webnovel

AT THE VIPs' ELEVATOR

Nagmamadaling pumasok si Flora Amor sa building ng FOL BUILDERS. Sinipat niya ang wrist watch, ten minutes bago mag alas otso. May sampung minuto pa siya para makaakyat sa third floor.

Biglang tumunog ang kanyang phone habang naglalakad sa lobby papunta sa elevator. Kinuha niya iyon mula sa sukbit na sling bag na kabibili lang niya kahapon.

"Ma, bakit ka napatawag? May problema ba?"

hindi pa man nakakapagsalita ang nasa kabilang linya ay usisa na niya nang makitang number ng ina ang nakarehistro sa screen ng phone.

"Amor, may meeting kami mamaya sabi ni teacher. Ikaw daw pinapupunta," ani Devon sa kabilang linya.

"O ba't ikaw ang may hawak niyan? 'Asan si mama?" takang tanong niya habang mabilis ang mga hakbang na lumapit sa bumukas na elevator at nakitang papasara na agad ito pagkapasok lang ng apat na tao sa loob.

"Wait!!" sigaw niya habang nakdikit ang phone sa tenga, mabuti na lang at naipasok pa niya ang katawan sa loob ng elevator bago ito tuluyang sumara.

Nakatuon ang atensyon niya sa kausap kaya't 'di niya napansin ang gulat na mga mukha ng mga naroon nang pumasok siya, maliban na lang sa kanyang katabi na nanatiling nakatikom ang bibig habang matiim na nakatitig sa pinto ng elevator.

"Amor, kailangan mong pumunta ha? Sabi ni teacher 'di raw pwede ang mga lola. Dapat daw parents," giit ng bata.

"Devon, may pasok pa ako. Ano'ng oras ba daw 'yon?"

"Alas tres nang hapon," sagot nito.

Nakupo. Alas kwatro ang labas niya sa work. Ano'ng gagawin niya? Minsan lang tumawag sa kanya ang batang 'yon kaya alam niyang 'di ito titigil hangga't 'di siya napapa-oo.

"Sino 'yan?" narinig niyang usisa ng isa sa mga nasa loob ngunit 'di niya ito pinansin, nakatuon ang atensyon sa bata sa kabilang linya.

"Amor, pupunta ka ha?"

"Gaano ba kasi kahalaga 'yan bakit kailangang ako pa ang magpunta?" iritado niyang tanong sa anak.

"Isusumbong kita kay mama 'pag 'di ka nagpunta!" Tumaas na ang boses nito sa kabilang linya.

"Nakupo! Oo na po. Oo na. Takot naman si Amor sa'yo. Pupunta na," sumusuko niyang pagpayag.

Wala, kahit anong gawin niya, talo siya lagi ng anak.

"Amor, 'wag ka mali-late ha?" pangungulit nito.

"Oo na po, Devon," sinadya niyang palambutin ang boses nito nang kusa na nitong patayin ang tawag.

"What is she doing here?"

Narinig na naman niyang iritadong tanong ng tinig-babae sa kanyang likuran.

Nakapagtataka ba kung ando'n siya sa loob ng elevator? Nakaramdam tuloy siya ng inis at nilingon ang nagsalita ngunit agad ding binawi ang tingin.

"Devon patayin mo na ang call. Nasa work kaya ako,"utos niya.

"Sige basta pupunta ka ha?" giit na naman nito.

"Oo na nga po eh," pigil ang inis na sagot niya at saka lang nito pinindot ang end call.

Nakahinga siya nang maluwang saka ibinalik sa bag ang gamit na phone, pagkuwa'y panakaw na sinulyapan ang katabi ngunit nang mahuli niya itong matiim na nakatitig sa kanya'y malapad na ngiti ang kanyang pinakawalan saka agad nagbaba ng tingin.

'Wait!' She halted.

Parang pamilyar sa kanya ang mukha na 'yon ah! Biglang kumabog ang kanyang dibdib, panakaw uling sinulyapan ang mukha nito at napapangiwing agad na iniyuko ang ulo nang makumpirmang ito nga 'yon.

'Ang may-ari ng kompanya!' sigaw ng kanyang isip.

Sa dinami-dami ng mga tao sa building na 'yon, bakit ito pa ang nakasabay niya sa elevator?

What a coincidence nga naman!

Pasimple niyang inisa-isang tingnan ang mukha ng mga kasama at agad nangatog ang kanyang mga tuhod nang malamang lahat ng mga naroon ay mga VIP. Nakagat niya ang ibabang labi sa pagkapahiya. Ano'ng ginagawa niya doon? 'Wag sabihing namali siya ng pinasukang elevator?

Dumiretso siya ng tingin sa pintuan at ang laki ng awang ng bibig sa pagkadismaya nang makita sa itaas ng pinto ang "For VIPs' only."

Nakupo! Kaya pala para na siyang kakainin nang buhay ng finance director nang sulyapan niya kanina.

Niyakap niya ang sarili sa magkahalong nerbyos at lamig ng aircon sa loob idagdag pang naka sleeveless bodycon office dress lang siya at hanggang binti lang ang haba no'n. Nakalimutan na nga niyang maglagay ng stockings sa pagmamadali kanina at agad na lang isinuot ang sapatos with three inches pointed heels.

Laking pasalamat niya nang bumukas ang pinto ng elevator at lumabas ang tatlong kasama ng chairman habang ang nakilala niyang vice-chairman ay pinandilatan muna siya bago lumabas, meaning lumabas na siya bago pa siya pagalitan.

Inipon niya ang lahat ng kapal ng mukha bago ihakbang ang isang paa pasulong.

"Stay!"

Natigilan siya at napahinto na halos hindi na humihinga sa nerbyos. Tama ba ang narinig niya? Ke tama o hindi, wala na siyang choice kundi manatili doon dahil sumara na uli ang pinto ng elevator.

Pakaswal siyang lumapit sa may pinto at pinagplanuhan ang gagawin. Sunod na pagbukas no'n, lalabas na agad siya kahit ano pa'ng sabihin nito.

"Why did you come back?"

"Ha?" Maang siyang napalingon.

"W-what do you mean?"

Ang lahat ng nerbyos at takot ay napalitan ng pagtataka.

"Ayyyy!" Sigaw niya nang bigla nitong hatakin ang kanyang beywang at isandal ang likuran niya sa wall ng elevator.

Ang bilis ng tibok ng kanyang puso habang nakatitig sa mga mata nitong 'di niya kayang ipaliwanag ang galit na naroon. Bakit?

"How could you forget me inspite of all we've been through, huh?" paasik nitong wika.

She just gave him both confused and frightened looks.

"I-I don't know what you're talking about," sagot niyang pilit na iniinda ang kamay nitong bumabaon sa kanyang beywang sa sobrang higpit ng hawak nito habang ang isang kamay ay sa braso naman niya mariing nakahawak.

"Amor, stop pretending as if you don't know anything!" lalo lang tumigas ang boses nito.

"I really don't know you!" hiyaw niya, tila nakalimutang ito ang chairman, president at CEO ng kompanyang pinapasukan.

"How about this, huh?" pagkasabi niyo'y bigla na lang siya nitong siniil ng halik na halos mapugto na ang kanyang paghinga kung 'di pa niya ito malakas na naitulak kasabay ng pagtaas ng kanyang kamay at pagdapo niyon sa pisngi nito.

"Pervert!" sigaw niya habang naghahabol ng paghinga, pakiramdam kasi niya, lahat ng oxygen niya sa katawan ay nahigop nito.

Nagulat ito sa ginawa niya kasabay ng pangungunut ng noo at nagtatanong ang mga matang tumitig sa kanya.

"If this is your style of seducing women, hindi 'yon uubra sa'kin. 'Kala mo kung sino kang mayaman! Bastos!" duro niya rito subalit tila 'di man lang ito nahiya sa ginawa, he was rather more confused than she was.

Laking pasalamat niya nang bumukas ang pinto at mabilis siyang lumabas mula duon, habang ito'y naiwang nagtataka sa naging reaksyon niya.

"Amor, what really happened?"

Siya naman ang napahinto at napalingon sa pinanggalingan. Ang bulong nito, bakit naririnig niya pa rin hanggang sa kanyang kinaroroonan gayong sa tantya niya'y sampung metro na ang layo niya rito? Ang boses na nito, 'yon din ang boses na narinig niya kahapon sa ground floor maging no'ng nakasakay siya sa jeep? Bakit? Bakit niya naririnig ang boses nito kahit sa malayuan? May sa demonyo ba ang lalaking 'yon? Kilala ba talaga siya nito? Bakit Amor ang tawag nito sa kanya as if sanay na itong tawagin siya sa gano'ng pangalan?

"Miss Salvador!" tawag ng kanyang manager ang nagpabalik ng kanyang huwesyo. Salubong ang kilay nito habang palapit sa kanya.

"What did you do? Didn't I tell you never to use the VIPs' elevator?"

"Paano niyo pong nalaman?" taka niyang tanong.

"Ando'n lang naman ang COO sa office ko and scolded me before I could even say a word to defend myself!" gigil na sagot nito, 'di naitago ang inis na nararamdaman.

"Come with me."

Ang COO palang tinutukoy nito'y siya ring vice-chairman ng kompanya. Naruon nga sa loob ng opisina ang lalaki at salubong ang mga kilay na tumitig sa kanya pagkapasok pa lang nya kasama ang manager, ngunit hindi siya nito kinausap, ni hindi pinagalitan.

"Next time that you'll do that, isu-suspende kita!" warning ng boss sa kanya.

"Try to tame your subordinate, Nicky," anang COO/vice-chairman bago lumabas ng opisina.

Siya nama'y nakayuko lang at 'di alam kung ano ang sasabihin para ipagtanggol ang sarili. Pero sa pagkakataong iyo'y ayaw niyang magsalita, nasa chairman pa rin ang isip niya at sa nangyari sa loob ng elevator kanina habang kasama ito.

Why was that kiss so familiar kahit masakit sa mga labi that made her tremble kahit na sa gano'ng pagkakataon? Kilala ba talaga siya nito? Bakit wala man lang siyang maalala?

"You'll be assigned outside with Mr. Baculo to have interviews with some of our clients in Cavite," anang manager, hindi na inungkat ang nangyari kanina.

Tumango lang siya bilang tugon sa sinabi nito.

下一章