webnovel

HE MET THE STUBBORN CHILD

Dixal was determined to confront Flora Amor for everything kasama na ang nangyari kanina sa elevator. Hindi pwede sa kanya ang gano'n. For all these years, hindi siya tumigil sa paghahanap dito, hindi siya tumigil umasang magkikita pa rin sila at muling magkakasama. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya naniniwalang ito ang kumuha ng 50 million niya sa bangko. Gusto niyang alamin dito ang lahat ng nangyari kung bakit bigla na lang itong umalis at iniwan siya.

But how could he do that when she couldn't recognize him?

Napadiin ang hawak niya sa manibela ng sasakyang minamaneho.

He had all the rights to claim her back and even punish her for what she'd done. He was so furious when he saw her at the bus and she didn't even notice him, what he did yesterday was his way of punishing her. Pero bakit gano'n ang naging reaksyon nito, as if hindi siya talaga kilala? What happened this morning at the elevator was out of his control that made him furious until now. Amor was submissive. Just a teasing kiss from him could already make her tremble and submit to him. But he was surprised when he slapped him that he couldn't even utter a word.

Now, that he had seen her, how can he approach her without using any force kung gano'n ang ugali nito ngayon? Or was she just pretending?

Gigil na nilamukos niya ang mukha.

He just wanted to kiss her at the elevator kahit na gano'n ang kanyang approach. Hindi naman niya akalaing gano'n ang gagawin nito.

"Damn, I couldn't even kiss my own wife now!?" di makapaniwalang bulalas niya.

For all the sufferings that he had been through alone, ito pa ang igaganti nito sa kanya? He didn't break his promise na ito lang ang kanyang magiging asawa kahit na ipagduldulan ng mga babae ang sarili nila sa mismo niyang harapan.

Damn! He couldn't believe himself that he was a fuckin' loyal husband!

Tapos ito pa ang mapapala niya, a slap on the face while trying to kiss his own wife?

Gigil na pinaharurot pa niya lalo ang kotse subalit gulat na napaapak sa preno nang may biglang tumawid na bata sa kalsada.

"Wooh! That was so close!"

Natural na unang rumihestro sa mukha niya ang galit sa nangyari kaya mabilis siyang lumabas ng kotse at inalam kung kasama ng bata ang mga magulang nito, bakit hinahayaan lang ng mga ito ang anak na maglakad sa daan? 'Di ba alam ng mga itong viral ngayon ang van na nangunguha ng mga bata sa kahit saang parte ng bansa?

Subalit napalitan ng kakaibang kabog ng dibdib ang galit nang makita ang batang kalong ang isang kuting. 'Yon pala ang dahilan kung bakit ito biglang tumawid sa kalsada.

"Hey, kiddo. Where are your parents?" nag-aalalang usisa niya.

"You almost killed her," anang batang imbes na sumagot ay matalim ang titig na ipinukol sa kanya at inilapag ang kuting sa gilid ng pader ng eskwalahan.

'Woah!' Siya pa pinagalitan. Pero nakapagtatakang imbes na magalit rito'y biglang lumambot ang kanyang puso. He was not a pet lover. He hated pets pero ngayong nakakita siya ng batang kayang ipahamak ang sarili para lang sa isang kawawang kuting, gusto niyang hangaan ang batang ito. And he was amazed that he could speak English fluently.

Nilapitan niya ang bata at yumukod dito habang hinihimas nito ang katawan ng munting kuting.

"What are you doing here outside the school campus?" tanong niya at sinulyapan ang nakitang gate ng eskwelahan kung may gwardiyang ando'n o kahit teacher ng bata pero wala.

"Waiting for ate," tipid nitong sagot saka sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

He stared back at the kid at napako ang kanyang paningin at those almond eyes. The way he stares, that cute pointed nose at ang hugis ng mukha, maliban na lang sa heart-shaped nitong labi na namana seguro sa ina, tila nakikita niya ang sarili nong nasa gano'ng edad.

'Why is this kid looks like me?' curious na sigaw ng kanyang isip.

"Is that yours?" usisa nito nang mapansin ang kanyang wedding ring na ni minsa'y 'di niya magawang hubarin sa loob ng pitong taon.

"Yup. Why?"

Sa halip na sumagot ay nanatili lang itong nakatitig sa kanya and believe it or not, this was the first time that he was puzzled by that gaze from a cute little kid at that, na sa hula niya'y 6 years old lang!

"Did you steal it?" curious nitong tanong sa halip na nang-aakusa.

"Nope! It's mine," maagap niyang sagot habang pinagmamasdan ang palibot. He really couldn't believe na papatol siyang makipag-usap sa batang ito, mabuti na lang at walang tao sa paligid, baka mapagkamalan pa siyang kidnapper sa lagay na 'yon.

"Can I have a look?"

Tumaas ang kanyang kilay? Sa tanang buhay niya, iilang tao lang ang pinapayagan niyang makipag-usap sa kanya nang gano'n, what more ang utusan siya kahit sabihin pang sa paraang nakikiusap. Si Amor ang isa sa mga taong 'yon, and who else? This kid!

Ngunit bakit may kung anong karisma ang batang ito at kusa siyang napapasunod, and at that moment, tinatanggal na niya ang suot na wedding ring na sa loob ng pitong taon ay 'di man lang niya naisipang gawin, and gave it to him.

He was really amazed by this kid na tila alam na alam kung ano ang ginagawa. Then he gave him a surprised look.

"Ano po 'yong FA?"usisa nito.

Napangiti siya. Malinaw ang mga mata ng batang 'to at pati ang dalawang letrang 'yon sa likod ng singsing ay nakita nito.

"My wife's initials, Flora Amor," nakangiti niyang sagot.

Lalong tumiim ang titig nito sa kanya, just like what he used to do when confirming of something unbelievable.

He couldn't help but grinned, why? Nakikita niya ang sarili sa bata.

"Does your wife also have this?"

Pero bago pa niya 'yon masagot ay nakalapit na sa kanila ang hula niya'y guro nito.

"Naku po sir. Sorry po kung napabayaan ko ang anak niyo. Hindi ko po kasi alam na lumabas siya sa gate eh. Ang alam ko po nasa labas lang siya ng room, naglalaro." kinakabahang paliwanag nito.

Iyong bumuka ang kanyang bibig ngunit walang lumabas doon, that was the first time na nangyari sa kanya. Pero masisisi ba niya ang teacher nito kung kahit siya ay nagulat sa nakitang pagkakahawig nila ng bata?

"No, it's okay," tipid na lang niyang sagot saka tumayo at hinawakan ang maliit na kamay ng bata at ibinigay ito sa guro saka siya tumalikod para umalis na. Noon lang din sumagi sa isip niya ang gagawing pakikipag-usap kay Amor.

Naramdaman niyang may humawak sa laylayan ng kanyang blazer at nang bumaling siya rito'y nakita niya ang bata na matamis ang ngiti sa kanya.

"Sir, 'wag po muna kayong umuwi. Bigayan po ng cards ngayon at kailangan niyo pong um-attend ng meeting," habol ng guro.

"What the-" Ngunit ang matamis na ngiting 'yon ng bata ay tila hipnotismo sa kanya na 'di niya kayang paglabanan.

"Kayo na lang po kasing parents niya ang hinihintay namin sa loob para masimulan na ang meeting," dugtong ng guro.

Nakita niyang lumungkot ang mukha ng bata saka yumuko that melted his heart and gave him no choice but to attend that so-called meeting of that strange kid.

-------

"SIR, pwede po bang pakibilisan ang takbo ng kotse?" kahit na malumanay ang pagkakasabi ni Flora Amor ay halata namang nang-uutos siya sa kanyang superior habang panay ang tingin sa wrist watch. Alas tres y medya na. Nakikini-kinita na niya si Devon na nagta-trantrums na naman sa loob ng school. Ngayon pa lang, ihahanda na niya ang sarili sa magaganap o mas malala pa sa una ang mangyayari ngayon. Maisip pa lang niya kung anong kayang gawin ng batang 'yon para ipahiya siya sa maraming tao, ngayon pa lang, kumakabog na ang kanyang dibdib sa kaba.

"Sensya na, traffic kasi eh," anang kasamang nagda-drive.

Tumingin siya sa unahan. Malapit na sila sa Robinson Imus. Kung mananatili pa siya sa loob ng kotse at gano'n kalala ang traffic, baka alas singko na siya makauwi.

"Sir, sensya na po pero kailangan ko na talagang umuwi. May pupuntahan pa kasi ako. Kita na lang tayo sa office bukas," an'ya saka binuksan ang katabing pinto ng kotse at mabilis na lumabas do'n.

"Ingat!" narinig niyang habol ng kasama.

Kumaway lang siya rito saka nagsimula nang maglakad.Sa gamit niyang sapatos na may pointed heels habang naglalakad papunta sa school ni Devon na isa't kalahating kilometro pa yata ang layo mula sa kinaroroonan niya, pasalamat na lang siya't nangalay lang naman ang kanyang mga paa at hindi nagkasugat-sugat.

Pero hindi niya kayang indahin ang pagod sa layo ng nilakad niya makarating lang nang mas maaga sa paaralan ng bata. Subalit nang makarating sa room ng anak ay ito na lang at ang teacher nito ang kanyang naratnan at napakalaking himalang hindi niya ito naratnang umiiyak. Sa halip ay tahimik lang itong nakatingin sa may pinto ng silid-aralan at halatang inaantay siya.

"Dito na po pala kayo ma'am. Naabutan niyo po ba 'yong asawa niyo sa labas?"

"What? Asawa!?" muntik na siyang matapilok sa bungad ng guro sa kanya.

Sandaling nablangko ang kanyang isip at nang maalala si Harold ay saka siya nakabawi. Nagpunta na pala dito ang kapatid, bakit 'di na lang nito iniuwi ang pamangkin sa bahay?

"Ate, okey ka lang po?" puna ng bata nang lumapit siya ditong paika-ika.

"Sakit ng paa ko Devon. Saan ba 'yong sinasabi mong meeting?"

"Ayy, tapos na po ma'am. Si sir po ang um-attend. Kaya lang po eh alam ata niyang darating kayo kaya pinahintay na lang po niya si Devon kasi may lakad pa daw po siya." sagot ng guro.

Tumango siya bilang tugon saka tinawagan si Harold.

"O, bakit 'di mo na lang inihatid si Devon kanina?" an'ya sa kapatid nang sagutin nito ang tawag.

"Ate, papunta na ako sa Bulacan for business meeting," tila pagod na sagot nito kaya 'di na lang siya nangulit.

"Ate, let's go home," nakangiting yaya ng bata, bagay na ikinapagtaka niya. Kabisado niya ang ugali nito kahit papa'no. Saka lang ito nakangiti ng gano'n 'pag may gustong ipabili. Pero 'pag wala, tikom ang bibig nito, ni 'di mo mapagsasalita, pag sinita mo, bubulyahaw ng iyak.

Kinapa niya ang wallet sa cute na sling bag, buti na lang at may dala siyang pera ngayon.

Pero nakapagtatakang tahimik lang ito habang nasa tricycle sila at 'di mawala ang ngiti sa mga labi.

"Amor, I think I had to have you buy me more books."

Grrrr! Sabi na nga niya't may ipapabili ito. Pero wait! Books? Sa paraan ng paggamit nito ng English, who would believe na grade two lang ang anak niya. And those complicated English grammar, pinag-aaralan na ba 'yon sa grade two ngayon? Ni 'di na nga niya pansin kung may mali sa grammar nito kasi nauunawaan naman niya ang ibig nitong sabihin.

"Devon, marami ka nang books sa room ni Pa

pappy," sagot niya.

"Tapos ko na basahin mga 'yon," reklamo nito, bahagya pang tumaas ang boses.

"Okay okay, books. Anong book ba ang gusto ng bata?" pinalambot niya agad ang boses at 'pag ito ngumawa sa loob ng tricycle seguradong mapapalo niya, kaya siya na lang ang magpapasensya ngayon.

"Engineering books."

Napamulagat siya sa narinig at 'di makapaniwalang bumaling dito. An'ong gagawin nito sa engineering books eh pang college na 'yon? Sino ang nagbigay ng ideyang 'yon sa anak niya? Mga kaklase nito? Imposible! Si Harold? Walang hilig ang kapatid sa gano'ng klaseng libro at parehas silang commerce graduate.

"Amor, sige na, ha?" lambing nito sa kanya sabay hawak sa kanyang braso.

"Okay, sige." Sa makaisa pa, napasunod na naman siya nang gano'n lang. Kung makapanermon siya sa ina at kapatid 'pag ini-spoil ito'y matindi, pero 'pag siya na ang hinihiritan ng bata, 'di rin siya makatanggi.

Nang marinig ang sagot niya'y matamis na uling ngiti ang pinakawalan nito na minsan lang nitong gawin 'pag siya ang kasama. Gano'n na ba ito kasaya dahil lang sa bibilhan niya ng engineering books? Ga'no 'yon kahalaga para dito? May maintindihan naman kaya ito sa mga 'yun sakaling bumili siya?

Nakakaloka ang batang 'to!

下一章