Ang pag-ibig,
Hindi lang basta isang emosyon na nararamdaman.
Kundi isang desisyon na dapat panindigan.
Sa PAG-IBIG,
hindi mo na kailangan intindihin ang iniisip ng iba.
Dahil ang mahalaga ay MAHAL n'yo ang isa't isa.
LOVE DOESN'T MEAN
- dapat ganito ka
- dapat ganyan ka
- gusto ko ganito ka
- gusto ko ganyan ka
LOVE SHOULD MEAN
- kahit ganyan ka
- kahit ito ka
- kahit ano ka pa
Pinakamagandang nangyari sa buhay ko ay ang mahanap,
makasama, at maging akin ang taong mahal ko.
'Wag ka maghanap ng taong makakaintindi sa'yo.
Ang hanapin mo 'yung taong kahit hindi ka naiintindihan,
hindi ka pa rin iniiwan.
Ang tunay na PAG-IBIG?
Yun yung di mo alam kung
bakit mo siya nagustuhan
pero MINAHAL mo siya sa di
mo maipaliwanag na DAHILAN.
Nang dumating ang ambulance na sinasakyan nila Nico at Hayley sa ospital ay diniretso agad siya sa Emergency Room, kinuhanan ng dugo pagkatapos ay muling tinahi ang sugat niya dahil bumuka ito. Nagpasalamat at nakahinga ng maluwag ang mga kaibigan ni Hayley ng makita nila ang dalaga. Sila Leo at Rose ay nilapitan naman ang anak na naiwan sa labas ng Emergency Room. Nang matapos ang doctor sa pagtahi ng sugat ni Hayley ay sabay na din lumabas ang resulta ng kanyang blood test. Nagpasalamat sila ng sabihin ng doktor na mababa man sa normal ang kanyang blood count ay hindi naman kailangan salinan ng dugo pero under observation pa din siya sa mga susunod na araw. Matapos bihisan ng hospital gown, kabitan ng swero, at i-check muli ang vitals ay inaakyat na si Hayley sa private suite nito. Dahil alam naman ng lahat na kailangan ng pahinag ni Hayley ay nagsiuwi na din ang mga ito pagkatapos maihatid sa kwarto ang dalaga.
"Anak kami muna ni Daddy mo ang magbabantay kay Hayley. Umuwi ka para makapagpalit at makapagpahinga na din." Sabi ni Rose sa anak. "Mom, I'm okay. Dadalan ako nila Jacob at Grey ng damit. Kayo ang umuwi ni Dad para makapagpahinga. Ayokong iwan si Hayley, gusto ko paggising niya ay nasa tabi niya lang ako." Tinapik ni Leo ang asawa na parang sinasabing hayaan na ang anak sa gusto nito. At ganoon nga ang ginawa ng mag-asawa. Umuwi sila pero nangakong babalik kinabukasan.
Nang makaalis sila Leo at Rose ay dumating naman sila Jacob at Grey at gaya ng sabi ni Nico ay may dala nga itong damit na kanyang pampalit. Pagkatapos makapaglinis ng katawan si Nico ay lumabas na sila Jacob at Grey para bigyan ng privacy ang dalawa.
Dahil ayaw ni Nico na magising ang dalaga, kumuha na lang siya ng silya at umupo sa gilid ng kama ng dalaga. Dahan-dahang kinuha ang kamay nito para hawakan. Pinagmasdan ni Nico ang magandang mukha ni Hayley at muling nagsabi ng pasasalamat sa Taas dahil ligtas ito. Dahil na din sa pagod ay hindi namalayan ni Nico na nakatulog siya.
Nang magising si Nico ay bigla siyang kinabahan dahil ang kamay na hawak niya kanina lang ay wala na sa kanyang kamay. Pagtingin niya sa higaan ay lalo siyang kinabahan dahil wala ang dalaga sa kama. Lalabas na sana siya para tawagin ang mga bodyguards ng bumukas ang pinto ng CR. Bigla niyang tinakbo ang dalaga at niyakap ng mahigpit.
"Aray,aray, 'yung sugat ko, Nic." Sabi ni Hayley na halos hindi makahinga sa yakap ng binata. "Sorry, sorry." Hinging paumanhin naman ng binata at binitiwan ang dalaga pero hindi tuluyang lumayo dito. Nakita ni Hayley ang mukha ng binata na wala halos kulay. "Okay ka lang?" Tanong ni Hayley na hinaplos ang pisngi ng binata. "Okay lang ako. Natakot lang ako kanina, akala ko..." Sabi ni Nico na ikinangiti ni Hayley. Hinawakan ni Hayley ang kamay ng binata at inakay ito pabalik sa kama. Tinulungan siya ng binata para makahiga. Nang umusod si Hayley at tapikin ang bakanteng pwesto ay nangiti si Nico. Maingat siyang tumabi sa dalaga pagkatapos ay maingat ding niyakap ito.
"Hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni Nico at ramdam niya ang pag-iling nito. "Nic..." Tawag ng dalaga sa binata at isang "hhhmmm" ang sagot naman nito sa kanya. "Ano'ng mangyayari kay Brittany?" Ramdam ni Hayley ang pagbuntong-hininga ni Nico. "Kung ako lang ang masusunod ay baka wala na siya dito." Biglang tumingin si Hayley kay Nico. "Dahil baka pinatapon ko na siya sa malayong lugar na hinding-hindi na makakabalik dito kahit kailan." Bigla naman napaigtad si Nico dahil sa pagkurot sa kanya ng dalaga. "Can I see her?" At isang mabilis na "No!" ang sagot ni Nico. "I want to see her." Sabi ni Hayley. "What for?" Takang tanong ni Nico. "I want to talk to her. She's also a victim here." Sabi ni Hayley. "After everything she had done to you? Wow, ano ba 'tong girlfriend, angel o saint?" Muli na naman napaigtad si Nico dahil nakurot na naman siya ng dalaga. "I'll ask Levi kung pwede kasi ngayon ay nasa custody na siya ng mga NBI at pinagbilin ni Fin ang mahigpit na pagbabantay sa kanya." Sabi ni Nico. "Thank you." Nakangiting sabi ni Hayley. "Anything for my angel." Sabi naman ni Nico sabay halik sa noo ng dalaga. "Sleep now, siguradong madami magugulo bukas." Sabi ni Nico. "Nagugutom ako." Biglang sabi ni Hayley. "Okay, what do you want?" Tanong naman ng binata. "Your kisses." Ngumisi naman ang binata at dahil nagugutom ang kanyang pasyente ay malugod niya itong pinagbigyan.