Ginagap ni Theo ang kamay ni Arielle nang mapansin ang pananahimik niya. Alam ni Arielle na kanina pa siya matamang pinagmamasdan ng asawa. Magkaharap silang nakaupo sa pandalawahang lamesa sa restaurant sa loob ng hotel na iyon.
"Kanina ka pa tahimik.." pansin nito. "May masakit pa ba sa'yo? Do you feel sore.."
Mabilis na umiling si Arielle. "Tanghali na akong nagising kanina.. Masakit lang ang ulo ko." pagdadahilan niya.
Kalahati totoo, kalahati hindi. Ang totoo, hindi lang ulo niya ang nananakit, pakiramdam niya mabibiyak din ang dibdib niya sa hindi niya mailabas na sama ng loob. Kanina pa siya nagpipigil maiyak.
Halos kalahating oras pa siyang naghintay sa presidential suite bago bumalik si Theo mula sa kwarto ni Grace. At bakit ba nasa hotel pa ang babae hanggang sa mga oras na iyon? Ano ba ito ni Theo maliban sa sinasabi nitong ex girlfriend nito ang babae at kaibigan? Kept woman?
Kanina pa mangani nganing komprontahin ni Arielle ang asawa. Pero nagpigil siya. Hindi niya kayang tanggapin ang magiging rason nito kung sakali - magkaibigan lang sila..
Nabanggit sa kanya ni Theo na sa hotel din na iyon tutuloy pansamantala ang babae at ang ilang kaanak ng asawa. Pero wala itong sinasabi na kailangan nitong samahan at ihatid hanggang sa loob ng silid nito ang impaktita.
Iniwan siya ni Theo sa silid nila para makipagtagpo sa ex girlfriend nito at ang sakit sakit makita itong nagtataksil sa mismong mga mata niya.
Theo was extra sweet at panay ang halik sa kanya simula nang bumalik ito sa suite nila. Matapos nitong magshower, niyaya na siyang mag brunch. Pinili niyang sa restaurant na lang sila sa ibaba kumain. Hindi niya yata kakayaning manatili sa kwarto nila kasama si Theo. Baka mapabulalas siya ng iyak sa sama ng loob.
"Tatawagan ko na lang si Papa na mamayang gabi na lang ihatid dito sa hotel si TJ. Bukas na lang tayo bumyahe patungong Panglao.."
Wala siyang isinagot doon. Hindi na rin siya kinulit ni Theo. Naisip nito na baka nga masama ang pakiramdam niya dahil sa pagod.. from the wedding ceremony, reception.. to their wild and passionate lovemakings.
Maingat siyang inalalayan ni Theo na tumayo at iginiya siya palabas ng restaurant. Hindi siya umimik habang sakay sila ng elevator bagaman aware siya sa malakas at mainit na braso ng asawa na nakapulupot sa baywang niya.
Naupo si Arielle sa stool nang makapasok sila sa suite. Pinagmasdan niya ang asawang nag aayos ng bedsheet. Hindi nito ipinalinis sa roomboy ang silid nila. Lumingon si Theo sa kanya, he smiled at her pagkatapos ay itinuloy ang ginagawa.
Noon nagring ang telepono. Dinampot niya iyon at sinagot. Si Grace ang nasa kabilang linya.
"Hi. Magkasama ba kayo ni Theo?" Bati - tanong nito sa kabilang linya.
Pinigil ni Arielle ang sariling singhalan ang babae. Malamang magkasama sila! Kakakasal lang nila hindi ba? At kung hindi ito umeeksena dapat ay maligaya sila sa mga sandaling iyon at wala siya dapat na kinikimkim na sama ng loob.
"A-anong kailangan mo?" tanong niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa receiver ng telepono.
"Magpapaalam lang sana kasi ako sa kanya." Sagot nito sa usual na maarteng boses ala Kris Aquino.
Nagpakawala si Arielle ng galit na buntong hininga pagkatapos ay pabagsak na inilapag ang awditibo sa counter kasabay ng pagtayo niya.
Nilingon siya ni Theo. Nangunot ang noo. Nahinto ito sa pag aayos ng kama. Sinulyapan ang naka hang na telepono pagkatapos ay muling napatitig sa kanya.
"Tumatawag ang babae mo!" galit na asik niya. Pulang pula ang mukha.
Nagsalubong higit ang noo ni Theo. "What are you talking about?"
Hindi siya nakasagot pero gusto niyang sugurin ang asawa at sampalin ito. Ang sakit sakit na nga, nagmamaang maangan pa ito!
Lalong nagngitngit si Arielle nang lumapit sa bedside table si Theo at damputin ang awditibo. Napaka insensitive ng hudyo! Halos maiyak siya sa selos at sama ng loob. Dinampot niya ang unan at inihagis sa asawang naguguluhan na napatitig sa kanya.
"Oh God, I really hate you, Theo! Hindi ako dapat nagpagamit sa 'yo! Hindi ako dapat.. Hindi ako dapat pumayag na magpakasal sa 'yo!"
Saglit na hindi nakahuma ang lalaki. Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya bago gumuhit ang sakit sa itim na itim nitong mga mata.
"Arielle.."
Tinakbo niya ang bathroom at inilock ang pinto nang makapasok. Sunod sunod ang pagtulo ng luha niya. She saw hurt in his eyes nang sabihin nyang hindi siya dapat nagpakasal dito.. Genuine or not, pakiramdam ni Arielle pinipiga din ang puso niya.
Jesus, she's in love with her husband. She couldn't tell him how much at heto ito, nambababae sa mismong mga mata niya!
"Arielle.." ang nag aalalang tinig ni Theo iyon kasabay ng pagkatok nito sa pinto ng bathroom. "Buksan mo ang pinto at mag usap tayo.. Mali ang iniisip mo.."
"Go away, Theo! Just leave me alone, please!"
May ilang saglit na tumahimik si Theo sa likod ng pinto. Pagkatapos ay narinig na ni Arielle ang mabibigat na hakbang nito palayo at ang pagbukas sara ng pinto ng suite.
Napahagulgol siya. Tinutop ang mukha ng mga palad niya. Tiyak na pupuntahan nito ang nagpapaalam na si Grace. Napaiyak siya lalo. May ilang minuto pa siya sa ganung ayos bago walang pagmamadaling lumabas ng bathroom.
Niyakap ni Arielle ang sarili. Nakalapat na ang awditibo sa craddle. Wala si Theo. Naupo siya sa ibabaw ng kama.
Nasa ganung ayos nang makarinig siya ng katok sa pinto. Mabilis siyang umahon sa kinauupuan sa pag aakalang si Theo ang nasa labas ng pintuan. Pero ganun na lang ang disappointment niya nang sa halip ay isang hotel staff ang napagbuksan niya.
"Maam, paracetamol ho at juice." Anito sa kanya. "Ipinaakyat ni Sir Theo para sa 'yo."
Tinanggap niya iyon at isinara na ang pinto. Hindi niya gustong magtanong kung nasaan ang asawa.. nagpo protesta ang pride niya.
Ininom niya ang paracetamol at nahiga sa kama. Pinilit ang sariling makatulog para matigil na siya sa pag iisip kung saan nagpunta sina Theo at Grace. May ideya naman na siya kung saan.
Mag a alas sais na ng gabi nang magising si Arielle. Ilang oras din siyang nakatulog. Nakadama siya ng kahungkagan nang matantong wala pa rin si Theo.
Pabuntong hiningang kinuha niya ang cellphone sa ibabaw ng bedside table at tinawagan si Ate Maring. Pero nagriring lang ang cellphone ng kasambahay. Kinansela niya ang tawag. Siguro ay kasama pa ng lolo at lola ni TJ ang magyaya.
Noon siya ulit nakarinig ng katok sa pinto. Ang hotel staff pa rin ang bumungad sa kanya nang buksan niya iyon.
"Maam, room service po." Anito. Bumaba ang tingin niya sa cart kung saan nakapatong ang tray ng pagkain.. and was surprise to see three long stemed red roses beside the tray.
"H-hindi naman ako.."
"Si Sir Theo po ang nag order." Nakangiting anang staff.
Natigilan siya. Iniabot nito sa kanya ang rosas pagkatapos ay ipinasok na nito ang pagkain sa loob at ipinatong sa ibabaw ng center table.
"May kailangan pa po kayo?" Tanong nito nang nasa may pintuan na ito. Alanganin siyang umiling.
Patalikod na ang lalaki nang muli niyang tawagin.
"N-nasaan si Theo?"
Nag alangan ang lalaki. Nagkamot ng ulo.
'Oh please, don't tell me na kasama niya si Grace..'
"Eh Maam.. nasa bakanteng kwarto sa 3rd floor."
"A-anong ginagawa niya doon?"
Stupid. Siya ang asawa hindi ba dapat alam niya ang rason kung bakit nandun ang mister niya?
"Eh nagpaakyat nga po ng alak sa akin, Maam. Doon po ako nanggaling bago ako umakyat dito."
"S-sinong kasama niya?"
"Mag isa lang ho, Maam."
Natigilan si Arielle. Pinigil niyang mag usisa pa kung natuloy ba sa pag checkout si Grace. Hindi rin naman siya sigurado kung kilala nito ang babae.
"Salamat."
Isinara ni Arielle ang pinto. Hindi siya mapakali. Bakit umiinom si Theo mag isa at anong ginagawa nito sa 3rd floor?
Napasulyap siya sa pagkain na nasa side table at sa tatlong rosas na hawak niya. Kinukurot ang puso niya. Kahit hindi sila okay, naalala siyang padalhan ng pagkain ni Theo.
Dinala niya sa ilong ang bulaklak. Sinamyo iyon pagkatapos ay dinala sa dibdib. Biglang bigla ay gustong sisihin ang sarili. Bakit hindi niya pinakinggan ang eksplenasyon ng asawa? Bakit hindi niya ito kinausap imbes na itinulak ito palayo sa kanya?
Ipinilig ni Arielle ang ulo. May paliwanag pa ba 'yong nakita niya kanina? Pero siya ang pinakasalan ni Theo, giit ng isip niya.. Ito ang ama ng anak niya.. hindi ba't may karapatan ang asawa niya na ipagtanggol o i explain ang sarili?
Kagaya ng sinabi ni Theo noon, si TJ ang dahilan kung bakit siya nito pinakasalan.. dahil siya ang Ina ng anak nito. Bakit ngayon masyado siyang nag a assume? Bakit nasasaktan siya at umaarte ng ganun eh malinaw naman ang lahat sa kanila umpisa pa lang?
Masama bang umasa na may damdamin din sa kanya ang lalaking mahal niya? Nagpahid ng luha sa mga mata si Arielle. Tutal gusto niya na rin namang umasa.. bakit hindi niya na lang subukang kumbinsihin ang asawa na mahalin siya?
Pagkatapos ng ilang minutong pakikipagtalo sa isip, lumapit siya sa telepono at idinayal ang numero sa front desk. Mabilis naman nabigay sa kanya ang room number kung nasaan ang asawa.
Lumabas sya ng suite bitbit ang tatlong rosas. Pagkatapos ay tinungo ang elevator.
Humugot siya ng malalim na buntong hininga bago kumatok sa pinto ng Room 306. Kinabahan siya lalo nang marinig ang palapit na yabag mula sa loob.
"Arielle..?" Hindi makapaniwalang anas ni Theo nang mapagbuksan siya ng pinto. Bahagyang nagtiim ang mga bagang nito nang mapansin ang pamumugto ng mga mata niya.
"Pwede ba akong pumasok?" alanganing tanong niya.
Nilakihan ni Theo ang pagkakabukas ng pinto para papasukin siya. Huminto si Arielle sa gitna ng silid. Nakatutok ang mga mata niya sa center table kung saan nakapatong ang bawas ng bote ng rhum.
"How's your headache? Ininom mo ba ang paracetamol na ipinaakyat ko kay Elmer?" Tikhim nito mula sa likuran niya.
Pumihit si Arielle paharap sa asawa. "K-kahit ba kaunti wala kang nararamdaman..?" Napapikit siya para lang magdilat agad. It might not be the right question to ask him.
"Nakita ko kayo kanina.. sa 6th floor." Sa halip ay aniya. Nagbabanta na naman ang mga luha sa mga mata niya. Tumuwid ng tayo si Theo pero hindi nagsalita. "Bakit sa unang araw pa ng kasal natin, Theo?" Hindi gustong manumbat ni Arielle pero kusang lumabas iyon sa tono ng boses niya.
Mataman siyang pinakatitigan ng asawa. "Kung totoong manloloko ang isang lalaki, wala siyang pipiliing oras o araw para magloko, Arielle."
Nakagat niya ang pang ibabang labi sa bitterness sa tinig ni Theo. Pasimple siyang lumunok.
"K-kasal na tayo, Theo.." Sa basag na tinig ay umpisa ni Arielle. "H-hindi ba talaga puwedeng kalimutan mo na si Grace at ako na lang ang mahalin mo?"