Makalipas ang limang taon na pag titiis at paghihirap ni arriane ay ito na nga ang naging bunga ng lahat ng kanyang pagsisikap.Ilang buwan lang matapos kasi siyang makapanganak ay nag balik siya sa kanyang pag aaral at ang kanyang anak naman ay si manang Coreng ang nag aalaga.Bagamat sa simula ay napakahirap dahil bukod kasi sa nag aaral siya ay nagtatrabaho na rin siya sa kanilang kumpanya bilang assistant manager ng kanyang kapatid.Sa una nga ay nagdadalawang isip pa sana siya, ngunit nahimok narin naman siya ng ate niya kalaunan dahil ayon` dito ay mas magandang masanay siya sa pag hawak ng negosyo o ng isang kumpanya dahil hindi na niya kailangan pa mangapa pag nakapagtapos na siya ng pag aaral niya.Pagod, puyat at utak ang gumagana sa kanya sa araw araw lalo na at siya parin ang nag aalaga ng kanyang anak pag uwi niya sa kanila.Hinayaan narin siya ng ate niya kung papaano niya patakbuhin ang isang bahagi ng kanilang kumpanya ang Food and restaurant Inc;Kaya kahit pinagsasabay niya ang pag aaral, pagtatrabaho at pag aalaga ng kanyang anak ay hindi niya iyon ininda, bagkus ay mas naging matapang at matalino siya sa lahat ng bagay.At ngayon nga ang bunga ng kanyang pag hihirap ay nagbunga na rin naman..
"Congratulations arriane!!"Ang ate monica niya ang unang bumati sa kanya ng dumating ito sa kanyang first opening ng kanyang sarili mismong restaurant.Iyon nga ang naging bunga ng kanyang pinaghirapan ng ilang taon.Mabuti na lamang at hinyaan siya ng ate monica niya na magdesisyon para sa kanyang sarili kaya heto siya ngayon isang successfull owner ng isang high class international restaurant.Siya mismo ang nagdesign ng lahat ng concept ng kanyang restaurant at lahat ng klase ng pagkain na sigurado siyang papatok sa lahat hindi lamang sa mga pinoy kundi maging sa mga banyaga.
"Maraming salamat ate!"naluluhang yumakap siya sa kapatid.
"huwag kang iiyak huh, at naku masamang patakan ng luha ang first opening ng business mo".natatawang biro nito na ikinatawa niya.
"congrats mam arriane,"bati naman ng mga tauhan nila ng ate monica niya na ngayon ay hindi na dahil nga nagtayo na siya ng sarili niyang restaurant.
"maraming salamat sainyong lahat."hindi niya mapigilang mapaluha dahil sa labis na kaligayahan.
"Im so proud of you arriane".bakas sa tinig ng kapatid ang labis na kaligayahan para sa kanya.
"utang ko ang lahat ng ito saiyo ate.. sainyo ng anak ko.."dagdag pa niya.
"o,.. siya huwag na muna tayong magdrama dahil ohh.. inginuso nito ang pintuan mula sa labas."ang daming mga bisita.. kaya mamaya na tayo mag chikahan.. aasikasuhin ko na lamang ang mga bisita mo.. .tinapik pa siya nito sa balikat bago ito lumapit sa mga kaibigan at kakilala nila.
Siya naman ay hinarap ang mga kakilalang mga negosyante na halos walang pugto ang pagbati dahil sa kanyang tagumpay.Halos hindi niya hinyaang magutom or ma out of place ang kahit isa man sa kanyang mga bisita dahil unang restaurant niya iyon kaya halos onhand talaga siya simula sa pagkain at pag e'entertain sa mga nandoon.Nakalimutan na nga niya na kasama pala niya ang kanyang anak at nasa kwarto lamang ito ng kanyang restaurant na talagang pinasadya niya para may sarili siyang pahingahan pag napapagod siya at maging ng anak niya at office narin.Sabagay may tiwala naman siya kay manang Coreng dahil halos apo na nito ang kanyang anak kaya hindi siya nag aalala kung hindi niya muna maasikaso ang kanyang anak.
Samantala;
"WELCOME BACK COUZ!"
bati ni melvin sa pinsang si Nathaniel ng makasakay na ito sa kotse,Ito kasi ang nagsundo sa binata dahil may event na dinaluhan ang girlfriend nitong model kung kaya ang pinsan na lamang niyang si Melvin ang pinakiusapan niyang magsundo sa kanya sa airport.
"Wooaahh!!""its been five years.. at parang wala namang pinagbago ang pinas ah.."kumento ng binata habang lulan ng sasakyan patungo sa bahay ng kanyang tiyahin na tinuluyan niya noong nandito siya sa pinas five years ago.
"Meron namang pinagbago couz, pero traffic lang yata ang walang pinagbago at mas lalo pang lumala."natatawang wika nito.
"so how's america?"dagdag pa nito.
"well so far so good."nakatanaw sa labas na sagot niya.
"pero parang mas gusto ko muna mag stay dito sa pinas habang alam mo na..napangiti siya habang ibinitin sa ere ang sasabihin.
"alam ko na iyan"..natatawang sagot naman ni Melvin..
"Bakit kasi hindi mo nalang ayain magpakasal at doon na sa america tumira.."mas lalong lumapad ang pagkakangiti niya ng matukoy nito ang rason ng pagbabalik pinas niya.At Tama nga ang kanyang pinsan dahil iyon naman talaga ang plano niya sa long time girlfriend niyang si Kaitleen.Tatlong taon na sila ng kasintahan niyang si kaithleen pero mas lagi itong pumupunta ng ibat ibang lugar dahil isa itong fashion model at mas gusto din nitong mag stay sa pinas.
"Ang tanong eh kung gusto ba niyang sa pinas kami tumira"maya maya'y sagot niya sa pinsan na abala sa pagmamaneho.
"Sabagay, wala kang magagawa kung ipipilit mo kay kaithleen na tumira ng US kung mas gusto niya dito sa pinas tumira, eh baka pag pinilit mo lamang ang girlfriend mo eh baka iyan lang ang pag awayan niyo.. Tingin ko pa naman sa girlfriend mo eh talagang mapa`nindigan.."
Sa sinabi nito ay bahagya siyang nalungkot dahil talaga namang totoo ang sinabi ng pinsan niya.TAlagang may sariling desisyon ang kanyang nobya kaya nga heto siya at napasunod ng pinas dahil hindi na ito dumaan sa bahay niya sa LA noong pumunta ito doon.Hindi naman niya masasabing hindi siya nito mahal dahil halos lahat yata ng pag aalaga nito ay pinaramdam nito sa kanya tuwing nagkakasama sila.Huminga siya ng malalim upang iwaksi ang anumang hindi magandang isipin para sa kanyang nobya.Mahal niya ito at mahal siya nito at iyon ang mahalaga.
"Couz, gusto mo bang dumaan muna tayo ng restaurant baka gusto mo kumain?"Maya maya ay tanong ni Melvin sa kanya.
"Sure, medyo gutom narin naman ako eh,,.."pagsang ayon niya kaya naghanap ang pinsan niya ng pwede nilang mapagkainan.Nasa bahagi na sila Makati kaya sigurado silang maraming mga kilalang restaurant na nag seserve ng masasarap na pagkain.
"ayun'!itinuro ni melvin ang isang bagong gawang restaurant na kung saan napakaraming mga taong kumakain doon.Tantiya niya ay New open ang nasabing restaurant at mukhang high class ito dahil sa pangalan pa lamang.
"A&N INTERNATIONAL RESTAURANT"iyon ang pangalan ng nasabing bagong bukas na kainan.
"Mukhang okay naman, pero mas maganda sana kung pinoy na pinoy talaga ang pagkain kasi nakakamiss narin kumain ng pinoy food eh". Wika niya. Totoo naman talaga iyon kaya nga kahit nasa ibang bansa siya ay mas namimiss niya ang mga pagkaing pinoy dahil napakasarap naman tlaga ng mga iyon.
"Bulaluhan gusto mo?"Tanong ng pinsan niya na itinuro naman ang katabing kainan ng naunang restaurant.
"Iyon mas masarap"!aniya na sinabayan pa ng approved sign kaya napagkansunduan nilang doon na lamang kumain sa Bulaluhan.Habang naglalakad siya papunta sa Bulaluhan resto ay biglang nahagip ng kanyang pansin ang batang lalake na mabilis ang takbo galing sa loob ng bagong bukas na restaurant at dahil sa bilis ng bata ay hindi nito napansin ang tubig na natapon sa sahig kung kaya nadulas ito.Sa kanyang pag aalala na baka may masamang mangayari sa bata ay agad niya itong nilapitan upang tulungan ang umiiyak na bata.
"hey,, little boy,, are you okay?!"nag aalalang tanong niya sa umiiyak na bata.
"it hurts!!"iyak nito habang hawak ang kanang braso na unang bumagsak kanina.
"its fine.. okay.. dont cry.."alo niya sa bata na mas lalo lamang umiyak ng lumapit siya dahil nga siguro sa takot sa kanya dahil estranghero nga naman siya.
"hey dont be scared.."sinubukan niyang patahanin ito ngunit mas lalo lamang ngumawa ang bata.Maya maya pa ay humahangos ang isang matandang babae na lumapit sa kanila..
"Naku!!Naku po!!" natatarantang sigaw nito ng maabutan ang hitsura ng bata.
"lola..iyak ng bata na tinawag nitong lola.
"eh bakit ka kasi lumabas Niel..Mapapagalitan tayo ng mommy mo niyan."nag aalalang bulalas ng matanda kung kaya nagsalita na siya,
"aksedente naman ang nangyari mam, nadulas ho iyong bata kaya hindi ka naman siguro sisihin ng mommy niyan?"sa sinabi niya ay napalingon ito sa kanya.
"Naku maraming salamat sir.. pero babalik na po kami sa loob at baka hinahanap na kami ng mommy ni Niel."
"Niel pala pangalan ng baby boy na iyan..ang gwapo huh."napapangiting wika niya.
"Thank you."inosenteng sagot nito sa kanya bagamat hindi naman ito ang kinakausap niya.Nagpaalam at tinalikuran naman siya ng mga ito at saka naman siya tinawag ng pinsan niya na kanina pa pala naghihintay sa pintuan ng kainan na dapat pinuntahan niya.
"hey.. parang iba na naman ang nakita mo ah.."pagbibiro nito nang makalapit siya pinsan niya.
"Baliw!!tinulungan ko lang iyong bata dahil nadulas at umiyak pero mas naiyak yata ng lapitan ko."natatawang wika niya.
"hahahha!!natakot sa kagwapuhan mo"biro nito.
:"pero infairness huh ang cute ng bata huh.."wala sa sariling bulalas niya.
"diko alam na may ganyang side ka pala couz".natatawang biro ni melvin sa kanya.
"pwede na nga kayo magpakasal ni kaithleen eh, at baka mas gwapo o maganda pa doon ang magiging anak niyo"nakakalukong biro nito sa kanya.
"baliw ka talaga couz.. oh siya halika na nga pumasok na tayo at nagugutom na ako.."saka mabilis siyang pumasok sa loob ng naturang kainan.
SAMANTALA;
Nag aalalang tiningnan ni Arriane ang sugat ng anak dahil baka maraming gasgas ito dahil sa pagkakadulas nito kanina.
"bakit kaba kasi lumabas diba I've told you not to go out kasi its dangerous outside.. tingnan mo nagkasugat ka tuloy."pagalit niya na sabi sa anak niyang si Nhiel Arriston Santañez,halos limang taong gulang pa lamang ito ngunit bakas dito ang pagiging makulit at matalino.
"eh kasi mommy may nag threw mg water eh."humihikbing sagot nito sa kanya na tila ba pinag aaralan nito kung gaano siya kagalit sa anak.
"next time kasi makinig ka kay manang coreng para hindi ka mapaano,, eh kung hindi ka pa nadulas eh saan ka na naman kaya nagsuot ngayon.. saka diba maraming bad guy at baka di namin alam nakuha kana ng bad guy."may paglalambing niyang sabi rito.At dahil nga sa sinabi niyang bad guy ay saka naman sumingit si manang coreng.
"ay naku mam, may lumapit nga diyang lalake kanina eh,"dagdag nito na ikinakunot ng kanyang noo.
"lalake?"bakit?may ginawa bang masama sayo anak.?"nag aalalang tanong niya rito.
"huh,, no mommy.. he wants to help me po.. kaso dumating si manang coreng eh"sagot ng inosenteng bata sa kanya.
"mukhang hindi naman iyon masama mam, napakagwapo nga po eh."kinikilig na wika nito.
"aba si manang coreng huh!" natatawang biro niya sa matanda.
"aba eh batang ito.. sa edad ko ba namang ito eh maglalandi pa ba ako."natatawang sagot nito sa kanya.
"hindi naman po manang.. kasi minsan lang kita marinig magsabi ng gwapo sa isang lalake huh.."panunukso niya.
"eh talaga namang gwapo eh..
"hayyy naku arriane, bago ako ang maasar mo.. lumabas ka na muna at asikasuhin mo ang mga bisita mo at itong anak mo eh okay naman na."pagdaka'y sabi nito dahil halos kalahating oras na pala siyang naroon sa loob ng kanyang pinagawang kwarto at opisina narin.Maya maya pa ay may kumatok sa pintuan at nagbukas iyon kasabay ng pagpasok ng kanyang kapatid.
"heyy!! bakit di ka pa lumalabas,maraming naghahanap sayo at gusto ka daw nila makilala.. lalo na si mr.Guanzon,."Tukoy ng ate monica niya sa isang may edad na negosyante na kakilala nila.
"naku.. ayan na iyong man
liligaw mo."si manang coreng iyon.
"naku manang, kung ikaw nalang nga sana ang niligawan ni mr.Guanzon eh,, at mukha na nga niyang apo itong si arriane.. kayo ng ang bagay manang."pang aasar ng ate niya sa matanda.
"naku kayong dalawa magsitigil nga kayo.. aba sa tanda ko ba namang ito eh maglalandi paba ako.?' Nakairap nitong sagot.
"nagagalit na yan."natatawang dagdag niya na lalong ikinainis nito sa kanilang magkapatid.
"halika na nga at nakakahiya sa mga bisita"anang ate niya saka siya hinawakan sa braso upang lumabas kasabay ng kanilang pagtawanan dahil sa nakitang inis sa mukha ng matanda.
.
.
.