webnovel

Itaas Ang Tabing (7)

編輯: LiberReverieGroup

Mas lalong lumalim ang gitla ng noo ng Emperador. "Eperatris, ikaw dapat ang nakakaalam kung ano ang

nararamdaman k okay Little Fan. Sa loob ng maraming taon, lumaki si Little Fan sa iyong tabi at nakita ko

na minahal at inalagaan mo si Little Fan. Narinig mo ang mga sinabi ng manggagamot ng imperyo, kung

hindi ako magbibigay ng dug okay Little Fan ay maaaring ikatay niya ito!"

Ang mukha ng Emperatris ay puno ng luha ngunit nanatiling nakaluhod pa rin ito.

Ang katotohanan na gustong iligtas ng Emperador si Little Fan ay hindi na ikinagulat ng Emperatris

ngunit hindi niya hahayaang gawin ito ng Emperador. Kung si Lei Fan ay totoong biolohikal na anak ng

Emperador, natural na gugustuhin ng Emperatris na iligtas ng Emperador si Lei Fan, ngunit walang

nakakaalam maliban sa kaniya ang totoong biolohikal na ama ni Lei Fan!

Kapag binigyan ng dugo ng Emperador si Lei Fan at hindi nito nagamot ang lason sa sistema ni Lei Fan,

lubos na pagtatakahan ito ng Emperador. Dahil sa masustpetsang likas na katangian ng Emperador, hindi

maglalaon na malaman nito ang sikreto sa likod ng pagkakapanganak ni Lei Fan.

Kung mangyari iyon, hindi maililigtas si Lei Fan sa kamatayan gawa ng laso at maging siya ay haharap sa

tiyak na kamatayan!

Sa ilalim ng mga pagkakataong ito, kahit sa kagustuhan ng Emperatris na iligtas si Lei Fan, alam niyang

kailangan mapigilan ang Emperador. Hindi dapat makapagbigay ng dugo ang Emperador!

"Kamahalan! Ikaw ang higit na nakakakilala kay Little Fan . Simula ng sanggol pa lamang ito kilala mo si

Lei Fan, at kapag nalaman niya na nilagay mo sa peligro ang iyong buhay para lamang iligtas siya

siguradong kamumuhian niya ang sarili niya.! Kamahalan, pag-isipan mo ito ng mabuti! Narinig ko na

dati ang blood of kin at mayroon pa ng ibang paraan para matanggal ang lason. Hayaan mong

pansamantalang gamotin muna ng manggamot ng imperyo si Lei Fan habang ako ay magkukunsulta sa

mga doktor sa kapitolyo ng imperyo. Baka may ibang paraan pa para maisalba si Lei Fan!" umiiyak na

hayag ng Emperatris habang kinakabahang nakatingin sa Eperador, ang kaniyang puso ay nakabitin sa

manipis na sinulid.

Kumunot ang noon g Emperador. Marami ang kinakailangang dugo kung kaya kahit siya ay nahihirapang

magdesisyon. Dahil sa mga sinabi ng Emperatris, nagdalawang isip siya. Si Lei Fan na nahiga sa kama ay

dahan dahang nagkamalay at umanas ng iilang salita.

Mabilis na lumipat ang tingin ng Emperatris kay Lei Fan At nakita nilang dahan dahang binubuksan nito

ang mga mata. Tumayo ang Emperatris mula sa pagkakaluhod at nagmadaling tumakbo sa tabi ni Lei Fan

at umiiyak na nagsabi, "Ang kawawang aking Little Fan, bakit mayroong tao na sobrang sama at nilason

ka gamit ang blood of kin. Kailangan ng dugo ng iyong ama upang mabigyan ka ng lunas. Little Fan, ang

iyong ama ay sumang-ayon na bigyan ka ng tatlong mangkok ng kaniyamng dugo! Oh, ang kawawa kong

anak…"

Ang Emperatris ay patuloy na umiiyak at nagsabi ng kung ano an okay Lei Fan.

Dahil sa maraming dugo na nawala kay Lei Fan, hindi siya makapag-isip ng malinaw at nahihilo pa siya

ngunit malinaw na narinig niya ang katagang "Imperial Father" mula sa kaniyang ina.

Sa puntong iyon, naalala niya ang mga sinabi ng lalaking nakasuot ng itim na roba bago ito umalis.

"Tanging ang dugo ng biolohikal na ama mo ang makakasagip sa iyo."

Sa isang iglap, naintindihan niya kung ano ang ipinahihiwatig ng kaniyang ina. Dahil dito, sinubukan

niyang bumangon at mabilis siyang inalalayan ng mga manggagamot ng imperyo na makaupo, ang

kaniyang mukha ay namumutla habang nakatingin sa Emperador.

"Ama! Ama, hindi mo dapat gawin ang bagay na ito! Kung dahil lamang sa iyong anak kung bakit ka

nagpasya na ilagay sa panganib ang iyong sarili, mas lalong ikakahiya kong manatiling buhay sa mundong

ito! Nakikiusap ako sa iyo ama na pagkatiwalaan ang manggamot ng imperyo at hayaan silang maghanp

ng ibang lunas para sa akin!"

Habang nakikita niya ang kaniyang anak na nanghihina dahil sa lason at mas inuna pa nitong isipin ang

kaniyang kapakanan, mas naantig ang puso ng Emperador at ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang

anak ay higit na lumalim. Naramdaman niya na si Lei Fan ay anak nga ng kaniyang pinakamamahal na

babae na. Isa itong mabuti at mapagmahal katulad ng ina nito.

下一章