Naandoon ang 8 na mga kasama ko at sama sama sa iisang kwarto.
Akong pang 9 na maid sa mga babae lang ang tanging nakabukod.
Ako lang ang nakahiwalay at unang pinto mula sa hagdan ang room ko, sa kwarto nila.
"Dito na lang tayo, habang nakain tayo." Aniya.
Nag bigay na lang akong ngiti dito.
Umupo kami sa isang tabi. May mga sariling mundo naman lahat ng mga kasama namin sa kwarto at lahat sila kung mag usap hindi mo mabilis maintindihan kase sobrang pabulong talaga.
"Dito, kasama sa 1st rule dito na wag kang papaabot sa amo natin. Kaya ikaw, mag iingat ka kase naka expose ka sa kanya." Sabi nya sakin na mag kadikit halos ang aming mga mukha.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ang ruta mo kase. Yang kusina, likod ng kwarto ni ma'am Jhin. Tapos yung likod sala nila saka didiligan mo rin yung mga halaman nya. Hindi yan kase kasama sa ginagarden ko eh. May nag aayos talaga jan, kailangan lang pag wala sya may magdidilig." Kwento nya.
"Ahhh..." sabi ko nalang.
"Si Miss Jhin, mahilig mag tambay sa likod sala. Wag ka dapat nyang maabotan kase pag ti- tripan ka nya." Sabi ni Mica.
"Talagang ganun sya?" Sabi ko na may kabang bumalot saakin.
"Teka! naiihi ako." Bulong ko sa kanya.
"Hoy! Nasa labas si Miss Jhin, tulig ka! Kasasabi ko lang sayo." Bulong nyang Paalala at saway nito sakin.
"Ha? Eh... parang wala namang ingay?" Bulong ko.
"Maingat sa pag kilos Miss Jhin at saka kase sobrang hinhin." Bulong ni Heavenica sakin.
"Ah! Ganun ba yun? Kakatakot pala dito, ano?" Nasabi ko na lang.
Matapos nun... katahimikan na ang namayani sa buong kwarto.
Lingid sa lahat ay secret akong sumilip sa maliit na butas ng doornob.
Nakita kong kumakain ito ng mag isa at tahimik na tahimik lang.
Nakita ko ang pag inom nya ng tubig. Wala akong naramdaman takot dahil kampante ako sa sinisilipan kong butas.
Mahinay syang kumakain mag isa sa lamesa. Kinakamay pa nya ang ulam nyang pritong manok at isinasawsaw sa maanghang na ketchap.
Saka muling susubo ng kanin.
'Ang ganda nya talaga' naisa isip ko.
Nagulat ako ng bigla itong tumingin sa sinisilipan kong doornob. Ramdam kong parang nakikita nya ako.
Saglit lang kaming nagkatitigan at saka nagmadali akong umalis sa sinilipan ko. Nanakbo ako sa kama ng isa sa mga higaan sa likod ni Heavenica at nagtaklob ng unan.
Wala akong paki alam sa kwentohan nila basta ako kabado pero kinakampante ko ang sarili ko.
Narinig kong nag bukas ang pinto kahit naka-lock ito.
Nakatingin ang lahat sa amo nila na nasa pinto. Maliban kina Majora at Mauriel.
"Ma'am Jhin, bakit po?" Tanong ng pangalawa sa pinaka matandang katulong sa Mansion. Si Benin.
"May gusto ba kayong sabihin?" Direct na tanong nito.
At diretso ang mga mata sa mga katulong nya. Seryoso din ang mukha nya.
Nagkatinginan ang lahat na nagtataka sa isa't isa.
"Wala naman po Ma'am." Si Manay Benin. Ang pangalawang matanda sa amin.
"Yang isang bago? Tulog ba yan?" Tanong ni Jhin. Mataray ang tuno nya sa amin.
"Oy! Kira..." gising kaagad sakin ni Mica.
Hindi ako gumagalaw at hindi rin ako umiimik. Nag kukunwari talagang tulog ako.
"Tulog po Ma'am" si Mica.
"Pag may kailangan kayo... mag sabi lang kayo kay Mommy." Sabi ng amo namin.
"Yes Ma'am." Si Manay Benin.
And this time feel mo na mataray sya.
*************************
Nakatitig kay Kira ang maaamong mata ni Jhin, ngunit may natatagong balasik ang mata nito.
Bago nito kusang isinara ang pintoan.
Nanatiling nakatayo parin si Jhin sa pintoan kahit naisara na nya ito... Tila pinakikiramdaman pa rin nya ang mga tao sa loob ng kwarto.
Ngunit matapang ang mga mata nitong talagang maamo kung tignan.
"Umalis na ba si Miss Jhin?" Bulong ko sa kanila.
Nagulat sila sakin.
"Akala namin tulog ka?" Takang Sabi ni Heavenica.
"Hindi, Umm.... Oo, maiiglip na ako, ehhh nagising ako sa ingay nyo.... parang narinig ko lang na naandito si Miss?" Pag sisinungaling ko.
"Ou... bakit? Mag- cash advance ka?" Si Manay Benin.
"Hindi po." Sabi ko.
"Anong pangalan mo?" Si Heavenica sakin.
"Ako? Kira Irish Mendoza, kayo? Anong mga pangalan nyo?" Tanong ko.
"Ako si Heavenica... Heavenica Scott ang fullname." Sabi nyang nakangiti.
"Ako naman Si Zull for short... Zullianena Reyes, ang full name ko." Sabi lang nitong natatawa.
"Ako si Kriztha... Kriztha Sollen Santiago." Imik nito pagdaka.y
"Ako naman... Si Heart.... Heartlyn Valera." Sabi nya.
"Zeira Ayesha Cruz....Ayesha ang nickname ko."
"Mauriel Ann Smith, naman ako. Ann ang gusto kong tawag sakin."
"Kilala mo na ako diba, pero Mica Gemuse Montero ang fullname ko." Sabi nito.
"Ako naman si Fatima Villanze... Fatima ang tawag sakin dito." Sabi nito sabay ngiti.
"Ako! Benin Catedrane... Benin talaga wala nang igaganda pa. Hindi pang Pageant." Sabi nito.
Nagkatawanan kami.
"Ang gaganda ng mga pangalan nyo. Pati kayo mismo... Bakit ito ang napili nyong trabaho." Tanong ko.
"Eh, kase mga taga probinsya kami... wala kaming aral. Kaysa mag benta ng katawan eh... ganito na lang, marangal pa, Diba?" Si Zull ang nag paliwanag sakin.
"Ou, Tama sya." Sang ayon naman ni Mauriel.
"Alam mo ba, mga dati akong lansangan at pinulot lang ako ni Ma'am Shari." Kwento ni Benin.
"Talaga ho?!" Napamangha ako.
"Ou, kawawa nga sya eh. Namulibi sya nun... kase nawalan sya ng bahay at mga anak, dahil sa bagyo." Segunda ni Zeira.
6:00 pm na ng hapon ng mag stay na lang ako sa kwarto ko.
Tumawag ako sa best friend kong kagaya ko ding nangangatulong.
"Hello! Kira natanggap na ako sa agency na sinasabi mo." Masayang sabi sakin ni Shawn.
"O, di makakapagtrabaho kana ng may SSS nyan at hindi nababawasan ang sahod mo." Sabi ko sa kanya.
"Ou... salamat ah!" Sabi nito sakin.
Si Shawn ang best friend ko na parang nakaka-experience ng paranormal. Kase she can feel na what ever sa isang lugar or sa paligid.
Habang nag kukwentuhan kami...
"Kira?!"
"Yah?" nagtaka ako sa tuno nyang pagtawag sakin.
"May kasama ka ba jan?"
"Ha!?" Nahintakot ako sa sinabi nya. "Bakit?" Taka kong tanong.
"Feel ko kaseng may umaaligid sayo... wag kang mahimbing matulog mamaya ah!" Sabi naman nito sakin.
Parang nangilabot ako sa sinabi nya.
"Ha?! Bakit nga? Bess, mag isa lang ako dito sa room ah. Wag kang manakot." Comment ko ngunit kabado ako.
Subok ko na sya pero sa pagkakataon na to... parang hindi ko sya mapaniwalaan dahil on the phone lang kami.
"Oo, totoo. Iba ang feel ko jan sa paligid mo." Sabi pa nito.
"Grabe ka! Kahit ba naman sa phone lang eh!" Sabi ko na nilalalabanan ang takot sa sinabi nya.