#TheBrokenMansGame
IKALIMANG KABANATA: DALAMHATI NG PUSONG NASUGATAN
Tirik na tirik pa ang araw. Tanghaling tapat pa lamang pero si Anton, halos matumba na sa inuupuan nito. Napapapikit na ang mga mata at ang balat, natural ng namumula dahil sa sobrang kalasingan. Nasa tapat siya ngayon sa tindahan ni Aling Nena at kasalukuyang iniinom ang pang-labing-isang bote ng beer.
Ilang linggo na rin ang nakalipas simula ng mawala si Diana sa piling niya pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya ito malimut-limutan. Idinadaan na nga lang niya sa pag-inom ang sakit na nararamdaman para makalimot lamang pero napansin niyang kahit na isang tangke pa yata ng alak ang kanyang inumin, hindi tumatalab sa halip ay sandali lamang niya ito malilimutan dahil alam niya na sa paggising niya, siguradong maaalala na naman niya ito. Bakit ba napakahirap makalimot sa sakit? Bakit ba napakahirap kalimutan ng isang taong nanakit sa damdamin mo? Hindi ba pwedeng pagkatapos kang saktan nito, makalimutan mo na siya kaagad? Hay! Sadya nga yatang lahat ng meron dito sa mundo, kundi mahirap kuhain, napakahirap naman gawin.
Sa ilang linggo rin na nakalipas, napabayaan na ni Anton hindi lamang ang physical niyang anyo kundi pati ang trabaho nito kaya ngayon, wala na itong trabaho pang pinapasukan. Napakalaki na ng ipinagbago ni Anton buhat ng mawala si Diana sa kanya. Ang dati'y gwapo nitong mukha, ngayon ay napabayaan niya. Hindi na ito nakakapag-ahit ng bigote at balbas kaya animo'y mukha na itong ermitanyo. Ermitanyong gwapo. Gulo-gulo ang pagkakaayos ng buhok. Parang hindi sinuklay ng isang taon. Although hindi naman nangangamoy mabaho si Anton, alam niya sa sarili na ilang araw na rin siyang hindi nakakaligo dahil sa sobrang kalasingan sa tuwing uuwi siya ng apartment. Palit lang ito ng palit ng suot na damit. Naging lasenggero na rin ito at walang iniisip kundi si Diana at ang ginawa nitong pananakit sa damdamin niya. Tunay nga na dinadamdam niya ang pagkawala ni Diana sa kanyang piling.
Napatingin ang namumungay at namumula ng mga mata ni Anton sa mga batang naglalaro lamang malapit sa pwesto niya. Napangiti siya ng mapait.
'Mabuti pa ang mga batang ito… Walang problema kundi ang pera kapag hindi binibigyan ng mga magulang… Kapag napapagalitan ang mga ito… At nasasaktan lamang sila kapag nadadapa at nagkakasugat… Pero kapag tumanda ka na… Hay! Kung pwede lang na manatili na bata habang buhay, mas gugustuhin ko pa iyon at least, simple lang ang sakit na iyong mararamdaman hindi gaya ngayon…' sabi ni Anton sa kanyang isipan. 'Tunay ngang napakasarap maging bata… Minsan lang masaktan pero kadalasan, masaya…' sabi pa nito sa isipan at muling nilagok ang bote ng iniinom na alak.
"Hi Handsome!" biglang sumulpot sa tabi ni Anton si Misty, Ang babaeng tinaguriang hipon sa kanilang lugar. Naupo ito sa tabi ni Anton at biglang ipinulupot ang braso sa braso ng lasing na si Anton. "Mas lalo kang gumwapo sa pagkakaroon mo ng bigote't balbas… ang hot mong tingnan…" malandi pang wika nito.
Napatingin si Anton kay Misty. Hindi man kagandahan ang mukha ni Misty pero kapag tiningnan mo ang katawan nito, siguradong titigas ang dapat tumigas sayo. Napakasexy naman kasi nito lalo na ngayon na nakasuot ito ng simple sexy plain white lady sando at short-short lang ito. Kitang-kita ang magandang korte ng katawan at kitang-kita rin ang makinis nitong mga hita. Ang buhok nito'y hanggang balikat lamang ang haba at kulay brown.
Umiwas na lamang ng tingin si Anton kay Misty at muling uminom.
"Naglalasing ka na naman handsome Anton…" malanding wika nito.
Muling tumingin si Anton kay Misty. "A-Ano bang hik pakielam hik mo?" lasing na sabi ni Anton. Umiwas muli ito ng tingin kay Misty.
"Wala naman…Oo nga pala, balita ko hiwalay na kayo ni Diana? Kaya ka siguro naglalasing ng dahil sa kanya… Huwag mo na lang kaya siya isipin kasi hindi naman siya malaking kawalan sayo… siya ang nawalan ng malaki… Poor her…" sabi ni Misty. Hindi pinansin ni Anton ang sinabi nito sa halip ay uminom na lamang muli ito. "Ngayon ko lang nalaman… May pagkatanga pala si Diana noh…" sabi pa nito. Muling napatingin si Anton kay Misty.
"Huh? Tanga? Si Diana?" tanong ni Anton.
"Oo…" sabi nito. "Biruin mo… Sa gwapo mong 'yan… Nagawa ka pang hiwalayan? Naku kung ako ang syota mo… Hindi kita hihiwalayan at sa halip, bubusugin kita ng pagmamahal at siyempre, ng sarap…" malandi na namang wika ni Misty. Matagal na rin kasi siyang may crush kay Anton. Crush lang naman kasi nagwagwapuhan talaga siya dito.
"Ganun? Napakatanga nga ba talaga ni Diana at nagawa niyang hiwalayan ako?" tanong ni Anton.
"Oo nga…"sabi ni Misty. "Ang gwapo mo kaya… Nagtataka nga ako kung bakit napakadali para kay Diana na hiwalayan ka… You're a good catch kaya…" sabi pa nito.
Napaiwas ng tingin si Anton. Ininom muli nito ang natitira pang alak na lamang boteng hawak niya at muling nagsalita.
"Alam mo hik bakit kayong mga hik babae… Una niyong hik nakikita at hik nagugustuhan sa mga lalaki eh hik 'yung gwapo nitong mukha… Katulad mo…."
"Hoy Anton!… Hiyang-hiya naman kaming mga babae sa inyo… Kayo nga… una niyong tinitingnan sa babae eh ang magandang mukha at malaking hinaharap…" sabi kaagad ni Misty. "If I know… 'yan rin ang una mong nakita kay Diana nung unang beses mo siyang nakita…" sabi pa nito.
Hindi sumagot si Anton. Nilagok lamang nito ang alak na iniinom.
"Pero alam mo Anton… may point rin naman ang sinabi mong 'yan… Kung ang mga babae kasi noong panahon pa ni kopong-kopong, kapag may nakikitang lalaki, hindi mata ang pinapagana nila kundi ang puso kaya etsapwera sa kanila ang itsura miski kamukha pa ito ni Shrek… In short, sa magandang ugali sila ng lalaki tumitingin… Pero ngayong modern na ang panahon, iba na rin ang tinitingnan ng mga babae sa isang lalaki… minsan etsapwera na ang ugali…" sabi ni Misty. "Sa modernong panahon ngayon, ang tinitingnan at hinahanap na ng mga babae sa isang lalaki ay ang tinatawag na F.M.B.S." sabi ni Misty.
Nagsalubong ang magkabilang kilay ni Anton. "F.M.B.S.?" pagtatakang tanong nito.
"Oo… F.M.B.S. stands for Face, Money, Body and Status… Siyempre ang unang titingnan ng mga babae sa isang lalaki ay kung gwapo ito… mas lalo siyang swerte kapag nakakita siya ng isang lalaking gwapo na, may pera pa… at mas lalong swerte kung may katawan itong pwedeng sambahin gabi-gabi at higit sa lahat na mas lalo siyang seswertehin ay kung napakataas ng antas nito sa lipunan. Mas swerte rin kapag iyong lalaki, mabait at mapagmahal ang ugali… Kumbaga, bonus na 'yon. Iyon ang tinatawag na prince charming sa realidad. Perfect na kasi siyang lalaki…" sabi ni Misty. "Saka ang mga babae sa panahon ngayon… Wise na pagdating sa pagpili ng tamang lalaki para sa kanila…"sabi pa nito.
Napatingin na si Anton kay Misty. Malungkot ang mukha nito. "Sa tingin mo ba… kaya ako hiniwalayan ni Diana kasi ung F. at B. lang ang meron ako? Mukha at katawan lang ang meron ako pero pagdating sa laman ng bulsa at antas ng buhay, wala?" malungkot na sabi ni Anton. Alam naman niya na isa rin iyon sa dahilan kung bakit siya hiniwalayan ni Diana pero hindi lang niya matanggap na sa ganung kababaw na dahilan ay nagawa siya nitong iwan. Naibibigay naman niya ang lahat ng gusto nito kahit na nahihirapan siya pero bakit hindi yata ito nakuntento sa kung anong naibibigay niya?
Napangiti si Misty. "Siguro… Hindi ko rin naman 'yan masasagot kasi hindi naman ako si Diana…" sabi ni Misty. Mas lalo itong lumapit kay Anton kaya halos napapadikit na ang naglalakihan nitong boobs sa braso ng lalaki. Napatingin tuloy roon si Anton. Kitang-kita ng mga mata niya ang hiwa na humihiwalay sa dalawang bundok nito. Lalaki lang siya kaya hindi niya maiwasang hindi…
"Pero Anton… Kahit naman na walang laman 'yang bulsa mo ngayon… I'm sure… punong-puno naman ng laman 'yang loob ng zipper mo…" malanding wika ni Misty sabay dakma sa nagsisimulang tumigas na kargada ni Anton. Damang-dama ni Misty sa kanyang palad ang kalakihan ni Anton kahit na nasa loob pa ito ng suot na maong short. Napasinghap tuloy ang huli at animo'y nawala kaagad ang kalasingan dahil sa sensasyon na nararamdaman.
Nagulat na lamang si Misty ng bigla siyang sunggaban ni Anton ng halik sa labi. Malalim, mapusok, nag-aapoy. Walang pakielam sa mga taong napapatingin sa kanilang ginagawa. Napapapikit na lamang ng mga mata si Misty at dinama ang lambot ng labi ni Anton na humahalik sa kanyang labi. Nakadagdag pa sa sarap ng labi nito ay ang alak na nasa bibig pa nito.
"HOY! DOON NIYO NA NGA LANG SA BAHAY NINYO ITULOY 'YAN! MAY NANUNUOD NA SA INYO OH!" nagulat at napatigil sa paghahalikan ang dalawa nang sumigaw si Mang Felipe na nasa loob ng tindahan at nakakita sa kanilang ginagawa. Asawa ito ni Aling Nena. "Dito pa kayo sa tapat ng tindahan ko gumagawa ng porn!" sabi pa nito.
Habol nila ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Napatingin sa paligid. Oo nga, 'yung mga bata ay nakatingin sa kanila at magkasalubong pa ang magkabilang kilay ng mga ito. Nagtataka marahil. Wala namang pakielam doon si Anton at sa halip, umayos ito ng upo at inubos na ang natitira pang alak na nasa bote.
"Ituloy natin sa bahay ko…" pabulong na wika sa malanding tono ni Misty na halatang nabitin sa ginagawa nila ni Anton. Nakapatong pa rin ang kamay nito sa tapat ng zipper ni Anton. Halata na naninigas ang malaking kargada nito dahil sa umbok na umbok ito sa suot na maong na short.
Hindi sumagot si Anton sa sinabi ni Misty sa halip ay tumayo ito kaya natanggal sa pagkakapatong sa tapat ng zipper ni Anton ang kamay ni Misty, nagbayad kay Mang Felipe ng mga binili sa tindahan at wala sali-salitang naglakad palayo. Pasuray-suray pa ito. Iniwan si Misty.
"HOY! PAGKATAPOS MO AKONG BITININ IIWAN MO LANG AKO! HAIST!!!" naiinis na sabi nang malanding si Misty. "Pero infairnes… Ang sarap ng labi niya…" malanding wika pa nito at animo'y umiihi dahil sa sobrang kilig na naaramdaman. Napahawak pa ito sa kanyang labi na hinalikan kanina ni Anton.
-KATAPUSAN NG IKALIMANG KABANATA-