#TheBrokenMansGame
IKAAPAT NA KABANATA: ANG MASAKIT NA PAGHIHIWALAY AT ANG PAGSISIMULA NG MATAMIS NA PAG-IIBIGAN NA PUNO NG KASINUNGALINGAN.
"A-Ano? Gusto mo na makipaghiwalay sa akin?" pag-uulit na tanong ni Anton kay Diana. Nangingilid na ang luha nito sa gilid ng kanyang mga mata. Nasasaktan kasi siya.
Napataas ng kaliwang kilay si Diana habang nakatingin kay Anton. "At kailan ka pa nabingi huh Anton? Bakit hindi ko man lang nalaman?" mataray na taong ni Diana. "Oo… Gusto ko na maghiwalay tayong dalawa…"
"Pero bakit? Alam mo naman na mahal na mahal kita at lahat naman ay binigay ko sayo kahit mahirap… Bakit mo sa akin ito nagagawa?" tanong ni Anton.
"Alam ko na mahal mo ako pero ako… Hindi ko na alam kung mahal pa rin kita… Saka gusto mo pa na ulit-ulitin ko sayo ang dahilan ko kung bakit ko gustong makipaghiwalay sayo? Ilang daang beses ko uulitin sayo para marinig mo ng mabuti?" mataray pa rin na sabi nito.
Napatitig si Anton sa mga mata ni Diana. Mas lalo siyang nasaktan sa nakita sa mga mata nito… Wala nang pagmamahal para sa kanya na makikita rito.
Umiwas ng tingin si Diana. Aminado rin naman siya na kahit siya ay nasasaktan sa ginagawa niyang ito kay Anton pero ito na rin siguro ang tamang gawin. Iyon ay para sa kanya.
"Ganun na lang ba kadaling itapon sayo ng lahat ng meron tayo huh Diana? Ganun na lang ba kadali sayo na itapon na para lamang basura ang ating mga pinagsamahan?" tanong ni Anton.
Muling napatingin si Diana kay Anton. "Ikaw na rin ang nagsabi… Ang lahat ng meron sa ating dalawa at ang lahat ng alaalang pinagsamahan natin, isang basura lamang na dapat ng itapon at hindi na dapat itago pa…" matigas na sabi ni Diana.
Napapikit ng mata si Anton. Parang matatanggal na sa pagkakakabit ang kanyang puso dahil parang bibigay na ito sa kinalalagyan nito. Sobrang sakit ng mga pinagsasabi ni Diana. Libo-libong kutsilyo ang humihiwa at milyon-milyong karayom ang parang tumutusok ngayon sa kanyang puso.
"Dapat pala hindi na kita minahal ng ganito katindi kung sasaktan mo rin pala ako sa huli…"
"Sinabi ko bang mahalin mo ako ng ganyan katindi huh Anton? Sinabi ko ba? Ikaw ang nagmahal sa akin kaya huwag mo akong sisihin kung nasasaktan man kita ng ganyan…." Sabi kaagad ni Diana.
Nagpanting ang magkabilang tenga ni Anton dahil sa narinig mula kay Diana. Napataas ng kanang kamao si Anton para sana suntukin at saktan si Diana pero napahinto ang mga kamao nito sa pagdapo sa mukha ni Diana.
"Ano? Sasaktan mo ako? Sige saktan mo ako para makaganti ka rin sa sakit na ibinibigay ko sayo ngayon… Pero Anton… wala na akong magagawa kung nasasaktan man kita ngayon. Hindi ko gustong masaktan ka pero ito na rin siguro ang mas mainam na gawin, ang maghiwalay na tayo tutal wala na rin namang patutunguhan ang kung ano mang meron sa ating dalawa…" sabi ni Diana.
Dahan-dahang ibinaba ni Anton ang kanyang kamao habang nakatitig pa rin kay Diana. Bakit ganun? Kahit na labis-labis na sakit na ang binibigay sa kanya ng babaeng minamahal at kahit na gustong-gusto niya rin itong saktan para maiparanas rin rito ang sakit na gaya ng nararamdaman niya, hindi niya magawa.
"Sabihin mo nga sa akin Diana… Kaya ba gusto mo nang makipaghiwalay sa akin kasi… may iba ka na? Kaya gusto mo ng makipaghiwalay sa akin kasi para maging malaya na kayo ng lalaking kinalolokohan mo ngayon? Para hindi ka na rin makonsensya na niloloko mo ako?" seryosong tanong ni Anton.
Hindi nagsalita si Diana. Umiwas lamang muli ito ng tingin sa kanya. Muli siyang napapapikit ng mga mata. Mukhang ang ibig sabihin ng pananahimik nito ay totoo ang sinasabi niya. Napabuntong-hininga si Anton.
"Sigurado ka na ba na ito ang gusto mo? Gusto mo na ba talagang makipaghiwalay sa akin?" tanong ni Anton.
"Anong sa tingin mo Anton? Anong sa tingin mo?" sabi ni Diana at tinitigan sa mga mata si Anton.
Napapikit ng mga mata si Anton. Pinipigilan ang sarili na tumulo ang kanyang kanina pang pinipigilang luha. Ayaw niya na makita ni Diana ang pagtulo ng kanyang luha. Kitang-kita na nga sa kanya na nasasaktan na siya, hahayaan pa ba niya ang kanyang sarili na maging kaawa-awa sa mga paningin nito?
Muling idinilat ni Anton ang kanyang mga mata. Tumitig muli kay Diana. Kitang-kita sa mga mata nito ang matinding sakit.
"Isang tanong na lang Diana… Hindi… mo… na… ba… ako… mahal? Wala… na ba… talagang… halaga… para… sayo… ang… lahat… nang… pinagsamahan… natin?... Kahit… na… katiting… lang,… wala… na… ba… talaga… akong… halaga… para… sayo?" nahihirapang wika ni Anton.
"Gusto mong malaman ang totoo?... Sige… Wala na… Kaya huwag na nating pahirapan pa ang ating mga sarili lalo ka na, huwag mong pahirapan ang sarili mo. You need to move on at huwag na akong isipin pa…" matigas na sabi ni Diana.
Muling napapikit ng mga mata si Anton. Pinipigilan ulit maiyak. Pamaya-maya, idinilat muli nito ang mga mata at muling tumitig kay Diana.
"Kung ito ang gusto mo… Sige. Pumapayag na ako…"madamdaming sabi ni Anton. "Mahal na mahal kita Diana… Mahal na mahal kita at gustong-gusto ko na magmakaawa sayo na huwag mo akong iwan ng ganito pero may natitira pa rin naman akong pagmamahal at pride para sa sarili ko na ayaw kong lunukin ng dahil lamang sayo… Pride na lamang ang meron ako ngayon at ayoko na mawala pa sa akin iyon…" sabi pa ni Anton. "Sige… Kung 'yan ang gusto mo… Malaya ka na… Maaari mo na akong iwan at huwag na huwag ka nang babalik pa sa buhay ko…" sabi pa nito at umiwas na nang tingin kay Diana.
Narinig na lamang ni Anton ang tunog ng paglalakad ni Diana. Napatingin siya rito. Papunta ito sa kwarto nilang dalawa. Pumasok ito roon. Alam na niya kung anong gagawin nito doon.
Pamaya-maya, lumabas na ito bitbit ang isang malaking bag at isang shoulder bag na naglalaman ng mga gamit nito. Napatingin si Diana kay Anton. Alam niya na naging harsh siya rito at talagang nasaktan niya ang puso't damdamin nito dahil sa mga nasabi niya. Pero wala ng atrasan. Hiwalay na sila. Malaya na siya para mahalin si Harold.
Hindi na nagpaalam si Diana kay Anton, lumabas na lamang ito ng apartment na ni ha ni ho, walang namutawi sa bibig nito.
Pagkalabas na pagkalabas ni Diana ng apartment, doon pinakawalan ni Anton ang masaganang luha na kanina pa niya pinipigilang tumulo mula sa kanyang mga mata. Napakasakit para sa kanya na sa ganitong paraan nagtapos ang pagmamahalan nila ng babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso at kumumpleto ng kanyang buhay. Akala niya, sila na hanggang sa huli. Akala niya, ito na ang babaeng itinadhana na makasama niya habang buhay. Isang malaking akala lang pala ang lahat. Isang malaking akala!
Pinunasan ni Anton ang luha na patuloy pa ring tumutulo mula sa kanyang mga mata. Hiwalay man na sila ni Diana pero hindi siya papayag na maging masaya ito. Gusto niya na pati ito, danasin ang pagdurusa na nangyayari rin sa kanya ngayon. Hahanapin niya kung sino ang lalaking sumira sa kanila ng babaeng pinakamamahal at silang dalawa ang magbabayad sa pagkawasak ng kanyang puso't-damdamin.
"Tandaan mo ito Diana… Hindi pa tapos ang lahat sa ating dalawa… Pinakawalan man kita ngayon pero sisiguraduhin ko na tulad ng isang kalapati, babalik ka rin sa aking piling at sisiguraduhin kong magiging impyerno ang buhay mo… Maghintay ka lang…" matigas na sabi ni Anton habang patuloy pa ring lumuluha ang kanyang mga mata. Ipaparanas niya rin dito ang sakit, pagdurusa na nararanasan niya ngayon. Hindi pwedeng siya lang ang nasasaktan. Mahal man niya ito pero hindi naman siya papayag na magiging masaya ito habang siya, namumuhay na puno ng lungkot at pagdurusa. Ito ang nanloko kaya dapat sa mga manloloko, pinagbabayad.
- - - - - - - - - - - -- -
Nakaupo mag-isa sa isang bench si Diana. Nakatingin sa kalangitan na puno ng mga nagkikislapang bituin na pinapagitnaan ang maliwanag na buwan. Nasa park siya ngayon. Nasa tabi naman niya at nakapatong rin sa kanyang kinauupuan ang mga dalang bag.
Napabuntong-hininga si Diana. Hindi naman siya ganun kasamang babae. Nagawa lang niya saktan si Anton ng ganun kasi iyon ang naisip niyang paraan para matapos na ang meron sa kanilang dalawa. Alam na niya sa sarili niya na hindi na niya ito mahal. Siguro konting porsyento ng pagmamahal na lang ang natitira sa puso niya para kay Anton. Ang malaking porsyento ay napunta na lamang ng biglaan kay Harold. Sa sandaling panahon lamang, minahal na niya ito kaagad.
"Oh… Bakit ka nandito at nag-iisa?" nabigla si Diana ng biglang may nagsalita na lalaki sa kanyang tabi kaya napatingin siya rito. Halos manlaki ang mga mata niya na si Harold pala iyon na ngayon ay nakatayo katabi lamang ng inuupuan niya. As usual, nakangiti na naman ito sa kanya.
"Para ka namang nakakita ng multo diyan at gulat na gulat ka? Mukha na ba akong multo ngayon?" pabirong tanong ni Harold.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Diana.
Inusog muna ni Harold ang mga dalang bag ni Diana at naupo katabi ni Diana. Napatingin siya rito.
"Ikaw kaya ang tinatanong ko tapos ngayon ikaw naman ang magtatanong?" sabi ni Harold.
Umiwas ng tingin si Diana. Umayos ito ng upo at napayuko.
Naramdaman ni Diana na may biglang pumatong na palad sa kanyang likod at hinimas-himas ang kanyang likod. Napatingin siya kay Harold.
"May problema ka ba? Saka bakit may dala kang mga bag? Naglayas ka ba sa inyo?" sunod-sunod na tanong ni Harold.
Umiwas nang tingin si Diana kay Harold. Tumango ito bilang sagot.
"Saan ka tutuloy ngayon niyan? Gabi na huh… May mga kaibigan ka ba na matutuluyan ngayong gabi?" tanong ni Harold. Hindi na siya nag-usisa pa kung bakit ito naglayas kung naglayas man ito. Private life na iyon ni Diana at hindi niya ugali na makisawsaw sa problema at buhay ng iba.
Umiling muli si Diana bilang sagot kay Harold. Hindi niya magawang magsalita at kausapin ngayon ng matino si Harold dahil sa sunod-sunod na naiisip.
"Alam mo, hindi ako sanay na ganyan ka… Para lang akong kumakausap ng pipe nito eh…" sabi ni Harold. Napatingin naman sa kanya si Diana.
"Pasensya ka na huh…" sabi ni Diana.
"Wala iyon… Anyway… Gusto mo ba na doon ka muna tumuloy sa bahay ko? Malaki doon at kasyang-kasya ka…" pabirong sabi ni Harold pero totoo ang alok niya na gusto niya na doon muna patuluyin si Diana sa bahay niya.
"Huwag na Harold… Nakakahiya…"
Nagulat na lamang si Diana ng biglang hawakan ni Harold ang kanyang kaliwang kamay at hinila siya patayo nito.
"Halika na… I insist at bawal tumanggi…" sabi nito sabay ngiti.
Kinuha ni Harold ang mga bag na dala ni Diana at tinungo na nila ang kotse nito na nakaparada lamang sa malapit.
- - - - - - -- - - - - - - - -
"Wow!" manghang-mangha na sabi ni Diana pagkababa na pagkababa pa lamang nila ni Harold sa kotse. Kitang-kita ng mga mata niya ang mala-palasyo sa laki na mansion nila Harold. Grabe, sa sobrang laki nito, siguradong mawawala ka kapag ito'y iyong nilibot. Napakaganda pa ng itsura at talagang high-tech pati ang gate na automatic na nagbubukas.
"Welcome to our house Diana…" sabi ni Harold.
Napatingin si Diana kay Harold. "Bahay niyo ba talaga ito?" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Bakit? Hindi ka ba naniniwala na bahay namin ito?" nakangiting tanong ni Harold kay Diana.
Napabuntong-hininga si Diana. "Hindi naman sa ganun… Kunsabagay, may-ari ka nga ng isang malaking kumpanya kaya hindi rin nakapagtataka na may ganito ka na kalaking bahay…"sabi ni Diana.
Muling hinawakan ni Harold ang kanang kamay ni Diana. "Halika na at pumasok na tayo…" sabi nito kay Diana. Biglang may dumaan na driver sa pwesto nila. "Mang Tomas, pakidala na lang ho sa loob ang mga bag na nasa loob ng kotse ko…" utos ni Harold.
"Sige po Sir…" sabi ni Mang Tomas. Napatingin ito kay Diana. "Good Evening po Ma'am…"pagbati nito kay Diana. Ningitian lamang ito ni Diana.
Naglakad na nga ang dalawa papasok sa mansion nila Harold.
Pagkapasok sa mansion, mas lalong namangha si Diana sa angking ganda ng mansion. Para talaga itong palasyo na nakikita sa mga pelikula ng Disney. Napakaganda at elegante tingnan. Kumpleto pa sa kagamitan na pawang mamahalin at high-tech. Ang isa pa sa nakapukaw sa paningin ni Diana ay ang mahabang hagdanan paakyat sa taas. Para itong iyong hagdan na binabaan ni Cinderella. Paikot na may red carpet pa na apakan.
Napapangiti lang si Harold habang pinagmamasdan kung paano mamangha si Diana sa mga nakikita.
"Oh… Who's that girl my son?" sabi ni Madam Esmeralda na sumalubong naman sa dalawa. Nakatingin ito kay Diana.
"Ma…" sabi ni Harold at hinalikan sa pisngi ang ina. "She's Diana, nagtatrabaho siya sa ating kumpanya bilang isa sa mga janitress doon and she's my girlfriend and soon to be… my wife." Sabi ni Harold sabay ngiti.
Hindi pa nakakarecover si Diana sa pagkagulat ng makita niya ang napakagandang ina ni Harold, mas nagulat muli siya dahil sa sinabi ni Harold. Hindi siya makahinga. Parang anytime, tutumba siya. Natulala talaga siya.
'Ako? Girlfriend niya? Soon to be wife? Talaga?' sabi nito sa kanyang isipan. Hindi siya makapaniwala. Pero ang malaking tanong, bakit nito sinabi sa ina na girlfriend at soon to be wife siya nito eh ang totoo, hindi naman? Hindi pa nga ito nanliligaw sa kanya eh.
Bumalik naman sa realidad si Diana ng maramdaman niya ang pagyakap sa kanya ng ina ni Harold. Napakabango nito at talagang mahihiya ka kapag ito ang nakatabi mo.
"Welcome to the family ija… I hope you enjoy your stay here…" malambing na sabi nito. Masaya ito na sa wakas, mukhang matutupad na ang matagal na niyang hinihiling sa nag-iisang anak na lalaki.
Humiwalay na ng yakap si Madam Esmeralda kay Diana. Nakangiti ito. Napangiti na lang rin si Diana rito. Hangang-hanga siya sa angking ganda nito. Para itong kapatid lamang ni Harold. Mukha pa ngang mas bata ang itsura nito kaysa sa kanya. At napakaganda ng fashion statement nito. Halatang mayaman talaga.
"Paano Ma, ihahatid ko muna siya sa magiging kwarto niya. Napagod kasi siya sa biyahe…" sabi ni Harold.
"Go ahead anak… Bukas na lamang kami magkwekwentuhan ng soon to be daughter-in-law ko…" masayang sabi nito.
Muling ngumiti si Diana kay Madam Esmeralda bago sila naglakad ni Harold papuntang hagdanan at umakyat.
"Oo nga pala… Bakit mo sinabing girlfriend mo ako at soon to be wife mo ako sa harap ng mama mo? Nagsinungaling ka…"
"Hindi ako nagsinungaling Diana…" sabi kaagad ni Harold. Nakangiti ito. "Sinabi ko lang naman kay Mama 'yun kasi doon rin naman tayo papunta… You will be my girlfriend ang I will be your boyfriend and soon, you will be my wife and I will be husband…" sabi ni Harold.
Napangiti si Diana. Kinikilig siya kay Harold.
"So here's your room Diana…" sabi ni Harold. Nasa tapat na sila ngayon ng pintuan ng magiging kwarto raw ni Diana. "Kapag may kailangan ka… Kumatok ka lamang sa kabilang pinto, doon ang kwarto ko." sabi ni Harold at itinuro ang kaliwang pintuan na katabi lang ng magiging kwarto ni Diana.
Hinawakan ni Harold ang doorknob ng kwarto ni Diana, pinihit ito at binuksan na ang pinto.
"So… Pumasok ka na at magpahinga dahil alam kong pagod ka… Good night and dream of me…" sabi ni Harold sabay ngiti.
Nagulat si Diana ng bigla na lamang lumapit ng pagkalapit-lapit sa kanya si Harold. Napapikit siya tuloy. Naramdaman na lamang niya na may dumampi sa kanyang noo kaya agad siyang napadilat. Hinalikan pala siya ni Harold sa noo. Akala niya hahalikan siya nito sa kanyang labi. Assuming.
"Good night again…" sabi ni Harold.
"Good night too…" sabi ni Diana. Napayuko ito at dahan-dahang pumasok sa loob ng kwarto.
Napatingala muli ito at muling tiningnan si Harold na nakangiti sa kanya habang dahan-dahan niyang isinasara ang pinto ng kwarto.
Hanggang sa tuluyan na niyang naisara ang pinto.
Inilibot ni Diana ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Napakalaki nito. Mas malaki pa sa apartment na tinitirhan nila ni Anton. Speaking of Anton, kumusta na kaya siya ngayon? Hay anyway, hindi na lamang daw niya iisipin si Anton.
Kumpleto sa mamahaling gamit ang kwarto. Namamayani ang kulay asul at puti na kulay ng walls. Napakalamig tingnan sa mata.
Kaagad na nagtungo si Diana sa king size bed. Bigla niyang isinalampak ang buong katawan rito. Napakalambot ng kama.
"Hay! Mukhang magbubuhay prinsesa yata ako rito… Tama nga lang siguro na hiniwalayan ko si Anton para kay Harold…" sabi nito sa sarili. Ipinikit nito ang mga mata at kahit hindi pa nakakapaglinis ng katawan, nakatulog ito kaagad.
"Good choice Anak… Ang ganda niya although sabi mo nga, isa lamang siyang janitress sa ating kumpanya…" sabi ni Madam Esmeralda sabay higop ng tsaa nito. Nasa sala sila ngayon ng mansion.
Napangiti si Harold. "Sabi ko naman sa inyo Ma… May mahahanap at mahahanap rin ako na babaeng babagay sa akin at alam ko na si Diana iyon… Sabihin man ng iba na hindi siya bagay sa akin dahil mayaman ako at mahirap siya, para sa akin, kami ang bagay na magsama…" sabi nito.
"Hay! Excited na akong magkaroon ng apo sa inyong dalawa. Mukhang magiging maganda at gwapo ang mga apo ko dahil maganda at gwapo kayong dalawa ni Diana…" sabi ni Madam. "Oo nga pala, kailan mo ba siya balak pakasalan?" tanong pa ni Madam.
"As soon as possible Ma… May aayusin pa muna kaming dalawa then… Matutuloy rin ang kasal. Huwag kayong mainip Ma… Mabibigyan ko rin kayo ng apo…" sabi ni Harold.
Napangiti na lamang si Madam Esmeralda sa anak. Excited na talaga siya sa mga mangyayari at sa pagkakaroon ng apo.
-KATAPUSAN NG IKAAPAT NA KABANATA-