I Love You Now and Forever
You are my king and my prince.
You are my knight and shining armor.
We have so much in common.
I am so glad we like the same things
like going out to eat at romantic restaurants like Morton's
and watching movies.
I can't believe you were ever shy but
I am glad you broke out of your shell before you met me.
I know you have been hurt in the past and
I will never hurt you like that.
I am yours and you are mine forever and always.
I want to die loving you.
I want you to be the last man I ever kiss.
I hate that we broke up that one time but
I think it made up realize what we lost.
I cherish each and every day with you.
You are the first thing I think of in the morning
and the last thing at night.
I love to hear your luagh,
see you smile and watch you eat.
You have a way about you.
You are irresistible to me and
I don't know how anyone could let you go.
I know I never will.
I didn't used to be romantic but you bring it out of me.
You have taught me so much and I admire your strength.
The thing I love most about you is how you can change my mood from sad to happy.
I love going places with you like weddings, the beach, and walking.
I am yours for as long as you will have me.
Love always,
- Unknown -
Hindi magkamayaw ang bisita ni Hayley pagtilaok pa lang ng manok. Gaya noong una ay nag-stay ang iba sa labas ng kanyang suite room dahil hindi sila kakasya sa loob. Kakamustahin lang muna si Hayley saka lalabas para bigyan ng pagkakataon ang iba. Halos lahat ay galing sa kani-kanilang bahay pagkatapos ay dadaan sa ospital saka dederetso sa Kleid para naman magtrabaho. Kahit naman wala ang presidente nila ay hindi sila nagpapabaya sa trabaho imbis ay mas pinagbubuti pa nila para kahit papaano ay makatulong sila sa mga problemang kinakaharap nito patungkol sa babaeng minamahal.
Halos mamula na ang mga mata ni Hayley dahil sa kakaiyak dahil kila Ashley, Lily, Amanda, at Quinn. Walang ginawa ang lima kungdi mag-iyak simula ng magkita-kita. Inaalo na ni Fin si Amanda dahil makakasama sa batang dinadala ang pag-iyak. Ganoon din si Dashiell sa asawang si Quinn. Si Nico naman ay walang tigil sa pagbigay ng tissue kay Hayley at ang paghimas nito sa likod ng dalaga para lamang kumalma.
"Kapag hindi kayo tumigil sa kakahagulgol ay palalabasin ko na lamang kayo dito ng sapilitan." Seryosong sabi ni Leo dahil ang asawang si Rose ay wala ding ginawa kungdi ang suminghot dahil nahahawa sa lima. Para namang mga bata na nagsiayos ang limang babae. Iiling-iling ang mga kalalakihan dahil isang salita lamang ng matandang Bermudez ay nagsitigil na sila.
Mabilis na lumipas ang mga araw at pinayagan na si Hayley na makalabas ng ospital. Dapat ay pagkatapos lamang ng tatlong araw ay pwede na siyang makauwi pero hindi pumayag ang mga Bermudez lalo na si Nico kaya nagstay pa siya ng halos isang lingo sa lugar. Matapos ma-settle ang bill ay sumakay na ang dalawa sa kotse ni Nico. Nagtaka si Hayley dahil wala man lang kahit isa na sumundo sa kanya. Kahit naman sa buong linggo na pagstay niya sa ospital ay lagi niyang kasama ang mga kaibigan pero hindi niya maiwasan na hanapin din ang mga ito lalo ngayon na pauwi na siya.
"Nasaan sila Ashley at ang iba?" Hindi natiis ni Hayley na hindi magtanong kay Nico na para namang nabigla sa tanong niya. "Ah...eh...busy kasi sila." Maikling sagot ng binata. "May upcoming event ba ang Kleid?" Muling tanong ni Hayley. "Ah...oo...oo." Nagtaka si Nico dahil sa kakaibang kilos ng binata na para bang may itinatago sa kanya. Napostponed ang kasal nila Fin at Amanda dahil na din sa pagmamatigas ni Amanda dahil sa nangyari sa kanya kaya para hindi na mapunta pa sa pagtatantrums ng pinsan ay pumayag na din siya na next year na lang pagkapanganak ni Amanda ituloy ang kanilang kasal. Maliban sa maliliit na projects na ang mga junior fashion designers ang humahawak, wala siyang alam na big event na i-hold ang Kleid. "May problema ba, Nic?" Tanong ng dalaga. "Wala naman, wala naman." Sagot ng binata. "May tinatago ka ba sa akin?" Muling tanong ni Hayley. "Wala ah, wala." Hindi makatingin sagot ni Nic. "Nicholas Bermudez!" Seryosong sabi ni Hayley. "Nothing serious, my angel. Kinakabahan lang ako, okay?" Pag-amin ni Nico. "Ha? Bakit?" Nag-aalala namang tanong ng dalaga. "Later, my angel, later." Nakangiting sagot ni Nico. Dahil pinaandar na ni Nico ang kanyang sasakyan ay tumahimik na si Hayley. Alam naman niyang sasabihin din ni Nico ang dahilan kung bakit ito kinakabahan.
Kumunot ang noo ni Hayley ng ang kanilang dinadaanan ay hindi ang papunta sa kanilang condo. "Where are we going?" Tanong niya. "Home." Maikling sagot ni Nico. "Pero okay na ang lahat, pwede na akong mag-stay ulit sa condo kasama sila Ashley at Lily." Sabi ni Hayley. "I don't think so. Nasa pangalan na ni Ashley ang condo ninyo dati. Yung condo ko naman ay nasa pangalan na ni Lily so I doubt papayag ang dalawa na makitira ka pa sa kanila." Nakangiting sabi ni Nico na sinulyapan siya sandali pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa daan. "So, you mean that I homeless right now?" Tanong ni Hayley na ikinatawa ni Nico pero sandali lang ang tawa niya dahil nakatanggap siya ng malakas na hampas mula sa dalaga. "Battered husband yata labas ko nito ah. Noong una puro kurot lang, ngayon may hampas na. Baka naman sa susunod suntok na 'yan, my angel." Nakangising sabi ni Nico pero inirapan naman siya ni Hayley. "Nakakatawa ba kasi ang pagigiging homeless ha?" Pagmamaktol na sabi ni Hayley. "Sino ba kasi ang may sabi na homeless ka ha?" Nakangiti pa ding tanong ni Nico. "Kasasabi mo lang na kay Ashely at Lily na nakapangalan ang condo so saan na ako titira ngayon ha?" Mataray na sabi ni Hayley. "Later, my angel, later you will see." Malambing na sabi ni Nico. "Ewan ko sa'yo. Later mo mukha mo!" Hinayaan na lang ni Nico na magtampo sa kanya ang dalaga kaysa magtanong pa ito ng magtanong. Mahirap na at baka mabuko pa siya.