webnovel

Chapter 42: Everyone's Thought

JOSEFA/ JOSIA/ JOSEA

Ang sexy-sexy na kaagad ng beshy ko. Ilang linggo na ba namang wala s'yang ibang ginawa kundi ang magmukmok there and mukmok everywhere eh. My gee. Ang sakit na sa bangs tingnan ng ginagawa n'ya. Ano bang masama kung ma-inlove s'ya kay Iker babes? Ano naman kung madatung si papah? Ano naman kung magkaiba sila ng mundong ginagalawan? Dinaig n'ya pa sa kadramahan ang Romeo and Juliet. Kalerkey!

They can teach each other how to blend with their own mundo naman ah. If Iker babes really like Beshy, I'm sure magagawa naman n'yang ibaba ang level n'ya para kay Iya girl. And knowing Beshy, I know naman na she can cope up with Iker babes world. She's amazing and brilliant 'no.

Kagaya na lang today. S'ya ang nagsilbing tutor ng buong klase namin. Ilang linggo na namin 'tong ginagawa. Sabi n'ya dapat lahat kami maka-perfect score sa darating na first grading final examination. After namin magluto every morning, magri-review na yan s'ya ng ituturo sa amin sa mga susunod na vacant time. Hayyy. My beshy is really something. Bakit now lang namin s'ya nakilala? Kung noon pa siguro namin s'ya na-knows baka kami ang namamayagpag ngayon as section A.

"Na-gets n'yo ba? " habang nasa harapan ng blackboard at may hawak-hawak na chalk ay nagbigay si Beshy Iya ng maraming formula kung paano maso-solve ang problema ni x kay y. Pati ang paghahanap ng square root ay napadali din dahil sa mas pinadali n'yang pagtuturo. I'm so envious. Why our Iya girl is so talented? Hindi kaya lugi s'ya kahit na isang Iker de Ayala pa ang maging dyowakis n'ya?

At bilang sagot sa question n'ya ay nagpalakpakan kaming lahat. I flip my bangs and smiled bitterly. My bangs is hurting so bad you know. For her puso and for my Iker babes bleeding heart.

SUE

I... I took a deep breath.

Akala ng mga kaklase namin, okay lang si Iya. Pumayag silang lahat sa pakiusap namin na walang sinuman sa amin ang mag-i-entertain ng mga tagalabas. Wala kaming ibang kakausapin kundi ang mga taga-section C lang. Hindi kami magbubukas ng School Newsportal. Hindi makikihalubilo sa iba. At ang kapalit noon ay ang pangako ni Iya na papasa ang lahat dahil tuturuan n'ya ang buong klase sa pagr-review.

I-i'm personally thankful for her.

Ang mga kakambal ko na walang kaalam-alam at walang kagana-gana sa pag-aaral ay na-inspired dahil sa paraan ng pagtuturo n'ya. Lahat kami sa classroom ay palaging nag-i-enjoy sa pagr-review kapag si Iya na ang nagtuturo. We know she put a lot of effort in doing this for all of us. Pero kami, aside sa pagtulong sa pagtatago sa kanya, wala na kaming ibang magawa para sa kanya.

CES

This girl.

Hanggang kailan n'ya titikisin ang nararamdaman n'ya?

Hanggang kailan s'ya iiwas?

Kahit na panandaliang makalimutan n'ya ang tungkol sa kanyang problema habang sinusunog n'ya ang kilay n'ya sa pag-aaral at pagtuturo sa amin. Paano kapag wala na s'yang ginagawa? Hindi ba n'ya naaalala ang kapatid at lola n'ya? Ang obligasyon n'ya sa mga del Rosario? Ang feelings n'ya na pilit itinatago kay de Ayala?

Talaga ngang ang pinakamahirap payuhan sa lahat ay ang taong matigas ang ulo at may sariling paninindigan.

YANA

Hmmm. Mukhang for the first time in history, maipapasa ko lahat ng subject sa final exam ah. Humalukipkip ako at tinitigan ng matiim si Iya na nasa harapan pa rin ng blackboard. English book naman ang hawak n'ya ngayon. Kahit sa bahay, wala s'yang ibang ginagawa kundi ang makipagpagalingan yata sa mga libro. Lahat ng madadaling equations at formula ay pinag-aaralan n'yang mabuti para maituro sa amin at mas madali naming maintindihan karamihan sa mga math problems na nahihirapan kaming masagot. Hindi s'ya tumitigil sa ginagawa n'ya hanggang sa katawan na mismo nya ang sumusuko. Sa bahay namin s'ya naglalagi ngayon.

Balak n'ya sanang magrenta muna pero hindi kami pumayag.

Sa bandang huli, napapayag ko s'yang tumira muna sa amin. At dahil first time kong mag-uwi ng kaibigan, tuwang-tuwa naman ang mga kuya ko.

Nang matapos s'yang magturo ng english ay kaagad syang nagtungo sa upuan n'ya.

"Rooftop? " tanong ko.

"Umn, "

Tss. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip ng kakaiba, nitong mga nakaraang araw wala s'yang ibang alam sabihin kundi 'ahm',  'hmmm',  at 'mmm'. Hindi kaya nagkapalit sila ng kalolowa ni de Ayala?

"Magtatago ka pa rin? Next week na ang Acquaintance Ball. Wala ka pa bang balak mag-comeback? " hindi ko pa rin mapigilan ang sarili kong itanong. Tiningnan ako ng masama ng apat na hindi ko na lang pinansin. Hindi naman s'ya makakapagtago habang buhay okay. Kung walang atraso yung mga device expert na sina Zero at Deon sa mga kuya ko, hindi ko naman makukuha ang serbisyo nila. And knowing them to be so mukhang pera, hindi naman papayag ang mga iyon na ma-stock sa lugar na 'to forever.

"I have a plan. I already contacted Claud for the gown. May atraso pa ako sa kanya, "

Lahat kami ay nasundang ng tingin ang papalabas ng classroom na si Iya. Tama ba ang narinig namin? Nagsalita s'ya ng mahaba? At may iba na s'yang kinontak bukod sa amin?

"Anong nangyari sa mga damit na hihiramin mo sa black market? " tanong ni Ces sa akin habang tumatayo mula sa upuan n'ya.

"Next week pa ang Party. Give me two days. " sagot ko habang inaayos sa loob ng bag ang mga notes na isinulat.  Halos lakad takbo kaming lumabas ng classroom at sumunod paakyat sa rooftop.

IYA

I feel so dumb habang pilit na dinadama ang malakas na hanging dumadapo sa buong katawan ko. Mag-iisang buwan na akong nagtatago. Hindi ko naman mapagtataguan ang lahat forever. Kailangan kong kausapin si Ivan. Aaminin ko sa kanya ang nararamdaman ko para mabawasan naman ang bigat sa dibdib ko.

Saka ako lalayo.

Hindi mahalaga if he reciprocated my feelings. Wala naman kaming future. I'm a lowly nobody while he has a brighter future ahead of him.

Mariin akong pumikit.

I didn't know that I have self-esteem this low. What the fudge.

Tapos na ang pagmumukmok. Tapos na ang mag si-self pity. Ang tanging natira na lang ay ang will ko para lumaban sa buhay. My family still needs me. Ayoko silang biguin. Siguro nga tama sila. We can't win both good life and a blissful lovelife.

IKER

While I look at the Building 3's rooftop, I saw her. Standing alone, looking so fragile and lonely. I don't know what happened. I don't have anyone to ask about the details. I missed her terribly that just a mere thought of her is so painful.

I also have my limits.

I waited, waited and waited for her to tell me what's going on.

Pinilit ko ang mga kasama kong gawan ng paraan na magkita kami, na kung tutuusin, I can do better than them. Pero dahil umiiwas s'ya I have to respect that. I can easily invade anyone's privacy, but for her, I'm willing to wait. I'm willing to give her the space that she wants. I don't know I could tolerate someone this long.

But my thread of patience is thinning day by day.

'I'm at my limits Delaila. Prepared or not we have to talk. '

JAIRE

Huwag magkakamaling magpakita sa akin ang mga baklang 'yan. Malilintikan sila sa akin. Kung hindi nila itinago ang babaeng tagabundok, hindi naman kami mahihirapan ng ganito sa paghahanap. Heck. May nalalaman pa silang hidden guard-hidden guard.

AJ

Argggg! Maagasan na talaga ako sa sobrang stresss!!!

DUKE

Napapailing na lang ako habang pinagmamasdan silang lahat. Why there's no one even listening to me? Many times I told them not to panic. But they still panic. Tsk. It's not my problem anymore that they look so haggard and stressed.

下一章