webnovel

Chapter Sixteen

Nakita ni Arielle na bahagyang kumibot ang mga labi ni Theo. Namulsa ito at mataman siyang pinagmasdan na parang ninanamnam nito ang sinabi niya.

"Ano ba sa tingin mo ang rason kung bakit kasama ko si Grace kanina, Arielle?" Tanong nito.

Kailangan niya pa bang sagutin iyon?

Bumuntong hininga si Theo, tila nabasa ang nasa isip niya.

"Hindi mo siguro nakita pero kumatok ako sa pintong 'yon.. Ibig sabihin, may ibang tao sa loob. Sila ang nagpapasok sa amin ni Grace."

Nag angat si Arielle ng tingin kay Theo. Humalukipkip naman ang lalaki. Pinagmasdan ang pagkagat niya sa sariling labi bago nagpakayukong yuko. Hindi niya napansin kung may nagbukas ng pinto mula sa loob ng kwartong iyon. Ang nakita niya ay ang pagpasok ni Grace sa loob kasunod si Theo.

"Sa kwartong iyon nakacheck in ang pinsan kong si Luke kasama ang mapapangasawa niya, si Ella. Papunta talaga ako sa kwarto ng dalawa nang makasabay ko si Grace.. Kung hindi mo pa alam, childhood friends sina Luke at Grace at kahapon lang sila ulit nagkita pagkatapos ng limang taon."

Nakilala ni Arielle kagabi ang Luke na tinutukoy ni Theo. Kasama nga nito ang fiancee nito na taga Norte. Nasabihan din siya ng asawa na sa hotel mag-o overnight ang dalawa bago bumyahe ang mga ito pauwi sa probinsya nina Theo sa Calatrava kinabukasan.

"Nandun pa sila hanggang ngayon, Arielle.. Kung hindi ka naniniwala, pwede nating kumpirmahin sa kanila pareho." Lumapit ito sa bedside table at dinampot ang telepono. Akmang magda dial nang pigilan niya ito.

"H-hindi na kailangan.. I believe you.. I'm sorry, Theo.."

Saglit na hindi kumibo si Theo. Sinundan nito ng tingin ang pag upo niya sa gilid ng kama.

"Why are you here, Arielle? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko tungkol sa paracetamol."

"Mas importante pa ba ang paracetamol na iyon kaysa sa huling tanong ko sa 'yo tungkol kay Grace at sa hiling ko na sana ako na lang ang mahalin mo, Theo?"

When Arielle raised her face to look at him, he was already staring. Hindi direkta pero para nya na ring inamin kay Theo ang totoong damdamin niya. But she's not holding back now. Gusto niya nang palayain ang damdamin niya para sa asawa.

Pero walang reaksyon mula kay Theo. Nanatiling blangko ang ekspresyon sa mukha nito sa pagkakatitig sa kanya. She was expecting him to say he feels the same way for her.. o kahit yung sabihin man lang nito na willing itong pag aralan siyang mahalin.

Nag alis si Arielle ng bara sa lalamunan. Natuturuan naman siguro ang puso, baka puwede niyang kumbinsihin si Theo na sumugal sa kanya.

"You see, since you took my virginity, hindi ka nawala sa isip ko. For the past two years your memories kept coming back. Parang multong hindi matahimik... Nakakatawa kasi sa lahat ng multo, ikaw lang ang nilo look forward kong makita ng paulit ulit.."

Kumibot ang mga labi ni Theo. At kung hindi lang agad na nagbaba ng tingin si Arielle, makikita niya ang bahagyang pagngiti nito.

"M-Mahal na kita Theo." Patuloy ni Arielle. This time, pinilit niyang ituon ang mga mata sa asawa. "H-Hindi naman imposibleng magkagusto ka din sa akin, hindi ba? Gusto kong umasang may pag asa tayong dalawa. Yung hindi lang dahil kay TJ kaya tayo nagsasama.."

"Kahit kailan, hindi ko kinailangan ng babae sa buhay ko, Arielle.." sa wakas ay sabi ni Theo. Pormal na ang mukha nito.

Lumunok si Arielle. Hindi niya nagawang iiwas ang tingin para itago sa lalaki ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Sa ilang linggong nakasama nya si Theo hindi lang iisang beses nitong ipinadama na importante siya. He was thoughtful, sweet and understanding at hindi pumapatol sa paminsan minsan niyang pagmamaktol. At umasa siyang pareho ang nararamdaman nila. Nagkamali ba siya?

"I thought so.." dugtong nito na nagpakurap sa kanya. "All my life I've been trying to figure out kung mayroon nga ba akong standard sa babaeng pipiliin kong iharap sa altar. And then I realized, simple lang naman pala ang gusto ko.. I just want that girl to be different from those women I've dated.."

Palakas ang tibok ng puso ni Arielle sa antisipasyon. Naalala ang sinabi ni Cecille sa ilang ulit na pagsubok ni Grace na makipagbalikan kay Theo.. at sa paulit ulit na pagtanggi ng lalaki dito. Kung si Grace nga ang mahal ni Theo bakit siya ang pinakasalan ng asawa at hindi ito?

Dahil kay TJ. Sagot ng isang bahagi ng isip ni Arielle. Iyon ang isang bagay na mayroon siya na wala si Grace.

But Arielle was still hopeful. Pakakasalan ba siya ni Theo kung wala itong ni katiting na damdamin para sa kanya? Kung tutuusin pwede itong magbigay ng suporta sa anak nila nang hindi nangangako ng habang buhay sa kanya. Mas convinient para kay Theo na akuin na lang ang responsibilidad sa bata lalo at hindi niya naman ito inobligang panagutan siya.

"I did try searching for that girl, Arielle but I failed to find her." Dagdag ni Theo.. "Then I met you.." ngumiti ito sa parteng iyon. Nag umpisang kumabog ang dibdib ni Arielle nang titigan siya ni Theo na parang inaalala nito ang una nilang encounter. "Malalim ang iniisip mo at namumula ang tungki ng ilong sa pagkakasandal mo sa loob ng elevator. There's this part of me telling me.. 'Hey, Theo, you finally found her!"

Arielle's heart now started to pound violently, pero kiber sumabog man ang ribcage niya dahil sa lakas at bilis ng tibok ng puso niya. Ang importane, mukhang nagtatapat ng pag ibig si Theo sa kanya!

"I found it disappointing and amusing at the same time nang yayain mo ako ng one night stand. You have no idea how my heart pound hearing you say that." Natawa ito ng bahagya.. "My mind told me not to take advantage of you pero iba naman ang sinasabi ng puso ko. One thing's for sure, I didn't had sex with you, Arielle.. I made love with you."

Hindi aware si Arielle na panay panay na ang tulo ng mga luha niya. Gusto niyang abutin si Theo pero hindi niya nagawang kumilos mula sa pagkakaupo. She just kept staring at Theo's love filled eyes. Willing to wait and listen sa iba pang ipagtatapat nito sa kanya.

"Ginusto kitang hanapin noon, nakahanda akong ipaisa isa sa receptionist ko ang mga pangalan ng guests na naka check in sa 5th floor. Ipa scan ang CCTV footage sa security kahit magmukha akong prinsepeng naghahanap sa runaway na prinsesa.. But then I remembered, hindi nga pala ako gusto ng prinsesa. She just wanted the experience.. hindi ako."

Lumunok si Arielle. "K-kinailangan kong sabihin iyon para pumayag kang.."

"I divirginized ka." Amused na anito. "Mahal kita, Arielle.. Hindi lang kahapon o kanina o nung muli tayong magkita.. Two years ago, my eyes, my mind and my heart finally knew that the search for that dream wife was over. Kaya nagpapasalamat ako nang tadhana na ang maghatid sa'yo sa akin. Niyaya kitang magpakasal at idinahilan si TJ."

"Pero siya naman talaga ang dahilan hindi ba?"

"Do you really think I married you para lang sa anak natin?"

Mahina siyang tumango. "Siguro sexually attracted ka sa akin..."

"Oh Jesus, Arielle.. I am attracted to you.. pero hindi lang sexually.. Mahal kita. Hindi ko pu- pwersahin ang sarili kong pakasalan ang isang babaeng hindi ko mahal.. kahit isang dosena pa ang anak ko sa kanya."

Bumaha ang emosyon sa dibdib ni Arielle nang humakbang si Theo palapit sa kanya.. He stopped few steps away from her, nakangiti hindi lang ang mga labi nito kundi maging ang mga mata.

"Now, your turn.. tell me, totoo bang nagsisisi ka na nagpakasal ka sa akin?" Tanong nito. Theo bent over para palisin ang mga luha sa pisngi niya gamit ang palad nito.

"I didn't mean it.. I was angry and jealous.. Naiinis ako sa Grace na iyon.. Hindi mo ba nakikita, bagay sa'yo ang babaeng 'yon. Maganda, matalino, makinis, maalindog samantalang ako .." she paused, nakaguhit ang mga insekyuridad sa mga mata. "Bumigat na ng tatlong kilo."

Amusement crossed Theo's eyes. Tumuwid ito sa pagkakatayo at buong pagmamahal siyang pinagmasdan. Tila nahihipnotismo siya nang hawakan ni Theo ang kamay niya at igiya siya patayo. Pinasadahan siya nito ng tingin, bago iniyakap ang mga braso sa baywang niya.

"Well true, Grace has a face and body to die for. But I am not going to leave you for a better body, whatever that means, Arielle." Seryoso pero nakangiting anito. "I picked you. I love you and I adore you.. every inch and every part, I can't even see..

Nakagat ni Arielle ang pang ibaba niyang labi. Nalulunod siya sa kaligayahan. Iniangat ni Theo ang mukha niya. Binigyan siya ng mariing halik sa mga labi kasabay ng pagyakap ng mahigpit sa kanya. Saglit na naghiwalay ang mga labi nila pero nanatili ang mga braso ni Theo sa baywang niya..

He was smiling, nagniningning ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya.

"Parang gusto kitang singilin ng rematch.. halos ikamatay ko kanina nang sabihin mong nagsisisi ka na nagpakasal ka sa akin."

Napangiwi siya. "I'm sorry Theo.. Hindi na mauulit. 'Yong tungkol kay Busty, sasabihin ko naman talaga sa 'yo.."

"I wanted to crushed his face last night at sumbatan ka sa pag aakalang ikaw ang nag imbita sa lalaking 'yon sa kasal natin. But I believe you, Arielle. Lahat ng sasabihin mo sa akin, truth or lie.." Nagkibit balikat si Theo. "I would still buy that.. wag lang tayong mag away."

"Hindi ako magsisinungaling tungkol sa lalaking iyon, Theo." And then guilt crossed her face. "Ako itong nagselos ng walang ebidensya.. Sinira ko ang buong araw natin pareho."

"Forget it." Tugon ni Theo. Nagulat pa si Arielle nang walang anuman siya nitong buhatin. Inilapag siya sa ibabaw ng kama at pagkatapos ay pumaibabaw sa kanya. Nakatukod ang mga kamay nito sa magkabilang gilid niya. "Let's forget about Grace and Busty, sweetheart. Let's make love, I've been dying to do that nang mapagbuksan kita ng pinto kanina. I missed you."

"Ilang oras lang tayong hindi nagkita."

"You can't blame me.. Isa pa, gusto kong malaman kung saang parte ng katawan mo nakalagay ang sinasabi mong tatlong kilong nadagdag sa timbang mo."

Natawa si Arielle. Kusa niyang iniyakap ang mga kamay sa batok ni Theo. "Hindi ako mapakali kanina sa suite, nag isip ako ng paraan para makausap ka at kumbinsihin kang mahalin ako.."

Ngumisi si Theo. "Kagaya ng ano halimbawa?"

"Housewife duties.. Dancing and singing a song for you perhaps.."

"Pwede ko bang marinig yong kanta bilang umpisa?"

"Seryoso?"

"I want to hear it."

"I don't have a good singing voice.." warning niya dito.

Nagkibit balikat si Theo. "That's fine."

Bumaba ito sa tabi niya. Patagilid ang pagkakahiga. Pumihit din siya paharap dito. They both smiled when their eyes met.

"Ready?" Tanong niya.

"Always.."

Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya na nakasabog sa mukha niya. Theo tried hard not to flinch nang mag umpisa siyang kumanta.

"Say you'll keep me in your heart...

Promise me we'll never part

I can only love you so much more

For you were all I'm dreaming for

And the only thing I knew

Is to give my love to you..

And forever you'll be in my heart,

the way I've always love you from the start..."

Mariin siyang hinalikan ni Theo sa mga labi nang matapos ang kanta. Kumikislap ang mga mata sa amusement nang pakawalan siya.

"Okay lang ba? Maganda?" Puno ng insekyuridad na tanong niya.

Tumikhim si Theo. "Maganda.." he answered. "Pero huwag mo ng ulitin ha?"

Nalukot ang mukha ni Arielle.. Natatawa namang niyakap siya ng asawa. Sa isang iglap ay nagawa nitong pumaibabaw uli sa kanya. He gave her soft butterfly kisses bago buong pagmamahal siyang tinitigan..

"Hindi maganda ang boses mo, Arielle.. But still it was music to my ears.." Pinagsalikop nito ang mga kamay nila.

"I love you, Theo."

"And I love you, too. I hope my kisses were enough to remind you that it's only you I love, Arielle. Wala ng iba."

"More than enough.." tugon niya.

Ipinikit ni Arielle ang mga mata at iniyakap ang mga braso sa katawan ng asawa nang maramdaman niya ang mga labi nito sa mga labi niya.

"I love you, Theo." She whispered sa pagitan ng pagtugon niya sa mainit na halik nito..

End.

下一章