"BAKIT hindi mo sila ipag-bake ng cake, anak? Sarapan mo nang husto para tuluyan nang mapasaiyo ang puso ni Toffer." Nakangiting sabi ng papa niya, sabay tukso sa kanya. Hindi tuloy niya napigilang mapailing.
Nasa sala sila noon at nag-uusap tungkol sa nalalapit na engagement party, na talaga namang ikinaka-stress niya simula pa no'ng una. Hinanda na daw ng pamilya Lim ang lahat nang kakailanganin at naimbitahan na ang mga bisita ng pamilya—maaari din daw silang mag-imbita nang sinumang bisita since sa isang malaki at exclusive na pavilion naman gaganapin ang party.
"She knows how to bake a cake?" nakangiting tanong ng mommy ni Toffer—na magkasabay na tinanguan ng mga magulang niya at ngumiti, mukhang proud ang mga ito sa kanya. Hindi tuloy niya napigilang mapangiti—ngayon na lang uli yata niya nakitang napangiti at nag-feeling proud ang mga magulang niya sa kanya.
Ang huling pagkakaalala niya na napasaya ang mga ito ay no'ng second year at third year high school siya at nag-back to back champion siya mula sa marathon. Mahilig siya sa running sports, unfortunately natigil siya nang dalawang taon dahil sa natamong torn ACL injury ng kanyang kanang paa, dahil sa huling paligsahang sinalihan niya, kaya natigil siya nang isang taon sa pag-aaral dahil sa pagpapa-therapy ng kanyang paa, mabuti na lang at advanced siya nag-aral kaya nang nagpatuloy siya nang pag-aaral nang sumunod na taon ay kaedad niya ang mga kaklase niya.
Nagpatuloy siya sa pagpapa-check up ng kanyang paa hanggang sa tuluyan 'yong gumaling pero simula no'n ay hindi na rin siya muling sumali sa marathon dahil parang nagkaroon na siya ng phobia na muling maulit ang masakit na pangyayaring 'yon sa kanya—bukod sa naabala niya ang kanyang pamilya dahil sa injury—nawalan na din siya ng confidence para tumakbo. Kaya nga naman kahit anong pilit ng mga kaibigan niya na sumali siya sa two days sportfest sa school—three days from now—ay hindi siya gumagawa ng aksyon. Naroon na kasi 'yong takot na baka maulit ang lahat.
"That's good to hear." Nakangiting sabi ni lolo Quejaro. Oo, lolo na ang tawag niya dito since ang sabi nito ay lolo Que na lang ang itawag niya nito. Nagpapatawag ngang mommy at daddy ang mga magulang ni Toffer sa kanya, pero dahil feeling manipis naman ang mukha niya, hindi niya 'yon ginawa.
"Naalala ko nang makita at makilala ko ang lolo Luisito mo, napakamasayahin niyang tao tulad mo hija, mabilis niyang ma-please ang ibang tao at napaka-friendly. Nagkakilala kami sa isang cooking event kung saan kapwa kami manunood at nalaman ko sa kanya—na katulad ko ay mahilig din pala siyang magluto." masayang pag-aalala ni lolo Que, napangiti din siya nang bumalik sa kanyang imahinasyon ang masayahing mukha ng lolo niya. "Kaya nagulat ako nang mga sumunod na linggo ay nagkita kami at nagkaharap sa isang cooking contest sa magkalabang paaralan. Naalala ko pa nga ang premyo noon ay magagantipalaan ng scholarship program sa isang cooking school. Pareho kaming natuwa nang malaman namin magkatunggali kami, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari—ayaw gumana nang lutuan ni Luisito and sadly ay wala nang reservedna magagamit ang naroon, kaya out na siya—ngunit in-offer ko ang pwesto ko para sa kanya. Oo at nagalit ang mga kasamahan at guro ko, pero ramdam kong mas deserve niya ang mapasali doon, dahil sa nakikita kong dedikasyon at pagmamahal nito sa pagluluto. Saka may pera naman ng mga magulang ko at kayang-kaya akong suportahan sa pag-aaral ko—samantalang siya ay walang-wala, kaya I gave up mine for him. And gladly, nagbunga ang pagpaparaya ko nang i-announce ng host na siya ang first place sa cooking contest na 'yon at isa na sa mga scholar ng event. He was very thankful and happy."
Nagpatango-tango siya. At doon na nga nagsimula ang lahat; nakapag-aral ang lolo niya sa isang magandang paaralan at nagsumikap na itayo ang tasty pastry—sa tulong ni lolo Quejaro. Hindi niya naiwasang humanga sa lolo ni Toffer, ibinigay nito sa lolo niya ang dapat ay dito, na-touch siya pati na ang mga magulang niyang tila ngayon lang din nalaman ang tungkol doon.
"Simula no'n ay naging matalik kaming magkaibigan, nagpapalitan ng mga ideya sa pagluluto at mga recipes. Hanggang sa pareho naming naisipang magpatayo ng pastry shop at pinangalanan 'yong 'sweet pastries'. Ngunit dahil pakiramdam niya ay masyado na siyang umaasa sa akin, nang makapag-ipon siya ng pera ay nagpatayo siya ng sarili niyang pastry shop—hindi naman kami naging magkatunggali dahil malayo ang lugar ng mga pastry shops namin." Masayang kuwento ni lolo Que. "Nawili ako sa pastry shop ko kaya nakalimutan kong may obligasyon pa rin ako sa mga magulang ko bilang isang anak, kaya nag-aral ako ng business management at tinulungan ang pamilya ko sa iba pang mga business namin. Ipina-manage ko sa pinaka-magaling kong pastry chef ang sweet pastries at naging maayos naman ang naging takbo ng lahat. Hindi kami nawalan nang komunikasyon ni Luisito hanggang sa dumating ang araw na nagka-pamilya kami at doon ngay nagkasundo kaming ipares ang mga anak namin, para hindi na kailanman maputol ang koneksyon naming dalawa. Nakakalungkot lang dahil parehong lalaki ang naging panganay namin, hanggang sa ipasa na lamang ang kasunduang 'yon sa sumunod na henerasyon—na kung saan ay kayo na—Toffer at Chynna." masayang kunweto ni lolo Que. "Pero dumating ang nakakalungkot na balitang nagwasak sa aking puso—naatake sa puso ang lolo mo at binawian ng buhay, ten years ago." Naging malungkot ang hitsura ng matanda sa pagkukuwento nito. At nang sumunod na taong din 'yon ay binawian din ng buhay ang lola Maricel niya—na asawa ng lolo niya.
Nakakamiss din ang pagiging masayahin at nakakatawa niyang lolo. Ang mga luto, pastries at ang mga kuwento nito. Masaya siyang malaman na kahit wala na ang lolo niya, pakiramdam niya naroon pa rin ito dahil sa matalik nitong kaibigan na si lolo Que, kaya pala mukhang pamilyar na sa kanya ang matanda dahil nakikita na niya ito sa mga larawan kasama ng lolo niya at sa libing mimso ng lolo niya, ten years ago.
"But I really had a great time with your lolo, so, I'm hoping that you two could get along well. Ayaw maging pastry chef nitong si Toffer dahil mas mahilig siya sa chemistry, no'ng nasa elementary nga ang batang 'yan, kabisado na niya lahat ng mga elements sa periodic table." Natatawang pagkukuwento ng matanda. "Gano'n din sa isa ko pang apo, na nahilig naman sa mga marine creatures palibhasa mahilig manood 'yon sa National Geographic no'ng bata pa." marahil ang tinutukoy ng matanda ay si Emir.
Saglit pa silang nagkakuwentuhan tungkol sa buhay-buhay hanggang sa utusan siya ng mama niya na magsimula nang mag-bake ng cake na ipinagmamalaki nito sa pamilya Lim, na mabilis niyang tinanguan. Tumayo na siya sa kinauupuan niya para magtungo sa kusina, inihanda na niya ang kanyang mga kakailanganin at mga ingredients.
Nagulat pa nga siya nang makita niya si Toffer na nakatayo sa pintuan at pinapanood siya. "Bakit?" tanong niya, habang nagsisimula na siyang ihalo ang mga ingredients sa malaking bowl.
"I'm just curious on how you bake a cake." Sabi nito, saka ito lumapit sa kanya. "Masarap 'yong cake na ginawa mo last time."
Biglang kumabog ang puso niya sa sinabi nito. "T-Talaga?" hindi makapaniwala niyang tanong na mabilis nitong tinanguan.
"And you were supposed to give that to Emir." Nahimigan niya ang pag-iiba ng tono ng boses nito. "Sobra lang kasi akong adik sa chocolate cake." Pag-amin nito, saka ito nag-iwas ng tingin.
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. She felt overwhelmed and shocked dahil unang beses niyang marinig na purihin siya nito. Mabuti na lang at napigilan niyang mapangiti, baka kasi isipin nito na ang babaw niya.
Pero at least kahit sa gano'ng paraan ay nagka-ceast fire sila—hindi siya pinipikon nito at hindi siya pikon dito. May maganda rin palang naidudulot ang pagbi-bake niya ng cake, mabuti na lang at kahit nahirapan siyang natutunan 'yon ay nagbunga pa rin.
"My mom also loves to bake," imporma nito habang nanunood sa kanyang ginagawa. "Ang tita ko na kapatid ni mommy ang may-ari nang pinagbilhan mo ng cake sa school, last time." Imporma nito na ikinagulat niya, kaya pala ayaw nitong bumili ng cake sa iba dahil pag-aari 'yon ng tita nito.
"Nasubukan mo na bang mag-bake?" Kapagdaka'y tanong niya.
Tumango ito ngunit napakamot ang ulo. "That's why I gave up."
"Agad-agad?" natatawang sabi niya. Ngayon alam na niya, kahit pala almost perfect na isang tao—tulad ni Toffer ay may imperfection pa rin. "Okay, tutulungan kita!"
"Okay." Sa wakas sa tinagal-tagal nang oras na kasama ito ay nakita na rin niyang ngumiti; tila nagliwanag ang madilim na kalangitan at nagsi-awitan ang mga anghel sa langit. Nai-glue na yata ang mga mata niya sa lalaki dahil parang ayaw na niyang maalis ang pagkatitig sa guwapong mukha nitong nakangiti sa kanya. "I don't know why baking hates me." Nahihiyang sabi nito. Kahit pati ang shy look nito ay napaka-cute.
Kung improvement ang tawag sa nakikita niyang pagbabago nito ng anyo—mula sa unemotional and cold-hearted guy into a shy-looking and smiling guy—then, nag-improve na ito! Kailangan yata niyang magtirik ng kandila dahil sa pangyayaring ito.
Sa labis na tuwa niya ay dumukot siya ng harina sa kanyang lalagyan at mabilis 'yong ipinunas sa mukha ng binata. Mabilis itong bumaling sa kanya at napakunot-noo, muli ay hindi niya naiwasang mapangiti—nagkakaroon na ito ng iba't ibang emosyon. Gusto pa niya makita ang iba't ibang emosyon nito. Muli siyang dumukot ng harina at mabilis na inilagay sa buhok nito saka tumawa.
"Mas matanda ka nang tignan kay lolo Que." Natatawang sabi niya, saka siya mabilis na tumakbo sa kabilang mesa—ngunit nagulat siya nang mabilis hinipan ni Toffer ang harina na itinago nito sa isang kamay nito, sa kanyang harapan—nakaroon tuloy siya ng instant pulbo.
Napabusangot siya dahil nakaganti agad ang mokong, pero mas nagulat yata siya nang marinig niya ang malulutong na halakhak ni Toffer kaya napatitig siya dito—tawang-tawa ito sa hitsura niya—kaya mabilis siyang nanalamin sa malaking aluminum container na nasa tabi niya—napailing siya nang makita niya ang sarili—mukha na pala siyang human espasol!
Hindi pa rin tumitigil sa pagtawa ang binata hanggang sa maagaw na nila ang atensyon ng pamilya nila na nasa sala. Sabay-sabay na nagtungo ang mga ito sa kusina at naabutan sila ni Toffer na naglalagayan ng harina sa mukha.
"Mama, papa, akala ko ba inutusan niyong mag-bake ng cake si ate, e mukha namang mas nag-eenjoy siya sa pakikipagkulitan sa magiging son in-law ninyo." Narinig niyang sabi ng kapatid niya, kaya mabilis niya itong pinuntahan at pinulbuhan ang mukha nito ng harina na ikinatili nito—maarte kasi ito at ayaw nito nang nadudumihan, kaya gumanti ito at hinabol siya para maghigante.
Nagkasundo tuloy ito at si Toffer na magkaisa para puksain siya. Naging teammate ang dalawa. Hinuli siya ni Toffer at mabilis na niyakap—saglit siyang naestatwa sa kakaibang kuryenteng gumapang sa buong katawan niya at hindi na maawat ang mabilis na tibok ng kanyang puso, na hiniling niyang sana ay hindi marinig ng lalaking nakayakap sa kanya, gustuhin man sana niyang kumawala—kaso pakiramdam niyang nanghihina na ang kanyang katawan lalo na ng kanyang mga tuhod, dahil nahigop na yata lahat ng binata ang kanyang lakas—hindi tuloy niya napansin na nakapuwesto na si Pen-pen sa kanyang harapan at muli siyang pinulbusan nang makapal na harina sa mukha. Sa huli ay tawa nang tawa ang lahat.