webnovel

Chapter 6(It's Time to change)

Kagaya nga ng sinabi ni manang Coreng sa kanya ay mas pinili niyang maghintay muna hangga't hindi pa lumalamig ang ulo ng ate niya sa kanya.Isang linggo na kasi ang nakalipas matapos silang mag away ng kapatid at hanggang ngayon ay hindi parin siya nito kinakausap at hindi parin umuuwi sa kanilang bahay.Bagamat nalulungkot siya ay mas pinili niyang aliwin ang sarili sa mga pinapanood at binabasa niya.Hindi na rin siya muna pumasok dahil ayaw niyang mapahiya lamang at mapag usapan siya sa unibersidad nila.Ayaw niya naman kasing maging isyo iyon at madawit na naman ang pangalan ng kapatid niya at baka mas madagdagan lamang ang galit nito sa kanya.

Habang nagbabasa siya ng kwento sa isang sikat na libro ay hindi niya maiwasang mapaluha at maalala ang binata na naging dahilan ng kanyang paghihirap ngayon.

"ako naman ang may kagagawan nito".Paalala niya sa sarili dahil ayaw niyang isisi ang kanyang pagkakamali sa binata.

"nasaan na kaya siya ngayon?"hindi maiwasang tanong niya sa sarili ngunit siya lang din ang sumagot sa tanong na iyon.

"ano ba ang pakialam ko!kung malaman ba niya na buntis ako, eh paninindigan kaya niya ang magiging anak namin?!"pagalit niyang sagot sa sarili.

Pakiramdam niya tuloy ay mistula siyang siraulo dahil sa pakikipag usap sa kanyang sarili at pagsagot din naman sa kanyang mga katanungan.

"Hayyyy!""huminga siya ng malalim habang tinititigang mabuti ang libro na hawak niya.Maya maya pa ay may kumatok sa labas ng pintuan ng kanyang kwarto at si manang Coreng iyon.

"arriane?!gising kaba? tawag nito mula sa labas ng kanyang kwarto.

"Gising po ako manang."sagot niya saka tiniklop ang kanina pang hawak na libro at saka tumayo upang pagbuksan ng pintuan ang matanda.

"Manang bakit---biglang napigil sa ere ang kanyang sasabihin ng mula sa likod ng matanda ay dumungaw ang nakangiting mukha ng kapatid.

"Happpyyyy birthday!'nakangiting bati nito sa kanya habang may hawak na isang maliit na cake na may nakasinding kandila.

"bakit--hindi niya maituloy tuloy ang kanyang sasabihin dahil halos nag unahan na yata ang kanyang mga luha sa pagpatak dahil sa hindi maipaliwanag na kaligayahan.

"happy birthday arriane"!bakas sa mukha ng kapatid ang kaligayahan patunay na hindi na ito nagagalit sa kanya.Sa sobrang kaligayahan ay bigla siyang napasugod at napayakap dito ng mahigpit habang humahagulhol ng iyak..

"Ate.. salamat at di kana galit'"umiiyak paring wika niya habang nanatiling nakayakap dito.Maging ito ay napaiyak na din maging ang matanda ay napapaiyak din habang pinapanood silang magkapatid.

"Salamat ate".walang pagsidlan ng kaligayahan na wika niya..

"ano kaba naman, kapatid kita diba, kahit ano pa iyang kasalanan mo ako parin ang kapatid mo.. alam kung nasaktan kita dahil hindi kita inintindi ngunit hindi kasi ganun kadali yon eh"paliwanag nito sa kanya.

Walang mapagsidlan ng kaligayahan si arriane dahil sa pang unawa ng kanyang kapatid.Napaluha na lamang siya kasabay ng pagyakap dito ng mahigpit at pagpapasalamat dahil kahit ganun ang nangyari sa kanya ay hindi parin nawala ang pagmamahal at pang unawa nito sa kanya.

"maraming salamat ate".humihikbing wika niya habang nakayakap parin sa kapatid,marahan naman nitong kinalas ang pagkakayakap niya saka siya hinawakan sa pisngi habang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata.

"may mga bagay nga siguro arriane na kailangan mangyari sa atin hindi para ilugmok tayo kundi para may matutunan tayo sa ating mga pagkakamali."seryusong pahayag nito na lalong nagpahanga at nagpataas ng respeto niya sa kapatid.

"wala na akong masabi ate..napapangiting wika niya.

"Basta arriane ipangako mo sa akin na aayusin mo iyang buhay mo, saka pwede ka naman mag aral kahit nagbubuntis ka ngayon kung gusto mo.. sayang naman kasi ng taon eh.,.maya maya'y sabi nito na ikinangiwi niya.

Ano na lamang kaya ang sasabihin ng mga nakakakilala sa kanya kung makikita siyang nag aaral na nauuna ang kanyang tiyan.Naiisip lamang niya ay parang aatras na siya.

"helller.. ikaw naman ang may kasalanan niyan diba? kundi sa kalandian mo.. di naman mangyayari saiyo yan."sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak.

Nakaramdam tuloy siya ng pagkapahiya sa sarili.. masyado nga yata siyang naging nega, iyon tuloy ay sarili lamang niya ang magsusumbat sa kanya ngayon.

"okay ka lang arriane".?maya maya'y untag sa kanya ni monica ng hindi siya sumagot.

"Ah,,eh ate, okay lang kaya na papasok ako ngayong first sem.. kung ganito ang aking sitwasyon?"inginuso pa niya ang sariling tiyan na medyo halata na ang umbok nito.

"well, for me kasi is okay naman na ipagpatuloy mo iyong first sem mo this year kasi sayang naman diba, marami namang school na tumatanggap ng mga kagaya mo, and hindi lang naman ang unibersidad na pinapasukan mo ngayon ang pwede mong pasukan diba,? nasa saiyo parin naman kasi iyan kung papaano mo tatanggapin ang pang aalipusta ng mga taong nakapaligid saiyo, halimbawa;

nariyan talaga ang lalaiitin at huhusgahan ka dahil sa edad mo ay nagbuntis kana.. pero nasa saiyo iyan arriane kung papaano mo iyan e hahandle diba?"mahaba at puno ng pagmamahal na paliwanag nito sa kanya.Iyon ang malaking kaibahan nilang magkapatid, bukod kasi sa matalino ito ay napaka maunawain nito sa lahat ng bagay na kahit nga minsan ay ikinapapahamak na nito.

"sabagay ate, pero okay lanf ba sayo ate na pag isipan ko muna please, sa ngayon kasi ate hindi ko pa alam kung papaano magsisimula at papaano ko pakikisamahan ang mga mangyayari lalo na at lalaki talaga ang tiyan ko ate."nahihiyang sagot niya rito.

"Naiintindihan kita arriane, basta ipangako mo lamang na mag aaral ka kahit hindi man ngayon, hindi kita pipilitin na gawin mo ang mga iyan sa ngayon, ang gusto ko pag nakapanganak ka ay saka ka na mag aral kung iyan ang iyong gusto."

"Mara.ing salamat saiyong pang unawa ate."muli ay nagyakap silang dalawang magkapatid tanda ng kanilang mas matatag na samahan.

Ngayon niya rin napatunayan kung gaano kabait ang ate Monica niya hindi lamang sa kanya kundi maging sa ibang tao.Masyado kasi siyang naging mataas sa kanyang sarili at hindi niya nakita ang kahalagahan ng mga bagay na tinatamasa niya ngayon.Lumaki kasi siyang nasusunod ang kanyang mga gusto lalo na noong nabubuhay pa ang kanilang mga magulang.Ngunit ipinangako niya sa sarili na aayusin niya ang kanyang buhay para sa kanila ng magiging anak niya.Magiging mabuti siyang kapatid at nanay para hindi magiging walang silbi ang paghihirap ng kanyang ate monica para sa kanya.Magbabago siya para ikabubuti ng lahat.At kagaya nga nang naipangako niya sa kanyang sarili ay unti unti nga niyang binagi ang kanyang gawi, at pananaw sa kanyang buhay, malayo sa pasaway, at matigas ang ulong si arriane.Mahirap sa una ngunit kaya naman pala niyang magbago pag ginusto talaga niya.

Mabilis na lumipas ang mga araw, at buwan,at gaya ng napagplanuhan nilang magkapatid ay mas nasunod nga ang kanyang gusto ang ipagpatuloy na lamang ang kanyang pag aaral matapos siyang makapanganak.At ngayon mga ay natataranta si aleng Coreng kung papaano siya nito aaluin dahil sumasakit na ang kanyang tiyan lalo na at nasa opisina pa ang kanyang kapatid.

"Mannnnaaannnggggg!!"" araaaarrrrayyyyyyý"halos kulang nalang ay magsisigaw siya dahil sa labis na sakit na nararamdaman habang naglalabor.

"si ate manang.... natawagan mo na ba?!!""kagat labing tanong niya sa natatarantang matanda.

"haaayyy naku arriane ako pa yata ang unang mahihimatay saiyo eh,,.. nanginginig na bulalas nito habang hindi alam kung ano ang uunahin.

"arrrayyy ang sakit na talaga manag coreennnngg!!".tili niya habang hawak ang napakalaki niyang tiyan..

"hay naku arriane.. eh ako'y natataranta saiyo eh, natawagan ko na nga iyong kapatid mo at sabi niya ay malapit na siya!!"" hay naku talaga ka namang bata ka eh,, kahit ngayon ay lumalabas parin iyang pagiging brat mo!"Naiiritang sawata nito sa kanya dahil nga sa sobrang ingay niya.

"noong ginawa nga iyan eh wala ni'y isang nakaalam, samantalang ngayong manganganak na eh, lahat yata ng baranggay dinig iyang boses mong bata ka eh".

Sa sinabi nito ay para siyang nahiya dahil sa masyado niyang pag iingay.

"eh, napakasik po talaga manag coreng eh".impit na sagot niya.Hindi na niya ito tinatarayan gaya ng dati kaya mas naging malapit na ang matanda sa kanya at ito rin halos ang nag alaga sa kanya noong maglilihi at hirap siyang makakain dahil bumabalitad ang kanyang sikmura.Naalala pa nga niya noong ikatlong buwan ng kanyang pagbubuntis ay gusto niyang kumain ng avocado, iyon nga lang ay gusto niyang nakawin ang bunga ng avocado ng kanilang kapitbahay sa des oras ng gabi kaya sa sobrang pag aalala ng matanda na baka mapaano siya ay ito na lamang ang kumuha noon para sa kanya kaya napakalaki ng utang na loob niya rito.

"arrrayyy ko po.."maya maya ay impit na sigaw niya habang nakaupo sa sofa.

"O"halika na.. kaya mo pa ba maglakad at andiyan na ang ate mo.."humahangos na wika nito ng muling pumasok sa loob. lumabas kasi ito dahil inaabangan nito ang pagdating ng ate niya.Kahit matanda na ito ay napakaliksi parin nito kumilos, ito na halos ang nag lagay ng lahat ng mga gamit nila na kakailanganin nila sa ospital."Arriane,, are you okay?!" nag aalalang tanong ng ate monica niya ng makapasok ito sa loob ng kanilang bahay.

"ate ang sakit na talaga!"namimilipit niyang sigaw.

"o!siya alalayan kana namin at ng makapunta na tayo ng ospital at baka ano pa ang mangyari sa inyo ni baby."agad namang singit ni aleng coreng saka mabilis siyang inakay palabas ng kanilang bahay.Bagamat napakasakit ng kanyang pakiramdam at hindi na nga yata maguhit ang kanyang mukha ay magawa parin niyang magpasalamat ng taos puso sa matanda dahil sa pagmamahal nito sa kanilang magkapatid.

. Halos ilang minuto lang matapos nilang makarating sa ospital ay agad siyang nanganak ng batang lalake.Bagamat nanghihina dahil yata sa naubos niyang lakas kanina ay pinilit parin niyang tingnan ang kanyang napakagwapo niyang anak.Halos maging ang nga nurse ang nagkakagulo din dahil sa panggigigil sa bagong silang niyang sanggol .

"ang cuttttee ng baby."nangigigil na bulalas ng isang nurse.Kung hindi nga lamang siya talaga napagod kanina ay malamang kinuha na niya ang kanyang anak upang mahawakan at mayakap ito ngunit talagang pagod at inaantok na siya kaya hinayaan na lamang niya ang kanyang sarili na hatakin ng antok.

"baby.. ssssuuuussss ang cute cute talaga ng baby namin".Iyon ang naririnig niya habang nakapikit siya.Hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatulog simula kaninang makapanganak siya, ngunit dahil sa ingay ng mga nasa paligid niya ay napilitan siyang dumilat at ang ate monica niya na kanina pa pala hawak at nilalaro ang lanyang anak.

"ate.."tawag niya ng pansin nito.

"oh hi.. kumusta?? okay naba ang pakiramdam mo?"nag aalalang tanong nito sa kanya.

"okay na ako ate,. aniya..

uhm ate, pwede ko bang makarga ang anak ko."maya maya'y sabi niya."pakiramdam niya ay inuugoy siya sa salitang binitawan niya.'ang anak,pakiramdam niya ay iyon ang nagkumpleto ng kanyang pagkatao.Bagamat kanina lamang ay parang gusto na lamagh niyang isumpa ang sakit na nararamdaman, ngunit ngayon ay napalitan na ito ng labis na kaligayahan.Kaya nga ng inabot ng ate monica niya ang kanyang anak ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili na umiyak.Animo'y abo na kusang naglaho ang lahat ng sakit na nararamdaman niya nang makita at mahawakan ang kanyang anak.Tahimik lamang na dasal at pasasalamat ang kanyang ginawa dahil sa ligtas silang mag ina.

"

"

下一章