webnovel

Epilogue

Epilogue:

Haley's Point of View 

Graduation Month. Huling araw bago kami mag martsa para makatuntong sa susunod na lebel ng buhay. Kumpleto kaming na sa classroom lahat at break time mula sa graduation practice at kasalukuyan na nakatuon ang atensiyon sa ka-videocall naming si Mirriam. 

  "Hoy, Mirriam! Buti nagpasya kang magparamdam sa 'min, eh 'no? Bakit ka kasi lumipat?" 

"Ano 'yang puti sa buhok mo? Nagpakulay ka?" Tanong ni John na may kuryosidad na tono sa kanyang boses. 

  Tinulak ni Aiz si John. "Kung hindi ka magpapakita sa 'min sa susunod, talagang kukunin ko na si Jasper sa'yo, ah? Pakielam ko sa'yo kung mag-iiiyak ka diyan." Pang-iirap niya kay Mirriam na nagpangiti naman sa kanya. Naka-clip 'yung puti niyang bangs para hindi masyadong ma-expose. 

  "Mirriam, kung nililigawan ka pa ni Jasper hanggang ngayon. Huwag mo siya sagutin. Marami siyang chics dito." Loko ni Rose kaya napatayo naman si Jasper mula sa pagkakaupo niya sa sahig. 

"Hoy! Huwag ka ngang ganyan." Suway ni Jasper at humarap sa laptop dahil iyon ang gamit namin para makita si Mirriam. "Mirri! Maniwala ka o hindi pero wala akong babae rito. Huwag kang maniwala sa kanya." Panggagalaiti ni Jasper nang lumingon kay Rose. 

  Inayos ni Rose ang salamin niya at nag tongue out.

Sa totoo lang ay ilang buwan din naming hindi nakita't nakausap si Mirriam dahil na rin siguro sa nilalayo siya ni Tita Airam sa social media. Well, iyon ang gusto naming isipin at hindi 'yung dahilang nilalayo siya sa amin.   

  Pero kung iyon man ang dahilan. Maiintindihan namin, pero pakiramdam ko mahihiya na kami kung sakali mang pupuntahan namin si Mirriam kung nasaan siya. 

  "Naniniwala ako sa'yo, naniniwala ako." Pilit na ngiting sambit ni Mirriam kaya nag-iiiyak nanaman doon si Jasper at niyayakap 'yong laptop. Hinihila lang siya nung iba naming kaklase para makausap nang matino si Mirriam. 

  "Humph." Paggawa ko ng tunog. Balita namin, nagkaroon pa rin ng pagkakataon si Mirriam na makuha 'yung oportunidad na makapasok sa Shin Juk Sports University na dapat si Jasper ang makakakuha. Masaya lang isipin na sa lahat ng mga pinagdaanan ni Mirriam, nagawa pa rin niyang piliin kung ano rin 'yung maganda para sa hinaharap. Nandoon pa rin 'yung rason niyang magtuloy-tuloy sa buhay. 

  Napangiti ako habang tinitingnan si Mirriam doon sa screen. 

  "Hoy, hoy. Huwag nga kayo masyadong maingay." Suway naman ni Sir Santos na nakasalong-baba sa teacher's table. Humikab siya at lumingon sa gawi kung nasa'n ang laptop para kumustahin ang estudyante niya. Kaso nandoon pa rin 'yung walang ganang tingin sa mata niya kaya napabuntong-hininga na lang ako. 

Kaya hindi mo makasundo ng iba mong estudyante, eh.

  Dinadaldal lang ng iba kong kaklase si Mirriam habang nandito lang ako sa gilid at ngiti na pinapanood sila. Tumabi si Kei sa akin dahilan para mapalingon ako sa kanya. "Bukas na pala, ano?" Panimula niya na may ngiti sa kanyang labi. "Ito na 'yung huling araw na makakaapak at magkakasama sama tayo sa classroom na 'to. Ang bilis nung araw, ga-graduate na tayo." Pag-unat niya. "Ang daming nangyari sa sa dalawang taon." Tukoy niya simula nang makatuntong kami ng 3rd year. Kung saan nagsimula lahat lahat.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya nang labas sa ilong lamang akong ngumiti. "Oo nga." Pagsang-ayon ko't tumingala. "Aalis ka na rin ba kaagad pagkatapos ng graduation?" Tanong ko. 

  Umiling siya. "Mag-aayos na muna ako ng gamit sa bahay, tuturuan ko rin muna si Reed sa mga gagawin dito sa E.U. bago ako umalis." Umawang-bibig ako. Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan. Si Reed na nga rin pala 'yung maghahawak ng skwelahan kapag nakatapos kami ng kolehiyo kaya kailangan din niyang ma-train. 

  "Mga dalawang linggo rin siguro ako rito bago makaalis." Sagot niya at matamis na ngumiti sa akin. "You'll gonna miss me, right?" 

  Sumimangot ako at balak ko sanang i-deny pero napatikum din nang maisip ko ngang ilang araw at oras na lang 'yung natitira na magkasama kami. Kung hindi ko sasabihin 'yung totoo kong nararamdaman at patuloy kong paiiralin 'yung hiya, baka pagsisihan ko pa. 

  Kaya pasimple akong huminga nang malalim bago ako ngumiti. "Yeah. A lot." Tanging sagot ko ng hindi inaalis ang tingin sa kisame. 

  Naghihintay ako sa reaksiyon ni Kei pero wala akong naririnig na kahit na ano sa kanya kaya lumingon ako kahit alam kong pulang pula na 'yung mukha ko. "W-what is it?" Nauutal kong tanong. 

  Nakaangat kasi 'yong mga kilay niya at parang naguguluhan. Hinawakan niya ang noo ko. "Haley, are you sure you good? Wala kang lagnat?" 

Hinampas ko nang mahina paalis 'yung kamay niya. "Wala akong sakit." 

  Humagikhik siya't yumakap sa akin na may paghaplos pa ng aking buhok. "You're so cute. I'm glad I got to be the older one." 

Sumimangot ako lalo. "Stop it. You're embarrassing me." 

  "Hoy, kayong magkapatid diyan." Pareho kaming napatingin ni Kei sa isa naming kaklase, sa 'min kasi papunta 'yung boses. "Ba't ba na sa gilid kayo? Makisali kayo rito." Aya sa amin nito kaya masiglang tumango si Kei bago humiwalay sa akin. Pero nagtaka ako kaya tumaas ang kaliwa kong kilay. 

"Hey, how did they know we're sisters?" Tanong ko na ikinahagikhik ni Kei. 

  "Matagal na nilang alam." Sagot niya kaya inilipat ko ang tingin sa kanya. 

  "Pa'no nga?" 

  "Sinabi ko." Sinabi talaga niya 'yan na parang wala lang kaya ako itong nagbigay sa kanya ng walang ganang tingin. "Why not? I'm proud that you're my sister, don't you like it?" She pouted. Tumagilid ako nang kaunti para maiwasan na tingnan siya't ipinagkrus ang mga braso ko. 

  "Hindi naman sa ganoon." Sagot ko at muling napatingin sa mga kaklase ko na tinatawag nanaman kami kaya lumapit na nga kami sa kanila para makipag-usap kay Mirriam.

  Parang dati lang, palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko kailangan ng kahit na sino at kaya kong mag-isa. Palagi kong nilalayo sarili ko't iniisip na umiwas sa mga tao para maiwasan 'yung pwedeng maging gulo pero ako rin itong nilalapitan ng iba't ibang kaguluhan. 

  "Hoy! Bago kayo magsilayas lahat at magkaroon ng kanya-kanyang buhay pagkatapos nating mag martsa bukas. Mag outing muna tayo! Si Sir na 'yung magbabayad sa mga gastusin." Ngising sabi ni Ricky kaya nagsalubong ang kilay nung adviser namin. 

  "Huh?! Don't joke around, brat!" Reaksiyon ni Sir Santos at akmang may sasabihin pa nang humarang si Kimberly para bigyan si Mirriam ng thumbs up. 

  "Huwag ka mag-alala. Papadalhan ka namin ng groupie. Si Reed mag e-edit ng mukha mo't itatabi sa 'min." Masiglang sabi ni Kimberly na may paglabas ngipin sa kanyang pag ngiti. 

  "Hindi ko alam kung maiinggit ako o matutuwa." Simangot na sabi ni Mirriam kaya nagpameywang ang isa sa kaklase namin. 

  "Kung ayaw mong mainggit, pumunta ka. Nang hindi naman nalulungkot si Jasper lover boy." Panunukso ng kaklase namin na iyon saka sila mga nagsitawanang lahat. Hindi na nila pinapansin 'yung adviser naming nagagalit na roon sa teacher's table dahil umiingay na rin talaga kami at naririnig na sa labas ng classroom. 

 

  Pero kung ganitong gulo 'yung darating sa akin. Bukas palad ko silang tatanggapin na may ngiti sa labi ko. 

  Naglabas ng camera si Kei dahil siya rin talaga 'yung in-charge na kumuha ng litrato ng mga graduating students para sa presentation na gagamitin bukas kasama si Reed kaya may dala siyang DSLR. 

  Inayos niya ang tripod na nandoon sa gitna't tapat ng teacher's table, at habang inaayos pa niya ay mga nagsipwesto na kami. 

  Hawak-hawak ni Jasper ang laptop dahil isasama pa rin namin si Mirriam sa group picture na gagawin namin. Sa kaliwang gilid naman si Sir Santos at para pa ring iritable na nakatayo roon habang nakakrus ang mga braso. 

  "Bakit kailangan ko pang sumama rito?" Daing ng magaling naming adviser. 

"Sir, you're so KJ." Maarteng kumento ni Kath. 

  "Kalma kayo, nahihiya lang talaga si Sir kasi mami-miss niya tayo at ayaw niya umiyak kapag nakita 'yung mga pictures natin, 'di ba? Sir?" Pang-aasar ng kaklase namin na may pagtaas-baba pang kilay kaya napapikit ang adviser namin para kumalma-- o sabihin nating itago 'yung hiya. 

  "Brats." Aniya. 

  May nagbukas ng sliding door, sumilip si Miss Kim-- ang dati nga naming adviser nung 3rd year. "Excuse m-- Ay, ano mayroon? Sali naman ako!" Dali-daling pumasok si Miss Kim at tumabi sa amin na laking tuwa naman ng mga boys dahil makakasama nila sa iisang litrato 'yung crush na crush ng buong E.U. 

  Maganda. Matangkad at may mahahabang hita, straight na buhok, matured, at single. May boobs din siyang maipagmamalaking boobs. 

  Napasimangot ako at ibinaba ang tingin sa dibdib ko. Parang plantsa. 

  "Hoy! Tumigil nga kayo, boys. Baka magselos si Sir Santos." 

  Namula ang adviser namin at napanganga. "Ano ba'ng mga sinasabi n'yong mga bata kayo?" 

"Eh? Hindi ba't may crush ka kay Miss Kim? Palagi ka ngang nakasulyap sa kanya kapag nakikita mo sa corridor, eh." Pasimpleng pang-aasar ni John na siyang nagpaurong sa ulo ni Sir Santos. Kaya nagsimula nanaman 'yong mga asaran sa klase samantalang napapailing naman ako. 

  "Grow up already." si Sir Santos. "Magka-college na kayo pero mga isip bata pa rin kayo." Pulang pula niyang dagdag. 

  Tumawa naman si Miss Kim. "Kayo talaga."

 

  "Guys, ready na kayo. 10 seconds!" Dali-daling pumwesto si Kei pagkatapos niyang mag set. Tumabi siya kung nasaan si Harvey na naroon sa sahig samantalang tumabi naman si Reed sa akin. Dumikit 'yong balat niya sa akin kaya lumayo pa ako nang kaunti sa kanya. 

  Mayamaya pa noong hindi niya sadyang mahawakan 'yung pwet-an ko dahil sa kakausod sa kanya nung katabi niya at dahil na rin sa reflexes ko ay nasapoko ko ang ulo niya kasabay ang pagkuha ng aming litrato. 

  Hindi na kami nakapag second take dahil pagkatapos na pagkatapos pa lang nung unang kuha, namatay na ang DSLR. Kaya ang kinalabasan, kami lang ni Reed 'yong hindi matino sa litrato.

 

*** 

  DAY OF GRADUATION. Mga nakasuot ng mga mapuputing toga mula sa labas ng school uniform ang mga estudyante at may mga kanya-kanyang pwesto sa kanilang upuan. Mga C.A.T. (Citizen Advancement Training) sa gilid ng pulang carpet at mga nakaposisyon doon angat-angat ang mala military sword. 

  Isa-isa kaming mga nagsiakyat sa stage at gaya pa rin ng dati ay hindi umaalis sa honor sila Kei, Harvey, at Rose. 

Nakaabot din ako ng isang punto kahit hindi ko rin talaga alam kung bakit, ni hindi ko na nga maalala kung ano 'yong napag-aralan namin last quarter. 

  Nakarating na ako sa pwesto ng adviser ko dahil siya rin 'yung mag-aabot ng awards and certificate ng estudyante. Kinuha ko ang kamay niyang handang makipag shake hands, pero humigpit iyon pagkadikit pa lang ng mga palad namin kaya tumingala ako sa kanya. Seryoso ang tingin niya noong siya'y ngumiti. "Congratulations." Bati niya sa akin na hindi ko kaagad nabigyan ng reaksiyon. "Take care of yourself." Dagdag niya. 

  Umangat ang pareho kong kilay at napangiti. Hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kanyang kamay. "Thank you, Sir. Thank you." Pag-ulit ko sa pagpapa-salamat. Maraming rason para pa-salamatan ko siya kahit nagsimula rin kaming hindi okay. 

  Maraming nangyayari sa ilang sandali na hindi natin inaakalang magbibigay rason para makarating tayo sa kinatatayuan natin ngayon. 

  Ang nakaraan ang nagpapunta sa 'tin dito ngayon. 

 

  Bumitaw na kaming dalawa sa magkahawak naming kamay bago ako naglakad papunta sa harapan kung nasaan nakatingin mula sa baba ang mga graduating students. Tatlong segundo bago ako mag bow. 

  Tinapos lang ang iba pang kukuha ng awards bago kami pumuntang apat na honor students sa harapan kasama ang mga parents namin. 

Subalit nang makahinto kami sa gitna ay pareho kaming napatingin ni Kei kay Papa Lesley at Mama noong pareho silang naglayo ng tingin samantalang pilit namang nakangiti si Tita Jen at Papa Joseph. 

  Nagtinginan kami ni Kei at mahinang natawa. 

  Nagbigay ng speech ang mga student council. Ang mga teachers, si Rose na class president naming salutatorian at si Harvey na valedictorian.

  Habang nagbibigay ng speech si Harvey, ramdam na ramdam namin 'yung masamang aura ni Rose na nakaupo roon sa gilid habang binibigyan ng nakamamatay na tingin si Harvey. 

  Dahil sa rason ngang ayaw niyang magpatalo kung academics ang pag-uusapan, kaya simula third quarter to last, palagi silang magka-kompetensiya. 

Paraan ni Rose 'yon para ganahan siyang mag-aral kaya hindi rin naging masama 'yung palagi nilang pagtatalo sa classroom tuwing recitation na ang nangyayari ay nagiging debate. 

  Marami pang programs ang naganap bago ang closing. Inalis namin 'yung mga graduation cap namin bago namin hinagis iyon sa ere na may masayang pagsigaw. 

Sa pinakahuling pagkakataon na magsasama sama kami sa skwelahan na ito ay muli kaming nagkumpol kumpol para kumuha ng litrato. 

  "Sir dito ka sa gitna." 

  "Ako tatabi kay Sir." 

  "Luh, sumasapaw." 

  Pag-tatalo't pag-aagawan ng tatlong magkakaibigan na sila Kath, Aiz, at Trixie na inunahan ni Rose at tumabi sa adviser namin na walang ganang nakatingin sa harapan. 

  Nagtakip ng bibig si Kei at humagikhik. "Ang popular mo, Sir." 

  Pumikit si Sir Santos. "Not you too." 

  Pareho kaming mga nag posing at malapad na ngumiti. Nagbilang ng tatlo bago tumuntong sa panibagong yugto ng buhay. 

Nagpaalam na may halong lungkot at saya sa aming mga labi habang kumakaway paalis sa lugar na ito. 

  Kasama ko sila Mama na naglalakad nang huminto ako sandali para lumingon sa building namin dito sa E.U. 

  Tunog ng nagbabanggaang mga halaman ang maririnig sa paligid nang malakas na umihip ang hangin. Iba't ibang boses ng estudyante gayun din ang pagtunog ng bell at announcement sa closing ng school year. 

 

  Nanatili akong nakatingala nang labas sa ilong akong ngumiti. "See you later." Bulong ko at tumalikod para muling maglakad. 

  Lumipas ang ilang araw, lumipad na papuntang California si Kei para roon na mag-aral at manirahan. Nag-aaral naman si Harvey sa bahay para makapaghanda sa exam na kukunin niya para makapasok sa malaking unibersidad na gusto niyang pasukan una pa lang. 

  Samantalang umalis naman si Jasper sa track team para mag focus sa kukunin niyang kurso sa kolehiyo, kasalukuyan siyang nag oobserba't nag-aaral sa ospital na hawak ng Villanueva. 

Si Mirriam naman, nakausap namin nung isang araw at nasabing sasabak sila sa isang event para magkaroon pa ng mas maraming karanasan sa sports na track and field. Naghahanda sla para sa malaking tournament.

  Na sa E.U naman si Reed at tine-train na mag manage ng pangkalahatang resources at operasyon na mangyayari sa skwelahan. Magkakaroon siya ng rights mag desisyon sa magiging future ng E.U. 

  At ako? Sa totoo lang, hindi ko pa talaga alam ang gusto ko kaya ilang araw na rin akong nakatulala sa kisame. Marami akong kayang gawin pero hindi ko alam kung ano o saan ako dapat mag focus. 

Iniisip ko kasi paano kung itong kinuha ko, hindi naman pala para sa akin? 

  Umismid ako at umalis sa kama para umalis sa bahay. Iniwan ko lang si Chummy sa kwarto ko dahil babalik din naman ako kaagad pagkatapos kong magpahangin.

  Isinara ko ang gate ng bahay at lumingon sa bahay nila Reed. Ang tahimik masyado. "Buti pa sila alam na nila 'yong gagawin nila." Sabi ko sa sarili ko at ibinaba ang tingin para makita ang bato. Sinipa ko iyon bago ako lumakad. 

  Dumiretsyo ako sa Green Park ng hindi nagko-commute. Naglakad lang ako papunta roon. 

Naabutan kong may mga bata, kasi nga bakasyon na rin kaya mas maraming tao sa labas. Naglakad ako at umupo sa dati kong pwesto na malapit lapit lang sa puno bilang pangsilong sa init. 

  Tumambay ako for an hour at pinapanood 'yung mga batang naglalaro sa swing habang nag-iisip ng gagawin at gusto ko pero kahit na anong gawin ko ay wala pa ring pumapasok sa utak ko kaya bumuntong-hininga na lamang ako. 

  "May problema ba? Ang lalim ng buntong-hininga mo, ah." 

  Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Paglingon ko sa kanya, laking gulat kong si Jin nga ito. "Jin." Tawag ko sa pangalan niya. 

  "Caleb." Pagtatama niya sa tawag ko sa kanya at pumunta sa harapan ko. "Yoh." Bati niya habang nakatingala lang ako sa kanya. Naguguluhan ba't siya nandito. 

  "K-Kailan ka pa nakauwi?" Nauutal kong tanong dahil nasurpresa akong nandito siya. Hindi naman sa inaasahan ko siyang magpaalam pero hindi na kasi niya iyon nagawa noong umalis ang pamilyang Garcia kaya akala ko nakapagdesisyon na rin siyang manirahan sa malayo for good at hindi na magpapakita rito. 

Dahil kumpara noon, hindi na niya ako kino-contact, pero hindi ko pa dine-delete 'yung number niya. 

  "Kanina lang. Dumiretsyo na muna ako sa condo ko." Sagot niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. 

  "Condo?" Ulit ko sa binanggit niya at namilog ang mata. "D-Dito ka ulit titira?" 

  Tumango siya bilang sagot. "Dito ako mag-aaral, dito ako titira kasi nandito ka." 

  Umurong ang ulo ko sa huli niyang sinabi. "Bakit ganyan pa naging rason mo kaya ka nandito?" Medyo iritable kong tanong na may salubong na kilay at umiwas ng tingin. "Just to clear things up, ayokong iyan ang maging dahilan mo para rito ka tumira." 

  "At bakit naman?" Tanong niya sa akin kaya ibinaba ko ang tingin. 

 

  Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi pero kung ang isang dahilan niya sa pagtira rito ay ako, mas maganda kung liliwanagin ko na sa kanya. 

Kasi kung magtatagal pa 'to, baka pareho lang kaming mahirapan. 

  Tumingala ako pabalik para tingnan siya. "I already have someone I like." Panimula ko. "And I don't want you to expect anything from me, wala akong maibabalik kasi si Re--"

  "Si Reed ang nagugustuhan mo." Pagtuloy niya sa dapat kong sasabihin kaya napatigil ako. Nawala ang ngiti sa labi niya at biglang sumeryoso. "Matagal ko ng alam, Haley. Matagal na." Sagot niya na nagpabuka sa bibig ko. "Kaya iyon ang gagamitin kong dahilan para manatili ako sa'yo." 

  Nagsalubong ang kilay ko sa naging litanya niya. "What are you saying?" Naguguluhan kong wika. Hindi ba siya nasasaktan? 

  Sumunod ang tingin ko sa kanya noong iluhod niya ang kanan niyang tuhod, pinantayan niya ako ng tingin matapos niyang iangat ang ulo niya para tingnan ako. "You are free to love him, and I am free to continue fall in love with you." Hinawakan niya ang kamay ko. "Hangga't hindi n'yo pa nagagawang ilabas 'yung nararamdaman n'yong pareho dahilan para maging imposible 'yung mga gusto n'yong mangyari" Hinalikan niya ang kamay ko. "Kukunin kita sa kanya." Ramdam ko ang hininga niya sa mga daliri ko na siyang nagpakiliti sa akin. 

  Muli niyang inangat ang tingin sa akin na may malokong ngiti sa labi niya. "Sana handa ka na." 

  Tama. May mga bagay na hindi pa natatapos. Hindi pa ito ang wakas, magsisimula lang ang panibagong kwento. 

Lara's Point of View 

  The memories I had? What is it again? It's like it is slowly drifting away as I hear the shattered piece of broken glass. It seems empty but I know there's something in there. 

  So what is it? 

  Bumungad ang katahimikan sa 'kin nang maidilat ko ang dalawa kong mata. 'Yung katahimikang halos mabingi ka? Ang sakit sa ulo. Ang sakit sa tainga. 

Blanko akong nakatingin sa puting kisame.

  Tumayo ako't lumingon-lingon para magmasid sa kapaligiran. Wala kang ibang makikitang kulay kundi puti kaya nakakasilaw kung tingnan. Ni wala man lang bintana sa kwartong ito, hindi ako makahinga.

 

  Inagaw ng puti pang bala ang atensyon ko kung saan nakapatong ito sa puting side table. Kinuha ko iyon kahit wala akong ideya kung bakit nandoon iyon at naliligaw. Lumabas ako ng kwarto suot suot ang hospital gown. 

  Huminto ako sa harapan ng pinto at binuksan iyon. Lumabas ako kaya at tumambad naman sa akin ang metal sliding and ceiling. May dalawang daan, kaliwa't kanan kaya pabalik-balik ang tingin ko. 

  "Tsk." Dumaan ako sa kanan dahil iyon ang sinasabi ng pakiramdam ko na puntahan. At habang naglalakad ako kahit wala akong ideya kung saan ako patungo, napatanong ako sa sarili ko. 

  Bakit nga ako narito? Ano'ng ginagawa ko? Sa'n ako nanggaling? 

Sino ako?

  Sunod-sunod kong tanong sa aking isipan. 

Narating ko ang parang dulo ng lugar na pinili ko kaya patakbo akong lumapit doon para lumabas. Pero tulad nung unang kwarto kung saan ako nagising, puro puti rin ang kapaligiran. White walls, curtains, and doors. Pero may bintana na ngayon dito kaya dahan-dahan akong naglakad papunta roon. 

  Sa kalagitnaan ng aking paglalakad, para akong may nakita mula sa peripheral eye view ko kaya mabilis akong lumingon doon, only to find myself looking at the mirror. 

  Maiksi ang medyo makulot-kulot na buhok na hindi bababa sa balikat habang asul at medyo singkit naman ang mga mata nung babaeng nakikita ng aking mga mata. Humawak ako sa pisngi ko. That's… me? 

  Nakarinig ako nang malakas na ihip ng hangin sa labas kaya roon naman tumuon ang atensiyon ko't lumapit sa bintana para silipin ang labas. 

Suminghap ako. 

  Hindi ang makakapal na yelo ang nagpagulat sa akin kundi ang mgamilitary vehicle na nandoon sa baba, at na sa taas ng gusali. 

Napaatras ako ng isang hakbang, hindi ko pa rin tinatanggal 'yung tingin ko sa labas. Bad news. "Nasaan…ako?" Pagkatanong ko pa lang niyan sa sarili ko ay mabilis akong lumingon. 

  Naramdaman kong may presensiya at hindi nga ako nagkakamali. Namilog ang mata ng lalaking nakatayo sa hindi kalayuan at napangisi rin. "Mukhang gising na nga ang panibagong prinsesa." 

  "Who are you?" Marahan kong tanong. Nakasuot siya ng leather clothes and gloves. Mayroon din siyang baril sa gilid nung sinturon niya kaya mas naging alerto ako.

  "Roxas." Pagpapakilala niya sa sarili niya at inangat ang baril na kinuha niya sa poketa. "I'm here to eliminate you." Wika niya. 

  Nanlaki ang mata ko at mabilis na inilagan ang balang ipinutok niya, pa-slide akong napunta sa gilid at umatras, hindi ako natamaan. Nakailag ako. "W-Wait! Why are you shooting m--" hindi niya ako pinatapos at muling pinutok ang baril sa may paahan ko.

  Tumakbo na ako para makalayo sa kanya. Dumaan ako sa isa pang pinto sa kaliwa't lumabas. 

Rinig na rinig ang mga yabag ng paa ko dahil sa metal din ang aking inaapakan at halos madapa dapang tumatakbo palayo. 

Ang mga suot kong saplot sa paa ay nawala na rin sa sobrang kabang nararamdaman. 

  Diretsyo lang ang takbo ko, bahala na kung saan ako dadalhin ng mga paa ko basta makawala ako rito sa impyernong ito. 

Binuksan at pinihit ko ang bawat pinto, nagbabakasakaling makahanap ng pwedeng malalabasan pero lahat ng aking mga nadadaanan na kwarto ay mga naka-locked. 

  Naabutan na rin ako ng taong nagngangalang Roxas, itinutok niya sa akin ang baril at ipinutok ang bala kung saan nadaplisan ang pisgi ko nang makalingon ako. Sandaling nabingi ang tainga ko sa ginawa niya kaya muli akong napatakbo. 

 

  Sumasabay 'yung malakas na pagpintig ng puso ko sa takot at kaba roon sa pagkahingal ko kaya 'di ako makapag-isip ng gagawin. Pinagpapawisan ako nang malamig. 

  Umalingawngaw sa lugar ang maingay ng bawat pag-apak nung Roxas na iyon sa inaapakan niya, hinahabol na niya ako kaya pumarahap ako ng tingin. 

  Sa harap ka lang tumingin. Sa harap! 

  Sa matulin kong pagtakbo ay ang kasabay ng panginginig ng katawan ko. Ano ang kailangan niya sa akin? Mamamatay na ba ako? 

  Pumutok ulit ang baril kaya nadapa na ako. "Ackk… Ngh…" Ibinaling ko kaagad ang tingin sa papaliko na taong iyon. Nang makaliko ay huminto siya't itinutok muli ang baril sa tuktok ng ulo ko. Handang basagin ang bungo ko. 

  When one's heart, life and very existence are in crisis, the only thing that can fend off the hostility is one's instinct to survive. 

  If I don't kill, I'll be killed. In order to survive, I must… Kill. 

  Kinasa niya sa huling pagkakataon ang kanyang baril at handa na itong iputok nang mabilis ko siyang pinatumba sa pamamagitan ng pagsipa ko sa mababang parte ng binti niya. 

  Nawalan siya ng balanse at napaupo sa metal. Tumayo ako at sinipa ang baril na hawak niya paitaas. Tumalsik iyon sa ere na siya namang isinalo ko. 

  Patalon akong umatras at inalis ang laman ng bala para palitan ng White Bullet. 

  Galit na galit akong nakatingin sa lalaking ito-- si Roxas na ngayo'y nakatingala at salubong ang kilay kung tingnan ako. Ikinasa ko na ang baril at itinutok iyon sa kanyang noo. 

  "Subukan mo." Naningkit pa lalo ang mata ko. "Isasama kita sa impyerno." 

End. 

May nagtapos, may magsisimula.

"White Bullet" is actually a spin-off story of Laraley Christine Rouge. I am planning to post her story here in Webnovel instead of posting it on Wattpad 'cause I'm thinking na magandang i-publish na lang lahat nung TJOCAM related sa Webnovel para hindi nakakalito sa mga readers. Haha!

Anyway! Thank you for reading TJOCAM 3! You may visit my facebook page, Yulie_Shiori to watch the credit video and for some announcement.

'Till next time!

Yulie_Shioricreators' thoughts