo." Paglunok niya. May luha na roon sa gilid ng mata niya. "Gusto kong ikaw 'yong babaeng makakasama ko sa pagtanda… Kahit na ipagtabuyan mo pa 'ko ngayon, babalik at babalik pa rin ako sa'yo." Muling pagbaba ng adam's apple niya.
"Huwag mo lang isipin na… hindi kita matatanggap mula sa likod ng mga nangyari… Tatanggapin kita ng buong-buo, Mirriam. Kung pwede ko lang saluhin lahat ng sakit na dinanas mo, gagawin ko… Kasi ayokong makita ka na nagkaka ganyan, eh. Ang sakit… sakit." Hirap na hirap niyang sambit. "Kasalanan ko dahil hindi kita napuntahan kaagad." Bumagsak ang isang butil ng luha niya kaya pinunasan niya ang mata niya gamit nung manggas ng sleeve niya.
"I'm sorry..." Muling paghingi niya ng sorry. "I'm sorry…"
Inangat ko ang kanan kong kamay at dahan-dahang idinikit ang mga palad sa pisngi niya. Nandoon pa rin 'yong panginginig pero hindi ko iyon inalis.
"I can't totally stay with you right now, Jasper. So… kaya mo ba 'kong hintayin?"
Tumitig siya sa akin bago niya dahan-dahang kinuha ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya't halikan ito. "Maghihintay ako…"
Ngumiti ako at itinagilid nang kaunti ang ulo ko kasabay ang pagluha. "Gaya ng sabi ko sa'yo dati… kung may nagugustuhan ka o may magpapatibok mang bago sa puso mo. Sabihin mo kaagad sa akin, handa kitang pakawalan."
Wala na siyang sinabi at pumikit lamang.
Tatlong araw. Ginamit namin ang mga araw na iyon kasama ang mga kaibigan ko. Siyempre hindi rin naging madali nung una dahil medyo nag-aalanganin akong kausapin sila Reed at Harvey. Naiintindihan nila pero nalulungkot ako.
Hindi ko makontrol 'yong emosyon ko at madali na lang akong natatakot kapagka dumidikit ang balat namin.
"S-Sorry, Mirriam! Hindi ko sinasadya." Natatarantang paghingi ng pasensiya ni Reed nang mabunggo niya ako dahil napagpasyahan naming maglaro ng pillow fight.
"N-No…" Humawak ako sa braso ko at umiwas ng tingin. "I'm sorry."
Hindi kami lumalabas ng bahay at nandito lang. Ginawa namin 'yung mga bagay na madalas naming gawin sa tambayan. Kung hindi manonood, kakain kami. Maglalaro o magkukwentuhan at iba pa.
Napag trip-an din ako nila Haley sa make up. Nagkaroon din kami ng Cosplay Pictorial.
Humawak si Kei sa kaliwa niyang pisngi niya nang makita ang Neko(cat) cosplay ni Haley. "I'm surprised you wear such mature panties." Humawak siya sa ilong niya. "My heart's beating a little fast."
Namula na parang kamatis ang mukha ni Reed samantalang tumalikod lang si Harvey. Si Jasper naman, nakabilog lang ang bibig at tila parang namamangha kaya sinamaan ko siya ng tingin na siya namang nagpaatras sa kanya.
Hinablot ni Haley ang phone ni Kei. "Stop it!"
Naglagay ng isang linya ng lipstick si Haley sa pisngi ko na may ngisi sa labi niya. Naglalaro naman kami ng uno ngayong anim at natalo ako kaya ako ang nalagyan.
"Hoy! Hindi ako 'yong maghuhugas ng plato! Ba't ako maghuhugas?" Daing ni Jasper na ikinapameywang ni Ate Jean. Nandito kami sa sala dahil katatapos lang namin maglaro ng Monopoly.
"Bakit? May yaya ka?" Taas-kilay na tanong ni Ate Jean.
"Pero ba't nga ako? Pwede namang si Reed?" Turo niya kay Reed kaya ito namang best friend ni Kei, biglang hawak naman sa tiyan.
"Aray. Tiyan ko sumakit bigla." Pag-arte ni Reed. Lumapit sa kanya si Haley na may dala-dalang mop. Inabot niya ito kaya kinuha naman ni Reed.
"Linisin mo 'yong kusina. May natapon, kanina ka pa walang ginagawa. Gumalaw galaw ka naman." Sabay hampas ni Haley sa tiyan ni Reed at nilagpasan ito. Ngayon, nagkatotoo 'yung pagsakit ng tiyan niya.
Ngayon naman, naglaro kami ng Horror Mobile Game-- Specimen Zero ang tawag at pwedeng makapaglaro ro'n hanggang sampung players.
Hindi ako fond sa kahit na anong horror kaya sa tuwing may biglang lilitaw, nahahagis ko na lang 'yung phone na hiniram ko kay Jasper.
"Kyah ~! Iphone baby ko!" Pabaklang tili ni Jasper nang hindi niya masalo 'yung cellphone niya at bumagsak sa carpet.
Tatlong araw pero puno na ng saya 'yung naranasan ko sa mga iyon. Subalit hindi pwedeng manatili 'yung saya na iyon at kailangan ding matapos.
Nakatingin ako sa labas ng bintana mula rito sa aking kwarto. Nakaayos na ang mga gamit ko at hinihintay ko na lang sina Mama para makaalis.
Inangat ko ang phone na hawak hawak ko para tingnan ang lockscreen ko. Kami iyon ni Jasper, pero kung bubuksan ito. Kaming anim ang na sa homescreen.
Si Haley ang may hawak sa phone para sa selfie na hindi mo rin inaasahan na gagawin niya. Na sa likod si Reed katabi si Harvey, pareho silang nakangiti habang magkaakbay. Si Kei, na sa tabi ko't labas ngipin na nakangiti habang dikit-dikit ang pisngi sa akin. Si Jasper, na sa tabi ko rin at naka pogi sign. Ako, na sa gitna.
Ang awkward nung ngiti ko pero hindi na rin masama.
Nilagay ko iyon sa dibdib ko na para itong niyayakap at labas sa ilong na ngumiti.
I appreciate them for staying with me. But…
Naramdaman ko ang nakakakilabot na bagay na dumaan sa aking batok na siyang nagpatayo sa mga balahibo ko. Dumagdag pa ang boses ng lalaking iyon na palagi ko na lang naririnig sa aking utak.
"Nalulungkot ka, 'di ba? Huwag ka mag-alala… nandito lang ako, manantili sa'yo dahil akin ka. Hindi ka pwedeng mawalay sa akin." Boses ni Ong iyon na may kasamang pagtawa kaya napahigpit ang yakap ko sa phone ko't mariin na napapikit.
Habang tumatagal na kasama ko sila, may napagtanto ako.
"Hindi ba't gusto mo silang sakalin para maramdaman nila kung ano 'yong nararamdaman mo?"
May kaunting ingay akong narinig sa utak ko. At naalala kung paano 'yung pakiramdam na hindi makahinga sa kwartong iyon.
Animo'y sinasakal ako habang may humahaplos sa katawan ko.
"Ang gusto mo talaga ay patayin sila, hindi ba? Ang saya saya nilang tingnan na gusto mo na lang punitin 'yong mga peke nilang ngiti." Boses sa utak ko na hindi ko ma-kontrol. Nasisiraan na ako ng bait…
"I'm sorry." Labas sa ilong kong sabi pagkamulat ko ng aking mata. May linya na ng ngisi ang labi ko ngayon pa mang iisipin ko 'yung mga kaibigan ko na mapapatay ko sa sarili kong kamay at si Jasper na patong patong ko na animo'y nilalamon ko sa kadiliman.
Isa-isang bumagsak ang luha ko. Nakangisi ako dahil may kakaibang sarap na nabuhay sa kaloob-looban ko pero nalulungkot at nasasaktan ako…
Hindi dapat ako nag-iisip ng ganito… Hindi ako 'to… Hindi ako 'to…
I must not worry them. I would rather keep this Secluded Feelings and confront my own monster to win.
*****
Epilogue next chapter!
I suggest you guys to visit my Yulie_Shiori facebook page. I will upload the credit video after kong i-post 'yung final chapter (Epilogue) ng TJOCAM series.
And please leave a comment so I could put your names on the dedication for the second credit video I will post for some announcement. Appreciation for reading the third book!