Hanggang sa binitiwan siya ng lalaki ay ramdam pa rin niya ang mga bisig nito na nakabalot sa kanyang katawan, mabuti na lang at unti-unti rin niya naiwala ang kakaibang damdaming 'yon, dahil sa masayang tawanan.
"Sayang ang harina, mga bata kayo!" nakakamot sa ulo na sabi ng papa niya, na mabilis na inawat ng mama niya. "Naku ang mahal pa naman ng harina sa palengke!"
"Hayaan mo na mahal, kapag nakapag-graduate si Chyn, ibibili ka niyan ng unlimited harina." Natatawang sabi ng mama niya, saka nito niyakap ang papa niya. Nakita niyang natawa na lang din ang pamilya ni Toffer na nanunood sa kanila.
Kahit nagkulitan sila, sa huli ay nakatapos pa rin sina Chyn at Toffer ng isang masarap na chocolate cake—si Toffer bilang taga-bate ng magkakahalong ingredients. And it was so perfect! Nakipag-high five siya kay Toffer na game na game naman sa kanya—at the same time ay takam na takam na rin sa cake na ginawa nila.
NASA canteen noon mag-isa si Chyn habang hinihintay ang mga kaibigan niya, maaga kasi siyang dumating nang araw na 'yon dahil may gusto siyang abangan—ang guwapong mukha ni Toffer! Napailing siya at tinampal ang kanyang noo—what was that sudden change of heart? Kailan lang ay dead na dead siya sa pinsan nito—ngayon ay sa pinsan naman ng dati niyang crush, naku, malala na siya!
Pero wala naman sigurong masama doon, 'di ba? Saka may ibibigay lang naman siya sa lalaki—'yong chocochips na ginawa nila ng papa niya kanina, ni-rush niya 'yon para ipatikim sa pastry addict na si Toffer!
"Sa 'yo ba ang panyong ito?" mabilis na nag-angat ng mukha si Chyn sa lalaking nag-aabot sa kanya ng panyong nahulog sa kanyang paanan. At nagulat siya nang bonggang-bongga nang makitang si Sandro Emir Lim 'yon!
He is still as handsome as ever pero ang weird dahil hindi na kasing bilis nang dati ang tibok ng kanyang puso kapag nakikita ito. Kikiligin dapat siya dahil bukod sa ito ang second exclusive face to face encounter nila ng binata—ay pinulot pa nito ang panyo niya. 'Anyare?
"Thank you." Masayang wika niya, saka niya dahan-dahang kinuha ang panyo inaabot ng binata.
Ngumiti ito. "Mind if I join you?" sabi pa nito. Gosh! Fan na fan pa rin siya ng lalaki at natutuwa siyang makita—and for the first time ay makasama ito. May nakapa siyang excitement sa puso niya, pero hindi na 'yon kasing intense noon. But still an Emirians! "Ikaw 'yong girl last time, na nagsabing fan na fan ko, 'di ba?" nakangiting tanong nito.
Mabilis siyang tumango at ngumiti dito. "Naaalala mo pala ako."
Tumango ito at ngumiti. "Of course! And you are also friends with my cousin."
Tumango din siya. "Napapanood ko ang lahat ng mga song covers and original songs na in-upload mo sa FB account mo. Sobrang galing mo!" puri niya dito.
"Thank you. Ahm, waiting for someone?" tanong nito.
Tumango siya at ngumiti. "Yes, mga classmates ko na fan na fan mo din." Imporma niya na ikinangiti nito. Mabuti na lang at wala 'yong mga asungot na fangirls nito, kaya solo niya ang binata. "Kailan ka uli magkakaroon ng original composition? Gustong-gusto namin ng mga classmates ko ang mga songs mo." Nakangiting sabi niya.
"Malapit na." Nakangiting sabi nito. Nagulat na lang siya nang bigla nitong hawiin ang buhok na tumabing sa kanyang mukha.
"S-Salamat." Nahihiyang sabi niya.
Tumango-tango naman ito. Nagpaalam na ito sa kanya ngunit bago pa ito tuluyang umalis ay lakas-loob siyang humingi nang larawan kasama ito na mabilis din nitong pinagbigyan. Bibigyan nga dapat niya ito ng chocochips na ginawa nila ng papa niya, kaya lang ay naka-sealed na 'yon nang bongga para kay Toffer.
Nakangiti niyang nabalingan si Toffer na noon ay nakangitin sa kanya, mabilis siyang tumayo at kumaway dito—ngunit nagulat na lang siya nang nilagpasan lang siya nito at hindi pinansin.
Napakunot-noo tuloy siya. Bumalik na naman ba ang unemotional and cold-herarted Toffer? "Ano'ng nangyari do'n?" nagtatakang tanong niya.
Mabilis niya itong sinundan papunta sa Science building ngunit naabutan niya ito kasama at kausap si Reneé, sa entrada ng building. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito at nagtago sa malagong halaman sa tabi ng dalawa.
"I'll be leaving next week for the competition." Narinig niyang sabi ng babae.
Nakita niyang tumango si Toffer. "Good luck."
Tipid na ngumiti ang babae at tila nalungkot ang magandang mukha nito. "You know Toffer, until now, I'm still wodering if what happened to us? The old and happy Toffer and Reneé?" tanong ng babae. "Masyado ka yatang abala sa kasunduan ng lolo mo sa pamilya ng babaeng ipinagkasundo sa 'yo."
Saglit siyang nagulat bago agad na nakabawi. Akala ba niya ay bawal malaman ng iba ang sikreto nilang 'yon? Bakit alam 'yon ni Reneé? Sinabi ba ni Toffer dito? Ganito ba kahalaga ang babaeng ito sa binata para ipaalam ang pinakatatagong sikreto nila? Ano ba ni Toffer si Reneé?
"Miss, ano'ng ginagawa mo dyan?"
Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na suminyas na tumahimik ang lalaking nasa kanyang likuran—pero huli na ang lahat dahil naagaw na niya ang atensyon ng dalawang nag-uusap.
"Chynna Lee?" ani Toffer, kaya mabilis siyang tumayo at nagpaalam sa mga ito. Ngunit hindi pa man siya gaanong nakakalayo nang may pumigil sa kanyang braso—scent pa lang nito ay kabisado na niyang si Toffer 'yon kahit hindi na niya lingunin.
"Sorry na, nakaistorbo ako sa inyong dalawa ng girlfriend mo." Aniya, sabay bawi sa kanyang braso.
"What?" malamig na tanong nito.
Dahan-dahan siyang bumaling sa lalaki. "Wala."
Umiling ito. "Reneé is a very good friend of mine."
"Okay," patango-tango niyang sabi. Hindi naman nito kailangang mag-explain dahil kayang-kaya niyang basahin ang mga kilos at eye expression ng babae kanina—the girl is love with this man! "Don't worry, hindi ako magsusumbong o hindi kita bibigyan ng consequence dahil lumabag ka sa kasunduan natin."
"Lumabag?"
"Sinabi mo ang sikreto natin sa 'kaibigan' mo!" diniinan niya ang salitang kaibigan.
"I didn't say anything to her." Anito, saka ito napabuga ng hangin at saglit na hindi nakapagsalita. Kaya nagulat siya sa sunod na naging rebelasyon nito. "Okay, Reneé was my ex-girlfriend and we broke up several months ago."
Sa gulat din niya ay hindi siya kaagad nakapagsalita. "Isa ba sa dahilan nang paghihiwalay ninyo ni Reneé ang kasunduang ito?" aniya, at nakita niyang dahan-dahan itong tumango. "Pwede mo namang kausapin ang pamilya mo tungkol dito!"
"Hindi na pwede."
"Why?"
"Hindi lang naman sa kasunduang ito ang dahilan." Imporma nito sa kanya. "Her family wants her to prioritize her piano career." Nalungkot ang guwapo nitong mukha—this is a new emotion for Toffer—pero ayaw niyang makita itong malungkot!
Then, should she make a move?