webnovel

MY BODYGUARD [TAGALOG - COMPLETED]

综合
連載 · 509.2K 流覽
  • 42 章
    內容
  • 評分
  • NO.200+
    鼎力相助
摘要

SUMMER CLOUD HAMILTON Isang sikat na model na pinag aagawan sa mundo ng Industriya sa pag momodelo. Galing sa isang mayaman at tinitingalang pamilya. Lumaki na sinusunod lahat ang gusto niya. Ayaw niyang tinatanggihan siya, sanay rin siya nakukuha ang lahat ng gusto niya sa buhay. Spoiled brat, bukod pa rito kinaiinisan siya ng lahat dahil sa kagaspangan ng ugali nya. Minamaliit nya ang mga taong nakapaligid sa kanya. A heartless, stubborn woman. Palagi sya ang laman ng chismis sa lahat. Wala pang tao na kaya siyang banggain o tumapat sa pag uugali niya. Not until when PARKER COLE SERVANTEZ enter her life. Naging Bodyguard niya ito dahil sa malaking banta sa buhay nilang mag ama. Pakiramdam nya sumikip ang mundo nya ng dumating ang binata sa buhay niya dahil sa marami na ang nagbabago sa takbo ng araw-araw niyang buhay. When her life turn down, hindi niya alam kong paano o saan magsimula. Hindi siya sanay sa buhay mahirap. How can she manage to survive? Does a heartless, stubborn woman like her can change? Does Parker can tame her cold , ruthless heart? May pag asa ba na magbago ang lahat ng nakasanayan niya at paniniwala? Ano ang maidudulot ni Summer sa magulong buhay ni Parker? Does there heart destined to each other kahit pa sa peligrong dala niya sa buhay ng dalaga?

Chapter 1PROLOGUE

SUMMER POV.

PUNO ng sigawan at hiwayan ang buong paligid ng lumabas na ako sa stage para rumampa.

Syempre ako ang bet nila kase ako ang pinaka maganda sa lahat. Ginandahan ko pa nang husto ang bawat paglakad ko na may kasabay pang kaway sa mga nagwawala ko nang fans.

Ngunit bigla nalang namatay ang mga ilaw at ang hiwayan kanina ay napalitan ng sigawan ng mga taong naruroon.

Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Kinakabahan ako dahil wala akong makita dahil sa subrang kadiliman.

"Ms S! Ms S Nasaan ka ba?" Narinig kong tawag sa akin ni Laura ang baklita kong P.A.

"Im here, Laura bilisan mo! San ka ba nanggaling at bakit ngayon ka lang dumating ha?" Inis kong bulyaw sa kanya.

"Pasensya na Ms.S hinahanap ko pa kase tong cellphone ko sa backstage." pagdadahilan nito.

"Ang sabihin mo tanga ka! Ayusin mo ang trabaho mo sa akin bakla ka! Dahil pag ako nakahanap ng mas effective pa sayo sa kangkongan ka pupulutin." Mabilis kong hinablot sa kanya ang flashlight at naglakad pababa patungo sa backstage para sana makapagbihis na.

Bwesit! Bakit ngayon pa to nangyari! For sure bukas pagpepyestahan na naman ako ng mga Pesting reporter at media nito.

Papalapit na ako sa dressing room ko ng muli na namang umilaw ang paligid. Nagkakagulo pa rin ang mga tao sa venue kahit may ilaw na.

"Ms. S hindi ka na ba tutuloy sa pagrampa?" Tanong sa akin ng event coordinator.

"Sa tingin mo rarampa pa ako ha? Kong inayos nyo lang sana ang lahat hindi magkaproblema ang pagrampa ko, pinapahiya niyo ako sa mga tao! At sabihin mo jan sa amo mo hindi Ako intresado sa inaalok niya sa akin na trabaho! Isaksak nya yan sa baga niya." Mabilis ko rin nilampasan ang babae at tuluyan nang pumasok sa dressing room. Matapos kong magbihis ay lumabas na ako at hindi kona hinintay si Laura.

Isa pa ang baklang to mas lalo niya lang pinapainit ang ulo ko kabwesit!

Pasara na sana ang elevator na sinasakyan ko ng may dalawang kamay na humarang dito.

Nagulat ako ng makita ang isang lalaki na naka face mask, naka bonnet at nakaleather jacket. Bahagya itong tumingin sa akin agad kong hinuli ang mga mata niya at sinamaan ko ng tingin.

"Stalker ka ba?" Walang preno kong tanong dito.

Hindi ito sumagot at pinindot na nito ang ground botton. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin nakita ko sa peripheral vision ko na agad ko namang nilingon.

"What?" Mataray kong tanong kasabay ang pagtaas ng kilay ko at pagsuyod ng tingin sa kanya.

Hindi ko lang makita ang kabuoang anyo ng hitsura niya dahil naka face mask siya. Pero nasesegurado ko na malaki ang pangangatawan niya dahil malaki siyang tignan.

Nang bumukas ang Elevator. Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin at niyakap. Kasabay non ang mga putok na baril na narinig ko.

Walang humpay ang pagpintig ng malakas ang puso ko sa nangyari.

Tulala ako at takot na takot na napayakap sa lalaking di ko naman kilala.

"W- What's H-happening?" Nanginginig kong tanong sa kanya. Pero wala akong narinig na sagot.

Inalalayan niya akong makatayo ng maayos saka hila hila ang mga kamay ko.

Hindi ko alam kong san nya ako dadalhin o kong ano ang mangyayari sa akin. Natatakot ako may tao ba na gusto akong patayin? Kong ganon sino ang taong iyon? At ano ang kasalanan ko sa kanya?

Hindi ko maiwasan na kabahan. Lalo na at palayo na palayo kami sa venue tinatahak na namin ngayon ang madumi at makipot na eskinita.

"Sandali, Im tired! Subrang sakit na ng binti ko." Pagrereklamo ko sabay hablot ng kamay ko at tumigil saka sumandal sa pader para hindi tuluyang babagsak ang katawan ko sa pagod.

Hindi paman ako nakatayo ng matagal ay bigla niya akong binuhat na parang sako lang ng bigas.

"Bwesit! Ibaba mo ako!" Hinahampas ko likud niya at panay pagpupumiglas ako.

"Ibaba mo ako sabi ano ba!"

Hindi niya parin ako ibinaba. Pagod na rin ang katawan ko sa pinangagawa ko kaya hinayaan ko nalang siya.

HINDI ko alam kong ilang oras akong natutulog. Wala na akong naramdaman na pananakit ng binti ko.

Teka? Bakit nasa kwarto na ako? Napabalikwas ako ng bangon at sinipat sipat ang suot ko.

Ito parin ang suot ko anong nangyari? Bakit nandito na ako sa kwarto ko?

Nagmamadali akong bumaba at naabutan ko si Dady na may kausap na lalaki. Hindi ko makita ang hitsura niya dahil nakatalikud ito sa akin.

"Dad?"

"Ihaj, your awake and your now safe." Sabi ni dad at agad itong tumayo saka sinalubong ako at niyakap.

"Dady, I'm really really scared, ano ba ang nangyari? Kong hindi ako niligtas ni Mr. Mysterious guy na yon i think i am lying in my beautiful coffin now."

"Hindi ko alam kong sino ang gumawa non sayo anak, pero pinapa imbestigahan kona sa mga kaibigan ko na nasa NBI ang nangyari, and you dont need to worry hindi kana aalis ng bahay na walang kasama."

Kumalas ako sa pagkayap ng ni dad parang may binabalak na naman itong gawin.

"What are you saying dady?"

"Im hiring a Bodyguard to be your companion sa lahat ng gagawin mo."

"What? No! Dady, ayaw ko ng may asungot na susunod sunod sa akin sa bawat lakad at kilos ko."

"This is for your own protection anak, natatakot na ako na lalabas kang mag isa baka maulit na naman ang nangyari." Nakita ko sa mukha ni dad angsubrang pag aalala.

"I can handle myself dady! Ayaw ko ng Bodyguard."

"Habang nasa poder kita Summer Cloud ang gusto ko ang masusunod!" naramdaman ko ang pagtaas ng boses ni dad ibig sabihin hind niya gusto na aayawan ko siya.

"Okay Fine! Basta sabihin nyo jan sa lalaking yan! Wag masyadong maglalapit sakin." Umaliwalas naman kaagad ang mukha ni dady ng marinig na pumayag ako.

Wala akong choice! Pero pag gusto kong aalis na mag isa i have all my evil plan to do that!

Umalis na ako sa sala at umakyat pabalik sa kwarto ko. Hindi ako nasisiyahan sa ginawa mo dady! At gagawin ko ang gusto ko.

你也許也喜歡

My Evil Step Brother

WARNING: Slightly ECCHI 18+ ONLY! Under Revisions/TEENFIC highest rank: #64/ROMCOM highest rank:#10/LOVESTORY highest rank: #27/WATTPAD highest rank: #1/Completed It's been 5years after my dad died from an accident, my mom took all the responsibilities for us! Halos hindi na kami magkita dahil s sobrang busy nya that's why I learned how to handle and took care of myself since she's always not at home! Madalas kasi out of town or out of the country ang work nya, I really missed her pero I understand kung bakit kailangan nyang magtrabaho ng mabuti... It's for me! I love her so much and I swore not to be a burden to her! Pero isang araw... She came back home... Akala ko just an ordinary visit.. But NOOOO!!!! She came back home...with a guy on her side! Based on his features... he looks so handsome even if his mid 40's, he also looks intelligent,wealthy and someone that needs to be respect! Hmn!? Mom and that guy... They were holding hands and... Wait! WHAAATTT!? Anong nangyayari!? Seryoso!????... I thought that's the only surprise pero... WHAT THE HELL MOM!? she informed me that... THEY'RE GETTING MARRIED AFTER 6MONTHS.. THAT FAST!? hindi ko alam kung bakit ngayon nya lang sinabi ito! As much as I wanted to confront her... hindi ko nagawa dahil nagmadali din silang umalis without any explanation! parang masisira ang ulo ko.. my gashhhh!!! After that day, hindi pa ko nakakarecover pero... Ito na naman ang isa pang surpresa! Early in the morning someone buzzed our doorbell.. and when I opened the gate... Halos mahulog na ang panga ko! Sino tong gwapong lalaking nasa harap ko!??? May dala syang maleta na akala mo magbabakasyon!? I tried to manage my kilig but when I asked him who he was.. He wore this irritating nasty smile and said... "I'm your dearest step brother..Reece Devaughn!" HUWAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!

05dayDreamer · 综合
分數不夠
4 Chs

Stallion Series (Filipino, Tagalog) - Stallion Boys of Exclusive Stallion Riding Club under Precious Hearts Romances

A collaboration of Sofia and Sonia Francesca. Stallion Riding Club is an exclusive club for the rich, successful, gorgeous, and famous men in the Philippines. Nestled in Tagaytay, women dream of entering their secret paradise and capture their heart. Sofia's stories will be featured on this post. Each story will be posted per volume. Sonia Francesca's books will be preview only or teaser only. Video preview of Stallion Series: https://www.youtube.com/watch?v=cOASTI9xb-A ***Photo credits to the owner of the photo To get a printed books with pre-order option and autograph: https://www.facebook.com/Myprecioustresures Shopee (with free delivery and COD option in Philippines): www.shopee.ph/sofiaphr To get complete ebook: www.preciouspagesebookstore.com.ph Keep in touch via Facebook: Sofia PHR Page Here's the official list of Stallion Boys: 1. Juan "Jubei" Bernardo IV 2. Eneru Villasis 3. Gregory Alfred "Gino" Santayana 4. Suichiro "Hiro" Hinata 5. Reigan Baltazar 6. Neiji Villaraza 7. Yue Anthony "Yuan" Zheng 8. Gabryel Hinasan 9. Brandon James "Brad" Alonzo Crawford 10. Rodjan Sta Maria 11. Kaiser Montezor 12. Yozack Florencio 13. Renzell "Zell" Zapanta 14. Emrei Rafiq 15. Romanov Querido 16. Jason Erwin "Jed" Dean 17. Crawford Oreña 18. Kester Mondragon 19. Phillipe Jacobs "PJ" 20. Eiraun Jimuel "Eiji" Romero 21. Rolf Guzman 22. Beiron Rafiq 23. Reichen Alleje 24-25. Reid Alleje 26. Peter Paul "Pipo" De Vera 27. Cedric Johannson "Johann" Cristobal 28. Daniel "Daboi" Bustamante 29. Angelo Exel Formosa 30. Gianpaolo Aragon 31. Thyago Palacios 32. Icen Villazanta 33. Hayden Anthony Illano 34. Rozen Aldeguer 35. Joziah Gatchalian 36. Cloudio "Cloud" Montañez 37. Eizhiro Figuerao 38. Zantino Roberto "Zairo" Montevedra III 39. Hans Cervantes 40. Baxter Saavedra 41. Mark Ashley Camello 42. Danilo Ricardo "Danrick" Tezzoro 43. Richard Don Robles 44. Ricos Caderao 45. Lee Shin Yang 46-47. Myco Gosiaco 48. Reiven Alleje 49. Ian Jack Salmentar 50-51. Trigger Samaniego 52-53. Jigger Samaniego

Sofia_PHR · 综合
4.9
557 Chs