Kumislap ang mga mata ni Zhang Xuan. Kaagad siyang kumuha ng isang saber at sinubukan rin ang isang mahinang hawi.
Tulad ng espada, isang malakas na puting ilaw ang nabuo sa saber, nag-iwan ng malalim na hiwa sa sahig.
"Tulad ng inaasahan sa isang battle technique na nabuo mula sa mga high-tier battle technique! Ang dalawang technique na ito ay higit na malakas kumpara sa Heaven's Path Fist Art at Heaven's Path Spear Art!"
Kuntento si Zhang Xuan sa lakas ng sword qi at ng saber qi.
Matapos patibayin ang kanyang pang-unawa ng mga technique na ito, nakahinga na nang maluwag si Zhang Xuan at isang bahagyang ngiti ang nakita sa kanyang mukha. "Pagkatapos kong pasimplehin ang mga technique an ito at ituro ang mga ito kina Zhao Ya at Mu Xueqing, malamang ay mananalo sila kahit na sino pa ang katapat nila!"
在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者