webnovel

Chapter 41: Hide & Seek

AJ

I swallowed hard and backed away. I'm so fu^cking nervous okay?! Our hellish week started when that country bumpkin suddenly disappeared. Well, kung hindi s'ya nawawala. Nasaan s'ya?

Ilang linggo na s'yang hinahanap ng buong grupo namin pero hindi namin makita kahit anino n'ya. Lahat ng mga hidden cameras na inilagay namin sa third floor ay hindi gumagana. Inilalagay namin iyon sa gabi pero pagsapit ng alas sais ng umaga, the stupid hidden cameras won't work!

"Any news?"

Kasalukuyan kaming nasa silid ng Hidden Detective Club at madilim na naman ang aurang nakapalibot kay Boss. Natatakot na nga akong pumasok sa loob. Ilang araw na ring hindi nakakatulog ng maayos ang mga computer genius na sina Sky, Lancelot at Gig. Hindi na nila alam kung paano pa lalagyan ng mga hidden cameras ang third floor sa building 3. Who the heck is sabotaging them?

Hindi ba alam ng mga taong 'yun na malapit ng magkaroon ng delubyo dahil sa ilang linggo ng hindi nakikita ni Iker ang babae n'ya? At ano bang iniisip ng babaeng 'yun? Na okay lang ang lahat matapos n'yang paasahin si Iker noong nasa amusement sila?

Naaasar na sinabunutan ko ang sarili kong buhok. Deym! Dinaig ko pa ang nanay ni Iker na inaalala ang love life n'ya!

"They have Zero and Deon on their side."

Napatingin ako kay Sky. Tila isang malaking bomba ang mga binitiwan n'yang salita. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Seryoso?! Bakit nila nakuha ang serbisyo ng dalawang 'yun?! The heck! We're so done for!

It's not that Sky and the gang can't beat the two of them. But hey! It's Zero and Gideon! Kung meron mang makakatalo sa kakayanan o mas tamang sabihin na nakakaalam sa kakayanan nina Sky, Lancelot at Gig, iyong dalawa iyon. Their the top five genius na meron ang buong City X. Nasa amin ang tatlo, the other two are supposedly working as freelancers. Hindi ako makapaniwala na pareho pa silang makukuha ng grupo ng babaeng 'yun.

Hindi kaya may kinalaman sa mga nangyayari ang nag-iisang prinsesa ng mga Frado?

Wow.

That country bumpkin sure know how to make friends with people.

"Screw those hidden guards! Who hired them? Hindi naman makikita nina Zero at Deon ang mga camera na ininstall namin if not because of those guards. Kahit sa gabi, may mga hidden guards na nagbabantay sa lugar. Who's backing her?" Nai-stress na tanong ni Gig. "Hindi ba nila alam kung gaano kamamahal ang mga device na 'yun? "

"Mabuti sana kung sinisira nila. Paano kung ninanakaw lang nila Zero ang mga nilalagay natin dun? They might have talents but they're thugs. " nakakuyom ang kamaong sambit ni Sky.

I personally think that the three of them are much more better than those two. Sky is right. Those two are thugs. That's also the reason kung bakit hindi namin sila pinilit na sumama sa grupo namin. Nakahalukipkip na sumulyap ako kay Iker na madilim pa rin ang mukha. At bukod sa madilim na mukha, nakikini-kinita ko rin ang pagbugso-bugsong pagpapalit ng emosyon sa dati namin ay mala-statue n'yang imahe. Was it pain? He also know how to feel pain? Hindi namin alam na ganoon pala talaga kalaki ang epekto ng babaeng 'yun sa kanya.

Damnit!

Muli kong tiningnan ang tatlong computer genius na nasa kalagitnaan pa rin ng dilemma. Kung may mga hindi ordinaryong tao nga na palihim na nagbabantay sa lugar, mahihirapan talaga ang mga itong ipuslit sa loob ng Building 3 ang mga devices na magagamit sana namin para ma-monitor si Delaila Magtanggol. Wala sa hinagap namin na may iha-hire silang mga hidden guards na magbabantay ng sobrang higpit.

What could have happened?

May ginawa bang hindi maganda si Iker kaya ganoon na lang kalaki ang kagustuhan ng babaeng 'yun na makapagtago?

"I'll talk to kuya Edzell and kuya Cardo. Hindi na magiging problema ang mga hidden guards na 'yun kung makakasama mo silang dalawa. Make sure to do your job properly. Damn this situation. I feel like I'm on the brink of dying!"

"That's the only advantage they have." Wika ni Lancelot na tila nakahinga ng maluwag. "Without those hidden guards how could they sabotage our magnificent work? " punong-puno ng confidence na dagdag pa nito. Which is true. I know how capable they are. Lalo na kung nagtutulungan silang tatlo.

"Arrg! My girlfriend is so mad at me. Kailan ba matatapos ang kalbaryong 'to?!"

Napasulyap kami kay Zeus na kanina pa hindi mapakali sa ginagawa n'ya. Kahit anong pagpapanggap ang gawin n'ya para makakuha ng impormasyon sa building 3. Hindi rin umuobra ang karisma nito sa pangangalap ng kahit anong impormasyon. Hiningan na rin nito ng tulong ang section B at section A sa mismong building, at dahil nga sa kamalas-malasan, wala ring makuhang kahit anong balita si Zeus.

Ilang araw na ring hindi umuuwi sa villa ng mga del Rosario si Delaila Magtanggol. Kaya naman mas lalong napu-frustrate si Boss dahil wala naman s'yang lead kung saan hahanapin ang babae n'ya. Yung mga estudyanteng palagi n'yang kabuntot, hindi rin nila alam kung nasaan na.  Malakas ang pakiramdam ko na sila ang nagtatago kay Magtanggol. Kaya malamang, nagtatago din sila.

Walang sinuman ang nakakalusot sa amin.

Kung silang apat lang ang gumagalaw para protektahan si Delaila, hindi magiging ganito kahirap ang lahat. So there's a big possibility that the trash section is working as one to protect their little country bumpkin. What did she feed them for them to go this far for her? wala naman s'yang kahit na anong maibibigay sa kanila. Bakit s'ya pinoprotektahan ng mga ito?

At ano bang ginawa ni Boss?

Pinagsamantalahan n'ya ba ang babaeng 'yun? Son of the mother! S'ya ang kauna-unahang babaeng idinate ni Boss pero mukhang may hindi magandang nangyari. Did he forced her? Napa-face palm na lang ako. Wala na akong iba pang maisip.

"How's Boss? "

Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Si Jaire. He also look as ugly as me. Ang yayaman na namin sa eyebags. Ni wala na kaming oras para lagyan man lang ng gel ang mga buhok namin. Ako nga hindi na rin nagagawang magsuklay. Deym, dinaig ko pa nga ang mga magulang ko na tanging negosyo lang namin ang pinoproblema. Feeling ko nadagdagan ng marami pang taon ang kasalukuyan naming edad.

"Konting-konti na lang sasabog na s'ya." I answered honestly.

"Found anything? " tanong ni Lancelot.

"Hindi na rin s'ya nakikipagkita kay Claudette. Pati yung negosyo nila ng tropa n'ya wala na. "

"I doubt it. " kaagad kong kontra sa sinabi ni Jaire. "Wala ni isa man sa section nila ang bumababa sa canteen para bumili every recess or lunch break. Malaki ang posibilidad na ginagawa pa rin nila ang negosyo nila pero sa loob na lang ng classroom nagaganap ang bentahan. " hula ko lang naman iyon.

Pero kung hindi sila ang nagtitinda sa klase nila ng mga kakanin, saan naman sila bibili ng kakainin nila?

"How about the Ball? Pupunta ba sila? " tanong naman ni Sky.

Everyone of us are wearing the same tired and listless expressions.

"Pinadalhan na sila ng invitations. Kahit si Miss Jacinto ay hindi alam kung may plano ba silang umattend. "

We all sigh in frustration. What are we going to do now?

下一章