webnovel

Ang Zongshi Realm Heaven’s Path Divine Art

編輯: LiberReverieGroup

Nang sumuot ang nakamamatay na lason sa kanyang daluyan ng dugo, napansin ni Lu Chong na mababaliw na siya.

Ang matinding sakit na tumama sa kanyang utak ay masyadong mahirap para matiis niya.

"Ama, ina, ate, kuya..."

Maraming mga tao ang lumitaw sa kanyang isipan, na tila ba sinusubukan siyang tawagin sa kabila. Isang malakas na pwersa ang sumubok na humila sa kanyang kaluluwa sa walang-hanggang kadiliman, isang lugar na wala nang makakabalik mula doon.

"Hindi, hindi ako pwedeng mawalan ng malay. Sa sandaling sumuko ako, mababalewala ang pinaghirapan ni guro... paano ko haharapin si ama, ina at ang iba nang ganito?"

Habang tinitikom nang mahigpit ang kanyang kamao, sumigaw siya nang malakas sa loob.

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章