SUMMER POV
NAKA bihis na ako ng bumaba ako sa kwarto. Naabotan ko si Dady na sumisimsim sa paborito niyang kape.
Tumingin ito sa gawi ko at sininyasan na lumapit muna sa kanya kaya ganon ang ginawa ko.
"Ma lalate ng konte si Parker Anak, Magbreakfast ka muna "ani nito.
"Hindi ako nagugutom Dad, at okay lang naman makapaghintay naman ako maaga pa naman e "tugon ko. Tumitig naman sa akin si Dady na parang may kinaklaro sa sagot ko.
"Napansin ko lang nitong nakaraan hindi mona masydong sinusungitan si Parker,"puna nito.
Hindi kona nga iyon kayang gawin dahil utang ko kay Parker ang buhay ko araw araw. Wala na akong ibang naisip na maaring bayad ko sa ginagawa niya kundi ang pakitunguhan siya ng maayos kahit na minsan sarap niyang bigwasin.
"Wala lang ako sa mood magtaray ngayon Dad, masyadong Okupado ang utak ko para isingit ang pagtataray ko "ngumiti naman si Dad sa sinabi ko.
Ilang minuto din kaming nag uusap ni Dad ng dumating na sa wakas si Parker. Tumango lang ito ng magkatitigan kami at nakipag usap muna ito kay Dady.
"Ihaj, wag ka munang Lumabas hintayin mo si Parker May pag uusapan lang kami ". Hindi nakatakas sa nga mata ko ang nakatagong pag aalala ni Dad.
What's going on? May nangyayari ba? Sinundan ko lang ng tingin ang papalayong bulto ni Dad at Parker.
Kinabahan na naman ako. Bakit pakiramdam ko may kong anong hindi maganda ang mangyayari?
Pilit ko naman kinalma ang aking sarili, sa sunod sunod na nangyari sa buhay ko pakiramdam ko hindi na ako safe kahit san ako magpunta.
Bumalik si Parker at si Dad seryuso parin ang mga hitsura ng mga ito.
"What's goin on here? "Naitanong ko diko na napigilan ang bibig ko sa subrang kaba.
"May mga itim na sasakyan na umaaligid sa bahay natin kanina nakita ni Parker kaya siya natagalang pumasok dahil hinintay niyang makaalis ang mga ito "saad na ni Dady na puno rin ng pag aalala.
Napatakip ako sa nakaawang kong bibig dahil sa gulat na narinig. So pati dito sa bahay ay hindi narin safe?
"What are we going to do Dad? Natatakot na ako sa mga nangyari nitong mga araw natutruma na ako "halos maiyak na ako.
"Si Parker na ang bahala sa lahat anak sumunod nalang tayo ,"
Napatingin ako kay Parker, kalmado lang ito at nag isang linyahan lang ang mga kilay. Gusto kong mainis sa hitsura niyang yan pero mas nangingibaw ang takot na naramdaman ko.
"Don, aalis na kami , ang kailangan mo lang makipag cooperate sa main at magpapadala sila dito ng iilang mahusay na Bodyguard "sabi ni Parker saka nagpaalam kay Dad at nauna nang lumabas.
"Ano yun Dad?ano yung sinabi ni Parker?"usisa ko.
"Nagpadagdag ako ng Bodyguard Anak , labin lima dito sa bahay at Lima para sayo "
"What? Bakit ang dami naman yata nila Dady? Ganon naba tayo kadelikado sa mga taong gusto tayong saktan?"
"Hindi natin kilala ang kalaban anak kaya mas kailangan natin ang dobleng pag iingat at ang kagaya nila , umalis kana baka malate ka pa sa photoshoot mo basta mag iingat ka palage ".
Yumakap ako kay Dad saka nagpaalam kabado akong Lumabas sa bahay at panay linga sa paligid.
Nang makapasok na ako sa sasakyan ni Parker. Natigilan ako ng tumingin ito sa akin.
"What?"
"Don ka sa likud bakit andito ka sa front seat?"
"Ayuko dun , mas gusto ko dito "
"Sa likud ka "
"Bakit ba? E sa ayaw ko dun "
"Sa likud kana sabi ey "
Kinunotan ko siya ng noo saka pinaningkitan ng aking mga mata. Nag iwas naman ito ng tingin sa akin. Gusto kong matawa sa réaction niya.
"Ayaw mo akong makatabi no? Bakit hindi mo ba kaya ang presensya ko Parker?"pang aasar ko.
"Wag ka ngang assuming , Kaya kita gustong nasa likud dahil mas well protected ang salamin doon kesa dito. Pag dito ka sa harap sampong bullets lang ang kaya nito at mababasag na ang salamin "
Napahiya ako sa naisip ko Walang hiya napaka assuming ko nga bumaba na ako saka lumipat sa passenger seat.
Nagulat ako ng may humarang na sa harapan ko. Makapal na parang salamin. Napagitnaan namin ni Parker. Kinatok ko yun at bigla naman itong naglaho. Wow ang cool non a
"Para san yun?" Naguguluhan kong tanong.
"For your protection, secured ka jan sa loob kahit pa pasabugan ka pa nila ng bomba ,"
Wala na akong masabi. Nanatili na lamang akong tikom at hinintay na makarating sa studio.
"Muntik ka ng ma late Ms S , bakit ba ang tagal mong babae ka ?"bungad sakin ni Laura.
"Manahimik ka Laura wala ako sa mood makichika sayo, Lumabas kana magbibihis lang ako ".
"Ito na ang susuotin mo Ms. S mga bagong labas na damit ng Gucci "saka inabot ni Laura sakin.
Pinatsadahan ko ng tingin ang gray na long gown nakabukas ang likod nito hanggang beywang close naman sa harap at may slit hanggang hita bagong design na naman.
Agad ko iyong sinuot saka tinignan ang replika ko sa salamin. Napapangiti ako dahil parang sinukat ang sakin ang damit at fit na fit sa akin.
Nang makalabas ako sa dressing room tutok sa akin ang mga mata ng andun maging ang mata ni Mr. Alcazar na siyang may ari ng studio.
"Okay Summer Pumwesto "
Tumalima naman ako, bawat anggulo ay kinunan nila ng picture. May nakaupo ako, nakatayo naka pameywang, may fierce , may nakangiti may naka simangot. Madami pa silang pinagawa sa akin sa mga oras na iyon.
"Retouch ! Retouch muna!"sigaw ng baklang manager ko.
Agad naman nagsilapitan sa akin mga make up artist at ni retouch ako may ibang damit na namang ipinasuot sa akin.
Matapos ang tatlong oras sa studio pakiramdam ko nawawalan na ako ng lakas kapagod nananakit ang binti ko sa suot kong heels kahit na sanay na akong magsuot nito.
Nakapagbihis na ulit ako saka lumabas na sa dressing room.
"Bukas Summer may fassion show tayo ikaw ang huling rarampa kaya ikondisyon mo ang katawan mo at please wag kang malate naintindhan mo?" Anang ng manager kong bakla
"Noted mama,"saka nakataas kilay na itong naglakad papalayo.
"Ms S, may poge pong naghihintay sa inyo sa labas "ani ni Laura.
Natigilan ako sa paglalakad. May kong anong emosyon ang nararamdaman ko sa loob ko. Ang weird lang !
"Laura? Ihanda mona ang mga gamit ko para bukas dahil may fassion show tayong aaten-an don't forget to call me before 6 am okay?"
"Okay Ms S noted , Ingat po kayo".
Tumango lang ako sakanya at nagpatulog ng paglalakad hanggang sa makalabas ako sa studio.
Natigil ako sa paglalakad at napatingin sa deriksyon ni Parker nakasandal ito sa Sasakyan niya at nakahalukipkip. Sumibol ang kakaibang kaba sa puso ko at ramdam ko ang pagbilis ng tibok nito.
Hindi kona lang iyon pinansin saka nagtulog tuloy sa paglakad papalapit na sana ako sa Sasakyan ni ng biglang natisod ako.
Nagslowmo lahat sa paligid ko pakiramdam ko napapikit ako dahil alam kong masakit ang babagsakan ko. Gusto kong kutusan ang aking sarili dahil sa katangahan ko.
Napamulat ako ng aking mga mata ng maramdaman kong hindi ako bumagsak. Napakurap kurap ako ng ilang beses at nanlaki ang aking mga mata ng makita ang mukha ni Parker at subrang lapit nang mukha namin sa isat isa at amoy kona ang mabango niyang hininga.
Parang gustong lumabas ng puso ko sa subrang pag wawala nito namingi din ako at pakiramdam ko kaming dalawa lang ni Parker ang tao.
Kunot noo naman itong nakadungaw sa akin saka lang ulit ako bumalik sa huwisyo at agad niya akong itinayo.
"Be careful sa lalakaran mo ikaw tumingin wag sa akin "nakangisi nitong saad.
Nag iinit ang pisngi ko sa sinabi niya diko naman kase namalayan na may isang step pa pala napahiya ako sa nangyari. Napakapa ako sa dibdib ko na hindi parin tumigil ang kakaibang kaba. Ang weird ! Napaka weird nang naramdaman ko ngayon.
"Ano? Tutunga nga ka lang ba jan?" Biglang sigaw nito
Natauhan ulit ako at saka pa ako nagmamadaling pumasok sa loob ng sasakyan. Sinulyapan muna niya ako bago pinaandar ang kotse niya.
Ano bang nangyari sa akin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?