webnovel

Curse Of Arcana

作者: Amedrianne
奇幻言情
已完結 · 78.8K 流覽
  • 16 章
    內容
  • 評分
  • NO.200+
    鼎力相助
摘要

On that fateful day, when the unfortunate and lonesome high-schooler Anise Mendiola became the heiress of Arcana's great powers after she made her wish by breaching in an ancient contract that has been sealed for long in an old painting, all just suddenly fall worst like a curse. Kasabay ng pagkakatanggal ng seal ay ang instant namang pagdating ng four of the most drop-dead gorgeous, if not completely notorious, boys mula sa school niya--and the envy of girls everywhere pa--bilang kanyang mga 'Sentries', who oath na proprotekta sa kanya mula kay Arcanus at sa sumpang patuloy na dumadaloy sa kanilang angkan at 'yon ay ang fated death. Ngunit, kayanin pa kaya niyang masakatuparan ang nakatakdang misyon ng bawat Arcana Princess kung mismong PUSO na ang maging matindi niyang kalaban?

標籤
5 標籤
Chapter 1Prologue

PROLOGUE:

Pagkapasok ko sa may loob ng antigong shop para magtingin pa ay di ko mapigilang patuloy na ma-amaze sa mga laman nito.

Hanggang sa napukaw ang pansin ko ng isang painting ng babaeng may makulay na kasuotan.

Sobrang luma na no'ng painting pero ang ganda-ganda parin nito na para bang kakatapos lang itong ipinta.

Ang galing parang buhay na buhay ang damit noong babae sa painting kahit na tila limitado ang kulay na ginamit dito.

Napansin kong tila may parang may kakaibang letra ang nakasulat sa damit no'ng babaeng nakapinta, 'πω ο μ θο προλ γει των απογ νων Arcana ε ναι που μια μ ρα θα αναζωπυρ σουν την εκπλ ρωση του σκοπο θρ λο τη σε αντ λλαγμα τη βο ληση τη να χορηγε ται, τ σσερι φρουρο θα ξεσηκωθο ν για να την προστατε σει απ το μοιρα ο θ νατο'

Nahiwagahan tuloy ako kaya naman mas nilapitan ko ito at sinubukang binasa, "And so as the myth foretells of Arcana's offspring that will one day reawaken to fulfill her legend's aim in return of her will to be granted, four sentries shall rise up to protect her from death that was fated." Hindi ko alam kung papano ko ito nabasa pero patuloy na naglaro ang kung ano-ano sa utak ko, "Will to be granted? Kaya ba talaga nitong ibigay kahit anong hilingin ko? Sige nga, grant me happiness again…abracadabra chachung!" sabay turo ko sa painting ngunit wala namang nangyari, "Geez, kuro-kuro lang pala ito." Sabi ko pagtalikod nang bigla nalang humangin ng pagkalakas-lakas.

Napalingon ako sa paligid para humingi ng tulong dahil palakas ng palakas 'yong hangin na para bang may nagbabadyang ipo-ipong raragasa sa loob.

At nang hindi ko na alam kung saan pupunta ay napasigaw nalang ako ng saklolo.

Ngunit bigla nalang huminto ang hangin na pagkalakas-lakas.

           

"Huh? Huminto? Teka, ba't parang hindi man lang nagalaw 'yong mga gamit? Tsaka saan napunta mga tao dito?" patuloy kong mga tanong sa sarili kahit na alam kong wala din akong makukuhang sagot.

Patuloy akong nag-iisip ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran, I was surprised ng iniharap niya ako, only to find out it was Carlisle smiling at me habang sinasabi niyang, "sixteen long years my lady, sawakas, natagpuan din kita."

Bigla akong napaatras sa nakakapanibagong action ni Carlisle ngunit nablock ako nang may nabungo ako mula sa likuran ko. Nastarstruck nalang ako ng kaharapin ko ang captainball ng basketball team ng school namin na si Axel Lustre na biglang lumuhod sabay sabing, "So it has finally come, nagkita tayo ulit." Sabi nito matapos halikan ang forehand ko.

Agad kong hinigit ang kamay ko sabay atras muli and with that na-out balance naman ako at muntikang natumba ngunit biglang may nakasalo naman sa akin, oh-my-gee totoo ba ito? Ang anak ng sikat na action star slash hotty transfer student na si Saichi Ortega eh salo-salo ako?

Pagkasalo sa'kin ni Saichi ay sinubuan niya'ko ng chocolate kaso naiwan pa 'yong wrapper, "isn't it sweet my princess?" Sabi niya sabay kagat ng wrapper para alisin sa bibig ko.

Bigla nalang akong namula dahil halos mahalikan na niya ako. Kaya naman napatayo na ako and no—not again, the famously known as arrogant and rumored "fraternity leader daw" ng school namin na si Schuyler "Sky" Mendrez nandito rin?

Bigla akong blinock ni Sky and hindi ko alam kung saan nanggaling 'yong fishnet na bigla nalang nahulog saming dalawa na nagtrap samin sa loob. Bigla nalang inangat ni Sky ang mukha ko at papalapit ng papalapit ang mukha niya habang binubulong sa'kin ang, "Pa'no ba 'to mukhang wala na talaga akong kawala, nabihag mo na ako."

Nang makawala naman ako sa fishnet ay bigla nalang silang humilerang apat sa tapat ko.

"Okay. Enough with this joke. I know na pinagtritripan niyo lang ako. okay panalo na kayo. Ngayon pwede tama na, naguguluhan na kasi ako kung para saan ba talaga yang ginagawa niyo eh." Saad ko habang isa-isa ko silang dinuduro-duro.

Bigla nalang silang lumuhod na apat sa harapan ko habang nakalagay ang mga kamay nila sa left side ng chest na para bang mga knights na nagooath, "As ordered by our Ancient contract, I present myself to you my lady, I'm here for your command, Arcana princess." Ang sabay-sabay nilang tugon sa tanong ko all at the same time.

BOYAAH?! Arcana Princess? Anong kalokohan ito?

你也許也喜歡

EKBASIS (Tagalog)

Malakas ang buhos ng ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Malamig na gabi at madilim na kalangitan. Sa gitna nang malakas na buhos nang ulan ay makikita ang isang kotse na bumabwahe kahit delikado at hating gabi na. Sakay nito sa loob ang isang babae at isang lalaki. Kahit madulas ang kalsada dulot nang malakas na pag ulan ay mas pinili nilang bumyahe para makauwi kapalit nang kanilang kaligtasan. Hindi lingid sa kanilang kaalaman na hindi na gumagana ang preno nang kanilang sasakyan. Nawalan nang kontrol ang kotse na kanilang sinasakyan dahilan kung bakit ito bumangga sa poste sa gilid nang kalsada. Sa lakas nang pagkakabangga ay nayupi ang harapang bahagi nang sasakyan. Duguan at walang malay ang mga sakay nito. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay ito pala ang magdudulot nang kanilang pagkamatay. Eto pala ang kikitil sa kanilang buhay. Ang aksidenteng pala ‘yon ang magiging sanhi kung bakit sila binawian nang buhay Sa kabilang banda naman, dahil sa wagas na pagmamahalan nang mag asawa ay nagbunga ito at nabuo ang isang batang babae na nagngangalang Aphrodite. The goddess of Love. Sa murang edad ay nawalan siya nang magulang. Walang kamalay malay ang kawawang bata na hindi na niya kaylan man makikita ulit ang kanyang magulang. Dahil sa murang edad ay napagpasyahan siyang kupkopin nang kanyang Tiyahin. Binihisan, pinakain at pinatira siya nito sa apartment na pag mamay ari nag kanyang tiyahin Lumipas ang ilang taon at lumaki si Aphrodite nang mag isa, walang karamay at walang umaalalay sa kanya. Natutunan niyang mamuhay nang mag isa at hindi humihingi nang tulong sa kahit sino Sa likod nang apartment na kanyang tinutuluyan ay may mataas at lumang pader doon. Mapapadpad si Aphrodite sa likod na bahagi nang apartment at aksidentang makikita ang maliit na butas sa lumang pader. Dahil sa kuryosodad ay papasok siya doon ngunit hindi niya alam na sa likod nang mataas na pader na naghahati sa dalawang lugar ay bubungad sa kanya ang kakahuyan. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa marating nito ang dulong bahagi nang kakahuyan at sasalubong sa kanya ang isang malawak na lupain. Nagmistulang isa itong paraiso dahil sa natural na ganda nang lugar. Nagkalat ang iba’t ibang klase nang bulalak sa paligid at ang mga libo libong paru paro na lumilipad sa ere Pero hindi doon nagtatapos ang lahat. Laking gulat niyang nang may makitang isang misteryosong pinto sa gitna nang lupain. Laking pagtataka niya dahil hindi niya alam kung paano ‘yon napunta doon Walang nakakaalam na ang pinto na ‘yon ay ang magiging daan patungo sa lugar kung saan lahat ay mahiwaga. Lugar kung saan lahat ay nababalot nang mahika. Lugar kung saan walang limitasyon at diskriminasyon. Lugar kung saan lahat naga imposible ay magiging posible. Lugar kung saan hindi pa nararating ng kahit na sino. Lugar kung saan hindi pa nadidiskubre nang tao. Lugar kung saan malayo kumpara sa ordinaryo para itago sa buong mundo at mananatili na lamang na sikreto Nakakatawa man pakinggan pero kaylangan mong paniwalaan Lahat ay magbabago matapos mong makapasok sa natatagong mundo Buksan ang mga mata Gamitin ang isip at tainga Ngayon tatanungin kita……. “Gusto mo bang sumama?”

glitterr_fairy · 奇幻言情
分數不夠
28 Chs