"Akyat na tayo! Ang dami dami mo pang tinitingnan." Sabi nya sakin sa supladang tuno.
"So- sorry Miss Jhin." Nasabi ko na lang.
"1st rule dito is bawal ang maingay." Sabi ulit nito sa medyo may katarayang tuno ngunit mahinahon.
Nanahimik na lang ako.
Tila mataray ang tuno nya kahit malumanay ang pagsasalita nya.
Nasa pangatlong steps na sya ng makita kong maganda ang katawan nya. Tinalo nya ang katawan ko. May balakang pero parang sa lalaki ang baywang dahil 3 inches lang siguro ang liit nyon sa balakang at dibdib nya. Hindi lang halata dahil uso na ngayon yun sa mga kabataan. Payat na parang puste ang katawan.
Chorr!!!!!!!
Dumaan pa kame sa isang pasilyo at lumabas sa isang brown na pintoan.
Umakyat ng 10 steps sa brown na hagdan para makarating sa isa pang pinto.
"Una ka!" Sabi lang nya na mahinahon.
Pinauna nya ako?! Aba! Gentle woman? Kataka taka!
Bahagya naman akong ngumiti at nag tungo ng ulo. Bilang thank you sa kanya. Saka ako umuna.
Tila secret door ang dinaanan namin. Dahil very simple lang ang tunay na bahay na lalagian ko. Parang sinaunang bahay at gawa pa sa malalaking kahoy ang bahay na up and down.
Tila kinabahan ako at may hindi kanais-nais akong naramdaman.
"Walk straight line and then kanan ka na, kitchen na yun." Sabi nya ng mapatapat na kami sa isang hagdan pataas. Papuntang second floor.
Iisa lang ang pinto doon kahit malawak ang taas. Pumasok sya sa nag susulong pintoan sa kanang bahagi 4 steps ang layo mula sa hagdan.
Natakot ako ng buksan nya na ang pintoan, parang may magnet doon na gusto akong hilahin.
Bago pa sya makapasok ay agad na akong umalis sa kinatatayuan ko. Dala dala ko ang takot na bumalot sa dibdib ko.
Muli akong nag lakad ng diretso nang dahan dahan dala ang bag ko ay napa isip akong bigla.
Tila gusto ko nang umalis kaagad sa bahay na to.
Habang wala ako sa wisyo....
"Sino ka?! At bakit basta basta ka pumasok dito?!" Sabi ng may katandaan na babae.
"Ay, manang I explain... nasa office po kase ako ni Ma'am Shari kanina eh... pumunta po kase doon ang anak nyang babae... sabi po nya binayaan daw po sya ng majora ng bahay, para sunduin ako, kase daw po nag luluto po ang Majora." Malumanay kong explain dito na nag- sign ng wait ang dalawa kong kamay paharap sa babae.
"Si Miss Jhin ang nag sundo sayo?" Sabi nito na hindi maniwala.
"Upo, bakit po?" Sabi ko.
Nasa tuno ang pagtataka ngunit ang puso ko natakot bigla.
Ayaw kong marinig ang kinatatakutan ko at kung ano man yun... ayokong malaman.
"Ou nga't nag luluto kami. Pero ako ang laging nag susundo sa lahat ng nagiging katulong dito. At ngayon palang kita dapat susunduin, ala una." Sabi nya.
Napatingin kame sa orasan. Exactly 1:00 pm.
Napalingon ako bigla sa nakikita na lang naming bungad ng hagdan.
'Sinungaling si Miss Jhin?" Naisa isip ko.
"Halika na! Ituro ko sayo ang kwarto mo." Sabi nya sakin.
Naglakad ulit kami ng kunti.
"Dito sa bahay, si Miss Jhin ang nagpapatakbo. Kung anong utos nya kahit nag kasabay ang mag ina. Si Ma'am Jhin ang una mong susundin. Understand?"
"Yes---- natigilan ako...
"Majora. Ako ang Majora dito." Sya ang nag dugsong para sakin.
"O-okay po. Majora." I said.
"Tatlo lang ang batas dito." Sabi nyang matuwid at straight to the point.
Nakatitig lang ako sa kanya at sandali kaming tumigil mag lakad.
"1st, Bawal ang makipag usap sa amo natin. Maliban kay Ma'am Shari. Dito, si Doña ang nag a- anounce. Wag kang makikinig kahit kanino. Understand?" Sabi nito.
"Kahit kay Miss Jhin?" Tanong ko.
Tumango ito. "Gumawa ka na lang ng paraan para makaiwas ng hindi ka nakatitig sa mga mata ng boss nating dalagita. May sa demonyo yan!" Bulong nito sakin kaagad.
Nag patuloy kaming mag lakad.
"2nd, bawal ang umakyat ng 2nd floor, kahit si Miss Jhin pa ang nag utos." Sabi nito.
"Bakit naman po?" Taka ko.
"Gumawa ka na lang ng paraan para maka- skip sa boss natin. Hindi magiging makalat ang room nyan. Demonyo yan eh." Bulong nito ng i- explain.
"3rd. Bawal ang maingay lalo na kung 8:00 pm pasado na dapat wala nang katulong na nagta- trabaho. Lahat nag papahinga na." Sabi nito.
"Majora, bakit sabi ni Miss Jhin, 1st rule yun? Ang bawal ang maingay?" Sabi ko.
"Ou nga... pero binago namin para sa kaligtasan ng lahat. Mamaya ko sayo sabihin ang totoong rules dito. Hala! Eh kumain ka na muna at magpahinga ka sa kwarto mo... bukas ka na mag simula mag trabaho dito." Sabi nito.
Nasa kwarto na kaming dalawa ng Majora.
"Dito ikaw lang mag sulo kase, kumbaga eh.. pahabol ka lang." She Explained.
Tumango ako.
Isang maliit na square lang ang kwarto at may maliit na kama na kasyang kasya ang dalawang tao.
Siguro 7 feet ang laki side by side. At tamang tama lang talaga for one person.
"Oh, kain ka na muna. Sabayan mo yung nag ga- garden... si Mica." Sabi ng Majora.
Tango lang ang isinagot ko at nahihiyang pag ngiti.
Nasa lamesa na kami at kumakain.
"Hello sayo, ano pangalan mo?" Tanong ng babaeng kasabay ko.
"Kira" maikling sagot ko lang.
"Ako si Mica.. Ako ang nag gagarden dito." Sabi nya na masaya.
Ngumiti lang ako.
"Alam mo... teka? Alam mo na ba ang 3 rules dito?" Sabi nya sakin.
"Ou nasabi na sakin ni Majora." Sabi ko lang na nakangiti.
"Wag mo yung kakalimutan ah... marami kaseng kababalaghan dito eh. Kaya kung alam mo yun.... di ka mapapahamak dito. Simple lang naman yun diba. Pero dapat wag matigas ang ulo." Makahulugan nyang sabi na tila may tinatago syang takot sa puso nya.
"B-bakit? Anong meron sa bahay na to?" Curious kong tanong.
Pabulong kong sabi sa kanya. Natigil sya sa pagkain at tumitig sa mga mata ko.
"Isang secret yun... di mo dapat i-chimis. Malalagot ka!" Sabi nya ulit.
Saka nya ipinagpatuloy ang pagkain nya. Natahimik ako.
Pero hindi ako makampante gusto kong malaman kung anong meron at parang wierd silang lahat.
"Ano nga yun? Don't worry hindi ko sasabihin kahit kanino." Bulong ko sa kanya.
"Sigurado ka?" Sabi nya...
Tumango ako.
May ibinulong sya sakin.
"Demonyo si Miss Jhin." Bulong sa tenga ko ni Mica.
Bulong nya na rinig na rinig ko.
Demonyo si Miss Jhin. Pag uulit sa isipan ko.
Deep inside, di ko mapaniwalaan ang mga tinuran nya at ni Majora kanina.
Paanong magiging demon ang magandang si Miss Jhin?
Nag hiwalay na kaming dalawa sa pag uumpokan namin.
Nag tataka ako, base kase sa observation ko ngayon, wierd ang mga kilos at galaw nilang lahat.
Kumain na sya ulit.
May tumunog na bell.
Nataranta sya...
Nabigla din ako sa reaction nya sa bell.
"A-ano yun?" Napataka kong sabi sa kanya.
"Tara! Doon tayo sa kwarto namin, dali!." Sabi lang kaagad at sabay kinuha ng mabilisan ang pagkain nya.
Tila nagmamadali sya. Dahil nahawa ako sa reaction nyang hysterical pati ako rin nag madaling kumilos at dinala ko ang pagkain ko sa room nila.